Namamanhid kalooban ni Selene, ngunit maswerte pa rin dahil malamlam ang ilaw sa kinaroroonan nila. Walang sinuman ang makakakita sa namumutla niyang mukha. Bahagyang hindi nakontrol na nanginig ang buong katawan niya.
Kahit na mukhang hindi nagbago ang kanyang ekspresyon, mahigpit p rin na hinawakan ng hinlalaki ni Selene ang kamay ni Davron na para bang ito ang makakasalba sa kanya mula sa sitwasyon na iyon.Ngunit may pakialam nga ba si Davron? Biglang nanlamig ang buong katawan ni Selene. Nagnitngit ang kanyang mga ipin dahil sa nakakapanindig balahibong lamig na kaniyang naramdaman.Nanatiling tahimik na mahinahon ang ibang mga kasama roon, hindi man lang magsasabi ng kahit anong salita. Sino nga ba ang kayang manghula kung ano ang iniisip ni Mr. Zalderriaga? Marahil ay totoo o hindi ang naging tunog ng mga katagang iyon.Madilim at malalim ang mga mata ni Davron, hindi mawari. Nakapikit ang magagandang mga mata ng lalaki hPakiramdam ni Hendrix ay napaka-tqnga ng mga salitang kanyang sinabi pagkatapos magsalita. Ngunit mas kalmado ang reaksyon ni Davron kaysa sa kanyang inaasahan. Inangat ni Davron ang talukap ng mga mata. "May maganda kang taste, kung ganoon." kalmado nitong komento. Natural na maganda ang itsura ni Secretary Averilla at may magandang hubog ng katawan. May ganda siyang itsura at edukasyon, magandang ugali at maamo ang pagkatao. Marami siyang pakinabang si Selene. Nagluluto din siya ng masasarap na pagkain. Iniisip ni Davron na talagang normal para sa isang lalaki ang magkagusto sa isang babaeng tulad ni Secretary Averilla.Kalmado at payapa pa rin ang mga kilay ni Davron, "Kung ganoon ay uutusan ko na lang ang driver na maghatid sa kaniya pauwi. "Hindi napigilan ni Hendrix na mapabuntong-hininga sa kanyang puso, isa talagang malamig na hayop si Davron Zalderriaga. Noong nag-aaral pa ito ay lubusan na nitong ipinatupad ang salitang wala
Hindi kayang tanggapin ni Selene ang biro, ngunit mas pipiliin niyang seryosohin ang mga bagay bagay. Pinaglalaruan siya ng kanyang pride, at kailangan niyang isalba ang sariling mukha sa harap ni Davron. "Wala naman akong inakit na iba." taimtim niyang paliwanag, salita sa salita. Inangat ni Davron ang kanyang mga kilay, at idiin ang mga daliri sa manipis at makinis na balat ni Selene. Nag-iwan ng kaunting pulang marka nang bahagya niya itong idiin lalo. "Sinabi sa akin ni Hendrix na gusto ka niya." ani Davron. Magaan niya itong sinabi. Sinubukan ni Selene na maghanao ng kahit anong senyales ng hindi pagiging masaya o pag-aalala sa mukha ni Davron. Sa kasamaang palad, wala ang lahat ng iyon doon. Walang pakialam si Davron sa bagay na ito. Yumuko si Selene, "Hindi ko siya kilala." "Isa pa, napakaraming babaeng pinagkakatiwalaan ni Mr. Cojuangco, kaya baka gusto niya ang karamihan sa kanila." dagdag ni Selene, tinitiis ang hindi pagiging komportable. Nanatiling nak
Hindi maaaring maging kasing kapal ni Davron si Selene, nanatili si Selene na nakatayo roon nang hindi gumagalaw. Ngumiti si Davron sa kanya, "Ayaw mong manganak?" Mukhang maganda ang mood ng lalaki ngayon, at ang dahan-dahang nakakarelaks na mga kilay ay puno ng katamaran, "Selene, kailangan mong manganak kahit na ayaw mo." Medyo nainis si Selene. Kaswal lang na nagbibiro si Davron, hindi iniisip kung seseryosohin ba ito ni Selene. Doble ang laki ng kama ng masters bedroom kaysa sa kama na nasa guest room. Sapat ang laki ng kama na nasa gitna para sa apat na katao. Wala pa rin sa huwisyo si Selene nang itulak siya pahiga sa kama pagkatapos ng nakakahilo na spell. Bigla ay nanumbalik sa kaniyang alaala ang paalala sa kanya ng doktor at tinakpan ang kanyang tiyan, "Davron, anong ginagawa mo?" Hinalikan ni Davron ang ibaba ng kanyang tainga, "Ikaw" bulgar nitong sabi. Pilit na inilagay ni Davron ang mga kamay ni Selene sa kaniyang baywang at ang trouser na suot ay nagp
Nanatili si Selene sa loob ng sasakyan ng mahabang. Idinukdok niya ang kaniyang ulo sa manibela habang mahigpit na ikinukuyom ang kanyang mga daliri, tahimik lang siya roon na tila isang pipi. Ilang beses tumubog ang kanyang telepono dahil sa tawag, ngunit hindi ito binibigyang pansin ni Selene. Pagkatapos ng mahabang oras, dahan dahan siyang umapos ng upo at binuksan ang bintana ng sasakyan upang makahinga ng ilang sandali. Ilang minuto ang lumipas nang unti-unting tumatag ang kanyang emosyon. Kinuha ni Selene ang kanyang telepono mula sa kanyang bag. Basically, lahat ng mga tawag na kanyang natanggap ay mula kay Gianne Novelo. Kakabalik lang ni Gianne sa Pilipinas ilang araw na ang nakalipas, "Selene! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Huminga ng malalim si Selene, "Naging abala lang ako ngayon." aniya. Pinakinggan ni Gianne ang bahagyang namamaos na boses ni Selene at naramdaman niyang tila may mali, "Ano bang nangyayari sa iyo? Inaabuso ka na naman ba ng Mr.
