Share

KABANATA 7

last update Last Updated: 2021-12-11 11:08:17

KASABAY nang pagbukas ng kanyang mga mata ay ang pagbukas ng pinto ng silid na tinulugan niya. Parang may bumara sa daluyan ng hangin sa katawan ni Magenta nang pumasok si Mr. Peters.

Gusto niyang mag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata nila ngunit hindi niya magawa. Tila mga magnet ang mga malalamig at matitiim kung tumingin na mga mata nito at hinihila siya. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan dahil sa tensiyon.

Lumakad ito papalapit sa kanyang direksiyon habang nanatiling nakasunod ang mga mata niya rito. Inilapag nito ang dalang mangkok sa side table pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya kaya nagkasalubong muli ang kanilang mga mata. Doon siya biglang natauhan habang nakatingala rito.

Bumangon si Magenta mula sa pagkakahiga kasabay nang paghawak sa ulo at pagpikit nang mga mata nang makaramdam ng pagkahilo. May mumunting d***g ang kumawala sa kanyang bibig. Mainit at mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam ngunit hindi na kagaya kagabi na halos hindi niya maigalaw ang katawan.

Magenta sighed before opening her eyes and looked up at him. She unconsciously bit her lip when he was still looking at her. He possessed eyes that were darker than the nocturnal paired with intimidating thick brows. His nose was sharp and prominent, ang mga labi ay malaman at nangangako ng isang mapusok at matamis na h***k. Mangitim-ngitim ang baba't panga dahil sa tumubong balbas na hindi pa naaahit.

Muling napatingin si Magenta sa mga labi nito at wala sa loob na napalunok nang maramdam ang panunuyo ng lalamunan. Ano kaya ang lasa ng mga labi niya? Ano ang pakiramdam nang m*******n niya? Hindi man lang nagdikit ang mga labi nila noong gabing inangkin siya nito.

Agad na umiling si Magenta upang ipagpag ang agiw sa kanyang utak. She doesn't know where those thoughts coming from. She shouldn't feel like that towards him. But she can't explain why the sudden hit of curiousness and anticipation with the thought of him kissing her lips.

Tumigil ka, Magenta! Hindi ka puwedeng makaramdam ng ganyan! She can still remember what Suzette told her to not fall for Mr. MK Peters. But despite the fact that he was heartless and cold, well from the way she saw it and experienced first-hand, those adjectives fit him, she can't deny the fact that he was the type of a man an average woman would fall into. At hindi niya inaasahang kabilang pala siya sa mga babaeng iyon na madaling humanga sa physical appearance ng isang lalaki. Well, she was not immune to the likes of him, perhaps that was the reason why she felt jittery when he's near.

"Eat then get out of my house."

Napapitlag si Magenta nang magsalita ito at akmang ibubuka ang bibig upang magsalita subalit mabilis itong tumalikod at lumakad patungo sa pinto.

Mabilis niyang hinawi ang kumot paalis sa kanyang katawan at tumayo. Hinabol niya si Mr. Peters bago pa ito makalabas at pinigilan sa braso. He glanced back at her, the expression on her face was serious. Nang mapatingin ito sa braso nitong hawak niya ay parang napasong binitawan iyon ni Magenta.

She did not think about the consequences and the humiliation, she knelt her trembling knees in front of him. "I-I'm sorry kung... kung nagsinungaling ako. Nagawa ko lang 'yon kasi kailangan na kailangan ko ng pera para kay M-Mama..." Biglang nanikip ang lalamunan ni Magenta sa pagkabanggit sa kanyang ina, ang-init din ang sulok ng kanyang mga mata. Matinding pagpipigil ang kanyang ginawa para hindi maiyak sa harapan nito. "Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, S-Sir. I promise that I will do what you want me to do. Kahit ano."

Nagsisimula nang manubig ang mga mata niya nang makita ang emosyon sa mukha nito. Nawalang lahat ang pag-asang natitira sa kanya dahil sa paraan ng pagkakatingin nito, tila siya isang mababang nilalang at walang halaga.

