BELLA POVMarahan akong lumusong sa tubig gamit ang sementadong hagdan na nasa paanan ko lamang. At nang makababa ako sa hagdan ay nagulat pa ako na sobrang lalim na pala agad ng tubig.Napasinghap ako at mabuti na lamang ay agad na dumalo sa akin si Zackeriel. Mariing niyang hinawakan ang kamay ko kaya nakuha ko kaagad ang balansi ko.Ikinalma ko ang aking sarili bago ako tuluyang lumangoy palayo sa kanya. At nang nasa ilalim na ako ng tubig ay napangiti ako sa aking nakita.Grabe! Sobrang linaw ng tubig na kahit wala akong suot ng goggles ay nakikita ko pa rin nang maayos ang nasa ilalim. Sumisid pa ako sa ilalim at nang lingunin ko ang aking likuran ay nakita ko si Zackeriel na nakasunod lang pala sa akin.Mabilis akong umahon at halos habol ko na ang aking hininga nang nasa ibabaw na ako."Kyaaahhhhh!!" tili ko nang maramdaman ko ang kamay ni Zackeriel sa mga binti ko mula sa ilalim ng tubig.Umahon siya sa aking harapan kaya naman ay agad ko siyang tinapunan ng tubig sa kanyang
Disclaimer: This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional.BELLA POV Pagkatapos nang pagpunta ko sa kompanya ni Daddy kanina ay hindi na ako lumabas pa ng bahay. Nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko at buong araw lang na natulog. Panay pa nga ang tawag sa akin ni Dominic pero sa halip na sagutin ang mga tawag niya ay inoff ko na lang ang aking selpon. Mga alas 11 na ng gabi ng maisipan kong lumabas. Halos patay na ang lahat ng ilaw sa labas kaya parang pusa akong dahan-dahan na bumaba sa engrandeng hagdanan. At upang hindi ako makalikha ng ingay ay binitbit ko na lang din ang aking silver high heels. Deretso akong pumasok sa aking pulang ashton martini. At lumabas ng subdivision. Greet! Now this is called a night out! Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap ko sa salamin upang ti
ZACKERIEL POV Napapakurap akong nakatitig sa kanya at halos wala na akong pakialam sa selpon kong kanina pa tumutunog. Nakatuon lang ang mga mata ko sa babaeng namumungay ang mga mata habang papalapit sa akin. "Zackeriel.... haaa! I-ikaw nga," bulong niya na dinig na dinig ko naman. Hinaplos niya nang marahan ang mukha ko dahilan para mas lalo lang akong matigilan. Siya nga! Siya nga ito! Siya nga itong nasa harapan ko ngayon. Bigla siyang ngumiti ng marahan sa akin bago nawalan ng malay. Agad ko naman siyang nasalo. Fuck! Fuck! Fuck! Is this even true? Bella is alive and she is now in my arms for crying out loud! Damn! If I am dreaming right now ayoko nang magising pa sa panaginip na ito. Marahan ko siyang binuhat at mabilis na isinakay sa sasakyan. Halos walang kasing rahan ko siyang inihiga sa passenger seat, takot na bigla na lamang siyang maglaho na parang isang bula sa mga bisig ko. Matapos ko siyang mailapag ay nagmamadali akong umikot sa driver seat at pinaan
BELLA POV Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano natigil ang mga mata niya sa mismong mga paa ko. Hindi ako conscious sa sariling pangangatawan dahil malaki ang tiwala ko sa sariling maganda talaga ang pangangatawan ko. Pero ngayon, sa harapan mismo ni Zackeriel ay hindi ko mapigilang mahiya at mailang sa paraan nang paninitig niya. He is Zackeriel Bennedict Buenaventura for goodness sake! Ang lalaking minsan ko nang minahal. Umayos siya ng tayo at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong napaatras ng dalawang hakbang. Natigilan siya nang mapansin niya iyon. Bigla siyang pumikit nang mariin at hinubad ang apron na suot. "Fuck! Why are you stripping?!" sigaw ko at mabilis ang ginawang pagtalikod. What the hell is he doing?!! At bakit ako naririto? Bahay niya ba ito? Haaysss! "Sorry akala ko kasi mamaya ka pa magigising kaya hindi na ako nagsuot pa nang t-shirt habang nagluluto. It's ok I'm all covered now, you