Nakinig si Gianne sa depress na boses ni Selene at nakaramdam ng bahagyang pighati para dito. "Selene, pupunta ako sa ospital para hanapin ka at imbitahan ka sa hapunan, para naman maisantabi mo iyang mga hindi masasayang bagay sa paligid mo." "Okay." masunuring saad ni Selene. Matapos ibaba ang telepono, nagpatuloy lang si Selene na maupo sa loob ng kotse at nakatitig sa kawalan. Marahil ay iniisip na niya kung ano ang magiging resulta sa oras na sinabi niya kay Davron ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa personal. Walang labis na pananabik si Davron na magpakasal. Hindi niyo inisip n ang kasal ay isang sagrado at maganda. Noong nakaraang taon noong New Year, maraming bisita ang dumating sa pamilya Zalderriaga. Katatapos lang manganak ng pinsan ni Davron ng isang magandang anak na babae na napaka-cute ng hitsura. Bilog at malambot na maliit ang mukha, maputi at malambot na balat, itim na kulay ng mata, at mga mata na nagmamasid sa paligid. Ayaw pa ngang bumitaw ng
Masyadong nalito si Selene sa biglaang inasta ni Davron. Lihim siyang tumakbo palapit sa mga katulong para magtanong, "May nagpunta ba dito sa bahay ngayon?" "Wala naman pong nagpunta, Young Madam." Mas lalo pang nagtaka si Selene. Matapos itong pag-isipang mabuti, inuri ni Selene ang pabagu-bagong ugali ni Davron bilang isang pasulput-sulpot na estado. Sa kabutihang palad ay kalmado naman si Davron sa halos lahat ng oras. Inaantok na ngayon si Selene at wala ng lakas pa na hulaan kung ano ang iniisip ni Davron. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nakatulog kaagad pagkahawak niya palang sa unan. Hindi pa rin nagigising si Selene nang mag-oras na para sa hapunan, nanatili siyang nakabalot sa quilt. Tumingin si Davron sa bakanteng upuan sa hapag nang may istriktong mukha, "Nasaan ang young madam ninyo?" "Mukhang hindi pa po siya bumababa pagkatapos niyang umakyat sa taas." "Tawagin mo siya." ani Davron. Hindi nakayanan ni Madam Zalderriaga ang hindi istriktong m
Ang pinakamalalim na impresyon ni Davron kay Selene ay ang talagang pagiging masunurin at matino nito. Mukhang wala naman itong gagawin para mapahiya siya. Ngunit madali para sa isang lalaki at isang babae na aksidenteng magkagulo. May panunuya si Davron sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay malamig na walang katulad. Sa sandaling ito, talagang galit na galit siya. Talagang hindi siya masaya na maaaring buntis nga si Selene. Ang dahilan kung bakit hindi nagduda si Davron na ang posibleng bata na ito ay sa kanya ay dahil sa gumagawa siya ng mga hakbang bawat oras. Hindi rin niya gustong painumin si Selene ng gamot, tutal hindi naman ito nakakabuti sa kalusugan ni Selene. Noon lang na nawalan ng kontrol si Selene. Pinaalalahanan din Davron si Selene na uminom ng gamot pagkatapos. At hindi naman tipo ng isang tao si Selene na nalilito. Sa kabaligtaran ay napakatalino ni Selene. Hindi siya gagawa ng ganoong klase ng katangahan. Pag-aari niya ang kaniyang katawan. Kung hin
Natigilan si Selene dahil sa tanong at bahagyang nalito. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ang ekspresyon ni Davron na talagang malungkot at hindi maipinta. Nasulyapan niya ang hindi gumagalaw na adam's apple niti, at ang mga kilay at mga mata, na noon ay palaging banayad, ay malamig at mabisyo. Medyo nanakit na ang baba ni Selene mula sa pagkurot ni Davron sa kanya, "Hindi." pabulong niyang sambit. Tumingin sa kanya si Davron nang may ngiti. "Secretary Averilla, pag-isipan mo munang mabuti bago ka magsalita." Nasalubong ni Selene ang malamig na mga mata ng lalaki at muling natigilan. Nagsimulang magduda si Selene kung talaga bang may nagawa siyang anumang bagay na ikababagsak ni Davron nitong mga nakaraang araw. Hindi naman niya binenta ang mga sikreto ng kumpanya. Hindi niya ibinunyg kahit isang salita tungkol sa itinerary tulad nokng mga babaeng nagpunta sa kumpanya para magtanong ng kinaroroonan ni Davron. Umiling si Selene bilang pagsang-ayon, "Hindi, Mr. Zalderria