He did not utter even a single word and turned his back at her, living her humiliated, hopeless, and hurt. Her grief poured out in a flood of uncontrollable tears. She never felt so low and filthy until now. She was sorry for herself and the feeling of being alone was making her situation worse.

Napasalampak siya ng upo sa malamig na sahig habang nakayakap ang mga braso sa katawan. Kahit anong pigil ay kumawala pa rin ang mga hikbi sa kanyang bibig na siyang pumuno sa katahimikan at ang mga luha sa kanyang mga mata ay parang isang dam na nabuksan.

"'WAG MONG sabihin na iniisip mo ang inaalok ni Verna?"

Napapitlag si Magenta at napatingin sa salamin na nasa kanyang harapan. Nagsalubong ang mga mata nila ni Ricky na nakataas ang kilay at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.

"H-Hindi..." pagsisinungaling niya sabay iwas ng tingin. Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit ng mga gamit doon at kumuha ng walis pagkatapos upang malinis ang sahig. Ramdam ni Magenta ang mga mata ni Ricky na nakasunod pa rin sa kanya at alam niyang hindi ito naniniwala sa kanyang isinagot.

Kaninang tanghali ay naging customer nila si Verna, isang binabae na manager ng isang high-class na bar na malapit lang sa salon. Napansin nito si Magenta at hayagang inalok na maging dancer sa bar. Malaki raw magbigay ng tip ang mga parokyano nila bukod pa sa talagang susuwelduhin niya sa pagsasayaw. Agad namang tumanggi si Magenta dahil hindi naman siya ganoon ka-naïve, alam niyang hindi lang ang pagsasayaw ang gagawin niya kung saka-sakali. Hindi niya gustong matukso sa pera at ibenta ang katawan sa kung sinu-sinong lalaki, kahit pa nga ba nagawa na niyang magpabayad para sa sex. Ayaw niya na muling gawin iyon. But now she felt guilty for thinking and considering Verna's offer.

Baliw ka na talaga, Magenta!

"Maganda ka, Jen, masipag at matalino. 'Wag mong hahayaang sirain ka ng kahirapan. Payo lang, bakla, bilang mas nakakatanda sa 'yo, gawin mo ang makakaya mo para kay momshie pero 'wag mong isakripisyo ang sarili mo. Alam kong may mga pangarap ka."

Lalong nadagdagan ang usig sa kanyang budhi dahil sa sinabi ni Ricky, sa halos tatlong taon niya sa salon ay naging kaibigan na niya ito, at ang ibang mga katrabaho. Pero may mga gabay talaga na hindi niya masabi sa mga ito. Natatakot siya na baka husgahan siya ng mga ito sa kanyang ginawa. Ang tingin ng mga kasamahan sa kanya ay isang inosenteng dalagang malaki ang pangarap sa buhay.

She wasn't the same innocent Magenta anymore and now she only had one dream, a dream for her mother to get better and get through her surgery tomorrow.

Gumanti siya ng yakap kay Ricky ng yakapin siya nito. Hinalikan siya ni Ricky sa pisngi bago ito lumabas ng salon. Naiwan silang dalawa ni Andy roon na naglilinis, nang masiguro nagawa na ang kanilang mga kailangang gawin ay sinarado na nila ang salon at nagkanya-kanya ng uwi.

Instead of going home, Magenta went to the convenience store for her second job. Agad siyang nagpalit ng damit na siyang uniporme nila at pumuwesto sa likod ng cash register. Dahil wala pang customer ay mabilisan niyang kinain ang biskwit na baon at isang bote ng tubig upang maibsan ang pangangalam ng kanyang sikmura.

"Jen, mauuna na ako, ha. Sorry talaga."

"Sige, okay lang."

Sinundan ni Magenta ng tingin ang kasamahan na palabas ng convenience store. May biglaang emergency kaya maaga itong umalis.

Napabuntung-hininga siya habang inililibot ang mga mata sa loob ng convenience store na biente kuwatrong oras na bukas. Nag-iisa na lang siya roon at walang tunog na naririnig maliban sa kanyang paghinga.

Inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at nagpatugtog upang maibsan ang kaba sa d****b dahil sa pag-iisa at katahimikan. Wala sa loob na napatingin siya sa labas ng salaming dingding at dumako ang mga mata sa pharmacy na nasa kabilang kalye at katapat ng convenience store. Alas-diyes na ng gabi at sirado na iyon.

Dalawang linggo na ang nakaraan sa kaparehong oras ay nilooban ang pharmacy, nasaksak ang may-ari na nasa loob pa na uuwi na sana dahil sa panlalaban. Kaya hindi maiwasan ni Magenta na kabahan sa maaaring mangyari, hindi niya naman hawak ang utak ng mga masasamang loob. Dalawang oras pa bago matapos ang kanyang trabaho.

Nang biglang mamatay ang ilaw at kumalat ang kadiliman ay biglang napapitlag si Magenta. Muli siyang tumingin sa labas at nakompirmang brown out nga nang makitang madilim sa mga katapat na establisiyemento, maging ang ilaw sa poste na nasa tabi ng kalsada ay nakapatay.

Agad niyang hinagilap ang flashlight na nasa loob ng drawer at ini-on. Kapagkuwan ay tumayo upang hagilapin ang mga kandila na puwede niyang gamitin na nasa storage room. Nitong mga nakaraan ay hindi na bago ang biglaang brown out kaya nakahanda na ang manager nila at nagtabi ng maaring gamitin na pang-ilaw sa loob. Nahanap naman iyon agad dahil maayos na nakahilera sa rack.

Inilagay niya ang isang kandali malapit sa entrance na nakapaloob sa isang baso kaya safe iyon na gamitin. Pabalik na siya sa likod ng counter nang makaabot sa kanyang pandinig ang tunog mula sa bumukas na pinto.

Tumigil siya sa paglalakad at biglang tumahip ang d****b sa kaba kasabay nang paglingon upang makita kung sino iyon.

Pakiramdam niya'y tumigil ang oras habang nakatingin sa taong papasok sa loob. Imbes na makalma dahil alam niyang hindi ito kabilang sa mga taong nanloob sa kaharap na pharmacy ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang d****b habang magkahinang ang kanilang mga mata.

Anong ginagawa niya rito? Iyon ang katanungang naglalaro sa kanyang isipan subalit naumid ang kanyang dila. Kahit na madilim at tanging ang ilaw mula sa kandila na malapit sa may entrance ang nakatanglaw sa paligid ay malinaw niyang nakikita ang mukha ni Mr. Peters.

Hayon na naman ang pamilyar na kaba na parati niyang nararamdaman tuwing nasa malapit ito.

Apat na araw na ang nakakaraan mula nang huli niya itong makita sa loob ng bahay nito. Kinabukasan, sa pagkagulat niya ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Suzette at sinabing nasa account na niya ang four hundred thousand pesos na nakalagay sa kontrata. Pagkatapos niyon ay wala na siyang kumikasyon kay Suzette at hindi na muling tumawag sa kanya si Mr. Peters. She concluded that the contract was terminated, but why was he here?

Malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa perang ibinigay nito kahit pa sabihing iyon ang halaga ng kanyang puri. She was silently thankful that he did not sue her for lying in their contract.

He stopped on his track and their eyes met. Kakaiba ang paraan nang pagkakatingin nito sa kanya ngayon na para bang may pinag-iisipan at inaanalisa at inaarok ang kanyang buong pagkatao. She felt like he was torn between the decision he will make or he will not, kung ano man iyon ay ito lang ang nakakaalam.

Magenta became oblivious to her surroundings while standing in the middle of the store and stared at him, the only sound that can be heard was the sound from her phone's playlist. Playing a song of Air Supply, a song that never gets old, only lovers do.

Naputol lang ang pagkakahinang ng kanilang mga mata nang biglang bumalik ang kuryente kasabay nang pag-iwas nito ng tingin. Lihim siyang napabuntung-hininga nang malanghap ang pamilyar nitong amoy. Hindi iyon matapang at hindi masakit sa ilong, tamang-tama lang ang mamahaling pabango na humalo sa natural nitong amoy.

Sinundan ito ni Magenta ng tingin at nakitang kumuha ito ng mga beer. Mabilis siyang tumalikod at nag-iwas nang tingin nang humarap ito sa kanyang direksiyon. Bumalik siya sa likod ng cash register habang sa gilid ng kanyang mga mata ay lihim na pinapanood ang paglapit nito.

Hindi niya sinalubong ang mga mata nito habang inilalapag nito ang mga can ng beer sa counter. Magenta did her job even though she was uncomfortable with his presence. "Four hundred fifty-five, Sir," she said, but still did not give a peek at him.

Tinanggap niya ang isang libong inabot nito at napakagat labi nang sumalakay ang kilabot sa kanyang katawan nang bahagyang maglapat ang kanilang mga balat, maging ang mga balahibo niya sa batok ay nanayo.

Akmang susuklian niya ito ngunit mabilis nitong dinampot ang supot na kinalalagyan ng mga lata ng beer at malalaki ang hakbang na lumabas.

Nakatangang sinundan ito ni Magenta ng tingin hanggang sa makasakay sa pulang sasakyan na nasa harap ng convenience store. Natauhan lang ang dalaga nang hindi na maabot ng tingin ang kotse.

"Ano 'yon, Magenta? Bakit ka kinakabahan?" bulalas niya at napahawak sa tapat ng d****b. Isang huling sulyap ang kanyang ginawa sa labas ng store bago pinuno ng hangin ang mga baga.

Nang matapos ang shift niya ay mabilis na lumabas ng convenience store si Magenta. Humihikab siya dahil sa antok habang patungo sa sakayan, dadaan na muna siya sa ospital bago umuwi.

Malamig na at tahimik, wala nang masyadong tao dahil alas-dose na ng umaga. Iniyakap niya ang mga braso sa kanyang katawan habang nasa tabi ng daan at naghihintay ng pampasaherong jeep. Pipikit-pikit pa ang kanyang mga mata dahil sa pagod at antok.

Tulalang napatitig si Magenta sa poste ng ilaw na nasa katapat na kalye. Ilang sandali na siyang nakatayo roon nang biglang may tumigil na isang pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan. Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. Dahan-dahang bumaba ang bintana sa may passenger's seat kaya bahagya siyang napayuko upang makita kung sino ang nasa loob.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Mr. Peters iyon, muli niyang pinasadahan ng tingin ang sasakyan at napagtantong iyon ang nakita niyang sinakyan nito kaninang lumabas ng convenience store pagkatapos bumili ng beer.

"Hop in."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Analiza Horquita Ticman
great story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract With The Devil   KABANATA 8

    PAGKATAPOS ng apat na araw ay nandoon na naman siya ulit sa malaking bahay ni Mr. Peters at kinakabahan. Kagaya nito ay nakaka-intimidate ang bahay na nagsusumigaw sa karangyaan. Ang pinaka-atraksiyon pagkapasok na pagkapasok pa lang ay ang malaking crystal chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng mataas na bubong.Dinodomina ng kulay ginto ang interior ng bahay na lalo lang nakadagdag sa appeal niyon kagaya ng may-ari na tila ba isang hari na nakaupo sa pang-isahang sofa na nasa kaliwa niya.Ang mga kamay niyang nanginginig ay nasa kanyang kandungan at mahigpit ang pagkakasalikop sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit siya nito dinala roon. Wala naman itong sinabing kahit na ano nang nasa biyahe sila at hindi rin naman siya nagkalakas ng loob na magtanong.Will we do it again? Napalunok siya at nag-iwas ng tingin dito. Ang mga mata nitong matitiim kung tumititig ay nagpapanginig sa kanyang laman. Alam kaya

    Last Updated : 2021-12-14
  • Contract With The Devil   KABANATA 9

    Marahas na bumaling ang paningin ni Magenta sa direksiyon ng pinto ng walk-in closet kung saan siya nagbibihis nang bumukas iyon. Seriously, can't he even give her privacy?Mabilis niyang itinakip ang hawak na damit sa kanyang dibdib nang pumasok ito at sumandal sa hamba. Nakahalukipkip at nakatingin sa kanya ang malamig na mga mata."You're taking too much time."Tumalikod si Magenta rito at umikot ang mga mata. Wala pang ten minutes mula nang makapasok siya roon upang magbihis. Men just couldn't understand women sometimes. Hindi madali para sa kanya ang sitwasyon niya, she's nervous and exhausted physically and mentally. Ilang araw na siyang hindi nakakakuha ng maayos na tulog and she was not stable mentally after her mother's surgery yesterday. The doctors managed to reduce the tumor but her mother went cardiac arrest on the operating table and she's still not waking up until now. It's been thirteen hours already after

    Last Updated : 2021-12-14
  • Contract With The Devil   KABANATA 10

    Agad niyang ipinalibot ang mga braso sa kanyang katawan nang yakapin siya ng lamig ng gabi paglabas niya. Umupo siya sa naroong hammock at tiningnan ang kadiliman sa labas ng bahay. The nearest neighbor was meters away. Ang tanging ilaw na nakikita niya ay ang mula sa ilaw na nasa gilid ng daan sa labas.She sighed and looked up in the starry sky. She was tired but she can't sleep. Her mother's condition kept on popping in her mind and it was what kept her awake aside from Malcolm's presence.Kagaya ng sinabi ni Rebecca kaninang nasa sasakyan sila ay nanatili ito sa loob ng silid pagkarating nila sa bahay at nagpahinga. Kaya nakahanap siya ng pagkakataon na dalawin ang ina sa ospital. She was still not waking up and the doctor's declared she was on coma.Kanina pa niya gustong umiyak ngunit hindi niya magawa dahil sa mga taong nasa paligid. Kaya ngayong nag-iisa na roon sa madilim na teresa ay pinakawalan niya ang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo.&

    Last Updated : 2021-12-14
  • Contract With The Devil   KABANATA 11

    KAMUNTIKAN NA siyang matumba kung hindi lang napahawak sa balustre. Nahihilo siya dahil sa naimon na alak kanina sa restaurant. Dahan-dahan niyang inakyat ang mga baitang at tinungo ang silid ni Malcolm habang nakahawak sa dingding upang hindi matumba. Hindi na niya binuksan ang switch ng ilaw nang makapasok at dumiretso sa direksiyon ng malaking kama. Nang tumama ang kanyang mga binti sa gilid niyon ay padapang inilatag niya ang katawan at napabuntung-hininga ng malalim nang makaramdam ng ginhawa. She was too tired too even lift a finger and her eyelids were dropping close. She was dozing off when she felt a warm hands touched her feet. Binuksan niya ang mga mata at tiningnan kung sino ang taong iyon. It was Malcolm, he was removing the two-inch heels she was wearing. Tinangnan niya ito habang pipikit-pikit, nakabukas na ang ilaw sa loob kaya malaya niyang nakikita ang mukha nito. Nang tuluyan nitong matanggal ang pares ng sapatos ay nagtaas ito ng tingin sa kanya at

    Last Updated : 2021-12-20
  • Contract With The Devil   KABANATA 12

    "GABI NA, hindi ka pa ba uuwi?"Mula sa pagkakatitig sa ina ay nag-angat ng ulo si Magenta at tiningnan ang private nurse na sinusuri ang IV line."Magigising naman si Mama, 'di ba?" tanong niya na may pakiusap ang tono.Bumuntung-hininga si Sally—ang private nurse at tinapunan ng tingin ang dalagang nakaupo sa gilid ng kama kapagkuwan ay dumako ang kanyang mga mata sa kanyang pasyente. "Hindi ako doktor, pero sa mga napahawakan kong kaso bilang nurse, maliit lang ang tsansiya ng mga kagaya niya ang nagigising." Muli siyang napatingin sa dalaga upang tingnan ang reaksiyon nito. Nang makita ang malungkot nitong mukha ay napabuntung-hininga siya. "There's still a miracle, Ms. Lopez.""Hindi lahat nabibigyan no'n, Nurse Sally." Though she believed that her mother deserved that miracle they were talking about, she cannot help but doubt it. Bawat araw na lumipas ay lalong nadadagdagan na kaba sa kanyang dibib, lalo na't mag-isa niyang pinagdadaanan

    Last Updated : 2021-12-20
  • Contract With The Devil   KABANATA 13

    She heard a gasp and an oh from them. Sa matinding kaba at hiya na nararamdaman ni Magenta ay nagbaba siya ng ulo.Nang maramdaman ang pagpulupot ng pamilyar na braso sa kanyang bewang ay nagtaas siya ng ulo at kagat-labing sinalubong ang mga mata ni Malcolm. He saw anger in those orbs in a fleeting seconds, then it was replaced to fondness."Hey," anito na bahagyang dumiin ang kamay sa kanyang bewang."H-Hi," she stuttered and her cheeks turned crimson red."We didn't know that you were married, MK." Naputol ang paghinang ng mga mata nila ni Malcolm dahil sa sinabi ni Dominic."She's a beauty, perhaps the most beautiful woman I have ever seen. Where did you find her?" one of his associates asked while looking at Magenta with admiration in his eyes.Nahihiyang ngumiti si Magenta sa mga kaharap. Hindi siya sanay sa compliment, lalo na sa mga kagaya ng mga ito. She was aware that they were businessmen, the h

    Last Updated : 2021-12-20
  • Contract With The Devil   KABANATA 14

    PAGMULAT NI Magenta ng mga mata ay nag-iisa na lang siya sa ibabaw ng kama. Iisipin niya sanang panaginip lang ang nangyari kagabi nang makita ang katibayang may natulog sa tabi niya.Tumihaya siya ng higa at tumingin sa kisame kasabay nang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas si Malcolm mula roon na nakatapi ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan habang ipinapangpunas ang isa pa sa basang buhok.Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng walk-in closet. Tulalang nakatitig lang siya sa pinto niyon habang iniisip ang nangyari kagabi. Hindi niya inaasahang masasaksihan ang ganoong side nito. It doesn't need a genius to tell after what she witnessed last night that he had been through an unpleasant event in his life. And she was curious what traumatic experience it was to make him the man he was now.Nang bumukas ang pinto ng walk-in closet ay nakapagbihis na ito at handa nang pumasok sa opisina. Dinaanan lang siya nito ng tingin

    Last Updated : 2021-12-20
  • Contract With The Devil   KABANATA 15

    MAGENTA was on top of Malcolm's bed, curled in a fetus position. Namumuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa sobrang sakit ng kanyang puson. She doesn't like it when he had her monthly period. The cramps could be excruciatingly painful. Para bang ilang libong karayom ang tumutusok sa kanyang katawan.She had to endure it because it was part of being a woman. Hindi naman ganoon kasakit buwan buwan. Siguro'y tumindi lang ngayon dahil stress siya nitong mga nakaraang araw.Umiba siya ng higa ngunit nakatagilid pa rin at nakaharap na ngayon sa teresa kung saan naaabot ng malakas na ulan. It was raining cats and dogs. The glass wall became blurry because of the drizzles.Hindi niya mapigilang mapaluha habang nakatingin sa labas ng salaming dingding. Naaalala niya ang kanyang ina, sa tuwina'y ito ang palaging nag-aalaga sa kanya sa mga ganoong pagkakataon. She would pamper her like a child though she was already an adult."Mama..." she mu

    Last Updated : 2022-01-05

Latest chapter

  • Contract With The Devil   EPILOGO

    NAGISING SI Magenta nang maramdaman ang brasong yumakap sa kanyang katawan."Hmm..." she moaned softly when he gave her shoulder light kisses. "Merry Christmas," he whispered to her ear tenderly. Tumihaya ng higa si Magenta at ikurap-kurap ang namimigat pa niyang mga mata. Kapagkuwan ay banayad siyang ngumiti nang luminaw ang kanyang paningin at makita si Malcolm na nakatingin sa kanya. Tumaas ang kanyang kamay patungo sa ulo nito at masuyong hinaplos ang buhok ni Malcolm patungo sa pisngi nito habang nanatiling magkahugpong ang kanilang mga mata. Her heart was beating too fast, Malcolm was staring at her with too much affection in his eyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay, there were still butterflies fluttering inside her tummy, her veins were racing, her senses were in haywire every time Malcolm was with her."Merry Christmas, Mal," she said while caressing his lips. Napatingin siya sa mga labi nito, she wanted to feel its softness. At hindi siya nabigo dahil

  • Contract With The Devil   KABANATA 52

    "I never had an ideal family. My mother was a typical mother, she loves her children among anything else, but I had a sorry excuse for a father... Marcus."I grew up witnessing him hurting my mother, but I couldn't do anything to stop him. Marcus was insecure, he was proud, arrogant, and he was always paranoid. He was raised by a single mother, a worker at my grandfather's company on my mother's side. Marcus' mother was ambitious, she wanted to marry her son to a wealthy family. He forced Marcus to woo my mother, Marcus did everything to have her, he became obsessive in the process. Years after they got married, Marcus' obsession with her had gotten out of hand. He would suspect every guy that got close to my mother. Particularly Dominic, who had a history with my mother. "Marcus was jealous of Dominic. My grandfather adored Dom than him, Dom was smarter, Dom was more talented. When my grandfather died, Marcus felt victorious when he was finally appointed CEO of the company. And becau

  • Contract With The Devil   KABANATA 51

    "Sit down, Malcolm," utos ni Gail nang akmang tatayo ang binata. She sighed deeply and looked at her nephew sympathetically. "I was with Marcus with his last minutes, Mal. He wanted me to deliver a message to you."Malcolm groaned in disapproval, he didn't want to hear it. "He had Alzheimer's! What message could he possibly want you to tell me when he couldn't remember me! When he couldn't remember what he did to my mother! To my whole family! I loathe him, Gail! He should have suffered in his last moment because of the crime he had committed to my family, but he couldn't remember a thing! He couldn't remember!" Malcolm burst. His voice raised in anger.Umiling si Gail nang marinig ang outburst ng pamangkin. Naiintindihan niya kung bakit ito nagagalit sa pagka-alala sa ama, ngunit kailangan niyang sabihin ang mga salitang gustong iparating ni Marcus dito. "No, Mal. He remembered. Marcus hadn't completely forgotten everything he did, there

  • Contract With The Devil   KABANATA 50

    TUMIHAYA NG HIGA si Malcolm nang maalimpungatan. Hindi niya agad napansin na nasa dulo na siya ng kama kaya nahulog siya sa sahig. "Shit!" he muttered an oath crispily as he felt the pain in his back, but it was nothing compare to the throbbing of his head. Sumandig siya sa kama at mariing napapikit habang pinapahupa ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa hangover. Nang ituwid niya ang mga binti at may matamaang kung anong bagay ay nagmulat siya ng mga mata subalit matindi pa rin ang pagkakunot ng noo at pagtatagis ng mga bagang. The hangover was hellish. Sinipa niya ang bote ng alak na wala nang laman at agad na gumulong patungo sa mga iba pa. He groaned, seeing how many empty bottles were on the floor, they were evidence that he had drunk last night to oblivion. Pinilit niyang tumayo para lang muling mapasalampak ng higa ng pahalang sa kanyang kama. His body was too heavy to move, at ang ulo niya ay para bang minamartilyo. That was the wo

  • Contract With The Devil   KABANATA 49

    Inabot ni Suzette ang kamay ni Magenta at pinisil ang palad nito. Alam niya ang gusto nitong sabihin kahit na hindi nito naituloy iyon. Some feelings were just too strong to let go anNatatd forget."I know I am in no position to give you advice, after all, I am the reason why this is happening... No, Jen," mabilis na pigil ni Suzette kay Magenta na akmang kukuntrahin naman ang kanyang sinabi kasabay ng kanyang pag-iling. "We can't deny the fact that I played a big role in everything that had happened and happening right now. The moment I met you, I felt that you were all that Malcolm needed. And I wasn't wrong, you changed him, Jen, you changed everything in his life. You might not believe this, but I saw Malcolm smile genuinely for the first time since the day I met him again. He was inside his office then, holding a photograph while smiling, and later I found out that it was your fake wedding picture. He had kept one in his wallet. And when you left, the

  • Contract With The Devil   KABANATA 48

    SHE CAN REMEMBER. She can remember everything now after hearing Rebecca's story, who does not know that she had temporary amnesia.From curling on top of Malcolm's bed while pulling her hair to lessen the throbbing of her head because of her memories that came back in a flash of lightning, she stopped from squirming and smiled weakly at Rose when she noticed her near the door frame. Rose was looking at her with confusion."C-come here..." she said weakly and urged her daughter to come closer.When Rose climbed on top of the bed, she embraced her tightly as her tears started to flow like waters that escaped a dam. Rose tried to struggle free, but Magenta did not let her. She doesn't want her daughter to see how messed up she is.God, how could she forget her? They've been separated for almost a week, Rose must have been devastated during those times that she was not there with her side. How dare Malcolm do that to her? To them!

  • Contract With The Devil   KABANATA 47

    "What happened to her?"He looked at her lazily, masking the emotions that his face emitted. "You already know. I never told you anytime about it, but you made me do it.""I wish I could remember."Marahas ang buntung-hininga ni Malcolm sa narinig. "You will hate me if you do.""I can't understand. Nag-away ba tayo? Naghiwalay? But should I hate you? Bakit hindi mo agad ipinaalam sa akin ang tungkol kay Rose? Did you... did you hurt me?"Bago nag-iwas ng tingin si Malcolm ay nakita ni Magenta ang guilt sa mga mata nito. Does that mean the answers to all her questions were yes? Kung naghiwalay nga sila at nagkasakitan, bakit naroon siya ngayon? Does that mean he wanted her back? At siya, anong nararamdaman niya?Mababaliw siya sa pag-iisip. Hindi rin niya mapagkakatiwalaan ang kasalukuyang damdamin para rito dahil wala siyang maalala sa nakaraan. Yes, she wanted to be with Malcolm, it felt good when she was with him like she was finally

  • Contract With The Devil   KABANATA 46

    "I don't approve of your scheme, Mr. Peters. But I can't never stop you, can I?" she asked as serious as it sound. "You always do want you want even if that means hurting other people. Can you see her?"Malcolm remained expressionless even when Suzette faced the child to his direction. Her big, innocent and misty eyes were staring at her as if any moment she would fell into tears."She's innocent about what's happening around her. Pero siya ang naiipit sa inyo ni Magenta, look at her and tell me you don't feel anything at all," Suzette demanded. Punong-puno na siya sa pinsan niya. Wala siyang pakialam ngayon kung nasasaktan ito sa mga pinagsasabi niya, he deserved to hear the truth from her. "Her mother's missing, and her father disowned her. Even after before she was born, her father wanted her gone—""Shut up!" he hissed. His teeth gnashing in anger. Nagagalit siya dahil naapektuhan siya ng sinasabi nito. The guilt was crepting inside him, but he w

  • Contract With The Devil   KABANATA 45

    MULA SA pagkakaupo sa ibabaw ng kama ay mabilis siyang napatayo nang magulat nang marinig ang tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Nagmamadaling isinarado niya ang drawer ng side table at lumabas sa kinaroonang silid, pagkatapos ay isinarado ang pinto.She walked towards the front door while tucking her hairs behind her ears to look presentable. Her chest was thumping too fast, dahil iyon sa pinagsamang kaba at pagkasabik na makita ang taong sakay ng kotseng tumigil sa labas ng bahay at marahil ay maayos nang nakaparada sa bakuran.Bahagya siyang napaatras nang itulak nito pabukas ang pinto. Agad niyang nalanghap ang alak mula rito, namumula rin ang mukha't leeg nito at halatang nakainom.Sandali lang siya nitong tinapunan ng tingin at lumakad patungo sa direksiyon ng mahabang sofa. Isinarado niya ang pinto at nilapitan ito. Napalunok siya habang nakatingin sa mukha ni Malcolm. Nakaupo ito sa sofa habang nakalagay sa

DMCA.com Protection Status