Raven's POVHINDI ko alam kung hanggang kailan ako natapos sa aking pag-iyak. Ibinuhos ko ang aking sama ng loob hanggang sa nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.Inilabas ko na rin ang ikinasama ng loob ko at pati sina Haze at Bree ay nakisimpatya. Wala din silang magawa at sinabi na lang na magiging okay din ang lahat.Wala naman akong ibang magagawa kundi yun na lang talaga. Masakit pero kakayanin ko. Simula ngayon ay iiwasan ko na si Vander habang hindi pa ako nawawasak ng tuluyan.Nabalitaan ko na nakauwi na daw si Vander pero hindi ako nagtangka na kausapin o hanapin ito. Mas mabuti na hindi niya ako makita. Napagdesisyon din namin nila Bree na tulungan ako na iwasan si Vander. Ang gagawin ko lang ay iwasan ko na makita niya ako at sina Haze na ang bahala.Pakiramdam ko ay para akong isang kriminal sa loob ng fortress dahil para akong praning na tumitingin sa paligid bago ako maglakad palabas o papunta sa kung saan.Pagkatapos din ng klase ay umuuwi ako kaagad at hindi na rin ako
Raven's POVPAGOD na pagod ako ngayon araw dahil talagang seryoso si sir Blast sa klase namin. Halos nalamog na ang katawan ko dahil sa mga natatangap kong sipa galing sa kalaban ko kanina.Buti na lang talaga at hindi kasali ang mukha sa pakikipaglaban dahil sigurado ako na may black eye ako ngayon kung nagkataon.Wala sa sariling akong naglakad at nakatungo dahil nananakit din ang kalamnan ko. Gustong gusto ko ng magpahinga dahil pagod ako at hindi biro ang sakit ng aking katawan.Pero nagulat na lang ako ng biglang may bumangga sakin at may bumagsak naman sa harapan ko.Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng may nakita akong nakasalampak sa pathway at halatang nasaktan ito dahil bumagsak itong nauuna ang puwet."Ouch..." naidaing nito at sinubukan nitong tumayo pero hindi kinaya.Kinakabahan na agad akong dumalo para tulungan itong tumayo."Patawad...hindi ko sinasadya." Naisaad ko pero parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig ng mapagsino ko ang nabangga ko.Nakita ko sa
Raven's POVNAKATITIG lang ako sa kanya at hindi ko na napansin ang aking kapaligiran. Parang nalulunod ako sa kanyang mga mata na parang tumatagos sa aking kaluluwa. Tila hinihila ako patungo sa kanya. Para siyang ilog na malakas ang agos at tinatangay ako patungo sa kanya.Pero nagising naman ako sa tila panaginip na iyon ng makita ko ang katabi nito na kumakaway sa akin.Blaire?Hindi ko kaagad ito napansin dahil si Vander ang una kong nakita at parang hinigop nito ang lahat ng atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Vander. Sobrang lakas ng atraksyon ko sa kanya."Raven!" Tili nito at biglang hinila nito si Vander at nagtatalon ito palapit sa akin na tila isang bata na natagpuan ang kalaro.Bakas sa mukha ni Vander ang pagtataka. Palagay ko ay nagtataka ito kung bakit magkakilala kami ni Blaire, ang babaeng nakatadhana sa kanya."Hello Blaire.." bati ko naman rito ng makalapit na ito. Ngumiti ako sa kanya pero hindi ko na tinapunan ng tingin si Vander.
