Nandito pa din kami ngayon sa labas ng Jollibee naghihintay kami dito sa may parking lot na matapos ang order namin.May iniabot sila sa amin kanina na iba't ibang uri ng burger at pati na din french fries. Binigyan din nila kami ng drinks.Kanina ko pa inaaway si Levi pero siyempre palihim lang baka sabihin nung driver ay kinakawawa ko si Levi kahit ang totoo ay ako ang kawawa sa kaniya."Manong kain po muna kayo." Inabot ko sa kaniya yung dalawang burger at mga drinks para naman kung sakaling nagugutom siya ay makakakain siya.Tumingin muna siya kay Levi bago niya kunin yung mga pagkain mula sa kamay ko."Tara muna sa labas Levi." Tumango naman siya sakin at lumabas sa sasakyan.Pagbubuksan niya sana ako ng pinto pero huli na siya dahil nabuksan ko na ito."Ano ba 'yan Ali, ulit!" Sinarado niya ulit ang pinto. Narinig ko ang tawa nung driver kaya naman natawa nalang din ako. Ano bang pakulo ito Levi?Binuksan niya ang pinto at ngumiti sa akin ng pagkakalaki. "At your service Miss G
Nagising ako na wala na si Levi sa bahay. Nakita ko naman ang note na iniwan niya na nakasabit sa aming refrigerator.'Good morning boss, tulog ka lang diyan ng mahimbing. Dito nga pala ako kumain pero hindi mo mahahalata na dito ako kumain kase naghuhas ako ng plato. Enjoy your food!'Ito ang nakalagay sa letter niya. Nakareceived naman ako kanina ng text galing sa kaniya about sa magiging lakad namin mamaya. Araw ngayon ng linggo at wala naman akong gagawin kung hindi maghanap ng rerentahan."May lakad ka?" Ito ang naging tanong sa akin ni Marcus nung makita niya akong paalis sa bahay namin. Nakita ko naman ang dala niyang plastic puro pagkain. "Ito pinabibigay ni mama, thank you daw sa chocolate na binigay mo." Inabot niya ito sa akin.Tinignan ko kung ano ang laman at nakita kong puro ito lutong bahay na ulam. Hala miss ko na ang luto ni manang!"Pasabi kay manang thank you! Miss ko na ang luto niya. Daan ako sa inyo mamaya if hindi ako gagabihin."Nakita ko naman ang lungkot sa
"Okay then, will you marry me?""Puro ka kalokohan" hinampas ko siya ng mahina para matauhan naman siya sa pinagsasabi niya. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng pagtitingin ng ibang gowns nung biglang dumating ang babae dala dala ang iba pang pairs ng gown at kasama na yung heels na tinanong ko sa kaniya kanina."Doon ka na nga napakapanira mo naman e!" pagtataboy ko sa kaniya. Kanina pa siya!"Ayaw mo ba na kasama mo ako, nakakasakit ka na talaga ng damdamin." Pagdadrama nanaman niya sa akin.Nagtingin ako ng iba pang gowns at may kita ako na parang dirty white na kulay at para talaga siyang pandalagang pilipina pero nung tignan ko ang price nito ay halos malula na ako sa nakita ko."100,000 pesos?!" Napatingin sa akin yung ibang costumers dahil sa biglaang pagsigaw ko.Sino ba naman ang hindi mapapasigaw sa price ng gown na ito?!100,000 pesos para lang sa pag-rent ano kaya ang price nito pag binili na?"Ito Ma'am yung pinakamagandang gowns dito kaya naman mahal ang price nito pag-rent
"Fuck off, stop staring at my girl in that way!"Halos magtinginan ang mga tao sa direction namin dahil sa biglaang pagsigaw ni Levi.Tumayo siya at lalapitan na sana niya yung lalaki kaso napatigil siya nung bigla ko siyang pigilan. Ayaw ko na mapaaway siya ng dahil lang sa akin."Kumain nalang tayo at umalis." Sabi ko sa kaniya at nginitian siya para sabihin na okay lang ako.Nag-isip pa muna siya bago niya ako sunduin. Kumain muna kami at nung matapos ay umalis na agad kami doon. Panay sorry siya sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ko ito naranasan."Okay lang ano ka ba." Tinap ko ang likod niya para sabihin na okay lang talaga sa akin."The reason why ayaw ko kumain sa karinderya na iyon ay dahil sa lalaki na 'yon nakita ko siyang tinitignan ka pero hindi ko naman ineexpect na hanggang sa McDonald's ay susunod siya." Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sa kaniya."Are you really okay?" paninigurado niya sa akin."Uncomfortable syempre and hindi ko ineexpect na mara
