Kabanata 17: Goodnight
"Kukuhanan na kita in three, two, one," Sabi ko para mawala kami sa topic.
Bigla siyang humarap sa akin gamit ang nang-aakit niyang mata dahilan kung bakit biglang humataw ang puso ko.
Napakurap ako at naglabas ng mabibigat na buntong hininga. Bakit biglang humataw? Hindi naman ako nagsasayaw. Siguro dahil nagulat lang sa kanya diba?
"Am I attractive to you, Aishia?" Biglang sabi niya na ikinadagundong ulit ng puso ko.
Natulala ako saglit at natauhan na rin kaya nagsalita ako.
"Paano mo nasabi? Attractive ka ba talaga?" Pag-iiba ko ng usapan.
Binaba ko ang camera at tiningnan siya.
Nagkibit-balikat naman siya bago sumagot sa akin. "Feeling ko lang?" Alanganin niyang sagot.
I chuckled. "Ang taas naman ng confidence mo." Sabi ko at itinaas ulit an
Kabanata 18: Ano ba kita?Nagising nalang ako isang umaga sa sobrang ingay ng cellphone ko na nilagay ko sa side table kagabi.Kinapa ko muna 'yong phone at kinusot ang mata ko. Pagkakita ko na si Sieme ang tumawag, sinagot ko ito kaagad at ipinikit ang mata at tumagilid ng higa."Bakit ba?" Tanong ko sa mahinang boses.Rinig ko naman ang mga kaluskos sa kabilang linya bago pa siya nagsalita. Aligaga na naman siguro siya."Bagong gising ka lang? Jusko marimar, anong oras na aber! Nahuhuli ka na sa latest chika!" Sabi pa niya."Oh, ano nga ang tinawag mo? Inaantok pa ako." Ani ko."Anong oras ka na natulog kagabi?" Tanong niya sa kabilang linya."3? Maybe 4 AM? I don't know," Sabi ko sa inaantok na boses."Nag-edit ka ng mga pictures?" Tanong niya.Tumango ako na para bang nand
Kabanata 19: took care"Bakit ka magiging possessive? Pagmamay-ari mo ba ako?"Ilang segundo muna siyang natulala bago tumikhim at sumagot."Hindi pwedeng concern friend mo lang ako? Paano kung mabastos ka ha? Hindi ibig-sabihin na nando'n ako kasama mo maligo, hindi ka na nila mababastos..." Sabi pa niya.Napatango-tango ako sa sinabi niya. Sabagay may point naman siya sa sinabi niya. Hindi talaga maiwasan ang mga bastos na tao kahit saang lugar pa 'yan pero natural lang naman na magsuot ng bikini sa isang resort. Natural lang naman sa babae manamit ng sexy. Hindi accepted ang reason na kaya nababastos ang isang babae dahil nagsusuot ng sexy. Kung bastos ka talagang tao, bastos ka talaga kahit pa magsuot na nang trahe de boda iyang babaeng binabastos mo."Here's your order, Ma'am and Sir..." Biglang sumulpot sa gilid namin iyong waiter kaya hindi na ako nakasagot sa sinabi
Kabanata 20: Slowly"Of course, I can take care of Aishia more than I took care of myself."Nagkatitigan na si Sieme at Stell at parang nag-aaway na sila sa kaloob-looban nila. Awkward naman akong tumawa para lang kuhanin ang tensyon nilang dalawa. Hindi naman ako nabigo dahil unang bumitaw sa pagkakatitig si Sieme at inirapan lang si Stell. Wala namang reaksyon si Stell doon at umiwas lang din ng tingin.Tumingin ako kay Stell at ngumiti. "Ah, Diba Stell uuwi ka na? Gabi na, baka hinahanap ka na nang mga kabanda mo," Alanganing sabi ko.Tama naman diba? Ang awkward kaya kapag tinataboy mo 'yong taong naghatid sa 'yo pauwi. Dapat nga pinapatuloy pa ito dahil baka nauuhaw or ano."Yes, of course... Hindi na rin ako magtatagal," Sagot niya.Tumango naman ako. "About do'n sa mga takes natin, gusto mo may sariling copy ka no'n?" Tanong ko ulit.
