BLYTHE JULIANNA (ACE)...The time has come at iniwan na s'ya ni Luke sa kan'yang kinaroroonan para pumunta sa kabilang building. Nakasunod ang kan'yang sniper gun kung saan ay may nakakabit na scoop at nakikita n'ya mula rito ang lalaki.Ayaw n'yang maalis sa kan'yang paningin si Luke kaya hangga't maaari ay susundan n'ya ito ng kan'yang paningin. Hindi muna ito dumiretso sa La Car's. Tumigil ito sa tagong bahagi sa baba at nagmatyag sa paligid."Did you see something, sweetheart?" narinig n'yang tanong nito mula sa suot na earpiece."Yeah!" wala sa sarili na sagot n'ya rito."What is it?" tanong nito pabalik sa kan'ya."A handsome man!""Handsome man? What the fvck! Who is the handsome man na tinitingnan mo ngayon, Ace?" may diin na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil kita mula sa kan'yang kinaroroonan ang paglabas ng mga ugat sa leeg ni Luke tanda na galit ito."The man I love the most. Hmmmmm," pilyang sagot n'ya rito. Tumingala sa kan'yang kinaroroonan ang binata at
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Kuya Dos," matigas na sambit n'ya sa pangalan ng kapatid na s'yang kausap ng mga taga La Car's. "Fvck! It's him!" dagdag n'ya pa habang nakatingin sa kapatid na walang ka emo-emosyon ang mukha. Nagharap na ang mga ito at ganon na lang ang kan'yang mura ng magsibunot ng mga baril ang mga kaharap ni Luke. "Luke, that's my brother! Let me handle him!" pagbibigay alam n'ya sa kasintahan. Alam n'ya na kailangan n'yang hulihin ang mga tao na nasa likod ng malaking sindikato ngunit kapatid n'ya pa rin si Dos at pareho ang dugo na nasa katawan nila. Ilang beses n'yang inulit ang kan'yang sinabi kay Luke ngunit wala s'yang tugon na narinig mula sa kasintahan na ikinataranta n'ya lalo na ng magsimula ng magpalitan ng putok ang grupo. "Damn it!" Mabilis n'yang inayos ang kan'yang position at nagsimula ng isa-isahin ang mga kalaban na nakikita mula sa kan'yang kinaroroonan. Hinanap n'ya si Dos ngunit hindi n'ya na ito namataan sa grupo ng mga kalalakihan, ganon din
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Ace!" "Julianna!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kan'yang pangalan ng makita s'ya na bumulagta sa sahig dahil sa pagbaril sa kan'ya ni Raffish. At kasunod sa pagsigaw ng dalawang lalaki na kasama n'ya ay ang pagbulagta ng katawan ni Raffish sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. "Sweetheart," nababahala at puno ng pag-alala na tawag sa kan'ya ni Luke ng lapitan s'ya nito. Nginitian n'ya ang kasintahan at itinaas ang kan'yang kamay para haplusin ang pisngi nito. "Thank you! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaril ni Raffish sa akin at kung hindi mo ako pinilit na magsuot ng bullet proof vest ay baka napurohan na ako," s'ya kay Luke. Nakita n'ya ang pagkawala ng pag-alala sa mukha nito ng marinig ang kan'yang sinabi. Nakalimutan din yata nito na pinilit s'ya nito kanina na isuot ang vest para extra protection. Ngayon n'ya napatunayan na tama ang lalaki sa pagpilit sa kan'ya kanina na magsuot. "Fvck! You scared me, sweetheart. Akala ko ay—
