Nagrequest siya sa password ng wifi ng building at sumalampak sa sofa ng kaniyang sala habang may bitbit na isang galon ng ice cream na nakita niya sa ref at nagorder ng buffalo wings.Hindi na nga niya nagawang i-celebrate ang kaniyang birthday at graduation dahil sa sunod-sunod na problema agad ang hinarap niya.Nagscroll din muna siya ng social media niyang matagal niya ng hindi nabubuksan. Napailing na lang siya ng ang bumungad sa kaniya ay ang scandal ng kapatid na dawit ang pangalan ni Thaddeus. May isa ring link na laman daw ang pahayag ng ina nitong si Valerie kaya pinidot niya ito para panoorin.Nilakasan niya ang volume ng kaniyang cellphone at nilapag ito sa lamesita at tinaas ang mga paa habang nasa hita niya ang sisidlan ng buffalo wings at hawak ang ice cream sa isang kamay.“Good day, everyone, even though it hasn't been a good day for our family since these allegations came out.” Panimula nito at rinig niya rin ang pag-click ng mga camera at pagpunit ng mga papel ng il
Nang mahimasmasan ay binuksan naman ni Hyacinth ang kaniyang email para tingnan ang proyektong sisimulan sana niya sa Pilipinas. Plano niyang magtayo ng sariling cosmetic lines dahil na rin sa tinapusan niyang kurso sa college.Siya na ngayon ay isang aesthetician. Kaya para matustusan ang sarili at magkaroon ng sariling pera ay naghanap siya ng mga tao na maaring makatulong sa kaniya.Sapat na rin naman ang perang bigay sa kaniya ni Philip at Aureus para makapagsimula ng negosyo. Unti-unti na rin namang bumabango ang pangalan niya sa modelling industry simula pa lang sa Amsterdam.May mga inaapporve at dinecline siyang application at pumunta naman sa pagtingin-tingin sa building na maari niyang mabili para may sarili na rin siyang lugar sa negosyo.Naputol lang ang kaniyang pagpaplano nang mag-pop-out ang mensahe sa kaniya ng kapatid.“Do you have a boyfriend, Hyacinth?”“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?”“Gano'n na lang ba kawalang kwenta sa ‘yo ang pagiging magkapatid natin na hindi
Dahil sa maraming iniisip ay nagising si Hyacinth ng alas singko pa lang ng madaling-araw. Hindi na siya makabalik sa pagtulog dahil ang dapat na pagkasabik sa pag-uwi at mayakap ang kapatid ay napalitan ng kaba.Kaba dahil ayaw niya marinig ang mga ibubulyaw nito sa kaniya at kaba dahil sigurado siyang may inaabang na namang masamang plano ang mga magulang sa kaniyang pagbabalik.Imbes na magmukmok ay naligo na lang siya at nagpalit ng leggings at sports bra para mag-jogging at magpalamig ng kaniyang ulo. Importante rin ang kaniyang katawan dahil ito ang puhunan niya para kumita ng pera. Hindi sa malaswang bagay, kundi dahil may isang malaking gig siyang sasalihan.Buti na lang at hindi alam ng media na nakauwi na siya ng Pilipinas dahil kung alam ng mga ito iyon ay tiyak na dinumog na siya ng mga ito.Pero hindi niya maiwasang magtaka. Alam ng lahat na may kambal si Belladonna pero sa kaparehas na panahon ay tila nalimutan na rin siya ng mga ito.Laman din siya ng mga magazines na n
Napatingin si Hyacinth kay Thaddeus nang maradaman niyang hindi na ito nakasunod sa kaniya. Nakita niya iton nangdidilim ang mukha ang nakakuyom ang mga kamao.“They're moving, huh,” rinig niyang sabi nito kaya nagtaka siya at napatanong kung anong ibig sabihin ng lalaki.“Sinong nagmo-move? Is there a threat that I need to be wary of?” Sunod-sunod niyang tanong at nilapitan pa ang binata at pinamewangan.Niyakap naman siya nito at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya bago nagsalita ng malambing,”no, baby. That's my problem. Marami ka nang iniisip kaya hayaan mo na ito sa akin.”“Teka nga, panay ka na yakap. Masyado ka nang namimihasa, Thaddeus.” Tinulak niya ang lalaki at umatras.“Kahit problema mo pa ‘yan kung ako naman ang sinusundan, may karapatan din akong malaman ang bagay na ‘yan para maprotektahan ko ang sarili ko,” paliwanag niya dito.Nagngalit ang mga panga ni Thaddeus sa kaniyang sinabi.“You don't need to protect yourself, that's my job, Hyacinth,” matigas nitong ani.Napair
Nanglalagkit ang gitna niya pero pinilit pa rin niyang nilakad ang papunta sa pinto kahit nanginginig ang kaniyang mga tuhod.Nararamdaman pa niya ang dila at daliri ni Thaddeus sa loob niya. Hindi na talaga alam ni Hyacinth ang nangyayari sa kaniya. Tumitiklop agad siya sa isang himas pa lang nito. Ibang-iba ang lumalabas sa kaniyang bibig sa tuwing tinutulak ito palayo at sa lumalabas sa bibig niya kapag siya ay pinabibikaka.Pagkarating sa pinto ay sinilip niya kung sino ang pindot nang pindot ng kaniyang doorbell. Binuksan naman niya agad ito nang makitang room service yata dahil may tulak-tulak itong tray.“Room service po, ma'am,” yumuko ito at ibinaba pa ang sumbrerong suot na parang tinatakpan ang mukha.Hindi na siya nagtanong pa at nilakihan na lang ang bukas ng kaniyang pintuan pero laking gulat niya nang may baril na tumutok sa ulo ng cleaner.Nahihintakutan siyang napatingin sa nakahubad-barong si Thaddeus at saka pa lamang niya nakita sa malapitan at maliwanag ang tattoo
Malakas na tumawa si Thaddeus dahil sa sinabi ng lalaki na ipinagtaka niya. Sino si Elliot Mendoza?“Ang putang inang Mendoza na ‘yon? Gano'n na ba siya ka-bitter na tinanggihan ko ang alok niyang pakasalan ‘yong mangkukulam niyang anak?”Sumama ang tingin niya kay Thaddeus. Aba! Ang demonyong ito may secret admirer pala na obsessed tapos buhay niya pa ang mapapahamak dahil dito. Kaya pala ayaw nito makialam siya sa ‘problema’ kuno nito.Parang naramdaman naman ng lalaki ang masama niyang tingin dahil napabaling ito sa kaniya at nabitin ang ngisi nito sa ere ng makitang hindi na mai-drawing ang mukha niyang naaasar dito.“Baby, hindi naman ako pumayag,” lambing nito sa kaniya.Iwinisik niya ang kamay nitong nakahawak sa bewang niya at lumayo siya ng upo. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin! Bakit ako nadadamay sa kalandian mo? Ako pa ang mapapahamak dahil sa mga babae mo! Madami na akong problema, Thaddeus. Huwag ka nang dumagdag!” Naiinis niyang sambit na halos umusok na ang kaniyang i
Tumutulo pa ang katas ni Hyacinth sa paligid ng bibig ni Thaddeus kaya naghilamos muna siya sa lababo at hinubad ang damit para punasan ang mukha bago sundan ang babae sa pinto.Nakita naman niyang may kausap itong lalaki pero napansin niya ang nagbi-blink na pulang ilaw sa dibdib nito at ang nguso ng camera na nakatago sa tray na tulak-tulak nito.Bago pa makapasok ang salarin ay agad niyang binunot ang baril sa kaniyang likod at tinutukan ito. Napag-alaman niya rin na ipinadala ito ng media one na isa sa kaaway ng kaniyang organisasyon talaga namang sakit ito sa ulo dahil sa pag-iimport nito ng mga illegal na droga na ginagamit pa ang kanilang grupo— ang Mnemosyne.Nabuo ang grupo nila dahil pare-pareho ang pamilya nila Philip, Aureus at siya na involve sa mga illegal na gawain. Gustuhin man nilang tatlo na huwag sumunod sa yapak ng mga magulang ngunit pilit silang hinihila ng kung ano ang pinagmulan nila.Tinawagan niya ang leader ng mga navy seal na itinalaga ng kaniyang lolo kay
Hinayaan ni Hyacinth na si Thaddeus ang magdrive ng sasakyan papunta sa police station. Medyo umaambon din at malamig ang panahon. Gusto sana niyang bumalik sa penthouse at kunin ang kaniyang jacket pero nakakahiya naman sa lalaking kanina pa naghihintay sa kaniya na nakasandig lang sa kotse nito.“Let's go?” Tanong niya habang hinihimas ang braso. Kaninang umaga pa kasi ang panaka-nakang pag-ambon. Parang nakikiramay ang kalangitan sa paparating na delubyo sa pupuntahan niya. Hindi niya tuloy maiwasan na kabahan ng todo.Napakunot ang noo niya ng imbes na pagbuksan siya ni Thaddeus ng pinto ay pumunta ito sa backseat at may kinalikot. Maya-maya lang ay may dala na itong jacket at isinuot sa kaniya.“There. You okay, baby?” He softly ask her and hugged her waist like his life depends on her.“Thanks. But we shouldn't do this outside, baka may paparazzi na naman na gawin tayong scoop. Ayoko na dagdagan ang sakit ng ulo ni Belladonna.” Tinulak niya ito at nauna pang pumasok sa sasakyan.
Kahit nakakahiya sumakay at bumalandra sa harapan ng bahay nila sakah ng malaking truck ay wala na siyang nagawa. Tahimik na lang na naupo si Hyacinth lalo na at nararamdaman pa rin niya ang manhid ng talampakan.“Seatbelt, buntit,” puna ni Jules at agad siyang kinabitan ng seatbelt at pakunyari pang tinapik ang kaniyang tiyan, “para safe si bulilit.” Nangngiting-aso pa ang bruha at napailing na lang siya rito. Loka talaga.Binalingan naman nito ang pobreng driver na sa daan lang nakatingin at hindi sila tinitingnan.“Oy, Browny, ayusin mo pagda-drive. Buntis kasama mo, baka mapano ‘to talaga. Mata lang ang walag latay mo sa akin, intiendi?” Pananakot nito sa drive na napatango-tango na lang at walang lumbas na salita sa bibig.“Ano ka ba, huwag mo nga takutin ‘yong tao. Buti nga siya truck ang dala kaya mahahatid ako, eh ikaw?”Ngumuso ang kaibigan niya, “eh sa yaman mo akala ko may dala kang sasakyan!” Maktol nito at bumaba na sa hagdan ng truck.“Taga rito ako, taga rito?” Puno ng
“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ‘yan! Gagawa mo ‘tong lahat, Hyacinth!” Pinagduduro si Hyacinth ni Mara na tila nawawal na ito sa tamang pag-iisip.Tiningnan niya lang ang babae at kalmadong ngumunguya ng kaniyang steak. Sinisugurong maghahatid ng asar sa babae ang bawat pagnguya niya.Hindi na nga nakatiis si Mara at bumaba na ito sa stage para malapitan si Hyacinth. Bilang paghahanda ay tumayo siya kung sakali mam anong manyari lalo na’t buntis siya.Mabilis naman nakalapit ang ilang tanod sa pwesto niya at napigilan ang babaeng halos mahubaran na sa suot nitong tube dress at nagkakalat na rin ang buhok nitong kanina lang ay parang dinilaan ng baka sa kinis at ni-isang hibla ng buhok ay nakatayo.Umakto naman siyang nagulat at nagmamakaawa. “Oh my, oh my! Sasaktan niya ako, tumawag kayo ng pulis!” Sigaw niya na may nagmamakaawang mukha. Agad namab rumesponde ang mga tao sa paligid at meron pang tumawag sa kanilang telpono. Maya-maya pa ay may rumespondeng pulis agad pero hindi pa rin na
Pagkaupo pa lang ni Hyacinth ay parang halos sinusunog na ang likod niya dahil sa isang titig na alam niya kung kanino nagmumula.Alam niya na nasagi niya ang pride ng babae pero hindi pa sila tapos. Nagsisimula pa lang ang paghihiganti niya sa pamamakialam nito sa kaniyang buhay. Naniniwala kasi siya na kapag batuhin siya ng bato ay gagantihan niya ng maraming bato.Hindi siya lumaking nagpapaapi sa ibang tao, sa mga itinuring lang niyang pamilya. Walang hiya! Magbebreakdown pa yata siya eh hindi pa naman alas dyis ng gabi.Burong-buro na siyang nakaupo at naghihintay na matapos ang koronasiyon. Dito kasi aakyat si Mara ipokrita para ipakilalang magkokorona sa nanalo. S’yempre nakahanda na ang script. Super bait kasi niya na pati ang sasabihin ng emcee ay ipinagawa niya pa pati ang pagkakasunod-sunod ng magiging pangyayari sa kompetisyon ay pinaayos niya na.Nagbuntong-hininga siya sa inip na napansin naman jg kaniyang katabi kaya sumenyal ito sa mga kasama na hindi niya naintindiha
Alam niyang weird na ang pagtingin sa kaniya ni Bella dahil kakabunyag pa nga lang sa totoong pagkatao niya pero heto na siya at malaki ang ngiti. Pero wala namang mangyayaring maganda sa kaniya kung problemahin pa niya ang katotohanan. Tatanggapin nalang ito ni Hyacinth ng buong puso at s’yempre… maghihiganti.“Mag-ingat ka mamaya labas ha,” paalala sa kaniya ni Bella na hindi niya maintindihan.“Ha? Bakit naman?” Maang na balik tanong niya dito.“Napapabalita kasi na may mga lalaking nakaitim at nangunguha ng buntis na hindi pa masyadong malalaki ang tiyan,” saad nito at humawak sa sinapupunan.Napakamot naman siya sa ulo dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o ipagsasawalang-bahala na lang kasu hindi naman kapani-paniwala ang sinabi ng kapatid.Tumalim naman agad ang tingin sa kaniya ni Bella, tipong pinapangaralan siya gamit lang ang mga mata nito.“Eh! Kasi naman, malalakas naman ang trip ng mga ‘yon. Ano naman ang gagawin nila sa tiyan naming hindi pa ga
“Oh? Ang saya ng mood mo ha, parang walang nangyari sa ‘tin?” Puna ni Bella sa kaniya pagkapasok niya pa lang sa kanilang bahay.Hindi niya ito pinansin at nagtanong lang pabalik. “Kilala mo ba ‘yong mayor dito?” Nakakunot noo namang sumagot ang kapatid, “bakit?”“Hmmm, I am cooking something big and grand.” Napangisi siya sa naiisip.“Something big ang grand huh. Where's the ‘nothing big’?” Napataas ang kilay nito habang sumisimsim sa gatas.“Ay basta! I need to talk to the mayor. Gusto ko maging judge sa parating na mutya. How dare him not invite me? The world renowned model?” Nakataas na rin ang kilay niya dahil sa realization.Baka siguro hindi siya naimbitahan dahil na rin sa sulsol ni Mara kung totoo ngang kalaguyo ito dati ng mayor. Kaya kung hindi siya pwede mag-judge ay siya na lang ang mag-sponsor para sa sound system para sa binabalak niya.“Gagayak muna ako, pupuntahan ko lang si Mayor at nagfi-feeling mabait ako ngayon.” Lumabas na siya agad ng bahay at hindi na hininta
Abala si Hyacinth maglibot-libot sa isla matapos niyang suhulan ang mga tao para lang tantanan siya. Ang iba pa nga ay halong pagpagan ang tinatapakan niya kahit puro naman buhangin ang lupa nila dahil nasa tabing-dagat. Ang rason kasi ng mga ito ay nakakahiya naman sa supermodel na kagaya niya.May iba pa nga na nagpresinta maging katulong kung kukuha raw siya kasi kahit hindi daw nila maranasan ang buhay ‘Heart Evangelista’ ay naranasan naman daw nila ang buhay ng mga katulong nito.Nasa counter siya ng isang tindahan ng mga fresh juice at sumisimsim ng watermelon shake habang nakikipagchikahan sa babaeng kahera dito.“So, bago pa lang siya?” Tanong niya rito na tinutukoy ay si Mara.“Opo, eh. Siguro magdadalawang taon. Pagkarating nga niyan dito ang palabas niyan eh anak ng isang bilyonaryo na dolyares ang kwarta abroad, eh naku!” Gigil na saad ng babae na hindi na siya nag-abalang kunin ang pangalan.Napataas naman ang kilay niya sa pa-suspense nito, “bakit?” Pang-uudyok ni Hya pa
“So, how are you feeling?” Dinig ni Hyacinth na tanong ni Bella ngunit walang rumirehistro sa isip niya.Mali ba na bumalik pa siya at nagpakita? Mali ba na pinatulan niya si Mara? Pauli-ulit at sandamakmak na tanong na lang ang nasa kukote niya. Alam niyang hindi mali sapagkat nalaman jiya ang totoo sa kaniyang pagkatao.Kung gaano karami ang ‘what if’s’ na tumatakbo sa isip niya ay ganoon rin kadami ang ‘kaya pala’. Kaya pala gano'n ang pagtrato ng mga magulang. Kaya pala hindi siya napapaburan. Kaya pala… kaya pala.“Hey, Hya, answer me please,” pagpukaw sa atensiyon niya ni Belladonna kaya kahit punong-puno ng luha ang mukha ay tiningala niya ito.“Sorry, s-sorry kasi dahil sa akin nasira ang pamilya mo.” Hinawakan niya ang kamay nitong nagpupunas sa kaniyang mga luha.“Sorry kasi ang kapal ko para mag-file ng restraining order sa mga magulang mo, promise i-uurong ko na ang order at hindi na ako manggugulo!” Umiling-iling pa si Hyacinth. Takot sa ideya na may masamang loob sa ka
“Bilis! Baka makarating na sila. Hide on my room, Hya!” Kahit hirap maglakad ay nahila siya ng kapatid papasok ng kwarto.Malaka na huni ng helicopter ang kanilang narinig. Ang akala nila ay magpa-private plane ang mga ito pero mas pinili pala ng mga ito ang mas mabilis na transportasiyon. Papunta sa isla. ‘Ganito na ba ito kagalit sa kaniya?’ Naoatanong siya sa sariliPagkasarang-pagkasara ni Belladonna ng kwarto ay ang pagdating ng mga galit na mga magulang.“Belladonna! Where's your sister?” Galit na tanong ng ina.Wala siyang makita at nakikinig lamang sa loob at nakikiramdam. Base sa mga mabibigat nitong mga yabag at malalakas na boses ay hindi na mapakali ang mga ito.“Dahan-dahan naman, Criselda! Hindi ka sa anak mo galit!” Saway ng kaniyang ama.“Eh ano, Edward? Wala tayong koneksiyon kay Hyacinth pero patuloy pa rin niya tayo binibigyan ng problema!” Bulyaw ng ina.Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng ama bago sumagot, “at sa tingin mo sa pagpunta natin dito ay
Nangangalaiti sa galit si Hyacinth dahil sa lagagawan ng bruhang si Mara na iyon. Hindi niya alam kung bakit dati pa ay tila malaki ang inggit nito sa kaniya kahit na wala namang kainggit-inggit sa buhay ni Hyacinth.Napahawak siya sa tiyan dahil sa stress. Kapag may nangyaring masama sa anak niya ay kahit si satanas ay hindi makikilala ang pagmumukha nito kapag nakatapak ito sa impyerno.Binuksan niya ang tv at bumungad sa kaniya ang mukha ng mga magulang na hindi na maipinta dahil kinukuyog na ang mga ito ng reporter.“Mrs. Herrera! Balita namin ay dalawang anak niyo na ang buntis ngayon at isa sa kanila ay manganganak na at hindi pinanagutan ni Thaddeus Vanesteri at si Hyacinth Herrera naman ay hindi kilalang lalaki ang nakabuntis?”Itinaas at iwinasiwas nito ang kamay na parang ayaw sagutin ang tinatanong ng mga reporter. Agad naman kumilos ang mga guard ng building at kita sa kamera kung pa'no ng mga ito protektahan ang mga magulang na nakatakip na sa mga mukha ng mga ito ang mga