"Levi, ikaw ba 'yan?" tanong ko sa taong nakaupo sa kubo.Hindi ko alam pero habang papalapit ako sa kung nasaan siya, kahit malayo paman ako ay hindi ko maiwasan na mapansin kung paano niya pahidan ang gilid ng kaniyang mga mata."Ikaw nga." pag-kumpirma ko rito. Hindi siya ngumiti sa'kin katulad ng nakasanayan ko."Ikaw pala 'yan, anong ginagawa mo dito?" ikaw ang dapat kong tanungin niyan."Wala lang naisipan ko na maglakad lakad hanggang sa mapadpad ako dito." ngumiti ako dito para hindi naman masiyadong awkward.Matagal din naging tahimik ang paligid sa pagitan namin. Naninibago ako."Yung papa ko... hindi kami okay." bigla siyang nagsalita. Natuon naman ang pansin ko sa kaniya para iparating sa kaniya na nakikinig ako."Nakakapagod.." tumigil muna siya sa pagsasalita bago tumingin sa'kin. "May alam ka ba na part time job?" Naawa naman ako sa kaniya dahil kitang kita ko sa mga mata niya na para bang nahihirapan na siya."Gusto mo sumama saakin na maghanap ng trabaho?" tanong ko
Inabot na kami ng gabi dahil sa kaniya. Sinamahan ko pa kasi siya mamili ng mga kagamitan daw na kailangan niya. Ngayon ay nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin dahil nagpumilit siya na ihatid ako."Dito ba ang bahay niyo?" tanong nito saakin."Mm.. maliit lang ito pero masaya na kami ni mama sa bahay na ito." Nakangiti na sabi ko. Sa totoo lang ay kung papapiliin ako kung itong bahay na ito o ang bahay na tinitirahan namin noon ang pipiliin ko pa din ay ang bahay na ito.Maliit man ay madalas kaming magkita ni mama sa bahay, madali lamang para saamin hagilapin ang isa't-isa pero kung sa dati namin na bahay parin kami nakatira ay isa sa isang linggo lamang kami kung magkita na pamilya."Salamat sa paghatid." Sabi ko dito at naglakad na patungo sa pinto ng bahay. Hinintay niya ako hanggang sa makapasok ako dito sa loob bago siya umalis."Classmate mo ang naghatid sayo anak?" halos mapatalon ako sa gulat dahil kay mama, bigla bigla nalang nagsasalita sa likod ko."Opo ma, tinulung
Nasa mall kami ngayon at hindi ko alam kung ano ang gagawin o bibilhin namin dito. Tumigil kami sa isang eat all you want na restaurant na dito lang din nakapwesto sa loob ng mall. "Baka mahal dito." sabi ko sa kaniya dahil isa itong restaurant. "Libre ko ito h'wag kang mag-alala." Pumasok na siya at may kinausap na isang staff and nakita ko pa na lumingon sila sa gawi ko at nag-usap ulit. Hinanapan kami ng babae ng pwesto o table, nung maka-upo kami ay para kaming timang dahil walang nagsasalita saamin. Tumayo siya bigla at napatingin naman ako sa kaniya kumuha na pala siya ng dalawang magka-ibang pagkain doon sa kuhanan. Bumalik siya sa table namin at pinatong yung isang plato sa tapat ko. "Thank you!" pagpapasalamat ko dito. Hindi ako familiar sa pagkain na kinuha niya pero tinikman ko pa din. "Ang sarap!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na masabi ang mga salitang ito. Ngumiti lang siya sa akin para bang masaya siya at nagustuhan ko ang kinuha niya na pagkain. Ilang beses p
"Dahil alam kong tatanggapin ka nila. You are the only one amazing person that I know and I like you."Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pinagsasabi niya ngayon. Pero yung huli niya na sinabi ay hindi ko masiyado maintindihan. Paanong like ba kase yan?"Puro ka kalokohan napasobra ka ata ng kain kanina." Narinig ko naman ang mahinang tawa nito sa kabilang linya.Ang kaniyang boses ay parang nageecho nasa may comfort room pa ata siya. Hindi siya nagsalita at maya maya lang ay nakarinig ako ng paggalaw. Mukhang nakahiga na siya ngayon sa kaniyang kama."Nasaan ka? Bakit parang may naririnig akong malakas na hangin?" tanong nito sa akin. Nakalimutan ko nga pala na nasa labas ako."Nasa labas ako." tipid na sagot ko. Nakarinig ako ng parang paggalaw ulit ng kama. "Ha?!" nailayo ko naman ang cellphone ko sa aking tenga. Nakakabingi naman."Bakit nasa labas ka pa? Alam mo bang 10 pm na delikado na sa labas. Pumasok ka na sa inyo kung ayaw mong puntahan kita diyan.""E di dito n
