Matagalan na tinitigan ni Bituin si Leticia, pagkatapos ay napabuntong-hininga ito. “That would be an invasion of their privacy, Leticia. And yes. Magagawa ko iyan. Kailangan ko lang ang isang timeline para makapunta roon. Pero sigurado ka bang okay lang sa kanilang dalawa ang gagawin mo?”
“They must never know about this, Bituin. Gusto ko lang malaman if I could save both of them or not."
"Akala ko ba ayaw mong malaman ang hinaharap, Leticia?"
Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang atensyon sa baybayin. Malakas ang ihip ng hangin sa dalampasigan at malalaki ang mga alon. Gusto na muna niyang makapag-relax. Saka na lang siya pupunta sa library. Uunahin na muna niya ang dalampasigan.
Muling itinuon ni Leticia ang atensyon kay Bituin na nagsalubong
Leticia and Bituin were transported in a different place and maybe in a different timeline. Hindi siya sigurado noong una dahil parang wala namang nabago sa surroundings niya. Nandoon pa rin ang nagsisitayuang mga puno kung saan sumisilong ang mga benches.Papalubog na ang araw. Sumabog ang kulay orange na liwanag sa buong lugar.Nasa subdivision silang dalawa nina Andro. Alam na alam ni Leticia ito dahil minsan na rin naman siyang nakapasyal sa bahay nito. Wala naman siyang nakitang pagbabago maliban na lang sa lalaking nakatingin sa malayo. Walang emosyon ang mga mata. Na animo wala ng buhay.Kung hindi lang nakikita ni Leticia ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito, malamang matagal na niyang nasabi sa sarili na baka patay na ang lalaki.
Walang natanggap na sagot si Leticia mula kay Andro. Patuloy ito sa pagtingin sa kawalan. "Hooy. Sagutin mo ako," desperadang wika niya habang niyugyog ito. Marahas. "Bakit ka nagkaganyan? Dahil ba ito sa nagawa ko? Tell me, Andro!" Tumikhim si Bituin sa tabi niya. Nag-aalangan ang mga mata nito. May gustong ipahiwatig sa kanya ngunit hindi magawang magsalita. "Nakakainis ka naman, eh," mangiyak-ngiyak na himutok niya. "Ito ba ang resulta kapag hindi kita natulungan? How about Milo? Nasaan siya? Alam mo ba ang bahay niya?" Tumikhim ulit si Bituin na animo may sore throat ito. "Leticia. Mukhang hindi kayang sumagot ni Andro sa ngayon. Maybe it is better kung hayaan na muna natin siya
Leticia waited from Andro’s reply, subalit wala silang narinig. Hanggang sa pagkurap lang ang kayang nagawa ng lalaki. Wala ng iba pa.Nanlumo siya. Pinaasa lang pala siya. Akala niya…“Maam Leticia. Baka hanggang ganyan na lang talaga si Sir Andro. Kawawa naman. Ang bait pa namang bata,” saad ng kasambahay. “Wala tayong magagawa kundi ang maghintay sa paggaling niya. Kung gagaling pa talaga siya.”“Gagaling siya,” giit niya. “Hindi pwedeng hindi siya gumaling, Ate. Hahanap ako ng paraan.”“Paano naman iyan, Maam Leticia? Kahit na nga ang mga doktor ay walang magawa sa kalagayan niya. Hindi ba iyan pag-aaksaya ng oras.”Napasinghap siya sa sinabi nito. &
"Ganyan ba kalala ang nalaman mo, Leticia, at hindi mo kayang ipagtapat sa amin ang nakita ninyong dalawa?" tanong ni Andro sa kanya.Way worse than the two of you are thinking, gusto na sana niyang sabihin subalit pinigilan niya ang sarili. The two would be devastated kapag nalaman ng mga ito na mamamatay si Milo while Andro will never have a proper conversation katulad ng ginagawa nila ngayon.Tumango siya bilang tugon.Tumingala si Leticia sa kalangitan.Pansamantalang nagkubli ang araw sa ilalim ng mga ulap. Marami-rami rin ang mga ulap na nakahilera na animo may pupuntahang isang lugar. Hindi na gaanong mainit. At sana magpatuloy ang ganitong kondisyon. Sobrang sakit sa balat lalo na kung walang
Nakauwi na ng bahay si Leticia pagkatapos ng klase niya. It was already nightime nang makauwi siya sa bahay nila. Hindi na siya pumunta kung saan-saan. Humihiyaw ng pahinga ang buong katawan niya sa sobrang pagod sa kakahintay kung kailan uusad ang traffic. Rush hour na naman. Tuwing sumasapit talaga ang gabi, naghahabulan ang lahat kung kailan makakauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Pahirapan na rin ang pagsakay ng mga pampublikong mga sasakyan. Mabuti nga lang at tiyempong dumaan sa tabi niya sa paradahan ang isang walang gaanong tao na dyip at mabilis siyang nakasakay.Nang tuluyang makapasok sa bahay, ni-lock ni Leticia ang entrance door. Walang problema sa mga magulang niya dahil may kanya-kanya naman silang mga susi na dala.Kahit na pagod ang katawan at isipan, nagawa pa ring maisingit ng utak niya ang nangyari kaninang hapon. H
