TAHIMIK SI MARGAUX habang nakaupo sa waiting area ng ospital. Mas’yado siyang maraming iniisip habang nakatulala. Ang dami niyang tanong tungkol sa nangyari kanina at ni isa sa mga 'yon ay wala siyang maapuhap na sagot.
Sino ba ‘yong lalaki? Ano ang ginagawa nito sa opisina ng kaniyang papa? At higit sa lahat, anong koneksyon nito sa kanila?
Napakabilis ng mga pangyayari. The bloody amber-eyed man passed out, and then everything went out of control. Sa simula ay natakot siya para sa kaniyang sarili. Ganoon pa man, nang mapagtantong agaw-buhay ito ay nabaligtad ang sitwasyon.
Hindi na niya maalala kung paano niya naitulak ang mabigat na katawan nito. Litong-lito siya nang tumakbo siya papunta sa guardhouse ng gusali nila para humingi ng tulong. Her adrenaline hadn’t pumped as hard as that her entire life. Nanginginig siya habang nasa loob sila ng sasakyan at yapos niya ang walang-malay na binata.
The nameless guy was brutally shot. Pamatay ang tama nito at tila walang balak magtira ng buhay ang pumitik ng gatilyo.
Wala sa loob na nahilot ni Margaux ang kaniyang nananakit na binti. Now that she has rested, damang-dama niya ang kirot niyon dahil sa pagtakbo niya. ‘Goodness! Ano na naman bang gulo itong nasangkutan ko—’
"Miss?"
Noon napalingon si Margaux at agad na nakita ang papalapit na doktora. Napadiretso siya ng upo bago kaswal na ngumiti. "Kumusta na siya?"
"Ligtas na." Ngumiti rin ang manggagamot sa pag-aakalang nag-aalala siya. Then, as if compelled to comfort her, marahang tinapik nito ang kaniyang balikat. "He is a tough guy. Kung tumaas pa siguro nang kaunti ang bala ay maaaring naging kritikal siya. Hindi yata makapayag ang nobyo mo na maiwan ka—"
"Hindi ko siya kilala," putol niya sa sinasabi ng kausap. Kahit pa nga aminado siyang napakagwapo nito ay sigurado naman siyang gulo lang ang dadalhin nito sa kaniya. Sino ba namang matinong lalaki ang makikipagbarilan sa katirikan ng araw?
Sa isiping ‘yon ay mabilis na tinignan ni Margaux ang suot niyang relo. "Aalis na ‘ko since wala na pa lang problema. Excuse me, doc. May kakausapin pa ‘ko."
Nalilito man at tumango ang doktora. "Okay. Ipapa-check ko na lang sa nurses ang mga gamit niya para makuha ang pangalan niya—"
“Nasaan siya?”
Halos mabali ang leeg ni Margaux nang may magsalita mula sa dulo ng pasilyo. Agad na nakilala niya ang timbre ng boses na ‘yon. It was cold and thick. Parang ang kaniyang.…‘Papa?’
"Ito ba?" Alejandro looked regal as he strode through the hospital lobby. Mabibilis ang mga hakbang nito habang sinusundan ng apat na unipormadong lalaki. Lahat sila nakasuot ng itim na business suit at animo’y isang pormal na pagtitipon ang pupuntahan. “Saan?”
"Dito po, señor," wika ng isa sa mga guards nito habang ginigiya ang kaniyang papa sa operating room. Ni hindi man lang lumingon ang Don nang lagpasan nito si Margaux at mabilis na itulak ang pinto.
Tarantang napatalon ang doktora sa inasal ng kaniyang ama. Muntik pa itong madulas nang hablutin ang manggas ng matanda. "I'm sorry, sir. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa operating room. We have a procedure going on. Hindi po namin 'yan pinahihintulutan—"
"Bitaw." Mabilis na kumilos ang katabing g'wardiya ng Don at tinutukan ng baril ang doktora. Agad namang nawalan ng kulay ang butihing manggagamot at bumitaw sa damit ni Alejandro.
Alejandro, however, just looked at the doctor disinterestedly. Para lang itong nakakita ng langaw na dumapo sa braso nito at ni hindi nagsalita.
