GABI na nakauwi ng bahay si Cassandra at hinatid siya ni Tobi. Umuwi na ang papa niya pero tiniyak muna na okay siya. Sumugod din si Sasha sa bahay niya at hindi pa alam ang dahilan bakit siya hinimatay. “Salamat, Doc. Mabuti to the rescue ka palagi sa beshy ko,” sabi ni Sasha kay Tobi. “I need to monitor Cassandra’s health, so I kept on asking an update from her. Lalo na ngayon na dalawang buhay na ang aalagaan ko,” ani Tobi. “Ho? Paanong dalawang buhay?” Napamulagat si Sasha. Tahimik lang na nakaupo sa sofa si Cassandra at hinayaang si Tobi ang magpaliwanag kay Sasha. Pagod na pagod na siya at gusto nang mahiga. “Cassandra was pregnant,” walang gatol na bunyag ni Tobi. “What? Seriously?” Windang na windang si Sasha, lumapit pa kay Cassandra. Kinalabit siya nito sa kanang braso. “Uy, beshy, totoo ba? Buntis ka?” kumpirma nito. Tumango lamang siya. “Baka may kilala kang puwedeng makasama rito ni Cassandra, Sasha. Hindi puwedeng mag-isa lang siya rito,” sabad naman ni Tobi. “A
NAPARAMI na naman ang kain ni Cassandra ng prutas na matatamis kaya siya nahilo. Nasermonan siya ni Tobi pagdating nito ng cafe at naabutan siyang kumakain pa ng hinog na mangga. “Hindi ko mapigilan, naglalaway ako,” sabi niya. “Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabing sa bahay ka muna para hindi ka matukso sa mga pagkain dito sa cafe. Gusto mo talagang tumira sa ospital, ano?” palatak ni Tobi. “Sorry na. Pero para akong malalagutan ng hininga kung hindi makakain ang gusto ko.” “Okay. Ganito na lang, mag-stay ka sa bahay at mag-stock ng pagkaing gusto mo, pero babantayan ka ng nurse mo. Once napasobra ka ng kain, dadalhin ka ng nurse sa ospital.” Kinabahan naman siya at napilitang sundin si Tobi. Ayaw niyang mag-stay sa ospital at makita ang masungit niyang OB. Simula nang maglihi siya, nagiging sensitibo rin siya. May makita lang siyang nagagalit, sumasama ang loob niya. Mabilis din siyang mainip, mairita. Pakiramdam tuloy niya ay sumanib sa kaniya ang ugali ni Stefan. Lalo lamang siya
NAGIMBAL si Cassandra nang sabihin ni Tobi na nakausap nito si Stefan. Nabunyag na rin nito ang totoo kay Stefan na buntis siya. Nainis siya sa ideya na nagduda pa si Stefan. Lalo tuloy siyang naudyok na ipagkait dito ang karapatan nito sa bata. “But he’s obviously jealous of me. Iniisip niya na may relasyon tayo, kaya siya nagduda,” bawi ni Tobi. Katatapos lang ng check-up niya sa OB at lulan na sila ng kotse nito pauwi sa kaniyang bahay. Mataman siyang tumitig kay Tobi na seryoso sa pagmamaneho. Siya ang nahihiya rito dahil sa inasal ni Stefan. “Wala namang dahilan para magselos siya. Baka hindi lang matanggap ng ego niya na kaya ko siyang balewalain,” aniya. “That’s not the reason, Cass. Stefan has a point and also has reason to feel jealous. Natanto ko na sobra naman talaga ang care ko sa ‘yo. Hindi ko naman ikinakaila ‘yon. At hindi ka lang basta pasyente sa akin.” Walang kurap na muli siyang tumitig dito, hindi makuha-kuha ang nais nitong ipahiwatig. Kalaunan ay naisip niya
KINABUKASAN ng Biyernes ay muling binisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Hindi pa ito pinapauwi ng doktor dahil hindi pa stable ang puso nito. Dinalhan niya ito ng ginawa niyang fruit salad na walang artificial sweetener, wala ring cream. Hindi pa nasasabi ni Stefan sa ginang ang tungkol sa pagbubuntis niya kaya hindi ito aware. Ayaw rin muna niyang sabihin. Maaring hindi pa nag-sink in sa kukoti ni Stefan ang lahat, o baka natatakot itong sabihin sa ginang. Alam nito na pipilitin ito ng ginang na panagutan siya, at mauudlot na naman ang pagsasama nito at ni Janica. “Paningin ko nagkakalaman ka na, hija. Ano ang mga kinakain mo?” tanong ng ginang. Ayaw nitong bitawan ang kanang kamay niya at gustong pinipisil. “Uh…. mga prutas at gulay lang naman po. Siguro hiyang ko rin ang bago kong vitamins na reseta ng OB ko,” aniya. Kulang na lang ay hihiga siya sa tabi ng ginang. Doon siya nito pinaupo sa tabi nito at mayamayang niyayapos sa baywang. Sobrang na-miss siya nito, gan
TUMAYO si Stefan matapos maubos ang tubig sa kaniyang baso. Panay ang buntonghininga niya habang palapit sa salaming dingding. Buhat doon ay natatanaw ang indoor garden ng hotel ni Donie. He’s waiting for Janica’s compliment regarding his last words. Tumayo na rin ito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba okay na? Tapos na ang deal mo kay Cassandra. Ano pa ang gusto mo, Stefan? Hindi mo pa ba matanggap na hindi ako nagtaksil sa ‘yo? Hindi mo pa ba ako kayang patawarin?” walang prenong palatak nito. Pumihit siya paharap dito. “I have forgiven you, Janica. Kahit may duda pa ako sa pinakita mong video, pinalagpas ko na dahil nakita ko naman ang agresibo mong hakbang para makuha ang loob ko. Pero….” He was truck in his guilt, na alam niyang masasakyan si Janica. “Pero ano? Ano pa ang kulang?” mangiyak-ngiyak nitong tanong. Nagbabadya nang lumaya ang luha mula sa mga mata nito. He took a deep breath. “It won’t work anymore. We’re not the same before, and our romant
