Share

Capitulo Dos

Author: Deandra
last update Last Updated: 2024-04-18 20:52:04

Dumagundong ang malakas na pagbagsak ng mesa ng itaob iyon ni Raphael, nagkalat ang mga gamit, nabasag ang mga baso at natapon ang mga alak.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Clarise matapos gawin iyon, hindi inaasahan ng lahat na gagawin ni Raphael iyon.

Tumayo si Tati at naglakad papalapit ka Raphael at marahas niya iyong sinampal, “I am doing you a favor. All you have to do is fucking cooperate with me! But fuck!” napapikit ng mariin si Tati at kinalma ang sarili, hindi na niya tinuloy ang sasabihin at basta na lang siyang lumabas paalis ng silid.

Sa tagpung iyon namutawi sa labi ni Clint ang malapad na ngisi. . . Tila nanonood siya ng isang nakakaaliw na pelikula.

Matapos ang tagung iyon ay nakipag-inuman muna si Tati, mayroon kasing mini bar sa hotel kaya doon siya nagtungo. May nakausap siyang mga lalaki kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam niya. Kalmado na siya, nagsisi siya sa inasta kanina. Dapat ay mas nagpakumbaba siya pero inuna niya ang emosyon.

Napagpasyahan ni Tati na sa hotel na lang matulog. Nang akmang bubuksan na niya ang silid ay may humawak sa kamay niya. Nang lingunin niya ay si Raphael iyon at matalim ang titig sa kanya.

“Anong problema, Raphael? Nasaan ba ang tarsier mo at ako ang ginugulo mo?” tukoy niya kay Clarise, nairap siya sa inis nang maalala kung paano ito lumingkis kay Raphael. “Do you have something to say?” tinignan niya ang asawa mula ulo hanggang paa. “As you can see, pagod na pagod ako ngayong araw Raphael.”

“Stop insulting, Clarise!” angil ni Raphael sa kanya.

Tumaas ang dugo niya sa inis pero pilit niyang kinakalma ang sarili, “Oh. Hindi ko siya iniinsulto, nagsasabi lang ako ng totoo. In fact, mas cute pa ang tarsier kaysa sa kanya.”

“Athalia Rielle Lazarus – Yapchengco!” mariing wika ni Raphael, halata sa boses nito ang pagbabanta pero walang pakialam si Tati roon.

“What?! Ano ba kasi ang pinuputok ng butsi mo– Ohh.” Kumindat si Tati sa asawa, “Nagseselos ka ba dahil hindi mo naikama si Clarise ngayon araw at ako ay may planong –”

“Fuck! H’wag mo ngang isali si Clarise rito.”

“Then what?! Kabit mo naman siya?! Dapat lang talaga na isali siya rito. Ako ang asawa mo Raphael pero hindi mo kayang makipagtalik sa ‘kin. Siguro si Clarice ilang beses mo nang nagalaw!”

“Pwede ba, huwag mong isali ang sex life ko rito!” mariing wika ni Raphael.

“Fuck your sex life Raphael. Ano bang pinuputok ng butsi mo? Or. . .” huminto si Tati saglit at makahulugang tinignan si Raphael. “Or you want to sleep with me? Kasi kung oo– papayag ako. Para kapag dumating sa puntong tapos na tayo, masasagot ko ang mga katanungan magaling ka ba talaga sa kama. Well, hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ka magaling pagdating doon kung hindi pa natin nasusubukan, right?”

Pinanlakihan siya ng mata ni Raphael, “Athalia!”

“What?” bumuntong hininga pa si Tati. “Nandito lang ako sa harap mo hindi mo kailangang sumigaw dahil hindi ako bingi, Raphael! Isa pa I won’t force you to do it with me, ano ka sinuswerte?! Kahit pa sa totoo lang mas may karapatan ako kaysa sa mga babae mo!”

Kahit pa ayaw ni Raphael sa kanya ay di maatim ni Tati na ibigay ang sarili sa iba, ilang beses niyang sinubukan. Kaso hindi kinakaya ng sikmura niya, kaya parati siyang umaatras sa mga sitwasyong ganoon. Kasal sila ni Raphael sa papel lang, ni hindi niya naranasang mag-gown sa kasal niya at ang makipagpalitan ng vows. Parang normal na araw lang iyon at kaunti lang ang nakakaalam sa relasyon nilang dalawa ni Raphael, kaya ganun na lang siguro siya nito gaguhin.