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Narating nila ang bahay ni Luke ng hindi ito umiimik. Hindi na din s'ya nagsalita dahil napuno ng mga tanong ang isip n'ya. Hindi sinagot ni Luke ang mga tanong n'ya kanina ngunit nangako naman ito na sasagutin ang lahat pagdating nila sa bahay nito. Lumapag sa helipad ang helicopter na sinasakyan nila at agad s'yang bumaba. Si Luke naman ay kinuha ang kanilang mga gamit bago sumunod sa kan'ya. Tahimik nilang binabagtas ang hagdan pababa sa bahay nito at nagulat s'ya ng mabungaran ang kapatid na si Dos sa sala ng bahay ni Luke. Ngayon ay nasagot ang isang tanong n'ya kanina, na magkakilala ang dalawang lalaki. Patunay lang ang biglang pagsugod ni Dos sa bahay ni Luke at alam nito kung saan nakatirik ang bahay na ito ng kan'yang kasintahan. Malamig at blangko ang kan'yang reaction ng makita ang kapatid. Kung gaano ka blangko ang reaction sa mukha nito ay ganon din ang ipinakita n'ya sa kapatid. "Ace! Let's talk!" may diin na sabi ng kapatid sa kan'ya.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa kan'yang harapan. Hindi pa rin maalis sa isip n'ya ang kan'yang natuklasan tungkol sa dalawa. Ang inaalala n'ya lang ay kung ang kuya Uno n'ya ang makatuklas sa lihim ng kanilang kapatid na si Dos. Kung s'ya lang ay wala namang problema at nirerespeto n'ya ang desisyon nito. At lihim n'yang hiniling na sana ay maintindihan din ng kuya Uno n'ya kapag nalaman nito ang tungkol sa kambal nila. Ayaw n'yang mag-away ang dalawa dahil magkagalit na si Tres at Dos dahil din sa ginawa nito na ikinasira ng pamilya ng kapatid nilang si Tres. "What are you thinking, sweetheart?" ang malambing na boses ni Luke ang pumukaw sa kan'ya. Agad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa kan'yang bewang at niyakap s'ya mula sa likod. "You're up," s'ya rito at inihilig ang ulo sa didbib ng kasintahan. Maaga s'yang nagising at agad na dumiretso sa balkonahe habang naiwan si Luke na mahimbing na natutulog sa kanilang si
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Hindi n'ya na kaya pa ang panunukso at pambibitin na ginagawa ni Luke sa kan'ya kaya s'ya na mismo ang kumilos at humarap sa kasintahan. At nang makaharap n'ya na ito ay s'ya na mismo ang pumalibot ng kan'yang braso sa batok ng kasintahan at siniil ito ng halik sa labi. Isang linggo na mahigpit ng may nangyari sa kanilang dalawa at pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi na ulit ito naulit dahil hindi pa s'ya pwede. Kaya ngayon ay para na naman s'yang baliw na sabik na sabik kay Luke. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya na ang bagay na ito at hinahanap-hanap na din ng kan'yang katawan. Mapusok na ginantihan ni Luke ang kan'yang mga halik hanggang sa mag espadahan ang kanilang mga dila. Puno ng panggigil at kasabikan ang kanilang mga galaw na dalawa ni Luke. Ang dalawang palad nito ay nalipat sa pisngi ng kan'yang puwet at mukhang alam n'ya na ang gagawin nito kaya naman ay inihanda n'ya na ang kan'yang sarili. At ng maramdaman ang gala
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Hindi s'ya binigo ni Luke. Ibinigay nito ang kan'yang cravings at masasabi n'ya na busog na busog s'ya sa sarap at pagmamahal ng kasintahan. Her breath hitched as Luke pressed against the sheets, his body heat sending a shiver down her spine. Pareho sila na parang nilalagnat dahil sa sobrang init ng mga katawan nila. Luke's hands were firm pero puno ng respeto, tracing over her skin like she was something precious to be worshipped. "You drive me insane, sweetheart. I can't get over you," Luke murmured in between their kisses. His voice is low and rough with something deeper than desire. She arched her body beneath him, her fingers gripping Luke's hair. "Then stop fighting it," pabulong na sabi n'ya sa tainga ng kasintahan. Her words challenge him and she knows na panggigilan na naman s'ya ni Luke pagkatapos nitong marinig ang kan'yang sinabi dito. At hindi nga s'ya nagkamali dahil agad na nag-angat ng ulo ang lalaki at sinalubong ang kan'yang mga mata.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Nagising s'ya sa ingay ng kan'yang cellphone. Dahan-dahan s'yang nagmulat ng kan'yang mga mata at sinilip ang cellphone na nasa mesa sa tabi ng kama. Hindi s'ya makabangon dahil ang braso ni Luke ay mahigpit na nakayapos sa kan'yang bewang na parang takot na mahulog s'ya sa kama. Nakita n'ya ang pangalan ng ninang Paprika n'ya na s'ya palang tumatawag. Kaya naman ay hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa na sinagot ang tawag nito. "Good morning ninang," bungad n'ya sa ginang. "It's really a good morning, honey and it's all because of you. Congratulations, my Acey, baby. You did a great job," masayang bati nito sa kan'ya. Napangiti s'ya ng marinig ang sinabi ng kan'yang ninang na s'yang boss n'ya ngunit ng maalala na kasama n'ya si Luke sa trabaho na ibinigay sa kan'ya ay agad s'yang nagpaliwanag dito. "Thank you ninang but it's not only me who works on the mission. I have someone from—," "I know darling! It's Rogue, right? I know him and I know how good he
BLYTHE JULIANNA…Pangatlong linggo niya na sa bahay ni Luke at wala naman siyang naging problema. Malaki din ang ipinagbago ni Leon sa loob ng tatlong linggo na siya ang nag-aalaga dito. Nagkaroon na ng laman ang pisngi ng kaniyang anak at madalas na rin itong ngumingiti. Ayon sa mga kasama ni Luke sa bahay ay ibang-iba na si Leon ngayon kaysa noong hindi pa siya kasama nito.Tunay nga ang kasabihan na iba talaga kapag ang ina ang kasama ng anak. Naisip niya na sana kung noon pa sila magkasama ni Leon ay baka hindi na aabot sa ganito ang sitwasyon ng kaniyang anak.Sa loob ng tatlong linggo ay wala siyang narinig mula kay Luke. Hindi ito nagparamdam sa kaniya at kahit tawag ay wala siyang natanggap mula sa lalaki. May kaunting pag-alala siya na nararamdaman ngunit ng maalala kung paano ito naka survive kay kamatayan noon ay nawawala ang pag-alala niya rito.Kilala niya si Luke at alam niya na hindi ito ordinaryong tao lamang. Matalino ito at higit sa lahat ay kayang-kaya nitong magpa
BLYTHE JULIANNA…Napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Inipon niya ang natirang lakas at habang may katinuan pa siya at itinulak si Luke. At dahil hindi iyon inaasahan ng binate ay wala na itong nagawa ng itulak niya ito palayo.“May misyon ako noong nakaraang araw. Iyon ang araw na dinala niyo si Leon sa hospital. At dahil tumawag si Lea at alam ko na tungkol kay Leon ang itinawag nito ay hindi na ako nag-isip pa na mapahamak. Sinagot ko ang tawag at tamang-tama naman na may kalaban kaya natamaan ako sa tiyan,” mahabang salaysay ng lalaki sa kaniya.Nakaramdam siya ng pang-uusig ng konsensya ng marinig ang sinabi nito. Siya ang nag-utos kay Lea na tawagan ito kaya siya ang dahilan kung bakit ito nabaril.“Misyon? Hindi ba at head ka na? Bakit nasa misyon ka pa?” nakataas ang kilay na tanong niya rito para pagtakpan ang guilt na nararamdaman. Nagbuga ito ng hangin at napatingin sa kawalan.“Ganon talaga ang buhay, Ace. Hindi porke’t mataas n
BLYTHE JULIANNA…“Damn! That’s enough, Julianna!” parang nahihirapan ang boses na utos sa kaniya ni Luke. Dali-dali niyang tinapos habang nanginginig ang mga kamay na tinakpan ng malinis at bagong gasa ang sugat ng lalaki.Hindi niya kasi naiwasan na masanggi ng kaniyang kamay ang bukol sa gitna ng mga hita ni Luke na agad na ikinamura ng huli. Dahil na rin siguro sa halo-halong nararamdaman ay hindi niya na namalayan kung saan sumanggi ang kaniyang kamay at nataon pa talaga na sa bukol ng lalaki.“I’m sorry!” nahihiya na paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi ito sumagot ngunit nakita niya ang paglambot ng mukha ng lalaki ng tumingin sa kaniya. Pagkatapos malinis ang sugat ni Luke ay pumasok siya sa banyo at nag-lock ng pinto. Isinandig niya ang kaniyang likod sa malamig na tiles at napatingala sa kisame.“Fvck! Ano bai tong ginagawa ko? Hindi dapat ako nagpapakita ng karupokan ko sa lalaking ito dahil walang kasingsama ng ugali nito,” lihim na kastigo niya sa kaniyang sarili habang n
BLYTE JULIANNA…“Demonyo ka! Walang puso!” nangangalaiti sa galit na mura niya sa binata.“Yes, I am Ace!”Nanggigil siya sa sagot ng lalaki sa kaniya at mas lalo pang nag-init ang kaniyang ulo na hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na tawirin ang pagitan nilang dalawa at walang pag-alinlangan na sinuntok sa tiyan si Luke.“Fvck!” malutong na mura nito ng maramdaman ang sakit mula sa kaniyang kamao.“You deserve it asshole!” gigil na sabi niya sa lalaki na hawak-hawak pa rin ang tiyan na nasaktan. Tinalikuran niya din ito pagkatapos at bumalik sa kama ng kanilang anak. Hindi niya na nakita pa ang matalim na tingin sa kaniya ni Luke at kahit siguro makita niya ito ay wala pa rin naman siyang pakialam.“Damn it!” narinig niyang muli ang pagmumura nito kaya nilingon niya na ang lalaki at ganon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita na may dugo sa damit nito sa bandang tinamaan ng kaniyang kamao.Hindi na siya nag-isip pa ng kung ano-ano. Tinawid niyang muli ang pagitan
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng sagutan nilang dalawa ni Luke ay inihatid siya nito sa rancho ng kaniyang abuelo. Wala na siyang lakas para makipag-away dito kaya nagpatianod na lamang siya ng ihatid siya ng lalaki.Nanghihina siya sa kondisyon nito para makuha ang anak ngunit hindi siya susuko ng ganon-ganon na lang. Para kay Leon ay gagawin niya ang lahat para makasama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na siya. Kung paano nangyari iyon ay kailangan niyang alamin, kaya naman pagdating niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaniyang ina para alamin ang lahat.“Ace, anak?” bungad ng ina sa kaniya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.“Nay!”“Yes anak, it’s me. Kamusta ka na diyan? Bakit ka napatawag, anak?”“Paano ako nagkaroon ng anak nay? Ano ang mga nangyari ng wala akong malay sa hospital? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Bakit walang may nagsabi sa akin na nagka-anak na pala ako? Bakit niyo inili
BLYTHE JULIANNA…“Because Leon is yours, Julianna. Leon is our son!”Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang drum ng malamig na tubig sa kaniyang narinig. Ilang segundo siyang hindi nakahuma at natulos lamang sa kaniyang kinauupoan.Pati yata ang kaniyang utak ay namanhid ng mga oras na iyon. Alam niya sa kaniyang sarili na may kakaibang nararamdaman na siya kay Leon ngunit ang kumpirmahin ni Luke mismo ang kaniyang hinala ay kakaiba ang dating sa kaniya.Mas masahol pa ito sa tunog ng bomb ana sumabog. Nararamdaman niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan at kahit anong lunok niya ng laway ay wala siyang malunok ng mga oras na iyon.“Julianna? Are you okay? I’m sorry kung sa ganitong pagkakataon ko sinabi sayo ang lahat,” narinig niyang sabi ni Luke sa kaniya. Doon niya lang din napansin na tumigil pala ang sasakyan na sinasakyan nila at ng ilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ay napagtanto niya na nasa masukal na bahagi sila ng daan.“Baby?” tawag ulit sa kaniya ni Luke. At d
