Pagkalabas nila ng Conference room, nagkahiwalay sila ni Fawn, mayroon rin kasi itong mga pasyente na inaasikaso. Siya naman naglalakad sa corridor para puntahan rin ang isa sa mga pasyente niya. Ngunit saktong pagkarating niya sa dulo kung saan may hagdan, niluwa nito si Stella na naka-cross ang mga braso. Ang sama ng tingin nito sa kaniya at inasahan niyang magsalita ito ng kung ano-ano sa kaniya pero tuloy-tuloy ang lapit nito. Kinabahan siya, slight at walang anu-ano'y hinila nito ang buhok niya. "Ang kapal ng mukha mong hiyain siya sa harapan ng lahat!" Napahawak siya sa kamay nito at napasigaw. "Ahh! Ano bang problema mo? Bitawan mo ang buhok ko!" Napapikit siya sa lakas ng hila nito. Parang matutuklap ang anit niya. "Problema ko? Ikaw! Masyado kang mayabang! Bakit sa tingin mo bida ka? Sinabi mo talaga iyon kay Lucas?! For your information na babae ka, si Lucas anak ng Chairman, may-ari ng hospital! Kaya ka niyang paalisin kung gusto niya. Ikaw, doctor ka lang dito! Wala kan
Hindi na alintana ni Lucas ang bigat ni Ave na binubuhat niya ito. Nakaalalay naman sa kaniya ang binatilyo, halatang nag-aalala kay Ave. Kung hindi siya magkakamali, guardian ng isa sa mga pasyente ang binatilyong ito at hawak ni Ave. Pagbukas ng elevator, may agad na sinalubong na stretcher sa kanila. May mga nurses na tumulong, may kasamang doctor at napatili ito dulot ng pag-alala, "My god, Avery!" Agad ring nagtanong randomly, "What happened to her?" "S-She's bleeding," nauutal niyang sagot.Umalalay ito sa kaniya habang pinapahiga niya ito sa stretcher, wala pa ring malay. Paghatak niya sa braso niya, napatingin ang doctor roon at nakita nito ang dugo. "Oh shít!" Maiwan pa ang ilang dugo sa braso niya, ngunit dahil sa kaba niya hindi na niya ito nagawang punasan pa. Sumunod si Stella rito, halatang takot sa maaring mangyari kay Ave. Ngunit mas higit siyang takot, lalo na't siya ang nag-tulak rito, iniwan pa nila. Parang gusto niyang iuntog ang sarili niya sa pader. Sobrang n
Naduduwag naman si Lucas na lumapit kay Ave. Alam niyang nagpapahinga ito sa kwarto nilaan para rito, ngunit ayon sa OB/GYN, napag-alaman na ring niyang tiyahin nito, kasalukuyan pa ring nagbi-bleed si Ave pero patak-patak na lang. Ngunit hindi pa rin ito pwedeng tanggalan ng maternity napkin. Confirm ngang buntis ito, at medyo may part sa kaniya ang nasasaktan, dahil hindi siya ang ama. Panigurado, ang boyfriend nitong sumuntok sa kaniya ang tatay ng bata. Guilty lang siya dahil siya ang naging kíllêr ng anghel na iyon. Kasalukuyan siyang nasa labas ng kwarto nito, nagdadalawang isip na pumasok. May dala siyang paper bag na may lamang shawarma sa loob. Sigurado siyang masama ang loob nito ngayon, dahil nawalan ng anak. Napaigtad naman siya ng bumukas ang pinto, lumabas ang kaibigan nitong Doctor rin. Natigilan pa ito nang makita siya. Nilapitan naman niya ito, at tiningnan ang pangalan sa suot nitong white gown, Cardiothoracic Surgeon Fawn Marlowe. Binalik niya ang paningin siya s