“Miss, I can’t forget your lips – fuck!” si Luis na biglang sinapak ni Raphael, hindi napansin ni Tati na nasa tabi na niya ito. Nakausap niya ito kanina sa mini bar at nakipaghalikan rin siya rito, magaling humalik si Luis. Pero pakiramdam ni Tati ay may kulang.

“Ano bang problema mo Raphael?!” hindi mapigilang sigaw ni Tati.

Matalim na tumitig si Raphael kay Luis, “‘Yan ba ang gusto mong lalaki, Athalia?!”

“Shut up, Raphael! Just shut up! Wala kang pakialam doon kaya manahimik ka,” asik ni Tati. Hinampas niya ang kamay ni Raphael. “Kung ano man ang gagawin ko wala ka naroon. You don’t have the right to tell me what to do. Dahil hindi rin ako nakialam sa lintik na mga kabit mo!”

Pero mas lalong nagalit si Raphael at pinagsusuntok si Luis, kahit anong pilit ni Tati na pigilan ang asawa ay wala itong naririnig. Hanggang sa dumating si Rem at ang mga kaibigan pa nila at hinila si Raphael na halos wala na sa sarili.

“Let go of me! Papatayin ko ‘yang lalaking ‘yan!” sigaw ni Raphael. “What the fuck!” sigaw ulit ni Raphael nang suntukin siya ni Tati.

“Kung papatay ka ng tao h’wag sa harap ko Raphael!” galit na wika ni Tati, namumula ang buong mukha niya sa galit.

“Kung ayaw mo, huwag mong sagarin ang pasensya ko, Athalia!”

“Then umuwi ka na sa bahay natin, Raphael! Stop giving me and your mother a hard time!”

Hindi sumagot si Raphael, kunot ang noo nito at bakas sa mukha nitong ang galit. Na konting pitik pa ay magwawala na ito. Bigla siyang hinila ni Raphael at naglakad sila papaalis hanggang sa makalabas sila sa building. Nagtungo sila sa parking lot at huminto sa itim na TrailBlazer ni Raphael.

“Sakay,” mariing wika ni Raphael nang buksan ang pinto ng kotse.

Sumakay na lang si Tati, wala na siyang lakas makipagtalo pa kay Raphael. Bago pumasok si Raphael ay nagsindi muna ito ng sigarilyo. Iniwas ni Tati ang tingi, ilang minuto pa ay nag-umpisa ng umandar ang kotse.

“You have the audacity to chase me everywhere. Pero ang lakas mo naman manlalaki,” wika ni Raphael na nakatutok ang mata sa kalsada. Kuyom ang kamay nito habang nakahawak sa steering wheel.

“Wala ka na roon,” umirap pa siya saka tinignan ang cellphone niya saka tinext ang mother-in-law niya na pauwi na silang dalawa ni Raphael. Pinatay niya agad ang cellphone matapos magtext, dahil alam niyang hindi siya titigilan ng manugang patungkol sa pagkakaroon ng anak. Ni hindi nga niya magawang maakit si Raphael, anak pa kaya?

Related chapters

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Tres

    Halos maningkit ang mata ni Tati sa inis, nang makalabas siya mula sa banyo ay nasa higaan si Raphael. Nakahiga at hubad ang pang-itaas na damit pero nakasuot pa rin ito ng pantalon at medyas kaya napairap siya sa inis. “Raphael!” gigil na wika niya at sinamaan ng tingin ang asawa. “What?” matabang na usal ni Raphael. Umirap siya. “‘You know that I hate it when you do that!” tukoy niya sa hindi pagtanggal ng medyas. “Whatever. And please, stop calling me Raphael.” Kunot ang noo ni Tati, “So? Anong masama do’n pangalan mo naman ‘yon. Anyway, maligo ka na nga!” Sa apat na taon na pagsasama, mabibilang lang sa daliri ni Tati kung ilang beses silang nagsama sa isang silid, kadalasan pa ay nagkapikunan silang dalawa at nilalayasan siya ng asawa. Pumasok sa banyo si Raphael, sinuot niya ang lingerie na regalo ng mother-in-law niya. Napangiwi pa siya nang makita ang sariling repleksyon, mukha siyang malandi. Naglagay siya ng kung anu-anong skin care products sa mukha at katawan. Bumuka

    Last Updated : 2024-04-18
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Quatro