BLYTHE JULIANNA…“Sweetheart? Are you inside? Naririnig ko ang boses mo diyan sa loob. Who are you talking, Luke?” pareho silang natigilan ng lalaki ng marinig ang boses ng babae nito na nasa labas ng silid na kinaroroonan nila.“Damn it!” malutong na mura ni Luke at naihilamos ang palad sa mukha. Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib at taas ang kilay na tinapunan ng tingin si Luke.“Mukhang problemado ka sa fiancée mo Muller!” puno ng pang-uuyam na sabi niya sa lalaki.“You don’t know what you are talking, Julianna!” matigas na sagot ng lalaki sa kaniya.“Really? Well…, hindi iyan ang nakikita ko sayo Muller,” dagdag niya pa ngunit agad ding natigilan ng inilang hakbang lamang ni Luke ang pagitan nilang dalawa. Nakorner siya ng lalaki at hindi agad nakahuma ng ikulong siya ni Luke gamit ang dalawang braso nito. Halos magdikit na din ang kanilang mga mukha ni Luke dahil sa sobrang lapit nito.Naaamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki na kung hindi niya napigilan ang k
BLYTHE JULIANNA…“No! she didn’t kidnap my son, Inid. Nagpaalam siya sa akin ng kunin niya si Leon sa bahay, nagulat siya at napaawang ang kaniyang lab isa sinabi ni Luke. Ipinagtanggol siya nito mula sa babae at aaminin niya na hindi niya inaasahan ang bagay na iyon na gagawin ng lalaki sa kaniya.Nagsalubong ang kilay ng babae ng marinig ang sinabi ni Luke. Kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa lalaki. Lihim na tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya alam kung ano ang trio ni Luke sa buhay ng sabihin iyon sa babae.“What? Ipinaglatiwala mo sa kaniya ang anak natin? Bakit, Luke? Sino ba siya? Huh?” bulalas ng babae sa lalaki. Lihim siyang nagulat ng marinig ang sinabi nito na anak nito si Leon. Parang may kung anon a bumara sa kaniyang lalamunan ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay parang may matalim na bagay na tumarak sa kaniyang puso sa narinig.No! Ayaw niyang tanggapin na ang babae ang in ani Leon. Hindi niya matanggap! Lihim niyang naikuyom ang k
BLYTHE JULIANNA…Napag-alaman niya na may karamdaman si Leon at iyon ay ang mahina ang puso nito. May mga pagkakataon daw talaga na dumarating sa bata na bigla na lamang ito nangingisay at nagkulay-ube ang labi.Ayon din sa tumingin dito na doctor ay kailangan ng heart transplant ni Leon ngunit dahil sae dad nito ay ayaw pa ng ama dahil isang malaking risk para sa bata. Masyado pang mahina ang katawan ni Leon para sa transplant at baka hindi kakayanin ng katawan ng bata.Inilipat ito sa isang pribadong silid at siya mismo ang nagbabantay kay Leon. Naaawa siya sa sinapit at mga pinagdadadaan nito. Masyado pa itong bata para makaranas ng ganitong sakit.Umalis muna si Lea at Susan para umuwi. Inutosa niya ang dalawa na kumuha ng mga gamitb nila para may magamit siya habang nagbabantay kay Leon. Naupo siya sa tabi ng kama nito at buong ingat na ginanap ang maliit na kamay ng bata.“You are very strong, honey. Alam ko na lumalaban ka sa buhay and because of that ay napahanga mo ako. Hmmmm