Gumuhit ang sakit sa damdamin ni Avery sa pakikiusap na ginawa ni Lucas. Talagang handa pa itong harapin ang parusa niya basta huwag lang niya idamay si Stella na may malaking kasalanan sa kaniya. "Please, Ave. Listen, okay?" Lumapit pa talaga ito sa kaniya, umupo sa tabi niya. Naka-crouch lang sa sahig kahit na pwede naman itong maghila ng upuan. Kulang na lang luluhod ito, kung lunok na nito ang pride. Marahan pa nitong hinawakan ang braso niya. "I'm the one who pushed you. I'm the reason why you're here. I mean I'm the one with the big reason—"Hinila niya ang braso niya. Hindi na niya kayang magpigil ng emotion. Naiinis siya lalo rito, lalo na't kulang na lang sabihin nito, wala siyang karapatang ipakulong ang babaeng iyon kahit na siya na ang dehado. Hindi ba naiisip ng lalaking ito na anak niya ang nawala? Ito na nga mismo ang nag-sabi na ang anak niya ay mahalaga sa kaniya, so ano iyon salita lang hindi galing sa puso? "Ave please..." nakikiusap pa nitong sabi, hinawakan ulit
Bumalik siya sa desk niya. Tiningnan niya ang papel na nilapag ni Lucas roon. Nakalagay roon una ang pangalan Amritaveda Sansmith Elite Medical Consortium. Kumunot ang noo niya dahil sa pangalan pa lang na iyon, parang iba na ang dating nito at isa pa, mayroong Sansmith. Apelyido ito ngayon na dinadala ng kapatid niya. Ngunit sa tagal na niyang kilala ang Sansmith, hindi niya alam na may ganitong property ang mga iyon. Para itong data record ng isang member, ang pangalan, Dr. Casimir Sansmith, isang Medical scientist, nakalagay rin doon ang mga naimbentong serums, viruses and antidotes. Pero ang mas nakakaintriga sa lahat dahil nakasaad rin doon na ang Dr. Casimir Sansmith ay may-ari ng Casimir University hospital. Mukhang matanda na kasi nakasaad rin doon kung ilang taon tinrabaho ng scientist na iyon ang nasabing antidote ng virus at mga ibat-ibang serum pa. Shempre hindi lang isa ang record, marami pang antidote itong naimbento at naso-solusyunan ang research tig limang taon, pi
"What do you want to have?" tanong ni Jaxon kay Avery nang magpasya silang pumasok sa isang tahimik na restaurant na wealthy people lang din ang makaka-afford ng mga pagkain. Parang dinner date na rin ito. Sinadya talaga niyang gawin ito sa babae para simulan ang pakay. Maraming dahilan kung bakit ginagawa niya ito. Una kasi, malaki ang ambag nito sa Hospital niya, at hindi niya ito hahayaang mawala ito roon. Kaya kung kinakailangan niyang idugtong ang pangalan niya sa pangalan nito, hindi lang ito makawala sa kaniya, gagawin niya.Pangalawa, gusto niya ang babae. Sa tagal na nagtrabaho ito sa kaniya, hindi niya rin maiwasang gustuhin ito. Saka lang siya noon kumakalma dahil napapansin niyang umiiwas ito sa kaniya at isa pa lagi itong may karelasyon. Ginagawan lang niya ng paraan para iwan ito ng mga lalaking nakarelasyon ngunit talagang mabilis makahanap ng kapalit ang babaeng ito. "Kahit ano, ikaw ang bahala," nakangiting turan nito. Giliw na giliw naman siyang titigan ang mukha
Lihim na napakuyom ng kamao si Jaxon. Binalot ng ngitngit ang buo niyang katawan. Alam niyang isang salita lang ni Lucas sa kanilang ama, papayag na agad ito at awtomatiko, talsik siya sa pwesto. Ngunit naisip niya rin, ang babaw ng sinabi nito. Kung aalis siya, uto-uto ang maging kinalabasan niya. At isa pa ngayon, balance pa lang ang alas na hawak niya laban rito. Kapag i-kanta niya iyon damay pa rin siya, kaya wala siyang magagawa. Hindi niya pwedeng galitin si Lucas sa ngayon, kaya tumingin siya kay Ave na tila napansin rin ang pagbasa niya ng mensahe sa phone. Ngumiti siya rito nang pilit at ganoon din ito, "Business?" tanong nito. Tumango siya. "I'm sorry, kailangan ko talagang umalis.""Of course," natawa ito nang mahina, "Mas mahalaga iyan. Wag mo na akong ihatid kasi kukunin ko rin ang sasakyan ko sa hospital.""Ihatid na kita sa hospital," aniya. Umiling ito. "Wag na, kaya ko naman eh."Kung ano man ang sinabi ni Lucas alam niyang hindi totoo iyon. Mas maniniwala pa siya
