"WHAT do you need?" Malamig at walang kabuhay-buhay ang boses ni Cameron nang biglang lumitaw sa harapan niya si Stefano. Kasalukuyan niyang nasa isang bar at nakaupo sa stool ng bar counter nang dumating ito. "We need to talk," ani Stefano sa kaniya. "If is it about Charity and about the woman I despise the most, don't bother. Leave me alone." Pinakatitigan siya ni Stefano at marahang umupo ito sa katabing stool. "Kahit ayaw mong pag-usapan silang dalawa, you need to listen atleast," pagkumbinsi pa nito sa kaniya Naikuyom ni Cameron ang kamay at pinigilan ang sarili na magsabi ng hindi kanais-nais sa kaharap. Pinili niyang manatiling walang kibo na lamang. Half of him ayaw niyang makinig sa sasabihin ni Stefano. But half of him ay may pagnanais na makinig sa sasabihin nito. Matapos kasi ang insidente sa mansion ng mga Villaraza ay gabi-gabi na lamang siyang nasa bar na ito upang magpakalasing dahil sa galit niya. "My mom i
"CHARITY, okay ka lang ba rito?" Nakangiting tanong ni Dra. Lesley kay Charity nang lapitan siya nito. "Oo naman. Don't worry about me, Les..." Sagot niyang nakangiti sa babae. "Sige babalikan kita later, hinahanap ako ni Fausto, e. Kumain ka lang diyan, okay?" Bilin ng babae bago siya muling iniwan. Narito siya ngayon sa reception ng birthday party ng anak ni Dra. Lesley na si Fausto. Nagkita silang dalawa ng hindi sinasadya sa isang mall last week, nakipag-kwentuhan and nasabi niya sa babae na hindi na siya nagtatago kay Cameron and Lesley was glad to know about it. Hangang sa inaya siya nito sa birthday party ni Fausto na hindi niya natanggihan. Kaya ngayon ay narito siya sa reception at iniikot ikutan ang buffet food na sobrang sasarap. Nang makakuha ng pagkain ay umupo siya sa mesa na tanging siya lang, wala naman siyang kilala sa mga naroon, maliban kay Lesley at asawa nitong si Dev. Panaka-naka naman siyang chinecheck ni Lesley, nakakahiya na n
"CAMERON really changed a lot." Napatingin si Charity kay Lesley na katabi niya ngayong nakaupo sa isang bahagi ng yateng kinaroroonan nila. Pareho silang may hawak na champagne na panaka-naka lamang nilang iniinom. Sinundan niya kung saan nakatutok ang mata ng babae. Kay Cameron na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan kina Devius at iilang bisitang sumama sa yate. "Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan at nakikipagkwentuhan na tila ba nag eenjoy. Para na siyang tao at hindi na robot na blanko lagi ang ekspresyon noon." Tinignan siya ni Lesley na may pang-aasar na mukha. "What did you do to him? Pinainom mo ba 'yan ng gayuma or what?" Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang tinapik ang braso ng babae. "Grabe ka naman mag-isip. Pati nga ako nagulat na ganiyan na siya. Malayong malayo sa Cameron na nagkulong noon sa akin sa Isla Silvestre..." Ngumiti si Lesley. "I'm glad na isa ka sa mga nagpabago sa kaniya. Kaya nga noong sinabi mo sa akin
HINDI alam ni Cameron kung tutuloy pa siya sa pagpasok sa mansion ng kaniyang ama nang mga sandaling iyon, kaya nagpasya siyang tumigil at huminga ng malalim. Is he ready to know everything? Will his father tell the truth this time? Ano nga ba ang ikinatatakot niya? Ang malaman na totoo naman talaga ang lahat ng nasa isip niya na iniwan siya noon ng kaniyang ina, kapalit ng malaking halaga? O natatakot siyang malaman ang katotohanang hindi naman pala totoo ang mga ibinibintang niya sa ina? Natatakot siya sa dahilang, paano pala kung mali siya ng iniisip all these years? Muli siyang humakbang papasok sa mansion ng ama, wala ito sa malaki, madilim at malungkot na sala nito kaya nagdesisyon siyang umakyat sa taas ng mansion, sa silid mismo ng kaniyang ama. Bukas ang pintuan ng silid pero pinili pa rin niyang kumatok. "Come in..." Tinig ni Senior Silvestre. Marahan siyang pumasok sa silid nito at nagulat ang matanda ng makita siya. Siguro dahil simula inoperaha