Then, as if he didn't hear what the doctor said, the rich old man marched into the operating room like he owned it. Hindi lumipas ang isang minuto ay nagkagulo ang mga nurse sa loob ng operating room. Ang ilan sa mga ito ay nagmadaling lumabas na aakalain mong hindi tao ang pumasok sa k’warto kung hindi isang diyos.
Gustong-gustong magtanong ni Margaux, pero natuyo ang kaniyang lalamunan sa mga nakikitang pangyayari. Daig niya pa ang bato na hindi nararamdaman ang manaka-nakang pagbunggo sa kaniya ng mga nagtatakbuhang nurses.
‘What the hell—shit!’ Napaigtad si Margaux nang muling bumukas ang operating room at lumabas si Alejandro.
May hawak itong puting bimpo habang nililinis ang duguang kamay. Mayamaya pa ay walang ekspresyon na nilingon nito ang doktora, bago nag-utos, "Patapusin ninyo ang babaeng ito sa kaniyang trabaho. Isama ninyo siya sa pag-alis. Siguraduhin ninyong walang nakasunod kay—"
"Papa!" Sa wakas ay natagpuan ni Margaux ang kaniyang boses.
Noon lang tila napansin ni Alejandro na naroon siya. Dagling napakunot ito ng noo. Bumilang pa ng ilang segundo, bago ito tumango at dismayadong nagsalita. "Margaux?”
"Yes, Pa." Nagkandabuhol-buhol ang hininga ni Margaux bago pilit na ngumiti. Dagli siyang napatingin sa duguang kamay ng matanda, bago nagtatakang binalik ang tingin sa mukha nito.
Halatang hindi nasiyahan ang kaniyang papa na makita siya. Tumiim ang bagang ng matanda bago nilingon ang pinakamalapit na g'wardiya at tinuro siya. “Isama ninyo rin siya."
Without any more words, the old man turned, and started for the elevator. Gustong sundan ni Margaux ang ama niya, pero kakatuwang natulos na lang siya sa kinatatayuan. Ni hindi niya nga alam kung saan niya nakuha ang lakas para tawagin ulit ito nang malapit na ito sa elevator. "P-Papa, saan ka pupunta—"
"Tahimik!" Alejandro's command tore through the air and made her swallow. Matapos ang pagsigaw nito ay balewala itong pumasok sa elevator at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Sumunod agad ang mga g'wardiya nito at alistong hinarangan ang matanda.
Papasara na ang elevator nang mag-angat ulit ng maukha si Alejandro at salat sa emosyon siyang tingnan.
"Wala kang nakita, Margaux,” said the Don in an almost silent tone. “Kalimutan mo ang nakita mo. Hindi nangyari ang araw na ito...”
‘HINDI RAW NANGYARI ANG ARAW NA ITO...’Napailing si Margaux nang maalala ang sinabi ng kaniyang papa. Kahit malakas ang ulan sa labas ng sasakyan ay hindi na niya ‘yon napapansin. Ayaw huminto ng kaniyang isip sa pag-alala sa mga nangyari. Paulit-ulit lang lahat sa kaniya, simula nang dumating siya sa opisina ng Don hanggang sa iwan siya nito sa ospital.‘What does he mean by that?’ Patamad na sinandal niya ang kaniyang ulo sa upuan. Nahihilo na siya sa haba ng biyahe, pero ni hindi siya makapagreklamo. Natatakot kasi siyang magsalita, lalo pa at nakita niya rin kung paanong kaladkarin ng mga g'wardiya ang kawawang doktora palabas ng kotse kanina.Malayo na sila mula sa ospital nang makatanggap ng tawag ang mga g'wardiya. Hindi niya narinig kung ano ang pinag-usapan ng mga ito pero nagulantang siya nang biglang huminto ang kotse at hilahin palabas ng isa sa mga ito ang doktora. Malakas ang naging iyak ng babae nang madapa ito sa lupa. The doctor begged for her life while looking up a