Nasa school na ako ngayon at may mga make up artist na mag-aasikaso sa amin, bayad na sila ng school."Ah pwede po ba na huwag masiyadong makapal." I said politely."Aba ang arte mo naman, kala moy kagandahan."Kanina ko pa napapansin ang mga masasamang side comments nito sa akin. Ano bang ginawa ko sa kaniya para ganituhin niya ako?Ang nagmemake-up sa akin ay babae at parang ang laki ng galit nito sa akin kanina pa. Magkaiba ang dressing room ng mga babae at lalaki kaya wala dito si Levi. "Pumukit ka." Pagalit na bulong nito sa akin.Pumikit nalang ako at hindi nalang ulit nagsalita dahil baka ako pa ang maging masama.Walang salamin sa harap ko kaya naman hindi ko na alam kung ano na ang nangyayare sa mukha ko. Nung tignan ko ang oras sa relo na suot ko ay kita ko na 30 minutes nalang at mag-uumpisa na ang opening. Suot ko na ang aking damit na pang-opening dahil baka mahirapan ako sa pagbibihis oag may make-up na."O, yan tapos na." Sabi nung make-up artist at padabog na binagsa
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nandito si mama para panoorin ako. Ngayon ko nalang ulit si mama at hindi ko maiwasan na maiyak pero pinipigilan ko dahil ngayon ay nasa stage pa din ako at hinihintay na magpakilala. Nakangiti ako habang nakatingin kay mama parang ayaw ko na mawala ang tingin ko sa kaniya dahil natatakot ako na baka hindi ko siya makita if mawala ang tingin ko sa kaniya."Nandito ang mama ko Levi." Masayang sabi ko sa kaniya.Katabi ko siya dito at nagpopost kaming dalawa. Napatingin siya sa akin."Masaya ako for you." Tumingin din ako sa kaniya at ngumiti.Narinig ko naman ang hiyawan ng mga tao sa amin at chinicheer nila kami. Natawa nalang kami pareho ni Levi."Isaiah Levi Ferrer naniniwala sa kasabihan na 'kung hindi ka gusto ipagdasal mo na kunin siya ni Lord." Halos madami ang natawa sa sinabi niya at ang iba ay sinigaw pa ang pangalan niya."Celestine Calli Grey naniniwala sa kasabihan na 'kung ano ang desisyon mo ngayon, iyan ang magiging K
Natapos ang event at nanalo kami ni Levi kami ang itinanghal na panalo. Lahat nagsaya maliban na lang kay Xandra."Congrats Ms. Perfect" saad ni Drake.Nasa may dressing room ako ng girls mag-isa, hinihintay ko na pumunta dito si mama pero hindi ko inaasahan na matatagpuan ko dito si Drake na naghihintay.Wala ng katao-tao dito bukod saaming dalawa dahil halos lahat ng candidates ay pumunta sa classroom nila."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya."Para i-congrats ang aking lakambini." Inirapan ko siya dito at sinabing umalis na siya."Hintayin mo next week ang aking regalo sayo." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya kailan at lalo na hindi ko na kailangan na makatanggap ng regalo mula sa kaniya.Umalis siya at hindi ko na siya ulit nakita. Dumating si mama sa dressing room at tuwang tuwa siya para saakin."Beauty and brain talaga ang anak ko." Niyakap niya ulit ako."Congrats Celestine." Nakita ko naman si Marcus na nasa likod ni mama at direkta itong nakatingin sa ma
Sa mga nakalipas na araw ay hindi na muling nagpakita pa si Levi. Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap."Nasaan na si tita?" Tanong ni Marcus.Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil nga tinatamad akong magluto ay sa kanila muna ako makikikain."Umalis na nung isang araw pa." Kumuha ako ng mga plato sa kusina nila para tulungan siya sa paghahanda."Aba ang lakas ng atab mo at dito ka pa talaga makikikain." Sabi niya sa akin.Sasabunutan ko na sana siya pero mas naunahan na ako ni manang. Nakita ko ang pagkagulat at sakit sa mukha ni Marcus."Hindi kita pinalaki ng ganiyan." Tinawanan ko ng sobrang lakas si Marcus para mas mainis pa siya lalo.Ilang araw na din ang lumipas simula nung lakan at lakambini matapos noon ay hindi ko na talaga nakita si Levi. Hindi siya pumapasok sa school at trabaho. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kaniya.Sinubukan ko siyang tawagan pero lagi ko itong hindi macontact. Gusto kong magtanong sa mga kaklase namin pero alam kong wala ako
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a