Ang isa pang problema na napagtanto ni Leticia ay wala siyang pera pamasahe. May dalawa siyang options ngayon. It’s either pupuntahan niya ang bahay ni Andro at uutang. Or hintayin na mag-umaga. Hindi niya pwedeng piliin ang pangalawa dahil baka mamatay siya sa sobrang ginaw.Leticia was left with one option—ang mangutang kay Andro. Aaminin niyang nahihiya siya sa gagawin niyang ito. Hindi siya iyong tipo ng taong nangungutang na lang kung saan-saan. Kung kani-kanino.Pero wala na siyang choice, hindi ba?Ah. Bahala na. Pupuntahan na lang niya si Andro nito. Kahit na siya pa itong may ganang magsabing i-ba-block niya ito sa lahat ng social media accounts at pati na rin ang number nito.Naglakbay si Leticia papunta sa bahay ng l
“Oh, bakit para kang namatayan diyan?” tanong ni Milo kay Leticia nang makitang nalaglag ang balikat niya. “Bakit? Hindi ba makapaghintay iyang pakay mo sa kanya? Baka bukas pa sila makabalik or sa Monday pa. Nag-inform naman si Andro na baka a-absent na muna ng ilang days. Pumunta sila roon para makapag-relax naman ang utak nito mula sa stress.”Ganoon ba? Kaya ba pumunta ang dalawa sa rooftop kanina ay para pag-usapan ang tungkol sa pag-absent nito?Ma-mi-miss niya ang lalaking iyon. Nang sobra-sobra. Sana nga lang ay pwede pang kumustahin ito at i-verify kung totoo ba ang sinasabi ng Milo na ito. Anong alam niya? Baka nagsisinungaling lang din ito dahil ayaw nito sa kanya.“Yes. This is important. However, kung bakasyon ang ipinunta nila roon at the same time para
Malaman man ni Milo na may crush si Leticia o wala kay Andro, kailangan pa rin naman nito ng confirmation upang masabing totoo nga ang sapantaha nito.However, she will never tell the truth. Pagsasabihan lang siya nito ng kung ano-anong mga salita upang ma-discourage siya."Ang likot ng imahinasyon mo," ani niya. “Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano riyan.”"Kids, tama na iyan. Pumasok na tayo sa loob. Nagugutom na ako.”“Mag-uusap muna kami ni Leticia, Mommy.”Sumeryoso ang mukha ng ginang. “No monkey business inside the car, Milo,” saad ng ginang, and she stepped out of the car, leaving the two of them alone. Akala niya tuluyan na itong umalis ngunit may kumatok sa b
After six months…Humahangos na tumatakbo si Bituin sa direksyon na hindi niya mawari. She was just done jumping back when suddenly dangerous men sprang out of nowhere. Kagagaling niya lang sa paghatid sa isang kliyente niya pabalik sa kasalukuyan. The client wanted to know if she will be successful in the future or gain more clients. Satisfied naman ito sa serbisyong binigay niya.Now…where was she? Right. Strange men with the intention to kill and scare her was hot on her heels. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang naaalalang may nakagalitan siya.No. Mukhang may nakagalitan siya. Si Leticia. Basta na lang siyang umalis sa campus na pinapasukan. Mas nag-focus siya sa negosyo niya. Nawalan ng gana sa pag-aaral. Nasilaw sa salapi. She could be successful even without finishing her degrees. Iyon ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung tuluyang hindi na magtatapos sa pag-aaral. Her parents and siblings did not care anyway. Bakit siya magpapagod kung wala namang nakaka-apprecia
Walang imikan na naganap sa pagitan nina Leticia at Andro sa loob ng kotse ng lalaki. Mabuti na lang at hindi nagmatka ang ginawa sa kanya ni Samuel. Or else, baka mag-worry na naman si Andro sa kanya at tatanungin ng hindi matapos-tapos na katanungan. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Leticia kung saan siya dadalhin ng lalaki. She was not even familiar with the route they were following.Kahit saan siya dalhin ng lalaki, she still trusted him.Masaya siya dahil sa nakikita niyang improvement sa katawan nito. Bumalik na ang dati nitong maumbok na pisngi at mga matang puno ng kulay. He looked so happy. At ito ang klase ng kaligayahan na gusto niyang makita sa lalaki which she robbed off him. Manaka-naka niya itong sinusulyapan nang palihim. Nahihiya siyang mahuli nito dahil baka kung ano ang isipin nito.“You must be curious kung saan tayo pupunta,” basag nito sa mahabang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. “Huwag kang mag-alala, Leticia. I will not kidnap you. Bes