Kabanata 21: ..."You're slowly taking risk Aia, just to be with Stell and that's not healthy anymore,"Parang sirang plakang bumalik-balik sa akin ang sinabi ni Sieme. Na hindi na raw klaro at naguguluhan na raw siya sa mga ginagawa kong actions. Na hindi ko na raw makita ang totoo kong hangarin kung bakit ako pumayag. Na ang labo na raw ng dulo ko, hindi na niya nakikita ang dulo. Na mas nakaya ko nang ibigay ang lahat ng bagay at iasa sa iba kesa sa gumawa ako ng ibang paraan.Andito ako ngayon sa faculty room ng skwelahan bitbit ko ang mga projects ko na naka-attach sa folder habang nasa leeg ko naman ang camera.Naghihintay ako kay Sir sa table niya kasi sabi niya sa akin sa chat, hintayin ko raw siya dito dahil hindi pa raw natatapos ang meeting niya. Ako lang din mag-isa ang nagsubmit una. Pwede naman daw na hindi na sabay-sabay mag submit kaya mas pinili ko nalang na hindi sumabay dahil baka
Kabanata 22: drive thru"So, kamusta?" Bungad ko kaagad kay Sieme no'ng dumating siya sa apartment.Mukhang masaya naman ang expression niya kaya para akong tangang nagtanong kung kamusta."Okay naman. Nagusap kami gano'n." Sabi niya at dumiretso sa kwarto niya ng walang paalam.Hinantay ko nalang na lumabas siya sa kwarto niya para tanungin kung anong nangyari habang kasama nila ang isa't-isa. Syempre curious din ako no... ako kaya 'yong nag-push sa kanilang dalawa."Kumain ka na Aia?" Tanong ni Sieme.Tumango ako at nginuso ang kinain kong cup noodles kanina. Napatingin siya do'n at biglang kumunot ang noo."Diet ka?" Tanong niya habang inaayos ang damit niya bago maupo sa tabi ko.Umiling ako at tumihaya. "Iniiba mo ang usapan eh! So, kamusta nga ang date niyo?" Tanong ko ulit."Okay lang naman
Kabanata 23: LapI scanned the whole room of their studio. Or, should I say 2 rooms. Iba ito sa napuntahan ko. Magkadikit lang ang dalawang kwarto. Pinaghiwalay lang ito gamit ang isang glass. Iba ang recording nila at iba ang tambayan nila.Pagdating namin dito kanina, sinalubong kaagad kami ni Stell na nakahawak sa phone niya. May security rin kanina sa gate kaya safe ang lugar."Good morning Aishia, Sieme." Bati ni Stell at unang nilapitan si Sieme. As usual, unang babatiin ang nililigawan kaysa sa kaibigan."Let's go." Nagkahiwalay lang silang dalawa sa pagyayakapan no'ng biglang nagsalita si Travis.Napatingin din sa akin si Stell at ngumiti. Naunang maglakad si Sieme habang sabay naman kami ni Stell naglakad papasok."Marami bang tao?" Tanong ko kay Stell.Nakita ko naman siyang umiling bago sumagot. "Kayo lang 'yong pinayagan
Kabanata 24: Don't Date Travis"Ang lakas ng tama mo, Stell!" Sabi ni Ken habang nakatingin sa aming dalawa.Inayos ko ang damit ko at napatingin ako kay Stell na nakangisi kay Ken. "Inggit ka lang dahil wala kang mahihila." Sabi niya.Natahimik ako at umupo kung saan ako umupo kanina bago ako hinila ni Stell. Gano'n lang ba ang tingin ni Stell sa akin? Hinihila kapag kailangan?Kahit naman alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin, dapat alam niya pa rin kung saan siya lulugar sa mga bagay-bagay. Tao rin naman ako at minsan naging tanga rin. Tao lang naman din ako na umaasa kahit alam na wala."Malala ka na, Stell." Umiling-iling na sabi ni Ken at lumabas sa kwarto.Napatingin siya sa akin at ngumiti lang. Ngumiti lang din ako sa kanya at sinundan siya ng tingin palabas. No'ng nakalabas na si Ken, tumingin ako kay Stell na nakatingin din pala sa