Dahil binutasan ni Lucas ang gulong ng sasakyan niya, ang sasakyan nito ang ginamit nila pauwi sa unit niya. Sobrang badtrip siya sa ginawa nito pero kailangan niyang hayaan itong makapasok sa unit niya. Bitbit nito ang mga grocery niya ngunit pagpasok sa pintuan kinuha niya ang flip-flops at hinagis sa sahig sa harapan nito. "Suot mo, para malinis ang sahig ko," pagmasungit niya. Nangibabaw ang lungkot sa mukha nito, animo'y nakakaawa ngunit alam niyang trip lang nito ang umaktong ganon. Shempre galit na galit siya kanina. Sobra sobra na ang ginawa nitong pang-iinis. Inamin pa nitong pinadalhan ng mensahe si Jaxon para sirain ang dinner date nila. Hindi naman iyon totally date talaga pero nakakainis pa rin ang ginawa nito. Gawain ng lalaking nagseselos iyon pero kahit saang angulo niya tingnan hindi niya parin maintindihan kung bakit ito nagseselos, kung nagseselos nga ba talaga? Kasi mayroon na itong Stella eh, halata namang mahal na mahal nito ang babae. Ngitngit na ngitngit na
Sobrang saya nila sa araw na iyon. Ang kasal nila ay talagang minarkahang memorable wedding ng pamilya dahil first time nilang na-encounter na kulang ang seremonya. One month Later, katulad ng laging sinasabi sa kanila ng mga Sansmith, Lucas has to be married, malalaman niya ang totoong sekreto ng Sansmith. And In England pala, may malaking institution ang Sansmith na talagang kini-keep bawat myembro ng pamilya pati ang mga taong nasa ilalim. Oh ang mga so called Sansmith people.Ang institution na iyon ay isang malaking laboratory ang nasa itaas pero ang nasa ilalim, hindi lang para sa medical, pati sa pangtechnology ay mayroon din, napakaraming imbentong makikita doon. Malalaking robot, mga machine na hindi basta-bastang hawakan dulot ng electricity. Kung baga lahat ng nakikita nila roon ay futuristic. Sinisikap ng mga scientist na ito na maging maganda ang takbo ng mundo sa hinaharap. "So anong latest na iniimbento nila ngayon?" tanong ni Lucas habang pinagmamasdan ang mga mal
Sa harap ng Altar nagsalita ang pare, "Luther Casimir Carterson, do you take Avery Blaire Abernathy to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?"Ngiting-ngiti na sumagot si Lucas, "I do.""Avery Blaire Abernathy, do you take Luther Casimir Carterson to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?"Humagikhik siya dahil sa ginawa niya kanina at sumagot, "I do, Father."Humarap sila sa isa't isa at nagsalita ang pari, "Now that you stand before God and your witnesses, let us solemnly declare your vows of love and faithfulness. Luther Casimir, please repeat after me."Tumikhim si Lucas at siya naman at natatawa pero nagpipigil lang. Lumapit na si Zachary na ring bearer nila. K