Nagpupumiglas si Leticia. A two-handed front choke. Isang delikadong atake lalo na kung mas malakas at malaki sa kanya ang umaatake. Samuel really wanted to kill her? Bakit? She did not understand anything! Akala niya ba magkakampi silang dalawa? Wala naman siyang atraso sa lalaking ito kundi si Zephanie lang!Mas lalong bumaba ang daloy ng oxygen kay Leticia. She started to panic. She had to do something or else Samuel would really kill her!Then, Leticia extended her arms and went for Samuel’s jugular notch. She locked her elbow and extended her arm forcefully forward. Not yet enough, she curled her fingers down behind the top of his sternum. Samuel was in intense pain.Nabitiwan siya ng lalaki.Napaubo si Leticia ay pilit na hinahabol ang hininga niya. She glared at the man. “Asshole! What was that for?!” galit na tanong niya. Napaatras ito habang sapo ang lalamunan. “P-papatayin na lang kita, Esmeralda,” anito kahit hindi gaanong lumabas ang boses. “Hindi ako si Esmeralda.
Kumaripas nang takbo si Samuel.Anong problema ng lalaking iyon? Napamura si Leticia. Were they playing hide and seek right now? Bakit ito tumatakbo mula sa kanya? What’s his purpose for coming here if he will only run away? She remembered his gaze. It was full of anger. Was it directed to her? Bakit? Ano bang ginagawa niya?Wait. Alam na kaya nito ang lahat ng nangyari? Simula sa nangyari sa papa nito? Kung bakit kinulong ito ni Zephanie sa isang dimensyon? Galit ba ito sa kanila ni Zephanie at ngayon ay gustong maghigante? There was only one way to find out. She had to go after him. Nararamdaman niya ang tingin ng ibang mga estudyante sa campus sa ginagawa niyang pagsunod sa lalaki. Maybe they were thinking she was a fool for running into someone who looked like he did not want to be caught. Lakad-takbo ang ginawa ni Leticia upang sundan ang lalaki. Manaka-naka itong lumilingon sa kanya na animo sinusuri nito kung nakabuntot ba siya rito o hindi. He wanted her to pursue him?
Three months later…Leticia’s life was peaceful now. At least that’s what she was thinking. There were no unexpected travels into the past. Isang sipa na lang at magtatapos na ang isang semester. Ngayon, tinatapos na nila ang mga final exams at iba pang final projects na pinapagawa sa kanila ng mga professors nila. Pa-chill-chill na siya ngayon pagkatapos maghabol noon ng mga projects at activities na na-missed niya dahil sa pag-una niya sa pag-time travel. Nakakapanibago ang serenity na nararamdaman niya ngayon. Kakaiba sa mga stressful days niya noon. One week pagkatapos niyang magising tatlong buwan ang nakakaraan ay bumalik na rin siya sa pag-aaral. Wala ring paltos kung dumalaw siya kay Andro. Mabuti na lang at hindi nakukulitan sa kanya ang mommy ni Andro. At mukha namang hindi ito naiinis sa kanya. She believed tanggap na siya nito kahit wala naman silang relasyon ni Andro. That was a small progress at masaya na siya roon. It was also odd when Milo was slowly loweri
Madilim ang paligid ng pinasukan ni Leticia gaya ng dati. Ano kaya ang importansya ng lugar na ito sa buhay ni Alpha Naji? Bakit pabalik-balik ito sa lugar na ito? At bakit din ito sugatan? Anong nangyari? Too many questions at hindi niya magawang sagutin ang lahat ng mga ito ngayon. Hindi bale. Magkakaroon din naman ng mga kasagutan ang lahat ng ito. Kailangan lang niyang maging patient sa bawat hakbang na gagawin niya ngayon. It took a while bago nakapag-adjust ang mga mata niya sa kadiliman. The place was dusty as before. It smells. Nagkalat din ang mga bote ng mga alak sa tabi ng dinaraanan niya. Did Alpha Naji drink all of these? Daig pa nito ang naging brokenhearted. Maybe it was because of his son. Hindi pa rin nito nahahanap kung saan ang anak nito kaya sa alak nito ibinibigay ang atensyon. Hindi man ito naging mabuti sa kanilang dalawa ni Zephanie, subalit mabuti itong ama kay Samuel. Kung sana naging mabuti na lang ito at hindi na binahiran ng kasamaan ang pagkatao.