Kabanata 25: Chicken"Nasasaktan na ba kita? Alam mo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Aishia. Wala naman akong dapat koneksyon sa 'yo. Wala namang dapat ipag-alala dahil hindi naman kita ka-ano-ano, pero Aishia please! Huwag si Travis... Huwag si Travis. I know him, and he's going to hurt you... please, I'm begging you, don't. Don't date Travis." Aniya kaya nagulat ako.Ha? Anong don't date Travis ang sinasabi niya? For fuck sake! Ayaw ko pang mamatay! Mabuti nang single kesa sa mamatay dahil nakatay sa mga fans ni Travis.Tiningnan ko ang mukha ni Stell na nakahawak ang kaliwang kamay sa noo habang nasa bewang ang kanang kamay at parang nahihirapan.Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya at maisip ulit ang sinabi niya. Kung totoo man talaga ang sinabi niya na gusto ko i-date si Travis, wala na siyang magagawa doon dahil desisyon ko na 'yon. Kanya-kanya na kami dahil nagtatap
Stell Aiden Talavera POV"What is music for you?" Ken chuckled, "Really? That question again? Ano bang gusto niyong marinig na sagot mula sa amin?" Tanong ni Ken na ikinangiwi ng director namin."Cut! What's wrong with you Ken? Okay naman kanina ah?" Tanong ng director."Ako pa ngayon ang mali? Ilang ulit na ba namin iyang nasagot sa mga interviews namin? Ano bang gusto niyong sagot?" Frustrated na sabi ni Ken.Nakita kong napabuntong-hininga ang manager namin at agad pumagitna sa tension nila Ken."Si Stell na lang po ang sasagot, mukhang wala sa mood si Ken ngayon," Ani manager.Napatingin siya sa akin kaya tumango ako. Agad din namang nag roll at inumpisahan kung saan kami nagtapos kanina.Sinagot ko ang mga tanong na may ngiti sa labi. Well, wala naman akong magawa kun'di ang saluhin ang hindi gusto ni Ken. Hindi na rin naman bago sa akin ito dahil parati lang naman akong sumasalo sa mga responsibilidad na dapat sa kanya. Hindi naman ako nagagalit, okay lang naman sa akin as long
Kabanata 55.2: The Line"Are you sure you want me to come?" Walang kwentang tanong ni Stell sa akin na ikinairap ko.Nandito na nga siya sa tabi ko tapos nagtatanong pa kung sure ba akong isasama ko siya. Umirap ulit ako. "Malapit na tayo sa bahay tapos ngayon ka pa magtatanong?" Sagot ko na ikinatawa niya."Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na sumama sa iyo pero sa totoo lang, kinakabahan ako babe, baka pukpukin ako ng martilyo ng tatay mo," Saad niya at pagkatapos yumakap sa akin.Awkward akong ngumiti sa mga taong nakatingin sa gawi namin bago tinapik ang braso ni Stell.Napaangat ang tingin niya sa akin. "What?" Malambing na tanong niya at mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa akin."You're making a scene! Stop hugging me!" "Why? Is there something wrong hugging my girlfriend?" He said and after that, he pouted.Pilit kong tinatago ang ngiti ko sa pagtapik sa braso niya."Don't do that again, I might get rid off this damn mask and hat and kiss you right here," He