    Marahas na kinatok ni Tati ang bintana ng kotse. Tumambad sa kanya si Clarise, ang babaeng mukhang tarsier. Namilog ang mata nang dalawa sa gulat, napaayos ng upo ang dalawa at binaba ni Raphael ang binata. Napailing na lang siya habang pinipigilan ang sariling sabunutan ito, sekretarya ito ng asawa niya. “What the fuck are you doing here?!” mariing usal ni Raphael, sambakol na naman ang mukha nito. “Estorbo!” Umirap siya at tinaasan ng kilay si Clarise na hanggang ngayon ay nakangiti, hindi man lang nahiya ang babaeng malandi. Gusto niyang suntukin ang makapal nitong labi. Halatang hindi lang halikan ang nagawa nung dalawa. And that damn woman is acting more like a wife than Tati. “Ano bang ginagawa mo dito?” napapikit pa si Raphael. “Kumalma ka, Raphael.” Si Clarise, hinimas pa nito ang likod ni Raphael. Napabuga ng hangin si Raphael sa inis, “Anong kailangan mo?” “Raphael, baka may kailangan si Tati sa ‘yo. Baka importante,” pag-aalo naman ni Clarise. “Isama na lang natin siya

    Last Updated : 2024-04-18
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Cinco

    Nanlaki ang mga mata ni Tati sa gulat, hindi siya makagalaw. Marahas ang halik ni Raphael, napapikit siya at dinama ang halik ng asawa. Pakiramdam niya ay namamaga ang labi niya dahil sa ginawa ni Raphael.Humiwalay si Raphael sa asawa, “Ito ang gusto mo ‘di ba?!” Hinila siya ni Raphael at tinulak papahiga sa hospital bed saka mariin ulit siyang hinalikan nito. Sa pagkakataong ‘to ay humalik siya pabalik sa asawa. Marahas na hinubad ni Raphael ang suot na damit ni Tati. Bigla nitong hinawakan ang kaliwang dibdib ni Athalia at pinisil iyon, napaungol si Tati. Bumaba ang halik ni Raphael sa dibdib ng asawa, nilihis nito ang bra na suot ni Tati. Inilapit ni Raphael ang labi sa dibdib ng asawa at ipinasok sa bibig niya. Habang ang isang kamay nito ay dumapo sa ibabaw ng manipis niyang cotton short.“Raphael,” ungol ni Tati habang dinidiinan ni Raphael ang kamay nito sa ibabaw ng manipis na short nito. “No…”Raphael pulled away, “Stop complaining. Ito ang gusto mo hindi ba? You want me to

    Last Updated : 2024-04-18
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Seis

    Sinibukan igalaw ni Tati ang kamay niya pero napangiwi siya sa sakit. Kahit ang mga binti niya ay ‘di niya rin magalaw. Para siyang binugbog ng bente ka tao dahil sa sakit ng katawan niya. Pinakiramdaman niya muna ang paligid niya, nang mapansing tahimik ay saka niya iminulat ang nata. She swallowed hard as her throat went dry. Hindi niya maigalaw ang leeg niya, gustuhin man niyang ilibot ang tingin sa buong silid ay ‘di niya magawa. Napansin niyang maraming nakakabit na aparato sa kanya. Napakurap siya at pilit inaalala ang mga nangyari pero kahit anong pilit niya ay walang pumapasok sa isipan niya. “Athalia.” She heard a familiar voice. Malikot ang mga mata niya, hinahanap kung saan nagmula ang boses na iyon. Isang pamilyar na pigura ang nasa harapan niya. Isang mukhang hindi niya inaasahang makikita niya. Yumuko ito at marahang tinanggal ang oxygen mask na nakatakip sa bibig at ilong niya. Kunot ang noo nito, hindi mawari ni Tati kung nag-aalala ba ito sa kanya o galit. “Tub

    Last Updated : 2024-04-20
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Siete

    “Darling!” bulalas ng ina ni Raphael. Agad siya nitong dinaluhan at hinalikan sa noo. Ngumiti lang siya at tumango sa ginang. Sa alaalang meron siya ngayon ay dalawang beses niya palang nakita sa Mrs. Yapchengco, mabait ito sa kanya. Pero naiilang siya sa trato nito sa kanya ngayon. “Thank God, you are okay! Sobrang nag-alala ako sa ‘yo but I had to stick with my schedule. Hindi agad kami nakauwi ng Papa mo. We had to attend some meetings and stuff,” bumaling si Mrs. Yapchengco kay Raphael. “Inalagaan mo ba si Athalia, Raphael? What did the doctors said? Will she be alright?” “Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa ‘kin, Mom?” sarkastikong sambit ni Raphael. “Raphael,” saway naman ni Mr. Yapchengco. Sopistikada ang dating ni Mrs. Yapchengco, kahit na may edad ito ay maganda pa rin ito at ang kutis nito. Nagmumukha tuloy itong nasa 40’s lang. Kahit si Mr. Yapchengco, may puting buhok man ay di maipagkakaila ang karisma nito. Kaya hindi nakapagtataka na malakas ang dating ni Raphael a