"Luh ano iyan?" react na tanong ng kaibigang si Celestia nang bigyan ito ni Lucas ng cake. Natawa si Ave at sinabing, "Sorry daw."Tumaas ang kilay ni Celestia tapos biglang, "Honey, si Lucas oh, nililigawan ako.""Of course not!" react naman agad ni Lucas. Nagtawanan naman sila. "Huwag mo nang gawan ng kasalanan, patawarin mo na lang," sabi naman ng asawa na mayroong dalawang isang plato ng pagkain. Kakarating lang nila at tambay na naman sila sa bahay nila Noah. Shempre hindi mawawala ang mga mag-aasawa, Natalie and Ivan, Gwy and Ace, nandoon din si Stella, napasali na sa grupo nila at kasama pa si Justin. Sa napapansin niya mukhang may malalim pa na relasyon ang mga ito. Napanguso si Celestia, "Sige pero may tanong ako.""Ano iyon?" tanong naman ni Lucas. "Talaga bang wala kang tiwala sa akin, hindi talaga ako magaling na doctor?" tanong nito. "Of course you are!" sagot naman agad ni Lucas. Sinamaan ito ng tingin ni Celestia, "Plastic! Kung magaling akong doctor, dapat hind
Positive ang result ng DNA ni Lucas at ng kaniyang ama. Basag siya nang sobra sa natuklasan na ito.Nasasaktan siya sa isiping naghirap ito pero walang kahit sinong makakapitan para pagkuhaan ng pag-asa habang siya, binaliwala ang mga tawag nito noon dahil ayaw lang niyang pigilan siya nitong hanapin ang kaniyang ina. Naalala pa niya noong tumawag ito noon, hindi niya sinasagot. "What if... what if those were the times when he needed help? I didn't answer... why didn't I answer?" Para siyang mababaliw sa isiping iyon. Kinakain siya ng matinding konsensya at sa sobrang tindi ng emotion niya napasigaw siya at dahan-dahang napaupo sa sahig. "Lucas..." Boses na naman ni Ave. Lumapit ito sa kaniya at umiiyak rin na kinausap siya. "Kailangan na ng mga pulis ang DNA."Maraming naawa sa kaniya, dahil maraming nakatingin. Ang ilan sa mga doctor ay talagang hindi na kinaya ang sitwasyon niya. Nahawa na sa pag-iyak niya at pasimple na lang na nagpunas ng luha. "Ave...ang tángá ko..." Iyak ni
Hindi na nagpakahirap pa ang mga Cohen, sinabi ng mga ito kung saan nakalibing ang ama ni Lucas. Wala na rin namang magagawa ang mga ito, dahil talagang hindi siya magdadalawang isip na púmätay sakaling nagmatigas pa ang mga ito. Sa kwarto niya sila dumaan, pagkagaling nila sa monitoring area kung saan naroon ang access ng lahat ng parte ng mansion. Lumabas sila, binigyan naman niya ng daan ang mga Sansmith people na pumasok. Nagulat pa ang mga Cohen nang makita siya, na kasama si Avery and Ace. Parehong takot ang mga ito, at ang mga Sansmith people naman ay hinuli na ang mga ito. "Sir Lucas, thanks for saving us," umiiyak na pasalamat ng katulong na si Tera. "They shouldn't be let out of prison because of what they did to Chairman," sabi naman ni Coline."Sorry, sir Lucas, we didn't know he was already gone," singit pa ni Tera na umiiyak."I'm happy that you activated the mansion, sir Lucas," biglang sabi naman ng hardinero."Philip...you know?" gulat niyang tanong. Napatingin s
"What. The hell. Is going on?" matigas na tanong ni Percival at kahit isa sa kanila ay walang makakasagot. Nanginig ang kinakatayuan nila. Tuloy-tuloy ang tunog ng error sound sa buong bahay at kumikislap-kislap ng salitan ang kulay asul at pula na ilaw. Gumagalaw ang mga naka-fix na parte ng mansion, ang hagdan ay umangat pa. Pati ang sa sahig may mga accent lights na ngayon lang talaga niya nakitang may ganoon pala doon. "Fúck! What is this?" sigaw na tanong pa ni Edward. "We don't know!" sigaw ni Eric na natataranta na. "The doors are closing!" sigaw rin ni Ethan, pare-pareho na silang binabalot ng takot. "We need to leave immediately, something bad is happening here!" apura niyang sabi at bawat pintuan na pupuntahan niya may umaangat na digital screen bilang pagsasara. "Fúck! This mansion is filled with technology!""You've been in this mansion for 13 years, and you don't know about this?" pagsasarkastiko na tanong ni Percival."How would I know when Luther keeps bombarding