Kabanata 55: Asawa"Bakit ko pa patatagalin? Excited na ako kasama ka na lumabas para mag-date."I rolled my eyes."You're being ridiculous." "Why? Ayaw mo ba no'n? Parati na tayong magkasama." Rason niya.Inismiran ko lang siya na ikinatawa niya. "May gagawin ka ba today?" Tanong niya.Tumango ako. "Pupunta ako ng office nila Lily. Need ko mag report." Sagot ko."Then, susundin na lang kita sa pinagtatrabahuan mo? Mag dinner tayo mamaya kung okay lang sa 'yo." Aniya."Okay lang. 5PM ang out ko mamaya. Bakit? Hindi ka ba busy? Wala ba kayong rehearsals?" I asked him. Kung makapagyaya kasi siya, parang tambay lang sa kanto na walang ginagawa."Wala naman akong schedule ngayon. Next week pa ang starting ng practice namin." Sagot niya.Of course. Nasabi na niya ito sa akin na baka magiging hectic na ang schedule niya next week dahil sa mga practice nila at sa nalalapit na comeback. Kaya habang hindi pa sila busy, inaabisuhan na sila na mag enjoy dahil babawiin puspusang practice na sa
Chapter 54: Mens"I am the owner babe. And you can have it back if you will marry me."Natigilan ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. So, sa tinatagal na panahon na gusto kong makita ang bumili ng lupa, siya lang pala 'yon? At alam niya na sa amin iyon at nagbabalak akong bilhin ulit iyon?And what? if I will marry him, I can have it back?Oh well, I want a marriage too but not this early."So what if I can't marry you?" Nakita kong natigilan siya at napaayos ng upo sa kama. "What? You're kidding right? You will marry me. I mean, you accepted my promise ring." Sabi niya at napasulyap sa singsing na nakasuot sa kamay ko at ibinalik din ang tingin sa akin."Yes but It's too early for that. And what if, hindi kita nakita? So it means hindi ko talaga mababawi ang lupa kahit na may sapat na pera na ako?" Tanong ko.Kunwaring napaisip pa siya bago sumagot. "Nakita naman kita so wala na 'yon." "Paano kung hindi mo na ako gusto? Ibebenta mo pa rin ba ang lupa sa akin?" Tanong ko ulit.
Kabanata 53: Promise Ring"Parte pa ba ito ng panliligaw mo?" Tanong ko kay Stell no'ng tinulungan niya akong bitbitin ang gamit ko patungo sa sasakyan niya.Tumawa lang siya at tumakbo pa patungong kotse niya para mahatid ang gamit ko. Tapos na kaming mag shoot dito sa Baguio at ngayon ang plano naming umuwi. Actually, kahapon pa natapos kaso itong si Stell, pala desisyon na ngayon na raw kami uuwi kaya ngayon na nga ang byahe namin.Hindi pa nga 'yan gustong umuwi eh, gusto pang mag tambay rito sa Baguio. Pinilit ko na nga lang siyang umuwi ngayon dahil sa trabaho ko kaya maggagabi na ang byahe namin pauwing Manila."Bukas na lang kaya tayo umuwi babe? Pagabi na oh." Ani Stell at hinawakan ang bewang ko kaya napatigil ako sa paglalakad.Umirap ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Bukas na naman. I have many on-going shoots Stell. At tsaka, anong babe? Nanliligaw ka pa nga lang, may babe-babe ka nang nalalaman." Sabi ko.Nagpout lang siya kaya mas lalo akong
Kabanata 52: Court"Get ready in three, two one, and action!" Sigaw ng director kaya ginawa na nang banda ang dapat nilang gawin.Dalawang araw na kami rito sa Baguio at hanggang ngayon, nag-sh-shoot pa rin ang high-end sa kanilang music video. Actually hindi pa ito music video eh, teaser video pa lang ito. Si Nico ang kumukuha kaya sobrang busy niya ngayon. Halos hindi na nga kumain dahil sa sobrang aligaga. Sobrang halata talaga sa kilos niya na nat-tense siya sa ginagawa niya lalo na no'ng kinuhanan niya ng video si Stell na todo reklamo."What the hell?! Bakit sobrang nakatutok sa akin ang light?!" Reklamo ni Stell no'ng siya na ang kinuhanan ng video.Nataranta na naman si Nico at chineck ang kaniyang kagamitan bago bumalik sa camera. "Hindi naman po. Nasa tamang scale lang po." Magalang na sagot ni Nico kay Stell.Mas naging visible ang pagka-irita sa mukha ni Stell. "Bakit nakakasilaw? Hindi mo ba nakikita? Para na akong nasa langit eh oh!" Napabuntong-hininga ako at nasapo