Raven's POVNAPALINGON kaagad ako at nakita ko si Blaire na nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Vander. Halata ang pagtatanong sa mata niya. Pansin ko rin na tila namumula ang mata nito o baka pinaglalaruan lang din ako ng mga mata ko.Bumuka naman ang bibig ni Vander pero bago pa ito nakapagsalita ay nagsalita na agad ako dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito."Pinapaalala lang ni Vander na may training ako, kasi nakalimutan ko." Mabilis na sagot ko kay Blaire at pinagdarasal ko na sana ay wag ng magsalita si Vander. Alam ko na mali ang magsinungaling pero alam ko na tama itong ginagawa ko. Pakiramdam ko ay parang nagtataksil kami.Lumiwanag naman ang mukha ni Blaire. "Ah, tinuturuan ka niya?" Tanong ni Blaire na nagpalipat lipat ulit ang tingin niya sa amin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil sadyang masaya ang kanyang mukha. Hindi katulad kanina na madali lang basahin."N—""—Yes!" Putol ko naman kay Vander at kita ko na napakunot noo na talag
Raven's POVHINDI ko ikinuwento kina Bree at Haze ang mga nangyare sa amin ni Vander sa labas ng Koi Lake. Nawala na rin yun sa kanilang isipan dahil sa mga pinag-usapan nito na tila yun ang pinaka-interesanteng bagay. Ang pag-usapan ang pag-iyak ni Blaire.Sabi ni Bree nakakatawa daw dahil pagkatapos nitong umiyak ay umakto itong tila walang nangayare at sumunod kay Vander.Kaya ba medyo namumula ang mga mata nito? Kung alam niya na pala kung sino ako, bakit nagpanggap pa siya na hindi niya ako kilala? Wala akong maisip na dahilan para gawin niya iyon.Pero nagpanggap ka rin di ba? Kilala mo siya pero umakto ka din na hindi mo siya kilala. Parang dinagukan naman ako ng aking isipan. Pero ginawa ko lang naman yun dahil baka matakot siya sa akin na kilala ko siya kahit hindi niya ako kilala. Ganoon din ba kaya ang nararamdaman niya kaya nagpanggap siya? Yung isipin na iyon ay nakatulugan ko na lang. Maaga akong nagising kaya naligo na ako dahil klase pa namin. Patuloy pa rin ang aking
Raven's POVPILIT kong binabalewala ang presensya ni Vander kahit alam ko na nasa bleachers lang siya at nanonood. Pigil na pigil ko ang aking sarili hindi mapagawi ang tingin ko sa dereksyon nito dahil alam ko na mas lalong maiilang lamang ako. Ngayon ko lang naramdaman na nakakailang pala pagtinitingnan ka ng taong gusto mo habang nasa klase ka. Hindi ko maipaliwanag ang hiyang nararamdaman ko.Pinilit ko itong paalisin kanina pero parang kumakausap lamang ako sa isang bato dahil hindi ito nakikinig. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pabayaan na lang ito sa kanyang gusto.Lahat naman ng eons na nandoon ay laging nakatingin kay Vander at halos lahat na ng mga kaklase ko ay nasermunan na ng mga teachers dahil sa pagkakawala ng konsentrasyon nila."Anong nangyari at biglang nagkaayos kayong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Haze sa akin habang nakatayo kami. May ipinapaliwanag sa amin si sir Blast pero hindi naman kami nakikita dahil nasa may bandang likuran kami.Bumuntong hininga nama
Raven's POVNAPAHAWAK ako ng mahigpit sa door knob dahil sa taong nakatayo sa aking harapan na hindi ko inaasahan. Pero marami din bagay na tumatakbo sa aking isipan kung bakit nandito siya."Hi!" Masayang bati ni Blaire sa akin. Ngiting-ngiti ito na tila isa akong kaibigan na binibisita niya."H-hello... Blaire." Biglang nailang ako dahil na rin sa mga naiisip ko tungkol dito. Hindi mawala sa isipan ko kung bakit nagpanggap siya na walang alam."Finally nabisita din kita. I was dying to see you dahil wala akong ibang kakilala bukod kina Lovey at Josh. Pwede ba akong pumasok?" Turan nito sa akin na sobrang lapad ng ngiti."Ah, sige pasok ka. Pasensya na kumakain kasi kami nina Haze ng tanghalian." Sagot ko rito at niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito.Pumasok naman kaagad ito at agad na gumala ang tingin nito sa kabuoan ng sala namin. Nakita ko naman sina Haze at Bree ngayon na gulat na nakatingin kay Blaire. Alam ko na hindi rin nila ito inasahan dahil kahit ak
Raven's POVBUMADHA ang gulat sa mukha nilang dalawa dahil sa sinabi ko. Alam ko na ito ang magiging reaksyon nilang dalawa dahil kahit sino ay magugulat kung malalaman na lalabas kami."You're kidding right? It's impossible Raven!" Hindi natutuwang saad ni Haze sa akin ng makahuma ito mula sa pagkakagulat."Oo nga naman bebe girl. Hindi maaari yang sinasabi mo. Delikado sa labas." Sang-ayon naman ni Bree kay Haze. Halata sa mukha nito ang pagtutol.Naiintindihan ko naman ang mga sinasabi nila at alam ko na tama din sila. Pero malaki din naman ang tiwala ko kay Vander. Alam ko na hindi niya ako basta-bastang pababayaan lang.Kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa bago nagsalita. "Naiintindihan ko. Si Vander naman ang kasama ko at alam ko na hindi niya kami pababayaan."Nalukot ang mukha ni Haze dahil sa isinagot ko. "Alam ko na kasama mo si Vander, pero Raven ayokong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. Going outside is like you're asking to be killed!""Hindi naman sa ayaw namin na suma
