NAPANSIN ni Carlos ang kakaibang ikinikilos ni Alyssa. Nanonood nga ang dalaga sa paglalaro nila ng baraha pero parang ang lalim ng iniisip nito. Para na itong nakatulala at hindi ito kumukurap.
Napansin naman ni Maggie ang ginawang pagtitig ni Carlos sa kanyang kaibigan kaya maging siya napatingin na din sa nakatulalang si Alyssa.
"Uy, Friend!'' Agaw pansin ni Maggie kay Alyssa at ipinaypay nito ang hawak na baraha sa tapat ng mukha ng dalaga.
"Ha!" Gulat na sambit ni Alyssa. Umayos siya ng upo. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya kay Maggie.
"Muntik ka ng matunaw dahil sa lagkit ng tingin sayo ni Carlos!" Turan ni Maggie. Kumuha ito ng isang baraha at inilapag sa lamesita na nasa gitna. Kinuha naman ito ni Dia
PAGPASOK ng kuwarto ng magkaibigan, patakbong lumapit ng kama si Alyssa. Padapang nahiga ng kama ang dalaga.Ini-lock ni Maggie ang pinto at pagkatapos humakbang na ito palapit sa kaibigan."Alyssa," tawag niya sa kaibigan. Narinig ni Maggie ang mahinang hikbi nito. Nag-alalang hinagod naman ni Maggie ang likod ng dalaga."Huwag ka ng umiyak," alo ni Maggie kay Alyssa. Iniisip nito na umiiyak ang kaibigan dahil napahiya ito."Maggie, ikaw ba naniniwala ka saakin?" tanong ni Alyssa sa kaibigan. Nakasubsob pa din sa unan mukha ng dalaga."Oo naman kaibigan kita eh." Sagot ni Maggie."Nanganganib ang mga buhay natin, hindi na tayo ligtas sa mansiyon na ito." Sagot ni Alyssa. Bakas sa luhaang mukha ng dalaga ang pag-aalala para sa mga kasama."Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, matulog na tayo dahil hating-gabi na." Pag iwas ni
"TAPOS NA PO SIR." Masayang turan ni Maureen. Hindi nito inaalis ang paningin sa painting. Sobrang ganda ng painting na kahit siguro sino makakita nito, pangangarapin na maangkin. Ang suwerte niya dahil sa kanya ibinigay ni Sir Gregorio ang painting and take note, libre pa!Tumayo ang artist at lumapit sa dalaga."Mas lalo pa gaganda 'yan kung ilalagay mo ang iyong pangalan," masuyong sabi ni Gregorio, malikot ang mga mata nito. Panay ang sulyap nito sa mahabang hagdan na baka may magising pa na estudyante at maabutan sila ng dalaga sa sala."Okay lang po ba Sir, kung ang pangalan ko ang nakalagay na artist imbes po na ikaw?" Tanong ni Maureen, pero sa isip nito iyon talaga ang gusto niya para maipagmayabang niya na isa ito sa mga obra niya.Tumango si Gregorio. "Sige na pumirma ka n
DAY SIX SA MANSIYON, nagising si Charlotte na wala na sa tabi niya ang kaibigan na si Maureen."Ahhhhhhhh..." hikab ng dalaga.Nung una, inisip ni Charlotte na baka nasa banyo lang si Maureen. Alas-sais pa lang ng umaga kaya nanatili muna siyang nakahilata sa kama. Muling ipinikit ni Charlotte ang mga mata pero gising naman ang kanyang diwa.Ang tagal naman yata mag banyo ni Maureen!sa isip-isip niya.Nag desisyon ng bumangon sa kama ang dalaga agad nitong tinungo ang banyo. Kunot-noong inilibot ni Charlotte ang paningin sa loob ng banyo nang mabuksan nito ang pinto, malinis ang loob ng banyo walang bakas na may gumamit dahil tuyo ang tiles.Kakamot-kamot sa ulo na bumalik ng kama si Charlotte para ligpitin ang mga kumot at unan.Nauna na sigurong