FROM: margaux.montenegro@gy.comTO: alejandro.montenegro@montcorp.comSUBJECT: NASAAN KA?Papa, Kumusta ka? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Maayos na 'yong lalaking pinadala mo rito sa bahay, pero hindi pa gumigising. Nagdeliryo siya kagabi. Kung ano-anong sinasabi, pero wala naman akong naintindihan. Inaasikaso naman siya ni Doktora Lazaro araw – araw, kaso hindi siya naihatid ng mga tauhan mo kagabi. Umapaw kasi ‘yong ilog dahil sa lakas ng ulan kaya lumubog ‘yong tulay. Bumaba rin naman ‘yong lagnat niya pasado alas-tres ng madaling araw, pagkatapos ko siyang bigyan ng sponge bath—****MARGAUX'S FINGERS FROZE from typing. Sandali siyang natulala sa dalawang huling salitang kaniyang tinipa. Nang makabawi ay sunod-sunod niyang pinindot ang backspace ng kaniyang laptop bago muling nag-type ng: ... bigyan ng spongebath ni Alberta.Pagkatapos ay palihim na sinipat niya ang matandang babaeng nagtitimpla ng kape sa kitchen counter. Ilang ulit muna siyang umiling bago pinagpatuloy
MARGAUX PURRED SEDUCTIVELY when something soft and warm traced her spine. Her consciousness slipped in and out of sleep, hanggang sa umabot ang mga labing ‘yon sa dimples niya sa likod at maharang kumagat."Ahh..." Magkahalong kiliti at hapdi ang dumaloy sa kaniya habang nakadapa sa malambot na kama. Hindi pa siya nakakabawi nang may biglang sumalo sa kaniyang kanang dibdib at mapaglarong pumiga roon.Her lips automatically split into a wide grin. The hand playing with her breast was an expert, at mabilis na napapag-init siya nito. “I want more...”"Are you sure?"“O-oo!”Umarko ang likod niya nang mas panggigilan nito ang kaniyang dunggot. Nandiyang pisilin nito ‘yon, paikutin sa daliri, bago muling sasakupin ng palad ang buo niyang dibdib, at pipigain nang may kasamang gigil. He was tirelessly kissing her back and shoulders too— such a multi-tasker."Aww… Fuck me already."Mahinang tawa ang sinagot nito. She liked the sound of his laugh, bruskong-brusko pero masarap sa pandinig. Isa
ROME GRUNTED PAINFULLY upon waking up the next day. Pinilit niyang idilat ang mga mata, pero lalong sumakit ang kaniyang ulo. He shut his eyes again, and gave himself another minute to rest. Ano ba talagang nangyayari? Bakit ba ang bigat ng pakiramdam niya? He was certain that his pain wasn't just the result of a hangover. Pati kasi mga litid niya ay sumasakit din. It was like he hadn't moved for a month and he was stuck! ‘A month?’ Napabalikwas siya bigla kasabay ng pagsalo sa kaniyang tagiliran. Ilang ulit niyang naipilig ang ulo para kanselahin ang kirot na sumigid sa ilalim ng bendang nakapalibot sa kaniyang sikmura. ‘What the? A damn fucking month!’ Wala siyang sinasayang na panahon nang mabilis siyang bumaba sa kama. He almost tipped over with his first few steps when his knees buckled. Walang lakas ang mga binti niya at buti na lang ay nakakapit siya sa bedside table. Para siyang sanggol na nag-aaral pa lang lumakad nang nangunguyapit na lumapit siya sa bintana. ‘What the fu
THE DAY WENT BY FAST for everyone in the villa, except for Margaux. Kanina pa siya nakahilata sa kaniyang kama pero hindi naman siya dalawin ng antok. Biling pakaliwa, biling pakanan, at ilang magkakasunod pang ganoon ang nagawa niya bago siya inis na bumalikwas mula sa kama. Alas-tres na ng madaling araw. Bakit nga ba hindi siya makatulog at balisang-balisa siya? ‘So here lies Margaux’s wish to sleep.’ She rolled her eyes in disappointment before sliding out of her bed. Hinugot niya ang kaniyang laptop mula sa ilalim ng kama, bago nakasimangot na umupo sa sofa ng kaniyang mini living room. Soon enough, and she was already checking her emails. Ilang beses siyang nag-scroll pataas at pababa sa kaniyang mga feeds bago napaismid. How silly! Hindi lang yata antok ang nakalimot sa kaniya kung hindi pati ang kaniyang mismong papa. Puro subscriptions sa fashion magazine at dance world ang laman ng kaniyang message box. Nang makabawi siya ay gigil siyang nag-type sa kaniyang keyboard. .