NATAPOS ang klase buong araw at alam na rin ng mga subject teacher ko ang sitwasyon ko. Natuwa naman sila ngunit may iba na hindi naniniwala. They are saying that I am just exaggerating. Wala naman akong magagawa kung ganoon ang iisipin nila. But they will know once the monthly exam arrives.Sumakay na ako ng bus papuntang Flynn Street. Nandoon ang tindahan ng mga tradisyonal na gamot na binibili ko para kay Mama. It's a bit far from the busy city but still this is part of the City.Isang oras din ang maging biyahe kasama na doon ang traffic. Bumaba naman ako sa bus stop at naglakad na ako. Mga tatlumong minutong lakaran ang gagawin ko dahil malayo ito mula sa highway.Mas malago din anh puno ng sa Flynn Street at may mga iilan na naglalakad din dahil pauwi na galing trabaho. Binilisan ko na lang ang paglalakad para marating ko kaagad ang tindahan.Lumipas ang tatlumpong minuto ay narating ko na ang tindahan. May iilan na bumibili doon pero paalis na sila. Pumasok naman ako at agad ko
MEDYO matagal ang naging biyahe kaysa kaninang umaga dahil medyo mataas na din ang trapiko sa Divine City. Maraming mga sasakyan ngunit hinabaan ko naman ang aking pasensya.Papalapit na ang gabi at hindi ko alam kung nakauwi na ba si Mama lalo na at sabado ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa babaan.Agad na bumaba ako at patakbo kong tinalunton ang kalye patungo sa bahay namin. Ngunit napakunot na naman ang noo ko dahil may nakaparke na naman na sasakyan na alam ko ay sa mga de Luca. Ngunit naalarma ako dahil may naririnig akong sigawan partikular na ang boses ni Mama na tila naaagrabyado.Mabilis akong tumakbo at inignora ang mga bodyguards at mabilis naman silang kumilos at biglang pinigilan ako."Miss, hindi ka pwedeng makialam dito." Pigil sa akin ng isa sa mga bodyguard.I grimaced with displeasure. How dare they to stop me when I am in my own home?"Wala kang karapatan na pigilan ako sa sarili namin pamamahay." Matalim na saad ko sa bodyguard at tila nakilala n
NAKALABAS na ako ng ospital at naging normal na ulit ang takbo ng buhay ko. Wala akong nararamdaman kakaiba at ang pangyayaring iyon ay tila isang panaginip na pinili ko na lang na kinalimutan.Pansamantalang lumiban din ako sa klase ko sa martial arts dahil kalalabas ko lang sa ospital at hindi pumayag si Mama. I've been learning martial arts since young. Wala naman akong binabayaran dito dahil kaibigan ni Mama yung may ari ng dojo kaya libre akong nakapag-aral.It was decided to learn with martial since young since I am a member of de Luca. Even though we are not acknowledge before, I must learn the proper way of the de Luca's. Na-enjoy ko na rin ang pag-aaral ng martial arts. I am a seventh dan black belter holder. I gain this title with competition and ranking.The highest rank in martial arts is the tenth dan black belter. But this can only be worn by the dojo master. Hindi din ako aktibo sa lahat ng kompetisyon kaya hindi ako sigurado kung ano na ang ranggo ko kung susubukan ko
"You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not."- Jodi Picoult⭐️ECLIPSE SIX⭐️Start of the BattleSelene's POV"Nako anak wala ka na bang nakalimutan? Baka may naiwan ka pa. Dala mo na ba ang baon mo? Ang requirements mo?" Di mapakaling tanong ni nanay sa akin. Hindi ito magkanda-ugaga sa pag-aayos ng gamit ko na dadalhin ko sa office ni Halex."Opo nay, nadala ko na po lahat. Wala na ho akong nakalimutan." Sagot ko naman rito at tsaka binitbit ko na ang shoulder bag ko.Nakasuot lang ako ngayon ng isang pink na collared shirt at isang puting maong na pantalon. Nakasuot lang din ako ng rubber shoes at inilugay ko na ang buhok ko."Ang sexy mo pinsan! Nasaan ang justice!?" Parang baliw na sigaw naman ni Jopay na ngayon ay nakasuot ito ng puting tshirt at maong na pantalon.Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sexy sa suot ko? Oo fitted sa akin ang collared shirt ko at skinny jeans din ang suot ko na kulay puti. Labas na labas
"Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s
"Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang
"You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will
"Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam
"It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko