Home / All / Contract with Mr. Hunter (Tagalog) / Chapter 2 Nut crack way to him

Share

Chapter 2 Nut crack way to him

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-04-28 14:16:20

LAKAD NANG LAKAD, walang humpay na paglalakad tila ba’y wala ng katapusan ang ginawa ni Kelly habang tinatahak niya ang madilim na daan. Napakalayo na ng kanyang nalakad ngunit napakalayo pa bago niya tuluyang marating ang daanang may liwanag. Sobrang dilim ng daang nilalakaran niya dahilan para magsimula siyang makaramdam ng anxiousness na unti-untong lumalamon sa natitirang katapangan niya sa kanyang katawan. Dahil sa kagustuhang makaalis na sa kadilimang 'yon ay mabilis siyang tumakbo patungo sa liwanag na nasa dulo ng daang kanyang tinatahak. Gusto niya nang umiyak at sumigaw nang sandaling iyon ngunit ipinagpatuloy niya ang pagtakbo kahit pikit ang kanyang mga mata  hanggang sa makarating siya sa liwanag na siyang lumamon sa kanyang pananaw. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay may naaninag niya ang isang pamilyar na tao kung saan binabalot ng matinding liwanag dahilan din na mahirapan siyang makita ito nang malinaw. Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng tulong sa taong kanyang naaaninag ngunit walang tinig ang lumalabas sa kanyang lalamunan. Pilit niyang sumigaw ngunit walang boses talaga ang lumalabas sa kanyang lalamunan buti na lang ay lumingon ang taong gusto niyang tawagin. Ngunit laking gulat niya ng makita niya kung sino ang babaeng iyon.

“Mama…” mahina niyang usal.

Ang babaeng gusto niyang hingian ng tulong ay ang kanyang ina pala. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha ng makita niya ang kanyang ina, may tuwa sa kanyang puso nang sandaling iyon. Ngunit naglaho ang mga ngiti sa labi ni Kelly nang unti-unting tumalikod sa kanya ang kanyang ina at naglakad papalayo sa kanya. Sa takot na muling iwan siya nito ay mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa at tumakbo papalapit sa kanyang ina na papalayo. Binilisan niya pa ang kanyang pagtakbo, hindi na siya muling makakapayag na iwan siyang muli ng kanyang ina.

“Ma! H’wag mo akong iwan!” Pagpigil sa kanyang ina, ngunit tila wala itong narinig at tuloy-tuloy lang sa paglakad papalayo sa kanya.

“Ma!” muli niyang sigaw.

Ngunit kahit anong paghabol ang kanyang gawin sa kanyang ina ay hindi niya ito mahabol, maabot. Pakiramdam niya the more na habulin, abutin niya ang kanyang ina ay the more na lumalayo ito sa kanyang mga kamay at tanaw. Nakarating siyang muli sa isang liwanag na tuluyang lumamon sa kanyang paningin.

“Ma!” naluluha niyang bulalas kasabay ng kanyang pagbalikwas sa kanyang pagkakahiga.

Habol ang hiningang nakaupo siya sa kanyang kama at nakatingin sa kawalan habang inaanalisa ang kanyang napanaginipan. Ilang araw ng ganoon ang kanyang panaginip. Lagi niyang napapanaginipan ang panahong bigla na lang siyang iniwan ng kanyang ina at tuluyang naglaho sa kanyang buhay sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya rin alam kung na saan na ba ito o kung buhay pa ba ito. Naalala niya ang mga sandaling lagi niyang hinahanap ang kanyang ina. Dahil sa pagkawala ng ina niya sa kanyang tabi ay kinailangan niyang buhayin ang kanyang sarili para patuloy na mabuhay. Hindi niya alam kung saan niya hahagilapin ang kanyang ina. Hindi niya rin alam kung nasaan ang kanyang ama sa kadahilanang matapos na mabuntis ang kanyang ina ay inabanduna na sila nito na ayon sa kanyang ina. Wala siyang ibang mahihingian ng tulong kun'di ang kanyang sarili.

Napahugot siya nang isang mahinang buntong-hininga at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili. Pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa labas ng kanyang bintana.

“Napakaganda ng umaga,” sambit niya habang ninanamnam ang magandang tanawin sa kanyang bintana.

Narinig niya ang mga huni ng mga ibon sa mga puno na rinig sa kanyang bintana. Ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap at nagpapakalma sa kanyang isipan.

“Aah! Ang sarap talaga dito buti ito ang pinili ko kaysa bumili ng condominium. Hindi ko sana mararanasan ang umaga na napakaganda,” nakangiting niyang sambit sa kanyang sarili.

Lumabas siya ng bahay at naupo sa duyan na dahan-dahan niyang iniugoy. Kasabay ng ihip ng hangin ay ang pagtangay nito sa halimuyak ng mga bulaklak na namumukadkad sa paligid ng kanyang maliit na garden. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para mas lalong damhin ang sariwang paligid at bigla-bigla na lang ay napangiti ito nang mapait.

“Sana nandito kayo,” mahina niyang usal at isang mapahangas na luha ang bumagsak sa kanyang pisngi.

Bigla niyang naidilat ang kanyang mga mata at agad na pinunasan ang kanyang luha.

“Ano ba ‘yan? Ang ganda-ganda ng umaga masisira pa,” anas niya sa kanyang sarili at pilit na pinakalma ang kanyang sarili sa pag-iyak.

Matapos ang ilan pang pagmamasid, napagpasyahan niyang pumasok na sa kanyang bahay para maghanda ng kanyang makakain. Pagkapasok niya ay napatingin siya sa orasang nasa dingding at nakita niya na pasado alas-syete na pala ng umaga.

“Alas-syete na pala, masyado akong nalibang,” aniya sa kanyang sarili.

Isasara niya na sana ang pinto nang biglang may naalala ito.

“8 a.m. on Marygold St. in Californian Heights.”

Bigla itong napaiktad sa kanyang pagkakatayo nang um-echo sa kanyang tainga at isipn ang boses ni Mr. Hunter. “Oh my! Nakalimutan ko!” bulalas niyang sabi.

Dali-dali siyang pumunta ng kanyang k'warto para maghanap ng masusuot at dali-dali na nagtungo sa banyo para makaligo.

“Shit! Patay ako nito kay Christian!” nangangambang at nagmamadaling anas niya.

Binilisan niya ang kanyang pag-aayos, wala ng sapat na oras para magpapatay-patay pa siya. Mahuhuli na siya at hindi niya alam ang maaaring gawin sa kanya ni Christian kapag nangyari iyon. Hindi niya pa lubos na kilala ang buong pagkatao nito kaya nilalamon siya nang matinding anxiety habang halos hindi na ito magkandarapa sa pagmamadali.

Muli itong napatingin sa orasan at dalawampu’t-limang minuto bago mag-alas-otso at hindi pa rin siya nakakapag-ayos.

“Shit!”

Hindi niya na inisip ang itsura niya. Ang importante ay nakaligo na siya at maayos na ang kanyang pananamit. Hindi naman malaking problema sa kanya ang paglalagay ng make-up gawa ng hindi naman siya naglalagay ng kung ano-ano sa kanyang mukha. Bb cream, konting concelear, mascaraz eyeliner at lipstick lang naman ang nilalagay niya. Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nag-abang ng cab. Mabuti naman at sinuswerte pa siya at agad siyang may matanaw na cab na paparating at dali-dali itong pinara.

“Manong, Marygold St., Californian Heights,” sabi niya pakatapos niyang makaupo.

Agad niyan hinanap ang suklay sa kanyang bag para maayos ang kanyang buhok ngunit napatigil ito ng pakiramdam niyang nakatingin sa kanya si Manong driver.

“Manong, please paandarin niyo na po. Patay ako sa amo ko kapag nahuli ako. Huwag niyo na lang po akong intindihin dito, magmaneho lang po kayo,” aniya at pilit niyang binigyan ito ng ngiti.

Sa wakas ay sinimulan na rin ni Manong paandarin ang cab at habang naman nasa biyahe ay agad naman itong nag-ayos para magmukhang maayos at presentable sa pagmumukha ni Christian.

Nailang siya sa mga tingin ni Manong driver sa kanya sa rear mirror nito, hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-aayos. Kung hindi lang sana siya masyadong nalibang ‘di sana hindi ganito ang nangyari, iyon ang sabi niya sa kanyang sarili habang patuloy sa paglalagay ng make-up sa kanyang mukha. Napatingin siya sa kanyang relo at ilang minuto na lang ay mag-aalas-otso na dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng kaba sa kanyang tiyan.

“Patay talaga ako nito baka i-decline niya na lang ang proposal niya sa akin dahil sa pagiging late ko,” nag-aalalang sabi niya sa kanyang sarili. “Sayang din ang ibabayad sa akin 'pag nagkataon,” aniya sa kanyang sarili.

Hindi ba ito ‘yong gusto ko? Bakit ba ako nag-aalala kung i-de-decline niya ang kontrata sa pagiging surrogate ko? Hindi ba inis ako sa kanya dahil sa magaspang niyang pag-uugali? Hindi ba mas maganda kung siya ang magtatanggal sa akin sa pagiging surrogate nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan pang mag-isip ng iaalibi pa sa kanya. At hindi na rin ako mahihirapan na pakisamahan pa ang pangit niyang pag-uugali. Iyon ang mga salitang tumakbo sa kanyang pasaway na utak.

Napatigil si Kelly sa pagkausap sa kanyang sarili nang maalala niya ang nakita niyang pait at sakit sa mga mata ni Mr. Hunter ng araw na iyon dahilan para matauhan siya. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam pero ramdam niya ang sakit na tinatago niya sa likod nang matigas nitong pagkatao.

“Shit! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako masyadong naapektuhan ng presensiya niya? Anong hipnotismo ang ginawa niya para magkagan’to ako?” naguguluhang tanong ni Kelly sa kanyang sarili.

Muntikan pa niyang sabunutan ang kanyang sarili dahil sa kanyang gulong-gulo na isipan. Ngunit biglang nagsalita si Manong driver rason para manumbalik siya sa kanyang huwisyo. Agad siyang nagbayad at naglakad nang matulin papasok sa isang napakalaking village. Napatigil siya sandali at pinagmasdan ang buong paligid.

“Shit! Ang ganda!” mangha niyang bulalas.

Ninamnam niya ang bawat matanaw ng kanyang mga mata. Labis na kamangha-mangha ang mga kabahayan na naroon, tunay ngang mayaman lang ang maaaring tumira sa mga ganitong uri ng pabahay. At imposibleng mangyari sa isang tulad niya na isa lamang mahirap na tao na kung hindi pa dahil sa kanyang trabaho ay imposible siya makabili ng bahay na siyang tinitirahan niya ngayon. Isang malaking pangarap na lang ang tumira siya sa ganitong uri ng mga bahay. Isang malaking jackpot ang mangyayari kung gugustuhin niyang tumira sa ganitong lugar. Ngunit natauhan siya bigla sa kanyang pagkamangha nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang tanong.

“Shit! Alin ang bahay niya rito?” bulalas niyang tanong sa kanyang sarili.

Muli niyang iginala ang kanyang mga mata pero wala siyang matanaw na kahit isa man lang taong nasa labas ng pamamahay nila para man lang sana mapagtanungan niya. Kahit kasambahay man lang na naglilinis sa tapat ng bahay ‘e wala.

“Kanino tuloy ako magtatanong nito?” nag-aalala niyang tanong sa kanyang sarili.

Bahagya siyang humakbang ng ilang hakbang habang iginagala niyang muli ang kanyang mga mata sa buong paligid.

“Wala man lang bang guard dito para mapagtanungan man lang?”  palingon-lingong tanong niya sa kanyang sarili. “Bahala na nga!” inis niyang sabi.

Nagsimula na muli siyang maglakad nang bigla siyang nakarinig ng sirena dahilan para mataranta ito.

“Shit! Anong nangyayari? Sa’n nanggaling ‘yon?” tanong niya sa kanyang sarili habang iginagala ang kanyang paningin para hanapin ang pinagmumulan ng pagtunog ng sirena. Hanggang sa may nakita siyang guard na lumabas sa isang hindi kalakihang bahay.

“Ma’am bawal po kayong basta-basta na lang pumapasok sa village ng hindi dumadaan sa identification checking,” saad ng guard na lumapit sa kanya.

Ano bang malay ko na mayroong kaartehang gan’yan dito? Saka paanong hindi ako papasok ng basta na lang ‘e ni anino nga nila hindi ko makita. Kung nagpakita siya ‘e ‘di sana may mapagtatananungan ako saka ano bang malay ko na ni-level up na pala ang outpost ng guard? Aniya sa kanyang loob habang pinagmamasdan ang bahay na pinanggalingan ng guard.

“Pasens’ya na po hindi ko po kasi alam na may ganitong inspeksyon pa pala rito. Hindi naman sa akin nasabi agad ni Mr. Hunter na ganito pala rito. Basta niya na lang akong sinabihan na pumunta ako rito para sa appointment ko sa kanya,” paliwanag niya habang itinatago ang pagtataray na gusto niyang ilabas.

“Malalaman natin ‘yan kung nagsasabi ka ba talaga ng totoo,” ani ng guard sa kanya sabay hila kay Kelly papunta sa isang malaking monitor at nag-face scan sa kanya.

Muli binalot ng kaasiman ang isipan ni Kelly habang sinasagawa ng guard ang identification checking sa kanya. At habang naghihintay siya na matapos ay walang kamatayang pagmumura ang kanyang ginawa sa guard na nasa kanyang harapan sa kanyang isipan. Punyetang guard ito! Ito ba ang mukhang gagawa ng hindi maganda? Isang kriminal? Mukha ng hindi mapagkakatiwalaan? Ito pa talagang mukhang ito? Nakakagigil ang guard na ito! Sarap sapakin at sipain!

Kahit sobrang nanggagalaiti na siya sa inis ay sinunod niya na lang ang guard at nakangiti lang kahit punong-puno iyon ng pagpapanggap. Naghintay siya ng ilang minuto para makumpirma ang kanyang identity.

“Sir, nagsasabi nga siya ng totoo. Siya nga ang hinihintay ni Mr. Hunter ngayong umaga,” pagkumpirma ng batang guard na nasa harap ng computer saka ito humarap kina Kelly at sa medyo matandang guard at inayos ang kanyang suot na salamin.

“Pasens’ya na, Ma’am, sa pagsusungit na ginawa ng matandang ito. Hayaan niyong ihatid kita sa bahay ni Mr. Hunter,” nakangiting sabi ng batang guard sa kanya.

“Hindi ako nagsusungit at huwag mo nga akong matawag na matanda! Ama mo ako!” galit na bulyaw ng matandang guard sa sinasabi niyang anak at sabay na kinutusan.

“Pa! Sa bahay lang kita ama pero ‘pag nasa trabaho tayo ibang usapan na ‘yon! Magkatrabaho na tayo! Pantay lang tayo,” pagrarason ng kanyang anak habang hinihimas nito ang pinagkutusan ng ama. Napangiti si Kelly ng simple sa diskusyon ng mag-ama.

“Ikaw na bata ka masyado kang marason! Mabuti pang ihatid mo itong bisita ni Mr. Hunter at baka makatikim ka uli sa akin,” utos nito sa kanyang anak at saka pinagtulakan at sinipa ang anak palabas ng bahay.

“Ano ba, pa? Hindi mo naman kailangang ipagtulakan at sipain! Tao ako at anak mo ako!” nakangusong sabi ng anak.

“Kaya bilisan mo na nang hindi tayo malintikan kay Mr.Hun—”

“Talagang ihahatid ko si Ms. Paxman at ayoko rin naman na pareho tayo mapagalitan ni Mr. Hunter,” sabal na sabi ng anak sabay ayos ng kanyang sarili.

“Mabuti at alam mo ang mangyayari sa atin kung ganoon, kaya bilisan mo na,” utos ng kanyang ama at muking tinulak ang kanyang anak.

“Oo na,” walang kabuhay-buhay na tugon ng anak.

May dinukot sa kanyang bulsa ang batang guard na tila isang car key. Pinindot niya ito matapos noon ay nakarinig ako ng pagpito ng kotse at ingay ng mga gulong. Ilang segundo lang ay biglang pumarada sa aming harapan ang isang puting kotse.

“Shit! Ganito na ba ka-garbo ang mga guard ngayon? One click away at kusang tatakbo ang kotse sa’yong harapan kahit walang drayber?” nanlalaking mga matang bulalas ni Kelly sa kanyang isipan.

Iba rin talaga kapag mayaman halos lahat ng bagay sa kanila ay walang imposible. Iba rin talaga ang nagagawa ng pera. Bahay, pagkain, luho at kung ano-ano pang bagay na nanaisin ay mabibili lang talaga ng pera. Pera ang nagpapaikot sa buhay ng tao. Iyon ang nasabi ni Kelly sa kanyang isipan habang umiiling at tinititigan ang kotseng nasa kanyang harapan.

“Sakay na po, Miss Kelly,” magalang na anyaya ng batang guard.

Ikinumpas ni Kelly ang kanyang sarili saka ngumiti na lamang bago siya sumakay ng kotse. Dali-dali ngunit maingat siyang sumakay at baka makadisgrasya siya at hindi niya kakayanin ang umabono ng malaking halaga dahil isa rin siyang hikahos kaya nga siya nagtatrabaho. Nang makasakay na siya ay mabilis na pinaandar ng batang guard ang makina ng kotse at nagsimula ng magmaneho. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni Mr. Hunter dahil madali naman silang nakarating kaagad ni hindi nga iyong umabot ng isang minuto.

“Sana naglakad na lang kami ang lapit lang naman pala,” sa loob-loob na sabi ni Kelly nang makaparada ang kotse sa isang malaking bahay.

Nasa tapat na sila ng bahay ni Mr. Hunter at hindi talaga maikakaila na isa talaga siyang mayamang tao. Halos malaglag ang panga ni Kelly ang bahay ni Mr. Hunter sa labas pa lang ng bahay ay sobrang kamangha-mangha na paano pa kaya 'yong buong kabahayan? Lahat naman ng bahay sa village na ito ay maganda pero siya lang ang natatanging bahay na gawa sa tinted glass ang buong kabahayan.

“Iba rin talaga kapag mayaman,” mahinang usal ni Kelly.

Muli, humugot siya nang isang malalim na hininga bago niya tuluyang pinindot ang doorbell. Biglang namang may nagsalitang babae sa intercom matapos niyang mag-doorbell ng dalawang beses.

“Please look at the camera for your identification scanning,” saad ng boses babae sa intercom.

Napanganga na lang si Kelly sa kanyang narinig. Grabe! Ganito ba talaga sila kahigpit sa mga taong papasukin nila sa village na ‘to? O sadyang sigurista talaga itong lalaking ito? Hindi siya makapaniwala sa tindi ng security system sa village na 'yon.

At dahil sa wala naman siyang magagawa ay sinunod niya na lang babaeng nagsalita sa intercom. Tumingin siya sa monitor at may ilang random faces ang lumitaw dito habang nag-i-scan ito hanggang sa may nag-match sa mukha niya.

“Identity confirmed. Kelly Paxman, Mr. Hunter’s appointment.”

Matapos noon ay bumukas na ang gate at nang makapasok si Kelly ay kusa na rin itong nagsara.

“Gate locked.”

“Grabe!” Iyon na lang nasabi niya na may labis na pagkamangha.

Nagsimula na siyang maglakad papasok ng bahay ni Mr. Hunter at doon niya nakita ang binata, nakatayo sa main door at malalim ang tingin sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba dahil sa alam niyang huli na siya sa sinabi nitong oras.

“You're running late,” matipid na sabi ni Mr. Hunter.

“So—"

Hindi niya na naituloy ang kanyang paghingi ng dispensa at magiging paliwanag dahil mabilis siyang tinalikuran at naglakad papasok ng bahay.

“Arrogance!” mahina niyang anas na may malalim na paghinga.

Sumunod na lang siya sa binata papasok ng bahay hanggang sa makarating sila sa sala.

“Since you're late, let's get right to the point. Here is the contract for you, as the vessel for my child,” diretsang sabi ni Mr. Hunter sabay abot sa kanya ng nakahandang kontrata.

Bahagyang napataas ng kilay si Kelly sa pagkakasabi ng binata sa kanya ng “as the vessel for my child”.

Anong akala niya sa akin bagay? Tao ako at hindi isang operated robot na para pagsalitaan niya na parang sa akala niya ay wala akong pakiramdam. Pagwawalang sabi ni Kelly sa kanyang isipan na halos gusto niya ng saktan ang binatang nasa kanyang harapan.

“All of my conditions are there, so assist yourself in comprehending the contents. Please let me know if you have any additional terms.” Dagdag pa nito habang abala sa pag-aayos ng kanyang cupplings.

Napataas na ng tuluyan ang dalawang kilay ni Kelly dahil sa aroganteng pakikitungo ni Mr. Hunter sa kanya.

“G’wapo sana kaso napaka-arogante!” Sa isip-isip niya na may labis na panggigigil.

“First, Mr. Hunter, I'll read the contract.” Iyon ang panimulang saad ni Kelly kay Mr. Hunter simula ng makapasok siya sa bahay nito.

“I assume you already agree with what we discussed yesterday,” nakakunot-noong sabi ni Mr. Hunter.

“I believe I should review the contract before accepting this contract,” sagot ni Kelly kay Mr. Hunter.

Binigyan ng mapanuring tingin ni Mr. Hunter si Kelly bago nagsalita. “All right, if that's what you want. I anticipate that your response will be favorable to me.”

“I'll let you know as soon as I finish it if the contract isn't too difficult to manage. "Sure, I'll take it,” pagkukumpirmang sagot ni Kelly.

“And so it comes to an end. I have to leave. Tyler will transport you home,” saad ni Mr. Hunter na wala man lang kakari-cariño kay Kelly.

Matapos noon ay may tinawagan siya sa telepono. Hindi na umimik si Kelly at sumabay na siya sa paglabas ng binata lalopa't naubos ang energy niya kakamadali at sa pagtitimpi niya sa kanyang sarili na hindi makapagsalita na maglalagay sa kanya sa alanganin. Nakita niya ang dalawang kotse na pumarada sa harap ng bahay ni Mr. Hunter, isang matte black at ‘yong puti na sinakyan niya kanina.

“I'll leave her to you, Tyler,” ani nito bago tuluyang sumakay sa kotse at pinaharurot iyon paalis.

Napanganga na lang si Kelly na may labis na pagkadismaya sa pag-uugali ng binata. Grabe!

“Miss Kelly, sakay na po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa bahay niyo,” nakangiting wika ni Tyler, ang binatang guard kanina.

Naibaling ni Kelly ang kanyang atensyon kay Tyler at binigyan ito ng ngiti nang bigla siyang mapatingin sa hawak niyang envelope ay napahugot siya nang malalim na buntong-hininga. Sumukay na siya sa kotse at maingat naman siyang inihatid ni Tyler pauwi sa sarili niyang bahay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Clarence Jay Garcia
i like it super ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 3 Contract

    GAYA ng unang pag-uusap nina Kelly at Mr. Hunter, wala na naman sa tamang pag-iisip si Kelly hanggang sa makarating siya sa kanyang bahay. Nakuha na naman ng binata ang kanyang katinuan na tila ba nahipnotismo na naman siya ng isang napakag'wapo at mayamang Adonis na ubod ng pagka-arogante na nagngangalang Christian Hunter. “Bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing nagkakausap kami?” nasisiphayong tanong ni Kelly sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang k'warto. “I'm completely exhausted!" ungot niyang sabi sabay bagsak ng kanyang katawan sa kama. Napalingon siya sa envelope na nasa side table at napabuntong-hininga nang mabigat. Inayos niya ang kanyang sarili at napaupo nang tuwid saka isinandal ang kanyang likod sa headboard ng kanyang kama. Kinuha niya ang kontratang nasa loob ng envelope at sinimulang basahin ito. CONTRACT Made this day __________ of 2019 (The Commencement Date) between MR. CH

    Last Updated : 2021-04-28
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 4 His World

    NGAYONG gabi ay pinuno ang buong Burj Al Arab ng mga makukulay na maskara at mga eleganteng kasuotan ng mga nagsamang businessman para sa isang malaking pagdiriwang at perfume launch ng CH company sa Dubai. Habang naghihintay at nakikipag-usap sa mga potential partners ang mga businessman sa pagsimula ng program ay nag-e-enjoy sila sa saliw ng musika ni Beethoven na Coriolan Overture in C Minor. Bagamat hindi pa nagsisimula ang program ay naagaw na agad ni Christian ang atensyon ng lahat ng taong dumalo sa pagdiriwang na iyon.“He’s coming!”“The Ironclad has arrived.”Samu’t saring mga bulung-bulungan ang nagsimula sa pagpasok pa lamang ni Christian na halos lahat ng mata ay nasa kanya habang may mga ngiti sa kanilang mga labi. Naglalakad ang binata suot ang paborito niyang itim na suit na customized made galing sa sikat na gumagawa ng suit sa Milan, ang Zegna. Kitang-kita ang magandang pustura ng binata habang siya'y naglala

    Last Updated : 2021-08-04
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 5 About Him

    AHH!” malakas na hiyaw ng isang babae kasabay ng mga pagkabasag ng mga mababasaging bote ng pabango.Kitang-kita ni Christian kung paano magwala ang kanyang ina na animo'y nababaliw sa harap ng dresser nito.“Why? Why am I unable to smell anything? Victor, why did you abandon me? Was my scent unsuitable for you? Isn't that enough? Do you wish for more? More? More!" tanong ng kanyang ina sa sarili nito sa harap ng salamin na kitang-kita ang kawalang katinuan nito.Gulong-gulo na pinagmasdan ni Christian ang kanyang ina habang kinukuha nito ang isang bote ng pabango at saka ini-spray sa buong katawan na walang katapusan kasabay ng paghalakhak nito ng parang sa baliw.“Mama…” lumuluha at nanlulumong tawag ni Christian sa kanyang ina.Muli itong sumigaw at hinagis ang bote ng pabango na tumama sa dingding dahilan para mabasag ito.“Victor! Hindi pa ba ako sapat? Hindi mo ba ako mahal? Sabihin mo! Bakit kailan

    Last Updated : 2021-08-05
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 6 Gone Crazy

    TILA nahipnotismo ang dalaga at nagpatangay sa mga nanlalamlam na mga mata ni Christian. Binigyan nang maiinit at mapusok na mga halik ni Christian ang dalaga dahilan para mas malunod ito sa sensasyon. Nagpatuloy ang pagpapalitan nila ng mga laway hanggang sa naglakbay ang kanilang mga kamay sa balat ng bawat isa. Mas tumaas ang init na nararamdaman ng dalaga ng umangat ang mga kamay ng binata sa kanyang dibdib at maingat na hinaplos ang mga suso nito. Napasinghap ang dalaga sa ginawa ni Christian dahilan para tuluyan na nitong itapon ang sarili sa ibabaw ng katawan ng binata. “Make me go crazy with you tonight” mapangahas na saad ng dalaga na namunungay ang mga mata. Hindi umimik si Christian at buong lakas na kinarga ang dalaga na saktong tumama ang namumukol na titi sa loob ng shorts ng binata sa bukana ng puke ng dalaga dahilan para mapasinghap ito. Hindi iyon pinansin at hinalikang muli ni Christian ang dalaga habang naglalakad ito papasok ng hotel. Hindi alinta

    Last Updated : 2021-08-18
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 7 Day 1

    SAMPUNG ORAS ang lumipas bago nakalapag ang sinasakyang eroplano ni Christian at halos hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na pagkainis dahil sa tagal ng biyahe. Mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkainis ng mapatingin siya sa kanyang orasan na pasado alas otso na ng gabi.“Fuck!” malutong niyang mura. “Who the hell invented a GPS-enabled watch? What a piece of garbage!” Sabay hubad sa suot na relo niya at nanggigigil na itinapon iyon sa basurahan.He had never been late for an appointment in his life, except this time when his watch and jet messed up, making his mood even worse.“Crap! This is too annoying!” mura niyang saad ng makababa ng eroplano at lumabas ng airport sabay gala sa kanyang paningin na tila may hinahanap.Sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang binata na kumakaway sa kanya. Mabilis na naglakad si Christian papalapit sa binata na siya rin siyang dali-daling pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

    Last Updated : 2021-08-21
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 8 First Hot Kiss

    ISANG malakas na pagbahing ang gumising kay Kelly sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Pupuyos-puyos at nanlalambong idinilat niya ang kanyang mga mata ngunit napabalikwas ito sa kanyang pagkakaupo ng makita si Christian na nakatayo sa kanyang harapan habang umiinom ng kape.Itinuon ni Christian ang kanyang tingin kay Kelly. “Have you forgotten what's in the contract?” bungad kay Kelly sabay higop ng kanyang kape. “In accordance with carrier section, clause 6.8: The Carrier shall take all reasonable precautions to maintain her good health. And take a look at what you're doing. “Did you read the contract thoroughly?”Napannganga si Kelly sa itinuran ng binata sa kanya hindi niya akalain na saulo nito ang kontratang ibinigay sa kanya.“Close your mouth, you’re drooling,” saad ng binata sabay baling ng kanyang tingin sa ibang direksyon.Isinara at pinunasan ni Kelly ang kanyang bibig nang bigla siya mata

    Last Updated : 2021-08-29
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 9 First Dilig

    KITANG-KITA ni Kelly ang pagngisi ni Christian habang siya’y pinagmamasdan nito ngunit hindi pa rin nito makuha ang kanyang huwisyo at lutang sa sensasyong kanyang nararamdaman. Nakaawang pa rin ang kanyang mga labi habang nakatitig sa mukha ni Christian na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. Bumaba ang mga tingin nito hanggang sa dumako ito sa mga mapupula at nangingintab na labi ni Christian. Hindi maipaliwanag ni Kelly ang kanyang nararamdaman ngunit isa lang ang tiyak niya nang sandalaing iyon, gusto niya pang matikman ang mga labi ng binata.Habang patuloy na natatakam si Kelly sa mga labi ni Christian ay may kakaibang epekto naman sa binata sa kung paano ni Kelly tignan ang kanyang mga labis na nakakapang-akit. Hindi maipagkakaila ng binata may kakaibang angking ganda ang dalagang nasa kanyang harapan sa kabila ng pagiging surrogate mother nito ay hindi maitatago na bata pa rin ito at labis na nakakapang-akit. Ang mga titig na lunod na lunod sa pagnanasa sa kany

    Last Updated : 2021-09-02
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 10 Presence

    Chapter 10: Her PresenceNAPATIGALGAL at nanlaki ang mga mata ni Kelly sa tanong ni Christian sa kanya.“What do you think of me? A liar? Why would I lie to someone about having sex if I had it?” mataas na boses na tanong ni Kelly na halos hindi makapaniwala sa pagtatanong sa kanya ng binata.“Really? You appear to have done so already. I can tell by your moans and actions,” straight face na paliwanag ni Christian sa dalaga.Namula ang buong mukha at tainga ni Kelly sa sinabi sa kanya nito. “First time ko nga ‘yon! Bakit mo ba pinipilit na parang hindi?” nanggigigil na singhal ni Kelly kay Christian.Napangisi ang binata sa naging reaksyon ni Kelly. “Well, if you say so, then you were truly born with the ability to warm bodies.”Nanlaki ang mga mata ni Kelly dahilan para maihagis nito ang unan sa mukha ni Christian na mabilis na nasalo nito bago tuluyan tumama ang unan sa

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Epilogue

    DALAWANG LINGGO ang nakalipas bago napatunayan na hindi talaga anak ni Christian ang sinasabing anak nila Lovely. Doon napatunayan na si Sadam ang tunay na ama nito at dahil sa ginawang gulo ni Lovely ay kinasuhan ito ng Paternity Fraud, Coercion, Maltreatment with Multiple Physical Injuries pati na rin ang kanyang ama. Matapos na maisampa ang kaso ay ipanaubaya na ni Christian kay Seb ang lahat para umuwi ng Pilipinas kasama si Rachel.“Finally, makakauwi ka na rin, Chris!” masayang saad ni Rachel. “Makakasama mo na ulit si Kelly at makikita mo na rin ang baby niyo.”Ngiti lang ang naging tugon ni Christian kay Rachel at napatingin sa labas ng bintana ng eroplano.“I’m coming home, Kelly. Just wait for me,” wika niya sa kanyang sarili.Sampung oras ang lumipas bago tuluyang nakalapag ang eroplano sa paliparan ng NAIA. Halos hindi magkandaugaga si Christian na bumaba ng eroplano at dali-daling pumara ng taxi para

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 53 New Life

    “NO!” mariing sigaw ni Lovely na kanina pa nakikipagmatigasan ng ulo sa mga pulis. “Thi son! It's Christian!” pagpipilitang nitong dagdag.“What exactly are you on about, Lovely? We have custody of that child! Why do you keep claiming it’s his and not mine?” galit at naguguluhang tanong ni Sadam na unti-unti ng nauubusan ng pasensya.“No! He isn’t your son!” mariing itinatanggi ni Lovely na anak ni Sadam ang batang sinasabi niyang anak ni Christian.“If you continue to insist that it wasn’t my child, then you leave me no choice. Let’s do the paternity test!” panghahamong wika ni Sadam.“We’ve already done that, and it says Christian was my son’s biological father!”“That is simply not possible! That cannot have happened!” hindi makapaniwalang tutol ni Sadam na may kasamang panlulumo.“Sadam, please put a stop to it! D

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 52 Truth and Lies

    “WHAT?” wala sa huwisyong tanong ni Kelly kay Kiths na ngayon lahat ng tingin ay nasa doktora.“I don't want to get involved in any personal matters, but I believe it is important for you to be aware that this man—” Sabay turo sa matandang lalaki. “—is your father.” Pag-uulit niya na walang pag-aalinlangan o kakaba-kaba.Napatingin si Kelly sa matandang lalaki at binigyan nang hindi maipaliwanag na tingin. Naguguluhan at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.“Is this a prank?” tanong ni Kelly tumawa nang nakakailang.Ngunit walang tumawa ni isa na naroon maliban kay Kelly.“Are you guys serious?” hindi mapalagay na tanong ni Kelly kina Kiths Seb at Rachel na pinagbabaling-balingan niya ng mga tingin.“No, you must be kidding me…”Nanatiling walang kibo ang tatlo at maging ang matandang lalaki na nakayuko na nang sandaling iyon.&ld

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 51 Where They Belong

    “…AND THAT’S WHAT HAPPENED.” Pagtatapos ni Seb ng kanyang kwento kay Rachel.Hindi makapaniwala si Rachel sa kanyang mga nalaman simula sa anak ni Christian sa Prinsesa ng Saud, sa naging sitwasyon ni Kelly, ang relasyon ni Seb at Kiths at ang nararamdaman ni Seb para kay Kelly.“I can’t believe this! It appears to be a flurry of romance to drama,” hindi makapaniwalang sabi ni Rachel na may kasamang pag-iling.“That’s the way it is,” wika ni Kiths.Umayos ng upo si Rachel. “Sure ka ba na Prinsesa talaga ng Saud ang nabuntis ni Chris?” paninigurong tanong ng dalaga.Tumango si Seb bilang tugon. Hindi na kinuwestyon ni Rachel ang binata kilala niya ito dahil sa oras na kinumpirma nito ang isang bagay ay talagang tama ito. Kahit simula pa lang na nagtatrabaho ito kay Christian ay tinitiyak nito ang lahat bago ito nag-re-report sa binata.“So, what's the plan?”

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 50 Without Him

    LUMIPAS ang mga araw at tulad ng pangako ni Seb ay inilaan niya ang buo niyang oras sa tabi ni Kelly para alagaan ito. Ipinaramdam at ipinakita niya ang pagmamahal at pag-aaruga na kailangan ng dalaga para maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at nariyan lang siya handang siyang damayan sa anong lungkot at pangungulila na nararamdaman nito para kay Christian. Ngunit hindi naging madali ang lahat, kahit na ibinibigay niya ang pag-aaruga at atensyon na kailangan ng dalaga ay hindi pa rin nito maikukubli na si Christian pa rin ng puso’t isipan ng dalaga. Bumagsak ang katawan nito at nangitim ang paligid ng mga mata na animo’y isa ng zombie sa labis nitong pag-aalala sa binata.Hindi sumuko si Seb at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya habang inaalagaan niya si Kelly ay patuloy pa rin siya sa paghanap sa taong makakatulong kay Christian para tuluyan na itong makalaya sa mga kamay ng mag-amang Zendejas.“Seb, may balita na ba sa taong hinahanap mo?&r

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 49 His Shoulder

    “YOU ARE ALREADY AWARE, Mr. Laminero, that Ms. Paxman’s condition is not amusing. This month, in her last trimester, she fainted seven times. You realize how important this is, don’t you? If this continues, she is putting her life and the life of her daughter in jeopardy, and in the worst-case scenario, one life will be lost,” paliwanag ni Dr. Almeda.“I’m sorry, Kiths, it's just that—”Pinutol ni Dr. Almeda ang pagsasalita ni Seb at saka napahalukipkip. “Seb, hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko ay bantayan mong mabuti si Kelly. You already know how sensitive she is right now, especially since Ian isn't by her side. If she continues to do this, the baby will develop complications, which we are attempting to avoid.”“I know. I’m sorry, Kiths,” paghingi ng despensa ni Seb.“Seb, hindi ko nga kailangan ng sorry mo, what I need is ‘wag mong pabayaan si Kelly

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 48 Her Misery

    LUMIPAS ang mga araw, maging ang Pasko at Bagong Taon ngunit ni anino ni Christian ay hindi nakita ni Kelly. Hindi na rin nagawang makausap ng dalaga si Christian dahil matapos ang pangyayaring iyon kahit na anong tawag niya sa number nito ay hindi niya na ito ma-contact. Simula ng araw na ‘yon ay hindi siya tinantanan ng mga katanungan sa kanyang isipan na walang ginawa kung ‘di bagabagin siya sa bawat sandali. Dinamdam niya ang mga araw na nagdaan dahilan para unti-unting bumagsak ang kanyang pangangatawan.“Kelly, please pull yourself together. Hindi maaaring ganito ka na lang palagi. Hindi lang buhay mo ang nilalagay mo sa kapahamakan kung ‘di maging ang anak niyo ni Ian,” wika ni Seb na labis na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga.“Anak niya,” pagtatamang sabi ni Kelly. “Surrogate lang ako na binayaran para dalhin ang anak niya.”“Kelly…”Hindi pinansin ni Kelly ang kanyang pansi

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 47 Devoured

    “STOP IT, CHRISTIAN!” malakas na sigaw ni Lovely kay Christian na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at pilit na bumabangon.“I did everything your damn father wanted, so why can’t you just give me a day to be with her? Why can’t I spend a day with her, even if it’s just for today? Why?” nanggigilgil na tanong ni Christian na muli ay nakatanggap nang isang malakas na sipa sa kanyang sikmura mula sa isa sa limang guwardiya na nakapalibot sa kanya.“How could you curse my daughter and me in front of our men?” At isang malakas na tadyak ang sinapo ni Christian sa kanyang mukha.Lumapit ang ama ni Lovely kay Christian at umupo sa harap nito sabay sabunot sa buhok nito para maitaas ang mukha nito na ngayon ay puno ng suntok at dugo.“Hunter, can’t you still see where you’re standing?”“I don’t want anything else; I just want to go back to the Philippines to see my&

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 46 Breaking into Pieces

    ILANG araw pa lang ang nakakalipas simula nang umalis si Christian kasama si Lovely papuntang Dubai. Tutol man si Kelly ngunit wala siyang magagawa kung ‘di sundin ang desisyon ni Christian. Alam niyang tama ang dahilan ng binata ngunit hindi niya magawang pigilan ang hindi mag-alala lalo na sa unang tingin niya pa lang kay Lovely ay mukhang hindi na ito gagawa ng maganda.“Kelly, kumain ka na. Makakasama sa ‘yo ang laging ganyan,” wika ni Manang Cely na labis nang nag-aalala para sa dalaga.Ngunit hindi umimik si Kelly at nanatiling tahimik at tulala sa may bintana nakatingin sa gate at matiyagang naghihintay sa pagbukas nito sa pagdating ni Christian.“Kelly…” muling tawag ni Manang Cely.“Kelly…”May isang pumatak na butil ng luha ang kumawa sa mata ni Kelly na sinundan pa ng isa at ng isa pa hanggang sa tuluyan na itong bumuhos nang walang patid.“Nangako siya, Man

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status