"Kasama mo siya?" Ito ang naging tanong niya saakin."Ha? Sinong siya?" naguguluhan talaga ako kung sino ang tinutukoy niya.Hindi siya sumagot sa naging tanong ko at naglakad nalang paalis sa bahay namin. Wala siyang kasali-salita habang naglalakad basta tahimik lamang siya at parang may malalim na iniisip."Weird." Nagstart na akong magluto ng pwede kong makain habang nagluluto ay hindi ko maiwasan na magcellphone.Matagal na din pala akong hindi nakakagamit ng facebook simula nung makapunta ako dito sa probinsya.Naalala ko bigla ang pangalan ni Levi kaya naman sinubukan ko i-search ang name nito para malaman kung gumagamit ba siya ng facebook o may account ba siya dito.Tinype ko ang name na Isaiah Levi Ferrer at walang lumalabas na mga account. Hindi ata uso sa kaniya ang facebook.Chineck ko naman yung niluluto ko at baka sunog na ang niluluto ko kaya naman tinignan ko.Kakatapos ko lang magluto nung may marinig akong katok galing sa pinto. Hindi ako gumalaw para marinig kung s
"I choose Miss Grey to be my partner.... to be my wife."Pagkasabi na pagkasabi ni Levi no'n ay agad na naghiyawan ang mga kaklase ko na lalaki at ang mga babae naman ay masama ang tingin saakin."Team Leli!" sigaw ng isa kong kaklase.Nagpalakpakan naman ang mga boys na kaklase namin habang hinihiyaw ang team Leli!Humanda ka saakin mamaya Levi!"Okay so final na si Mr. Ferrer and Ms. Grey na ang lalaban sa lakan at lakambini!" pag-anunsyo ng teacher namin.Naghiyawan naman ang mga kaklase namin habang siya ay nakatingin sa akin na nakangisi.Humanda ka saakin Levi!Natapos ang buong araw na puro panloloko lang ang ginawa saakin ng mga kaklase ko na boys at hanggang makalabas ay grabe ang sama ng tingin saakin ng mga babae."Tara na Calli baka ma-late tayo tapos magalit ka nanaman saakin." Lumapit siya saakin nung matapos ang lahat ng klase namin."Wait cr lang ako pakilagay naman ng gamit ko sa loob ng bag." Hindi ko na hinintay pa na ang magiging sagot niya at lumabas na ako ng roo
"Magsabi ka saakin ng totoo ayaw ko na nasasaktan ka dahil nasasaktan din ako."Hindi ko alam kung ano ang pwede kong isagot sa kaniya o sabihin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Naglalakad siya ngayon at buhat buhat niya ako ngayon pauwi na kami at lubog na ang araw nung mag-umpisa siyang maglakad.Hindi ko na napansin ang oras basta ngayon ay malapit na kami sa binababaan ko pagsumasakay ako sa jeep."Matulog ka muna." Hindi ko alam pero parang may magic ang mga salita niya na 'yon dahil wala pa man din isang minuto ay naramdaman ko na ang pagpikit ng aking talukap.Kinabukasan ay nagising nalang ako na nasa kwarto ako."Paano ako nakapasok sa bahay?" tanong ko sa aking sarili.Tinignan ko kung may nawala ba na mga gamit dito sa kwarto dahil baka naakyat bahay na ako.Okay naman ang lahat kaya lumabas na ako sa kwarto para pumunta sa sala. Pero naabutan ko sa sala si Levi.Wait sino? Si Levi!!Gusto ko sana siyang gisingin para palipatin sa kwarto dahil nakikita ko na hindi
Sa mga nakalipas na araw ay unti unti na din gumaling ang aking pasa na natamo. Hindi naman na nasundan pa ang nangyare na 'yon saakin."Next presenter." Kami na ni Levi ang magpe-present kaya naman pumunta na agad kami sa harapan dala dala ang aming drawing.Nasa likod si Miss ng class room dahil doon niya gusto umupo habang may nagpe-present sa uanahan."Hello, good day to everyone. My name is Isaiah Levi Ferrer, and my co-presenter today is Celestine Calli Grey." Pagpapakilala ni Levi saamin dalawa.Nakita ko naman mula rito kung paano umirap ng umirap si Xandra. Nung sabihin kasi iyon ni Levi sa teacher namin ay napagalitan ito and pinag-solo nalang siya dahil sa hindi niya pagtulong."Ang aming napili ay ang Aguinaldo Shrine, kilala naman siguro natin si Emilio Aguinaldo?" Panimula ulit ni Levi."Dito sa Aguinaldo Shrine tumira ang ating unang pangulo na si Emilio Aguinaldo at dito din sa makasaysayan na pook na ito unang iwinagayway ang ating pambansang watawat noong taong 1898 i