HELLIA POV Napatitig ako sa selpon kong kanina pa tapos sa tawag. "Did he just yell the fucking hell out of me?" galit kong tanong sa sarili. Ano na naman bang problema ng Buenaventurang iyon? "What's the problem Ruis? Ayos ka lang ba?" tanong ng ka date ko ngayon. Ano nga bang pangalan ng isang ito? Anna, Andrea, Megan? Hindi ko na maalala. "Yeah, nawala na ako sa mood kaya aalis na ako," sabay tayo ko at nakapamulsang naglakad paalis ng restaurant. "Teka! Date natin to ngayon. Bakit aalis ka na agad?!" She shouted making all of the customers look at our direction. Walang gana ko siyang nilingon at ipinakita ang susi ng sasakyan ko. "Heto susi ng sasakyan ko," utal ko at ihinagis iyon sa kanya na agad naman niyang nasalo. "Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong niya habang tinitingnan iyon. Inginuso ko ang makintab kong sasakyan na nakapark sa labas. Sinundan naman niya iyon ng tingin. "Sa iyo na. Bayad ko sa pakikipagdate sa iyo," sabi ko at naglakad ulit. "Siya nga
BELLA POV Gusto kong pigilan si daddy at aminin na ako naman talaga iyong may kasalanan. Nilingon ko si Dominic na galit pa rin ang tinging nakatingin sa akin. "Don't stare at my daughter like that Dominic! Paano mo rerespetuhin ang anak ko kung hindi mo manlang iginalang ang mismong pamamahay ko. Kahit kailan ay hindi kami nagsisigawan sa isat isa sa pamamahay na ito. Ang lakas naman ng loob mong magtaas ng boses! Lalong lalo na sa anak ko." Hindi ko na napagilang bumaba at lapitan si daddy. "Dad, that's enough. Ako po ang may kasalanan sa nangyari, lumabas po ako nang hindi nagpapaalam at inumaga na nang uwi. I'm sorry, please stop na po daddy." Nilingon niya ako at nginitian na ikinatigil ko sa ginagawang pagmamakaawa. "Isipin mong kahit kailan ay hindi ka namin pinagtaasan ng boses Bella. Kahit kailan ay hindi ka namin pinakialaman sa lahat ng mga ginagawa mo." "Pero kasalanan ko naman po talaga. Lumabas ako nang hindi nagpapaalam-" "Natural lang na gawin mo iyon dahil so
BELLA POV Nakaupo ako ngayon sa aking kama at wala sa sariling nakatitig sa litrato namin ni Nanay Wilma. I missed her. I really missed her so much! Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi at wala sa sariling napatitig sa kawalan. I can't help my self from reminiscing about the past. When I was little and so naive. Ang mga panahong nabubuhay pa si Nanay Wilma. ( Ten Years Ago...) "Bella huwag mong masyadong ilabas iyang kamay mo sa bintana ng bus at baka mahagip ka ng sasakyan," rinig kong sita ni Nanay Wilma. Hindi ko siya pinansin at nanatili ang kamay ko sa labas ng bintana ng bus. Dinadama ang marahang paghaplos ng hangin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit nga ba ako kailangan itago ng pamilya ko. Muntikan na akong makidnaped ng isang grupo ng mga sindikatong may galit sa pamilya ko. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nang nangyari iyon sa akin. Suspetsya nila Mommy ay may kinalaman ito sa nangyayaring kaguluhan sa kompanya. Halos mapatalon
BELLA POV Binuksan niya ang pinto at nang makapasok kami ay pinagbubukas niya ang mga bintana at ang mga ilaw. And indeed it is so neat and all the things are all well arranged properly. Halos kumpleto din ito sa mga kagamitan may hagdan din itong maliit na alam kong patungo sa ikalawang palapag. Sinundan ko si Nanay Wilma sa kusina at nakita kong may sariwang mga bulaklak sa gitna ng lamesa. "Sino po ang naglilinis dito Nanay Wilma?" "Iyong kumare kong si Luciana malapit lang ang bahay nila dito. Hindi ko naman pinasama pa ang paglilinis sa labas at mukhang nakakahiya na kasi para sa kanila. Ang importante ay itong sa loob." "Ganon po ba," sa mahina kong boses. "Naku! paniguradong pagod ka sa byahe natin Bella. Halika at sasamahan kita sa silid mo at nang makapagpahinga ka na muna sandali," natataranta niyang utal at iginiya ako sa ikalawang palapag. Binuksan niya ang isang pintuan, marahil ay ang magiging kwarto ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid na 'yo