Pagkababa nila Ave, sa basement parking lot ng hospital, pagbukas ng elevator, nakita nilang maraming men in black at paglabas niya, may humila sa kaniya. Napatili siya at si Jaxon ang humila sa kaniya. "Ave!" sigaw ni Lucas and Ace. Mabilis siyang niyapos ni Jaxon sa leeg at tinutukan ng baril. "If you don't let me go. I will blow this woman's head!" banta nito. Binalot siya ng takot kaya sigaw siya ng sigaw. "Ave!" "Lucas!" hingi niya ng tulong dito. Takot na siya, lalo na't kahit anong pagpumiglas niya ang higpit ng hawak nito sa kaniya. "It's okay, Ave. Relax, I'm here," ani Lucas na pinapakalma siya kahit na halatang natataranta ito. Mas lalong naging agresibo ang lahat sa pagtutok ng baril. "Hold your fire! She will be my wife!" sigaw ni Lucas sa mga men in black. Baka kasi magpapaputok.Rumagasa na ang mga luha niya sa takot, lalo na't tumawa si Jaxon nang malakas, "Wife?! There's no wedding will gonna happen, Lucas!" Humalakhak pa ito. "And yes, you're here, for her, but
"I won't let you to get away from this, Jaxon!" sigaw ni Lucas, nang makatakas si Jaxon mula sa kanila. May rumesbak kasi at may mga tama ang mga kasama niya. Mabilis niyang binalingan si Ace na may tama sa balikat, "Ace you okay?""I'm okay," sagot naman nito, pero dumáîng. Nasa paligid na rin nila ang mga tao nito at inutusan ang mga ito, "Chase Jaxon! Don't let him get away with this!"Nakatingin siya sa kapatid niya. Hawak nito ang braso na nagdudugo. "Stella!" Sumenyas ito na okay kang, "I'm fine." Lumapit ito kay Justin na sugatan na nakasandal sa pader na duguan ang tagiliran. "Justin is seriously injured.""Take him straight to the operating room," utos niya sa mga doctor na buti na lang karamihan sa mga ito walang tama pero ang iba, hindi talaga maiwasan na meron. Isa na dun si Dr. Harrison, "Doc." Paikang-ikang ito ng lakad.Pero nagtaas ng kamay, "Don't worry, Doc, I'm fine."Napagala ang tingin niya sa paligid. "Avery?" Kinabahan siya, hindi niya makita si Avery. "Where
Nagsidatingan na ang mga doctor sa area nila Ave at nadatnan ng mga ito na duguan si Jaxon lalo na ang mga braso nito. Marami sa mga ito ang natakot. Pati si Dr. Harrison nandoon at hindi makaawat sa sitwasyon. Patuloy na nagbubunyag ng katotohanan ang ina ni Lucas sa speaker, " Do you remember when I played that little game with you, pretending we weren't married? You actually fell for it, despite the fact that we are indeed married. Then when someone told you, and that's Belle Soulvero, you even had the audacity to ask me about our marriage contract, even though it was always in your possession. You truly are a remarkable fake husband, fake father of Lucas, clueless about everything and unable to provide any evidence to prove your legitimacy." Natawa si Jaxon at si Dr. Harrison ay may dinampot na papel. Tinuro ito ni Lucas. "That's the DNA test results, it's negative," kalmado nang sabi ni Lucas. "It's true, they are not biologically related," ani ni Dr. Harrison sa kapwa doctor