"SIGE na pumasok ka na, dito na lang ako para makapag-usap kayo ng maayos at masinsinan. Wala pa akong sinabi na kahit ano kay Tita. Ang alam lang niya ay gusto mo siyang makasap," ani Charity kay Cameron nang nasa pintuan na sila ng library. Nasa loob si Madam Ada at hinihintay ang anak. "You sure?" Paninigurado niyang tanong sa babae. Nakangiti itong tumango at bahagya pa siyang itinulak papasok sa library. Napabuntong hininga siya at marahang pumasok sa loob. Siya ngayon ay nakakaramdam ng hiya sa pagharap sa kaniyang ina. Pumapasok kasi sa isipan niya ang mga sinabi niya noon dito. "Cameron," bungad ng kaniyang ina nang makita siya. Garalgal ang tinig nito. Hindi siya agad nakakibo at tinitigan ang babaeng nasa harapan niya. Ngayon niya napatunayan na kamukha pala talaga niya ang ina. Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan na ilang dipa lang mula sa ina. "Cameron, I'm sorry kung-" Hindi na naituloy ni Madam Ada ang sasabihin nang
INAYOS ni Charity ang nagulong buhok at nalihis na tshirt dahil sa kaharutan ni Cameron bago bumaba ng van. Tinototoo nito ang halik lamang, kaso ay may kasamang panghipo at ang halik ay sadyang nakakadarang. Kung wala lang sila sa van ay malamang sa malamang ay bumigay na nman siya sa mga haplos nito, lalo na at aminin man niya o hindi ay nasasabik din siya sa lalaki. "Mamaya na lang natin ituloy?" Pilyo pa nitong bulong habang pinapanood siyang mag-ayos ng sarili. Tinignan niya ito ng masama. "Magtigil ka nga muna sa kaharutan mo?" Angil niya sa lalaki na binigyan lang siya ng nakakalokong ngisi. "Cold hands?" Natatawang sabi ni Cameron nang hawakan siya sa kamay upang alalayang bumaba sa van. "Paanong hindi ako kakabahan, haharap ako sa ama mong demon-" pinigilan niya ang sarili upang hindi masabi ang huling salita. "Demonyo?" Pagpapatuloy ni Cameron na natatawa. "Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako." Kumapit siya sa braso ni Cam
"IKAW na muna ang bahala kay Calista, maliligo lang ako at pagkatapos ay babalikan ko siya," ani Charity kay Sharlot habang palabas sa pintuan ng silid ni Calista. Mas nauna si Calista sa mansion ni Cameron dahil kinuha ito ni Gab noong nasa yatch party pa lamang sila ni Cameron. Talagang sabik na sabik ang dalaga sa unang pamangkin nito. "Sige," nakangiting sagot naman ni Sharlot habang nagliligpit sa silid ng bata. Lumabas na siya sa silid. Ginabi sila ng uwi ni Cameron galing sa mansion ni Senior Silveatre. Si Cameron ay kasalukuyang naliligo sa sarili nitong silid matapos ang halos kalahating oras na pakikipaglaro kay Calista kanina. Nasalubong niya sa hallway si Gab at pababa ito sa living room, may mga bitbit na libro na babasahin nito bilang pampalipas oras. Nang makita siya nito ay niyaya siya na tumambay muna sa baba at magkwentuhan. Doon niya nakwento rito na galing sila kay Senior Silvestre ay nasabi rin niya kung ano ang napag-usapan nila. Halata
TILA ba lalong nanggigil si Cameron at kinagat nito ang ibabang labi niya. Pagkatapos ay muling sinakop nito ang labi ni Charity. Naramdaman na rin ni Charity ang paglalakbay ng isang kamay ni Cameron, kumapa sa kaniyang dibdib, dama niya ang init ng palad nito kahit may suot pa siyang roba. Biglang bumaba ang kamay ni Cameron, sa ugpungan ng tali ng kaniyang suot. Wala siyang kahit ano na suot sa ilalim kaya oras na makalag nito ito yon ay tatambad sa paningin nito ang kaniyang mga tinatagong kayamanan. Hindi niya napigilang mapaungol dahil sa kiliting unti-unting bumubuhay sa init ng kaniyang katawan. Ang kaso... Biglang bumukas ang pintuan ng silid ni Charity at iniluwa nun si Calista na inosenteng pinagmasdan sila sa ganoong posisyon. Kapwa nanlaki ang mga mata nila. Sa likod ni Calista ay si Gab na nanlaki rin ang mga mata. "Mom, dad? What are you doing?" Inosenteng tanong ni Calista sa kanila. Agarang umalis si Cameron sa ibabaw ni Charity at si Charity na
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat