Ikakasal pa kayo hoy!!!
Noelle“Lovey,” tawag sa akin ni Chanden, mahina pero may halong lambing. Nakahiga pa rin kami, kapwa hinahabol ang aming hininga matapos ang ikatlong ulit ng aming p********k. Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang balat na nakadikit sa akin, ang banayad na pagtaas-baba ng kanyang dibdib kasabay ng m
ChandenThree days later.“Ito?” tanong ko habang pinapakita kay Noelle ang singsing na kakabigay lang ng saleslady. Kasama iyon sa iba’t-ibang klase ng wedding rings na nasa aming harapan, pero iyon ang recommended sa amin ng babaeng kausap namin ngayon.Gusto ko sanang mag-order sa ibang bansa, pe
ChandenSunday."Kinakabahan naman kasi ako," mahina ngunit may halong pagkataranta na sabi ni Noelle nang iparada ko ang sasakyan sa garahe ng mansyon nila Dad. Alam niyang ipinakilala ko na siya sa aking pamilya bilang espesyal sa akin, pero iba pa rin ang personal na pagkikita. Hindi ito tulad ng
NoelleJuicemiyo, Marimar! Ano ba itong nararamdaman ko? Para akong may isang libong paru-paro sa tiyan habang nginunguya ang pagkain. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko sa paghawak ng kubyertos, kaya napilitan akong higpitan iyon para hindi nila mahalata.Sinikap kong pakalmahin ang ak
NoelleLumipat na nga kami sa sala at nagkaumpukan habang nagkakape at nagtsa-tsaa. Ang akala ko ay casual conversation lamang iyon. 'Yung tipong may mapag-usapan lang para hindi tahimik. Pero nagulat ako nang biglang magtanong si Sir Maximus tungkol sa mga tiyuhin ko.“Noelle, nabanggit na sa akin
ChandenKitang-kita ko ang pag-ikot ng mga mata ng aking ina nang banggitin ni Noelle ang tungkol sa alok ko sa kanya noong una. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil alam kong ganoon talaga ang magiging reaksyon niya. Conservative kasi siya at hindi niya matanggap na ganoon ako magsalita. Pero sa pag
Third PersonSa Cebu.“Chessa, sigurado ka bang hindi pa rin nagbubukas ng social media account niya ang pinsan mo?” tanong ni Brando, halatang may inis na sa tono niya. Ayaw niyang ipahalata sa babae ang kanyang pagkaapura na may malaman tungkol kay Noelle.Napairap naman si Chessa. Ilang beses na
Third Person"Saan ka na naman galing?" Malamig ngunit puno ng paghihinalang tanong ni Conrado sa kanyang anak pagkapasok nito sa kanilang mansyon. Nakaupo ang matanda sa kanyang paboritong upuang may makapal na pelus, ang sandalan nito’y mas mataas pa sa kanya, tila isa siyang hari na naghihintay s
ChandenPaglabas ko ng bahay nila Mang Vergel, dama ko pa rin ang bigat ng tensyon sa loob. Kahit tapos na ang pag-uusap namin, hindi ko maiwasang maramdaman ang inis at matinding pagnanais na ilayo si Noelle sa gulong ito.Agad kong tinungo ang sasakyan, at pagpasok ko, ang nag-aalalang mukha ng ak
Third PersonHabang nag-iisip ang mag-ama sa bahay nina Mang Vergel, ganoon din naman si Conrado habang nagbibiyahe pauwi sa kanyang mansyon kasama si Brando.Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makinang umaandar at ang mabigat na buntong-hininga ng matanda ang maririnig. Mula sa gilid ng
Third PersonPak!Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Chessa, halos dumagundong ang tunog sa loob ng kanilang tahanan. Napapikit siya sa tindi ng hapdi, kasabay ng mapwersang pagbaling ng kanyang mukha sa gilid.Agad niyang hinawakan ang nasaktang bahagi, ramdam ang mainit na latay ng ka
Third Person“Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Anong ibig sabihin ng pakikipag-uusap na ‘yon niya sa cellphone?” galit at litong tanong ni Conrado habang mariing nakatitig kay Mang Vergel na ramdam ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso, isang kombinasyon ng galit at kaba sa mga narinig. Na
Third PersonMahigpit na naikuyom ang kamao ni Mang Vergel, ramdam ang panginginig ng kanyang kamay habang pinipigilan ang sarili na patulan si Conrado.Ang bawat salitang lumabas sa bibig ng matanda ay parang patalim na sumasaksak sa kanyang dibdib lalo na nang idamay nito hindi lang siya, kundi pa
Third Person“Kaya mo bang bayaran ang utang sa akin ng tito ni Lyn?” Malamig at mapanuksong tanong ni Conrado habang akala mo ay kung sinong matikas na nakausli pa ang dibdib sa pagkakatayo, animoy isang pinakamakapangyarihang tao na naghihintay na luhuran siya ni Chanden.Tumiklop ang mga palad ni
Third PersonAgad na tumayo si Mang Vergel nang makita si Conrado, ramdam ang pagbigat ng hangin sa paligid. Alam niyang may sama ng loob ang matanda, at hindi niya maitatanggi na may bahagi ng kanyang loob na bumigat din. Ang galit na nasa mukha ni Conrado ay parang bagyong handang sumalanta, nguni
Chanden"Ikaw ang asawa ni Lyn?" malamig na tanong ni Mang Vergel, habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri niya ang bawat hibla ng aking pagkatao, hinuhusgahan ako kahit hindi pa niya ako lubos na kilala. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit may mas matindi
Third Person“Sira ulo ka ba?!” galit na sigaw ni Conrado, nanlilisik ang mga mata habang ang buong katawan niya ay nanginginig sa tindi ng inis. Ramdam niya ang paggapang ng matinding init sa kanyang dibdib, isang nakakapasong galit na animo’y sasabog anumang oras. “Anong nakain mo at umiral na nam