"ANO ANG TUNGKOL SA PAINTING?" muling tanong ni Alyssa sa kaibigan, hinagod niya ang likod nito para pakalmahin."May kakaiba sa painting," nginig ang boses na sagot ni Maggie. Mahigpit itong yumakap kay Alyssa."Ha?" Sambit ni Alyssa na bakas sa mukha ang pagkalito.Muling pinagmasdan ni Alyssa ang nakasabit na painting sa wall pero wala pa din siyang napansin na kakaiba. "Wala naman akong nakitang kakaiba,"Pumiksi si Maggie, pinadyak nito ang mga paa."Meron. Ang isang babae sa painting, nakita ko siyang humarap saakin!" nginig ang boses na kuwento ni Maggie, mahigpit pa din itong nakayakap kay Alyssa.Muling pinagmasdan ni Alyssa ang painting, parang wala naman nabago. Ang tatlong babae sa batis na parang tumatakbo naandon pa din naman. Ang dalawang babae magkatapat an
THIRD FLOOR, abala na ang lahat. Sumisilip ang haring araw sa langit palatandaan na tapos na ang bagyo. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng silid na iyon."Mamaya aalis ako, pupunta ako ng bayan para alamin kung ano na ang lagay ng tulay." Basag ni Gregorio sa katahimikan. Kasalukuyan na nakaupo ito sa swivel chair habang nakatukod ang dalawang siko sa ibabaw ng table. Naisip lang iyon ni Gregorio dahil alam niyang magtatanong na naman ang mga ito tungkol sa kasamang si Noel, kaya mas mabuti ng unahan niya na ang mga ito.Kung sina Charlotte at Carlos ay napatingin sa nagsalitang artist, sina Alyssa at Maggie naman nanatiling nakatutok ang paningin sa tinatapos nilang painting."Sana po maisama mo na sina Noel at Mang Nestor sa pagbalik mo Sir," umaasa na sabi ni Charlotte. Muling ibinalik nito ang paningin sa tinatapos na painting.Mataman na nakikinig lang si Alyssa.
NAPANSIN ni Gregorio na parang ang tagal makabalik sa silid na iyon ng dalagang si Charlotte. Parang may kakaibang naramdaman ang artist kaya nagpaalam ito sa tatlong estudyante na kunwari ay may kukunin lang sa baba.Nasa tapat ng pinto si Charlotte, huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili. hinawakan ng dalaga ang seradura para pihitin, pero bigla itong bumukas kaya napasigaw sa gulat ang dalaga."Eeeeeeehhh!" Nakapikit na sigaw ng dalaga.Pati si Gregorio nagulat sa sigaw ng dalaga dahil pagbukas niya ng pinto ay nasa tapat na pala ito ng silid na iyon."Charlotte," tawag pansin ni Gregorio sa dalaga.Tumigil naman ang dalaga sa pagsigaw."S-sorry po, Sir, n-nagulat po ako," hinging paumanhin ni Charlotte sa artist.Nakayukong pumasok na si Charlotte sa silid na iyon. Hindi na nagawang tumingin ng dalaga sa natigilan na pi
"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila.""Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain."Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n
"Ha, ha, ha, ha, ha!" Masayang halakhak ni Gregorio. Inabot nito ang baso na may laman na orange juice. Nilagok nito ang orange juice, sinaid ang laman ng baso.Napasandal sa silya si Gregorio, muling ipinatong nito ang wala ng laman na baso sa lamesa. Hindi mawala-wala ang ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang mga nakatulog na mga estudyante, maging ang matandang si Aling Iseng. Pero hindi naman siya interesado sa matanda, nadamay lang ito dahil nakakain din ito ng ulam na nilagyan niya ng pampatulog.Tumayo ang artist at isa-isang inangat ang mga mukha ng mga estudyanteng nakatulog, huli nitong pinagmasdan ang mukha ni Alyssa."Masyado ka kasing pabida, may ilang araw pa sana kayo na ilalagi sa mundong ito, pero ginalit mo ako!" Mariing sabi nito at marahas na binitiwan nito ang hawak na buhok ng dalaga. Bumagsak ang mukha ng dalaga sa babasagin na lamesa, pero hindi ito nagising.