Nung araw din na 'yon ay tumuloy pa din ako sa trabaho kahit na gustong gusto ko na puntahan agad si mama pero hindi na ako pwede pang umabsent at baka wala akong masahod na kahit kakakurampot."Okay ka lang?" Kanina pa ako tintanong ni Levi. "Okay lang ako." Sabi ko nalang at nilagpasan siya. Nasa trabaho ako ngayon at ang daming costumer na kailangan namin asikasuhin. Pumayag si Miss na hindi ako maka-attend sa practice ngayong araw dahil na din sa nangyare kanina. Kahit wala akong gana na ngumiti sa costumer ay kailangan ko pa din iyon gawin. Ang nararamdaman ko ngayon ay walang kasing sakit. Kahit panoong halos bugbugin nila ako. Wala nang mas sasakit pa pag nakita mo ang magulang mo na inaapi. "Thank you po Ma'am" Sabi ko sa isang costumer na nagbigay ng tip na 50 pesos. "Sabay na tayo umuwi mamaya Ali." Sabi ni Levi habang sumusunod saakin papunta sa staff room. May 30 minutes break kasi ako at si Levi. "Hindi na." Kahit anong gawin ko ay hindi ko matiis si Levi, hindi ko
"Ayaw mo na ba saakin?"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Nagulat din ako sa naging tanong niya. Hindi ko ito inaasahan.Hindi sa hindi ko siya gusto. Gusto ko siya. Hindi bilang tinatangi kung hindi dahil gusto ko siya biglang isang kaibigan."Gusto kita..." Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya, na-misinterpret niya pa ata ako. "..maging kaibigan.""Ano ba naman yan Ali may pabitin pa kase! Akala ko... gusto mo na ako." ang padulo na sabi niya ay hindi ko maintindihan dahil masiyadong mahina ang boses niya."Hindi lang kita kinausap pinabayaan mo na sarili mo, ganiyan ka ba magmahal?" Hindi ko alam kung matutuwa akong balik na ulit kami sa dati pero parang mas gusto ko na hindi nalang ulit kami mag-usap."Ang kapal pa din ng face mo ah." Pang-aasar ko dito."Bakit?.. bakit mo ako iniiwasan?" Ito siguro ang tanong na bumabagabag sa kaniya."Hmm... feel ko kase kaya nagagalit saakin si Xandra dahil close tayong dalawa." Tinignan niya lang ako at nakinig sa lahat ng
"Tingin mo bakit sila namatay?""Alam mo tigilan mo na 'yan! Tara nalang kumain lilibre kita." bigla naman nagningning ang kaniyang dalawang mata dahil sa sinabi ko."Anong meron?" nakangiting tanong niya."Duh! Dahil goods na tayo kaya naman lilibre kita." Hinila ko na siya at tumakbo na kami papunta sa Mcdo.Katulad nga ng sabi ko ay malapit lamang ito sa school namin kaya naman kayang kaya itong lakarin."Ano order gusto mo?" Nasa loob na kami at ngayon ay parehas kaming nakatingin sa menu."Kung ano nalang din ang sayo." sagot niya at nagpaalam siya saakin na maghahanap siya ng pwede naming upuan.Kagaya nga ng sabi niya ay parehas na kami ng order. Yung order namin ay may chicken and rice na with fries and also McFlurry.Matapos kong mag-order ay pinuntahan ko na siya kung saan ang magiging upuan namin."Ikaw na ang kumuha ng order natin hintayin mo lang na tawagin ang number na ito." tinuro ko yung number na nakalagay sa resibo.Tumango naman siya bilang tugon. Nagphone muna ak
Lumipas ang gabi na iyon na hindi ko na nasagot pa ang naging tanong niya dahil dumating bigla ang naging sundo niya.Nasa work kami ngayon at dahil sabado ngayon at sobrang daming costumers."One iced coffee!" Sabi ko sa naggagawa ng coffee with is si Levi.Yes, maalam na siyang maggawa ng coffee and ngayon ang unang araw na siya na ang gagawa ng coffee na ise-serve sa costumers."Tama ba 'tong ginagawa ko?" Hindi ko alam kung matatawa ako dahil pabulong niya itong itinanong kay kuya mark.Si kuya mark ay isa din sa staff dito sa coffee shop at siya ang pinakamatagal na dito. Siya rin ang nagturo saamin nung first day namin."Tama 'yan tiwala ka lang sa sarili mo." Tinapik niya sa balikat si Levi at nag-umpisa na ulit kumuha ng order.Kami kase ngayon ang nakatoka sa kaha. "Mag-lunch muna kayo ni Levi kami na bahala dito."Tumango nalang kami bilang tugon dahil gutom na din talaga kami. Nagulat pa ako nung akbayan ako ni Levi nung makalabas kami mula sa shop."Ang bigat ng kamay mo!
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a