    Last Updated : 2024-04-20
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ocho

    Matapos ang makapagdamdaming tagpo ay hindi na ulit nagkausap pa si Raphael at Tati. Nasa ospital ito namamalagi pero parang hangin lang siya at dinadaan-daanan lang ng asawa niya. Wala naman reklamo roon si Athalia, dahil mismong siya ayaw niyang kausapin si Raphael. Tumatawag-tawag si Mrs. Yapchengco para kamustahin siya, hindi raw ito makadalaw dahil kailangan nitong lumipad papuntang Europe. Nag-angat ng tingin si Tati nang bumukas ang pinto. Napataas ang kilay niya nang makitang isang babae ang pumasok. Hindi niya alam kung bakit pero kumukulo agad ang dugo ni Tati sa babae. Marahan itong ngumiti sa kanya kaya inirapan niya ito. “Hi, Tati. Kumusta?” anya nito saka nagtungo agad sa kinaroroonan ni Raphael. Hindi sumagot si Tati bagkus at tinitigan niya si Raphael, wala itong reaksyon. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito. “Clarise, did you bring the papers I asked you?” seryoso ang mukha ni Raphael, ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Tati. Ngumiti ang babae,

    Last Updated : 2024-04-25
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Nueve

    Hindi umimik si Raphael. Hindi na rin nagsalita pa si Tati, wal siyang magagawa kung ayaw ng asawa niya. Siguro nga mas nangingibabaw ang pagkamuhi nito sa kanya. Siya itong may kasalanan pero humingi siya ng pabor na intindihin siya ni Raphael. Masyadong makapal ang mukha niya. The doctor arrived after almost an hour of waiting. Si Raphael ang kausap nito, ibinilin ang mga dapat hindi dapat gawin. Pinagmasdan lang ni Tati ang asawa habang kausap ang doctor. Pinakaramdaman niya ang sarili.The doctor tapped, Raphael’s shoulder, “Make sure na inumin niya ang mga gamot niya on time. And hijo no strenuous activities muna,” makahulugang wika ng Doktor.Namula ang magkabilang dulo ng tenga ni Raphael, “Will take note on that, Doc. Thank you.”Umalis agad ang doctor. Kinuha ni Raphael ang gamit nila, nanatili siyang nakaupo sa hospital bed at pinagmamasdan ang galaw ng asawa.Bumaling si Raphael sa kanya, “What are you waiting?”Kumurap siya, “Ha?”“Let’s go. Stop wasting my time!” malamig

    Last Updated : 2024-04-26
  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Diez

    “Anak!” anas ng isang matandang babae nang pumasok sila sa bahay.Agad siyang niyakap ng matanda, umiiyak ito at mahigpit ang yakap kay Tati. Natulos si Tati sa kinatayuan, hinayaan niya ang matanda na yakapin siya. Bumitaw ang matanda sa pagkakayakap sa kanya. Bakas sa mukha ng ginang ang pinaghalong saya at lungkot.“Salamat sa Diyos at ayos ka hija!” maluha-luha pa nitong wika.Hindi niya alam ang gagawin. Kung paano niya sasagutin ang matanda kaya sinubukan niyang ngumiti pero nauwi sa pagngiwi.Nang igala niya an tingin ay may iilang kasama pa sila. Nakatanaw rin ang mga ito kay Tati ay may malungkot na ngiti sa mukha.Nasa likod ni Tati ang asawa. Ramdam niya ang titig nito sa kanya.“W-wala bang masakit sa ‘yo anak? Gusto mo bang kumain? Ipinaghanda kita, lahat ng mga paborito mo ay niluto ko—”“Manang,” si Raphael. “Gaya nga po ng sabi ko sa inyo sa telepono. Walang naaalala si Athalia, hindi niya kayo matandaan.”Humagulgol na ang ginang nang marinig ang tinuran ni Raphael.

    Last Updated : 2024-04-26

Latest chapter

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Noventa Y Dos

    “Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Noventa Y Uno

    “Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Noventa

    May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Ochenta Y Nueve

    “Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Ochenta'y Ocho

    Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Ochenta Y Siete

    Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Espesyal na Kabanata: Jean

    “What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Espesyal na Kabanata: Archer

    Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Ciento Ochenta Y Seis

    “Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr

DMCA.com Protection Status