"OH..." NAPAUNGOL SI MARGAUX nang magising na parang binabarena ang kanyang ulo. Hindi na bago ang hangover sa kanya, pero iba talaga ang tama ng sakit ng ulo niya ngayon —tumutugon sa buong katawan.'God, ganoon ba karami ang nainom ko kagabi?' Napahikab siya kasabay ng pagtatalukbong ng kumot. The soft mattress beneath her felt heavenly. Idagdag pa roon ang napakalinis at preskong amoy ng kanyang unan..She couldn't recall buying anything that smelled like her pillowcase. Napakabango niyon pero hindi masakit sa ilong. It actually smelled like mint shampoo mixed with aftershave. Mild lang 'yon pero lalaking-lalaki.'A man...' Namaluktot si Margaux sa ilalim ng kumot. Agad din siyang napasimangot dahil sa pagkirot ng kanyang mga dibdib nang aksidente niya itong masagi. Her eyes were still closed when she cupped her swollen breasts. Magkaka-mens na ba siya? Bakit parang namaga yata sa ang kanyang mga boobs? 'Kung ano-anong iniisip mo. Sino naman ang lalamas sa'yo—'"Good morning, cara
HINDI NAPIGIL NI ROME ang mapadilat nang marinig ang pagsara ng pinto. Ilang segundo rin siyang napatulala sa kisame habang binabalikan sa isip ang narinig.Pussy Ambassador ba talaga ang sinabi ng dalaga? He smirked before shaking his head. Sigurado siyang hindi ito makakapagsalita nang ganoon kapag naalala nito ang mga pinaggagawa nila.'Technical virgin ka na lang, Margaux.' He bit his lips. Mayamaya pa ay gumapang ang kanyang kamay papunta sa ibabaw ng kanyang suot na pantalon. He felt himself twitching inside his jeans. Galit na galit, parang gusto nang makipag-away.'Damn.' Binaba ni Rome ang kanyang zipper at nilabas ang kanyang kahadaan. He then began moving his palm up and down his rigid shaft, squeezing gently and then releasing slowly whenever he reached its aching head. Mas binilisan niya pa ang ginagawa hanggang sa maramdaman niyang bumibigat ang kanyang pagbayo kasabay ng kanyang hininga.His mind was back to what exactly happened last night. Tandang-tanda niya pa ang la
GABI NA NANG MAKALABAS SI MARGAUX mula sa villa. It was a bad morning followed by an even worse day. Tinaob na niya lahat ng pwede niyang pagtaguan ng gamit, pero hindi man lang niya nakita ang kanyang phone.Okay lang sana 'yon eh. P'wede naman niyang utusan na lang ang mga katulong nila na ibili siya ng phone. Kaso nga lang ay may hinihintay siyang tawag. Paano kung mahipan ng masamang hangin ang kanyang ama at biglang matutong mag-dial?'Psh! Ano ba namang kamalasan ito?' Margaux rolled her eyes before dropping her bag on the ground. Malamig naman sa ibabaw ng burol, pero ang ulo niya mainit pa rin.Ilang breathe in at breathe out ang kanyang ginawa. Pamayamaya pa'y padabog niyang hinugot ang kanyang ipod, portable speaker, at isang bote ng Carlo Rossi mula sa kanyang backpack. She arranged all of them on top of the wooden table there.Dagli niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Mga puno at ang kanyang abandonadong tree house lang ang nakita niya. Wala naman sigurong mabubulahaw na
NAPAKIBINI NG ARAW habang nakatunghay sa Reiti Paso, Italy. Tulad ng masasayang mga oras na dumaan sa munting bahay na 'yon ay naririnig pa rin ang paghampas ng alon sa dalampasigan mula sa kinauupuan ng Don. Napakasarap sa pakiramdam ng hanging gumugulo sa kanyang buhok habang sumisimsim siya ng wine. Mabagal rin ang pagsasayaw ng mga kurtina sa bawat bintana. Sumasaliw iyon sa kanyang mahina paghuni— Alla Mia Amata s'yempre."Papa?"Alejandro pretended not to see the tiny boy who approached his lap. Bagkus ay mas tinaas niya ang hawak na dyaryo para takpan ang kanyang mukha. Nagkunwaring siyang abala. Ganoon pa man ay pasimple niyang ibinaba ang kanyang tuhod para may makapitan ang makulit na paslit."Papa...""Nagbabasa ako, Romano," he playfully dragged the boy's name, copying how the child called his. "Ang daming mga balita na kailangan tingnan ni Papa kasi makakaapekto sa ating kartel—" Napahinto ang kanyang bibig nang maulinigan ang sariling sinabi. Nang makabawi ay mabilis niy