"I'm your baby" "Ang kapal naman ng mukha mo!" ito ang naging sagot ko sa kaniya. Masyado siyang mahangin. Habang naggagayat yung lalaki ay iniwan ko muna doon si Levi para bantayan at ako naman ay pumunta doon sa may isdaan. Buhay pa ang tinda nung tindera pero dahil madami pa ang bumibili sa kaniya ay bumalik muna ako kung nasaan si Levi dahil baka tapos na sa paggagayat yung lalaki. Tama nga ang hula ko at nakita kong binayaran ni Levi yung manok.Natanaw niya akong papalapit sa kaniya kaya naman ngumiti ito saakin. "Bakit mo binayaran?" Hinampas ko pa ng mahina ang braso niya nung sabihin ko ito. "Bumili din ako ng manok para sa inyo na ako kakain." Iniwan ko lang siya saglit tapos pagbalik ko ay nagdecide siya ng hindi nagtatanong kung okay lang ba ito sa akin. "Paladisisyon ka ha!" Biro ko dito. Inabot ko sa kaniya yung bayad ko dahil baka makalimutan ko pa ito. Pumuntana ulit ako doon sa pwesto ng isdaan at binalikan yung nakita kong pwesto na malalaki ang isda na kaniyang
"Anong ginagawa niyo?" Ito ang naging bungad na tanong ni Marcus nung maabutan niya kami dito sa kusina."Wala, iniihipan ko lang yung mata niya nalagyan kase ng sabon." sabi ko dito. Nakita ko naman ang pagtitig ni Marcus kay Levi. Pero hindi ko nalang ito pinansin at agad akong pumunta sa may cr para kumuha ng tabo. Matapos ko itong makuha ay bumalik ako sa kusina at naabutan ko sila na magkatitigan pa rin."Excuse." sabi ko kay marcus dahil hindi ako makadaan dahil nahaharangan niya yung daanan.Naglagay ako ng tubig sa tabo at pinadilat ko doon ang mata ni Levi habang nakababad doon ang mata niya.Naging okay din naman ang mata niya kaya pumunta na kaming tatlo sa sala. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala ang titigan nilang dalawa."Ah, Marcus si Levi, Levi si Marcus." pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa. Hanggang ngayon kase ay wala pa din nagsasalita sa kanilang dalawa."Marcus pare" pagpapakilala niya at inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Levi para makipagkamay di
"So by partners muna tayo ngayong araw." Anunsyo sa amin ng aming teacher sa history."Magnaye and Sandoval""Laroza and Carlit""Magtibay and Macaraig"Binanggit niya ang surname ng mga magpartners at inaabangan ko naman ngayon yung surname ko."Ferrer and Grey"Ka-partner ko si Levi."Kasama ni Ferrer and Grey si Stevens." dagdag na sabi niya.Napatingin ako do'n sa humiyaw at tingin ko ay siya yung Stevens na sinasabi ni Miss. Wait, siya yung leader ng mga poks."May usap-usap muna kayo kung ano ang balak niyo." Umalis muna saglit si Miss.Ang gagawin namin ay drawing about sa Makasaysayang lugar dito sa Pilipinas at dapat i-explain ito sa harap. Sa next week na agad ang pasahan nito kaya dapat ay matapos na namin agad."Hi Levi!" Napangiwi naman ako dahil sa tinis ng boses niya.Ngumiti lang sa kaniya si Levi. Humila siya ng upuan at itinabi niya ito sa kaniya pagkatapos ay tumingin siya saakin sabay tap ng upuan na para bang sinasabi niya saakin na umupo ako doon."Thanks!" Bago
"Do you really like me so much that you can't take your gaze away from me?" Sabi niya habang nakapilit pa din ang mata."A-ang kapal." hindi ko maiwasan na mautal dahil na din siguro sa pagkabigla nung magsalita siya."Okay lang naman Calli, mahal din kita." nakangisi niyang sabi sa akin. Kung may dala lang ako na patpat baka naihampas ko na ito sa kaniya.Pero dahil wala akong dala kaya ang ginawa ko nalang ay himanpas ko siya ng malas na dahilan kung bakit siya biglang napatayo. Buti nga sa kaniya!"Aray ko Calli ang sakit mo talaga magmahal." Hindi ko alam kung pabiro lang ba niya ito sinabi o may laman ang mga kataga niya."Manahimik ka!" sabi ko nalang dito.Naging tahimik din ang paligid namin sa mga nakalipas na oras. Naalala ko ang huling kita ko kay Levi dito. Sabi niya pa noon ay hindi sila okay ng kaniyang ama at bigla niya akong tinanong about sa trabaho.Tingin ko ay parehas kami ng pinagdadaanan. May problema kami sa pera."Wala ngayon ang nanay ko." bigla kong sabi dito
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a