Mga basang patak ng tubig ang nakasabit sa mga pilikmata ni Selene. Itinaas niya ang kanyang mga pilikmata gamit ang nanginginig na mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na ambon, halos hindi niya makita ang ekspresyon sa mukha niya. Malamig siya at tila sobrang malayo at magalang.Katulad ng sinabi niya sa kanya, magalang siya.Pero matagal nang nakikita ni Selene ang tunay na pagkatao ni Davron. Mukhang mabait at kalmado siya sa panlabas, pero sa totoo lang, hindi niya gusto na labanan ng iba ang anumang desisyon na kanyang ginagawa. Kailangan niyang kontrolin ang lahat ng bagay nang mahigpit sa kanyang palad at hindi kailanman pahintulutan ang anumang bagay na makatakas sa kanyang kontrol.Naramdaman ni Selene na malamig ang buong katawan niya. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang basang katawan at bahagyang nanginginig. "Lumabas ka na muna, gagawin ko ito nang mag-isa." saad niya na may namamaos na boses. Ibinaba ni Davron ang kanyang mga mata at kalmadong sinuri ang buong katawa
Hindi alam ni Selene kung bakit bigla na lang nagwawala si Davron. Naipit siya sa sofa at halos hindi na makagalaw.Ang mga mata ni Davron ay kasing lamig ng yelo, parang mga pako na nakabaon sa kanyang mukha. Sinuri niya ang kanyang mukha, pulgada por pulgada, hindi binibitawan ang kahit na anong bakas. Nang makita niyang tahimik lang siya, nagkaroon ng kaunting galit sa kanyang mga mata.Medyo natatakot si Selene sa kanya kapag ganito. Ang pagtakas ay mas nagdulot ng hindi pagsang-ayon sa lalaki. Hinila nito ang buhok niya at marahas na hinila siya pabalik. "Magsalita ka." saad nito. Hindi sigurado si Selene kung ang "lalaki" na tinutukoy ni Davron ay ang kanyang tiyuhin o si Attorney Sanchez.Ayaw niyang malaman ni Davron na nakakulong ang kanyang tiyuhin, at mas lalong ayaw din niyang malaman nito ang tungkol kay Attorney Sanchez.Kahit na wala namang nararamdaman si Davron sa kanya ay medyo sensitibo siya sa bagay na ito.Ayaw niyang masyadong lumapit siya sa mga lalaking hin
Akala ni Selene na dinala siya ni Davron sa Iloilo dahil kailangan siya sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinatira lang siya sa hotel. Hindi niya kailangan ihanda ang mga dokumento, at hindi rin siya dinala sa meeting.Nag-enjoy naman si Selene sa kanyang bakasyon at hindi nababagot.Napakaaga nagising ni Davron kinaumagahan. Parang may pampatulog ang gamot para sa sakit na ininom niya kagabi. Parang hindi siya makapunta sa umaga. Nanginginig ang kanyang ulo. Parang naramdaman niyang tumayo ito, pero hindi niya maimulat ang kanyang mga mata.Bago umalis, parang yumuko ang lalaki at hinalikan ang kanyang mga labi, at bumulong sa kanyang tainga, na hilingin sa kanya na manatili sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi naman ganun kamasunurin si Selene, at wala talagang pakialam si Davron sa ginagawa niya araw-araw.Ang tiyuhin ni Selene ay nagsisilbi pa rin ng kanyang sentensya at isang taon na lang ang natitira.Nag-set siya ng appointment sa abogado na namamahala sa kaso ng kanya