IT WAS THE WORST BATTLE HE HAD FOUGHT. Isang labanan kung saan hindi niya man lang makilala kung sino ang kanyang kalaban. A battle where he had to keep firing his gun while staring at his cara's dying face.Nakalimutan na niya kung ilang bala ba ang bumaon sa kanyang katawan para kay Margaux. His whole body was numb, but then he just couldn't let her go. Blangko na rin ang kanyang isip. Hindi niya na kayang kilalanin ang daan-daang mga duguang mukhang pumapaligid sa kanila.Alejandro's soldiers were fighting like they were a group of hungry beasts. But then, the group that broke through the gate minutes ago, whom he thought were Marco's soldiers, were just as ferocious.Napansin niyang isa sa mga grupo ang prumotekta sa kanya habang tinatakbo ang direksyon ng parking lot. Ilang unipurmadong sundalo rin ang sumalo ng bala para sa kanya. They were willingly giving their lives to him, assuring him that he would get where he needed to.He was in pain— so much of it.Pero hindi 'yon dahil
"MARGAUX." HINDI UMABOT SA PANDINIG ni Margaux ang pagtawag ni Alberta. Tulad kanina ay awtomatikong kumilos ang kanyang kamay para dakutin ang kanyang puson nang kumirot iyon.The drop of sweat that fell on her fist resting on her lap looked blurry. Sobrang sakit ng kanyang nadarama at kinakapos siya ng hininga kahit nakaupo lang siya roon."Ayos ka lang ba, anak?""Tapos ka na bang magsalita?" Mariing naipikit ni Margaux ang kanyang mga mata nang magdoble ang tingin niya sa kaharap. Getting this dizzy and in this much pain weren't what she needed."Patawarin mo 'ko..."Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng matandang babaeng nakaluhod sa kanyang paanan, pero hindi na 'yon rumerehistro sa kanyang isip. Isang bagay na lang kasi ang nanatili roon — ang kanyang caro.Sa dami-dami ng sinabi Alberta, ang natatandaan niya lang ay ang mga katagang 'tunay na anak ng Don' at 'tunay mong ina'. Ewan na ni Margaux kung tama pa ba ang pakikirinig niya sa iba pa. Hindi na rin
ALA-SINGKO PA LAMANG NG UMAGA ay umuugong na ang buong villa. The scent of food, combined with flowers, was lingering in the air. Daan-daang lamesang binalutan ng puting linen ang pumupuno sa kabuuan ng bakuran. Nagmistulang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga katulong sa pagbubuhat ng mga pinggan at kubyertos.Mayroon ding isang grupo ng mga musikero na pinatawag ng dis-oras ng gabi. Nagkukumahog ang mga ito sa kasalukuyan habang pag-aralan ang pinakamasalimuot na musikang kanilang tutugtugin sa kanilang tanang-buhay — ang Alla Mia Amata."Tandaan mo. Kapag nagkamali ka nang isang beses ay magbabago ang kahulugan ng piyesa." Sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo ang Panginoon. Pailalim itong nakatitig sa isang pobrerong kaluluwang may hawak ng violin."S-Señor—""Para sa nag-iisang anak ko 'yan..." Alejandro nodded his head as his amber eyes pierced through the trembling violinist's face. Hindi man ito magsalita ay madali namang hulaan na huling piyesa ng kaawa-awang musikero ang Alla Mia