Kabanata 51: Selos"Buti nandito ka na," agad na sabi no'ng babae na may dalang folder kay Stell.Hindi umimik si Stell at nag-umpisa nang maglakad. Sumunod naman kaagad iyong babae kaya sumunod na rin ako at inayos ang suot kong croptop. Medyo nakaramdam na ako ng lamig dahil sa simoy ng hangin kaya kiniskis ko ang aking kamay sa braso ko at inayos ang dala kong bag.Pagdating namin doon sa venue ng hotel, kaagad kong nakita ang mga kasamahan namin na kumakain na. No'ng nakit nila kaming paparating, agad naman kami nilang inaya at binigyan ng paglalagyan ng pagkain."Pumila ka nalang doon Aishia para makakain ka na." Sabi noong babae na nagbigay sa akin ng plato at kutsara."Hindi pala naka pack lunch?" Tanong ko.Ngumiti siya at umiling. "Wala na kasing oras mag pack eh. At tsaka, ang hotel ang nag-provide ng food kaya pila-pila ang nangyari.""Ah, ganoon ba?""And don't worry, safe naman ang food since iyan din ang kakainin ng banda." Dagdag niya na ikinatango ko."Okay sige, thank
Kabanata 50: Do you still?"Sure kang hindi mo na ako isasama?" Tanong ni Lily sa kabilang linya."Huwag na. Kaya ko na naman. At tsaka, hindi na naman ako magdadala ng gamit dahil provided na naman nila." Sagot ko sa kanya.Narinig ko naman ang buntong-hininga niya bago siya sumagot sa akin. "Ganoon ba? Hihiramin mo ba ang kotse ko?" Tanong niya."Kung papayagan mo ako? Or pwede ko naman rentahan," "Come on, mukha naman akong kontrabida niyan. Syempre, papahiramin kita. Malakas ka sa'kin eh." Aniya.Tumawa lang ako at tsaka nagsalita ulit, "Sige. Papahatid mo ba? Haha joke." Biro ko."Anong joke? 'Yong galawan mo, lumang style na. Sige, ihahatid ko na now na. 10 ang alis niyo diba? On the way na ako ngayon." Tugon niya."Anong on the way? Sabihin mo na umuupo ka pa jan sa swivel chair mo," Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya at kasunod no'n ang pagtunog ng sasakyan. "Anong s
Kabanata 49: Welcome"Kamusta?" tanong ni Lily no'ng nakapasok na ako sa kompanya nila.Inilagay ko ang mga gamit ko sa lamesa at umupo na sa swivel chair ko. Hindi ko muna siya sinagot bagkus ay inabot ko ang mineral water na nasa gilid ko at nilaklak iyon.Mamamatay yata ako dahil sa ang hirap humagilap ng hangin para sa katawan ko. Wala akong maisip na tamang gagawin o desisyon dahil sa nangyari kanina. Nagkabuhol-buhol yata ang desisyon ko sa buhay at hindi ko alam kung bakit giniba ko iyon.Habang nagkausap kami ni Ken kanina sa kotse niya, hindi na talaga ako mapakali. Alam kong hindi lang siya concern sa akin kaya niya ako hinatid. Alam kong may malalim pa iyong dahilan kaya niya ginawa sa akin iyon. Hindi naman ako ganoon ka bobo para hindi mahalata kung ano ang ginawa niya kanina.Basically, klarong-klaro na kaya lang niya ako hinatid para pag-usapan ang buhay ko... lalo na si Stell. Alam kong alam niya ang relasyon namin ni Stel