"SAAN KAYO GALING?" Panabay na tanong ng anim na mga teenager. Nagpalitan ng tingin ang tatlo Alyssa, Maggie at Carlos. Walang namutawi sa mga bibig nila na patakbong niyakap ang mga nakabalik ng kasamahan, masaya sila at nagkita-kita na ulit sila. "Uy, parang ang tagal natin na hindi nagkita-kita!" Natatawang puna ni Noel kay Carlos at kumawala ito sa yakap ng binata. Ang natandaan lang ni Noel ay iyong araw bago ito umalis kasama si Mang Nestor. "Bumalik kayo ng mansiyon ni Sofia?" Tanong ni Noel kay Miguel. Napakunot-noo naman si Miguel sa narinig. "Hindi naman kami umalis ni Sofia." Sagot ni Miguel na tinapunan ng tingin ang pinag-uusapan na dalaga wala din itong maalala sa nangyari dito. Pakamot-kamot sa bumbunan niya si Noel, parang may nangyayari yata sa mansiyon na hindi niya alam. Natatawang inakbaya
"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito."Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita."Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.
NAABUTAN NINA MAGGIE AT CARLOS ang artist sa likurang bahagi ng mansiyon. Humahalkhak ito habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkasunog ng painting. Hindi nito napansin ang paglapit ng dalawang estudyante dahil nasa nasusunog na painting nakatuon ang pansin nito.Mabilis na dinamba ni Carlos ang nakatalikod na artist, mukha itong nagulat kaya hindi nito naiwasan ang suntok na galing sa binata. Sapol sa panga ang artist, napaatras ito. Nakita ni Carlos ang isang kamay nito na tila aabutin ang nakasukbit na baril, mabilis na inundayan niya ito ng sipa."Arghhh!" Ungol ni Gregorio. Sapo nito ang duguang mga labi, naningkit ang mga matang tumingin sa nanggagalaiti sa galit na binata.Mabilis na kinapa ni Gregorio ang kanyang baril, pero wala na ito doon sa pinagsukbitan niya.Mabilis na dinampot naman ni Maggie ang tumilapon na baril sa kinaroroonan niya.Muling uundayan ng
HININTAY muna ni Aling Iseng na tuluyan na makalabas ng mansiyon ang kanyang amo, kanina pa ito nagkukubli sa isang malaki at mataas na flower vase. Nasaksihan ng matanda ang lahat ng kaganapan sa malaking sala, nagdadalawang isip ito kung lalabas ba sa pinagtataguan o mananatili nalang siyang magtatago doon.Dati pa alam na niya ang mga kababalaghan na ginagawa ng amo, matagal na panahon na din silang naging sunod-sunuran dito. Pero sa nasaksihan niya kanina hindi na nakakaya ng kanyang konsensya. Nag sign of the cross muna si Aling Iseng, bago mabilis na lumabas sa pinagtataguan.Mabilis na nilapitan ni Aling Iseng ang dalawang estudyante na nasa sala."A-aling Iseng?" Nagulat man si Maggie, pero nabuhayan naman siya ng loob ng makita ang matandang babae. "Tulungan mo kami Aling Iseng, parang awa mo na." Luhaan na pakiusap ng dalaga sa matanda.Nung una nag dalawang isip pa si Aling Isen
NARAMDAMAN ni Alyssa ang pagtanggal ng pintor sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay, sunod naman na tinanggal nito ang kanyang piring.Makailang ulit na ipinikit ni Alyssa ang nanakit na mga mata, medyo lumabo ang kanyang paningin gawa ng pagkakapiring sa kanyang mga mata."Ha!" Singhap ng dalaga ng may maramdaman siyang matigas na bagay na nakatutok sa kanyang sintido.Nagsisisigaw naman si Maggie sa takot dahil sa nasaksihan nito, inaakala ng dalaga na babarilin ng artist ang kaibigan."Huwag mo'ng ituloy 'yan, parang awa mo na po Sir!" Umiiyak na pagsusumamo ni Maggie. Pinilit na gumapang ng dalaga gamit ang kanyang dibdib at tuhod upang makalapit kay Alyssa."Isulat mo ang pangalan mo at pirmahan mo!" Mariin na utos nito sa dalaga. Inabot nito kay Alyssa ang paintbrush at black ink na gagamitin nito."Ayoko!" Mariing tanggi ni Alyssa, luhaan ang mg
"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal ni