Leticia was having her freaking exam! Nakalimutan niya ang bagay na iyon. There she thought bakante siya sa araw na iyon at pwede ng makapag-focus sa araw na ito sa paghahanda sa pagdating ni Alpha Naji. Iyon pala, ang isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay niya ay ngayon pala mangyayari.Shoot.Hindi na niya alam ang gagawin niya. Wala na ring saysay ang pag-scan niya sa notes na binigay ni Bituin. She was running out of time for goodness sake! Kailangan na niyang habulin ang oras kung ayaw niyang ma-close ang door sa pagmumukha niya.“Someone help me now,” usal niya. Kaya nagkukumahog siyang asikasuhin ang mga gamit niya. What was worse was she did not even review! Sigurado na siya kung ano ang magiging resulta ng pagsusulit. She will fail the exam. Capital F-A-I-L. Fail. Failed. Baka multiple choice ang exam. Pwede pa siguro niyang piliin kung ano-ano ang feeling niya sa kung ano ang sagot. Napatingin siya sa salamin ng kwarto niya.Natutulog pa rin kama niya si Zephanie.
“It’s impossible to change the past, Leticia. Alpha Naji is the living proof of that. It will drive you mad kung mag-i-insist ka na baguhin kung ano ang nangyari. Let the past rest. Gawin mo lang lesson ang nangyari na. Don’t change anything or fate will bite you back. Rawr,” natatawang wika nito.Hindi niya tuloy malaman kung nagsisinungaling ito o hindi. “I can change the future, right?”“Change it all you want. Hindi pa naman iyan nangyayari. Huwag lang ang past. I am serious. Listen to a powerful witch like me. I’ve been there and that and karma has been nothing but a bitch ever since.”Tumalon ang tingin niya kay Andro. Ito iyong nakita niya sa future. Unti-unti na ring nagkakatotoo ang lahat ng kinatatakutan niya. Kung hindi ba siya sumama sa outing nila sa Tagaytay, hindi darating sa ganito ang lahat? Nag-focus sana siya sa paghahanap kay Alpha Naji. “Tomorrow is the day, then.”“Tama ka. Kaya maghanda ka. We will kill someone. The alpha of a pack of werewolves.”"I'm really s
"Is this your house?" tanong ni Zephanie kay Leticia. For the first time, Leticia successfully traveled to the place where she intended to go and this time, her house. Masaya siya sa kaunting improvement na ito sa kabila ng pagkamuhi niya sa sariling kakayahan.Did it mean she was getting better?Dapat ba siyang matuwa or hindi?They were in her room. Hindi niya narinig na umuwi na ang parents niya mula sa trabaho ng mga ito. "Oo naman. Hindi kita dadalhin sa hindi ko bahay," sagot niya sa babae. "Feel free at home. Tell me what you want to have. Ibibigay ko."Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi nito. "Anything? Do you really mean it, my sweet little darling?"Hindi niya gusto ang ngiti sa mga labi nito. She should be careful dahil baka kung ano-ano ang maisip nito na ikapapahamak niya. "Anything within my reach. Iyong kaya ko lang. Hindi iyong hindi ko kaya."Iginala nito ang tingin sa buong kwarto niya. There was nothing noteworthy sa kwarto niya maliban sa mga Filipino boybands