SUMILIP din sa bintana sa may sala si Cassandra dahil sa busina ng sasakyan. Nang bumalik si Lena ay iiling-iling ito. “Wala naman pong ibang kotse sa labas. Baka sa kapitbahay lang po ‘yon,” ani Lena. “Hayaan mo na. Kain na tayo,” aniya. “Mauna na ho kayo. May gagawin lang ako sa kusina.” Nilagpasan lang sila ni Lena. Niyaya na niya si Tobi na samahan siya sa hapunan. Sumunod naman ito sa kaniya. Hindi pa rin siya maka-get over sa biglang pagbisita nito at may dala pang bulaklak. Iyon ang unang beses na binigyan siya nito ng bulaklak. Dati ay puro prutas lang ang dala nito. Wala man itong sinabing kahulugan ng bulaklak, may ideya na siya kung para sa ‘yon since umamin na ito na gusto siya nito. Wala naman itong ibang sinabi kundi kinumusta ang kalusugan niya. Natuwa ito nang makitang nilagang gabi at kamote ang kinakain niya. Mas marami rin siyang nakaing gulay na berde. “Iba naman ngayon ang trip mong kainin, ah,” sabi nito. “Ah, oo, nagustuhan ko kasi ang nilagang gabi. Mab
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didn’t expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. She’s desperate, and he can’t ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. “Yes, bro?” kaagad naman nitong sagot. “Alam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?” may gigil niyang tanong sa kaibigan. “Uh…. she’s here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.” Kumulo na ang dugo niya. “I’ll go there,” sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. “Eh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,” sabi nito. “Sorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema ‘yon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
“OKAY na ba kayo ni Stefan?” tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. “Uh…. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,” pagkuwan ay tugon niya. “So, is he really cheated?” usisa nito. Bumuntonghininga siya. “No. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan ‘yong babae.” “You mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.” Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. “Uhm…. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. “Wala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,” sabi ni Donie. “What about her parents? May update ka ba?” usisa niya. “Yes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.” Tinapik niya sa balikat si Donie. “Thanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.” “No worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. “Ang arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. “Hi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,” ani Rica. “Okay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.” Tuluyan siyang pumasok. “Bumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.” “Mabuti naman.” Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. “Gusto mo nito, ano, buntis?” ani Lena. “Bawal naman,” aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.“Patay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo ko’ng sumasayad ang buhok sa lupa,” usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.“Doc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,” sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. “Lola! Ang aga n’yo, ah,” nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. “Oo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,” anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. “Ako rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.” “Mabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.” “Nako, masasarap po ang luto ng staff namin.” “Oo nga.” Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. “Eh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,” sabi nito. “Sorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didn’t expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. She’s desperate, and he can’t ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. “Yes, bro?” kaagad naman nitong sagot. “Alam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?” may gigil niyang tanong sa kaibigan. “Uh…. she’s here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.” Kumulo na ang dugo niya. “I’ll go there,” sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J