NAGLALARO ANG MGA DAGA kapag wala ang pusa. Sa kaparehong paraan, naglalaro rin ang mababang klase ng diyos kapag wala ang Panginoon."Nagpakita na ang batang Montenegro." Maingat na inusog ng nakakabatang lalaki ang itim na pyesang hawak nito sa chessboard. Ilang saglit pa ay hininto nito sa harap ng puting reyna - isang nakapagandang babaeng nililok sa salamin - ang hawak nito."Oh, siya nga ba?" Sumagot ng atake ang kalaro nitong matanda. Ginalaw nito ang puting reyna upang sakupin ang kaawa-awang itim na kawal.That made the young man chuckle. Patamad na sinandal nito ang likuran sa mamahaling upuan bago nag-anunsyo, "Yes, Papa. Natagpuan na siya ng mga kawal.""Molto bien..." Binaha ng galak ang boses ng matanda. Pagkatapos ay ginaya nito ang ginawa ng anak at sinandal ang sarili sa upuan. Bakas ang saya sa kilos nito nang kunin ang kopita sa lamesa at sumimsim ng mamahaling alak. "Kumusta naman ang Panginoon? Nagpakita na ba?""Hindi pa," the younger man answered while giving hi
MAHIRAP SABIHIN KUNG ANO ba talaga itsura ng impyerno noong mga oras na 'yon. At three in the morning, hell looked nothing like what the bible said. Madilim. Pagkatapos nagri-ring 'yong telepono hanggang may sumagot boses.[Hello? Parating na siya, Panginoon.]"Mabuti."[Gusto mo bong ipasalubong ko siya sa 'yong mga sundalo?]"Huwag. Hintayin mo siyang makapasok sa teritoryo ko."[P-Pero...]"Maghintay ka lang. Hindi maaring hindi siya sundan siya ni Romano."..Pauwi ako sa villa.Hihingi ako ng tulong kay papa.Mahal na mahal kita.—Margaux :)A THREE-SENTENCE NOTE, A LITTLE SMILEY AFTER IT, and her name written using her red lipstick. Iyon lang ang kinailangan para magunaw ang buong mundo ni Rome habang nakatulala sa harap ng salamin.Pagod na pagod na siya. Ni hindi na nga niya alam kung humihinga pa ba ang kanyang kaluluwa. Napakalamig ng mundo, mainit ang mga braso ni Margaux nang yakapin siya nito kagabi. Damn it. Hindi niya sinasadyang makatulog!That was a reckless move. He
KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses."Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya."[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]"Natural!" Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. "Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?"[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]"Kaladkarin mo siya pabalik." Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. "Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon."..TUMATAWAG SI ALBERTA.Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.'Sasabihin ko ba kay, Rome?' Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang
GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino."Sunugin ninyo," utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.Kawangis ng lugar na 'yon ang langit— kaso may demonyo sa loob."Sunugin ninyo at..." humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. "Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo."..'CAZZATA!' Rome's cuss remained unspoken as he watched his headquarters, 'The Romans', burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.Makapal ang
“GUSTO KO MAKITANG SUOT NINYO ‘YON.” Rome felt his chest tighten. Could he tell his cara about the heavy things pressing him down on that bed? O kaya naman, maari niya bang sabihin dito kung anong sumasakal sa kanya habang nagmamakaawa siyang isuot nito ulit ang damit na ‘yon? He took a deep breath to lessen the pain eating him up. “Please...”“Matagal nang wala ‘yong dress, caro.”Bigong naipikit niya ang kanyang mga mata. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago gumalaw at nilingon ulit ang nag-iisang babaeng kanyang minahal.He saw his cara looking back at him over her beautiful shoulder. Unti-unti bumaba ang kanyang paningin sa likod nito at nagtagal sa dalawang dimples na nasa ibabang bahagi ng spine nito. Then, dotingly, his warm gaze lingered on her hips.The corner of his lips lifted although his smile didn’t reach his sad amber eyes. ‘Nagmamadaling lumaki ang anak ko.’“Huwag ka ngang ngumiti nang ganyan nagmumukha kang sira.” Iritableng boses ni Margaux ang nagpabalik ng p