Hindi matanggap ni Selene na sinabi ni Davron kay Tiara ang tungkol sa kanyang sugat. Para bang wala lang sa kanya ang nararamdaman niya. Pinigilan ni Selene ang kanyang hininga at hindi makapaglabas ng sama ng loob. Kinuyom niya ang kanyang mga ngipin at piniling manahimik. Isang makapal na usok ang tumaas sa kotse, at ang amoy ng tabako ay mapait. Inilahad ni Davron ang kanyang kamay, pinindot ang kanyang hinlalaki sa balat ni Selene, at pinihit ang kanyang mukha gamit ang isang puwersang hindi gaanong gaanong o mabigat. Parang pinipilit niyang tingnan siya at harapin. Nakita niya ang pulang mata at maputlang kutis ni Selene, at tahimik niyang nilunok ang masasakit na salitang nasa bibig niya. "Secretary Averilla, ayaw mo ba talaga kay Tiara?" "Hindi naman," sagot ni Selene. Pakiramdam niya ay sayang lang na gugugulin ang kanyang emosyon sa isang taong hindi naman karapat-dapat. "Pero ayaw ko talaga siyang makita. Sa tingin ko, makikita naman ni Mr. Zalderriagaiyon. Siguro
Nalaman lang ni Tiara ang pagbubuntis ni Selene matapos niyang suholin niya ang doktor. Pagbalik ni Tiara sa Pilipinas ay nalaman niyang si Selene ang pinakasalan ni Davron, at halos madurog ang mga ngipin niya sa galit. Bakit kailangang siya pa? Parang multo na nakasunod sa kanya. Narinig ni Tiara na isang buwan at kalahati nang hindi pumapasok sa trabaho si Selene, at alam niyang may mali. Anong klase bang sakit ang nangangailangan ng ganito katagal na leave? Tinatanong din niya si Davron tungkol dito. Hindi naman siya hangal. Parang wala lang siyang sinabi at ginamit ang pangalan ng sekretarya ni Davron, pero hindi siya sinagot nito. Kaya nag-imbestiga si Tiara at gumastos ng malaking halaga para malaman kung saang ospital nagpapa-check up si Selene. Wala sa mundo na hindi mabibili ng pera. Hindi niya inaasahan na buntis pala si Selene. "Ano pa ang silbi ng pag-angkin mo sa titulo ng asawa mo?" Wala sa sarili na nagpunas ng kamay si Tiara, at idiniin, "Huwag kang magsisisi sa
Malamig ang naging reaksiyon ni Selene. Walang emosyon na nakita sa mukha niya nang marinig niya ang tungkol kay Tiara.Pero ayaw niya talagang makita ito. "Mr. Zalderriaga, kaya mo bang pumunta mag-isa sa airport? Mukhang walang silbi kung sumama pa ako."Hinawakan ni Davron ang kamay niya ng walang sinabi. "Magkasama tayong pupunta. Sakto lang para sa hapunan."Magkalapit sila. Hindi siya gumagamit ng pabango, at may mahinang amoy ng damo at kahoy sa katawan niya, medyo mapait at medyo matapang.Karamihan sa oras, mahina siyang nagsasalita, walang gaanong pataas-baba.Habang nasa biyahe, nakatingin si Selene sa langit na unti-unting nagdidilim sa labas ng bintana. Inalis niya ang lahat sa isip niya at hindi na nag-abalang mag-isip ng kahit ano.Dinala siya ni Davron sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport.Hindi ito mukhang isang restaurant na bukas sa publiko.Tahimik na luho, pribadong piging.Nasa daan pa rin sina Adam at Tiara. Nagsalin ng isang baso ng maligamgam na
Hind nai nagulat si Davron. Kahit na napakaganda ni Selene, masyadong mahiyain siya at parang isang napakamasunuring babae. Hindi niya magawang sabihin nang malakas kahit na may gusto siyang tao, at itinatago lang ito sa kanyang puso.Hinila niya ang sulok ng kanyang bibig, "Sayang naman." basta na lang niyang sabi. Mahigpit na hinawakan ni Selene ang sticky note sa kanyang kamay. Ang dilaw na papel ay puno ng mga iniisip ng isang batang babae na nagmamahal. Ngayon, nagagalak lang siya na hindi niya magawang isulat ang pangalan niya dito, at maingat lang na pinalitan ito ng isang abbreviation.——DVZ.Pati ang abbreviation niya ay nakatago sa ilalim ng papel.Ibinaba ni Selene ang kanyang ulo, medyo nalulungkot ang kanyang boses, "Wala namang dapat pagsisihan."Tiningnan siya ni Davron. Pinisil ng dalaga ang kanyang mga labi at ibinaba ang kanyang mga pilikmata. Parang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na sigurado siyang gusto niya ang batang lalaki. Maraming taon na ang l
Hindi alam ni Selene kung ano na ang relasyon nila ni Davron. Hindi sila pwedeng ituring na nagde-date, pero wala namang ibang tao sa paligid.Nagmamaneho si Davron pagkatapos ay tinanong nito ang address.Nag-alinlangan sandali si Selene, at tahimik na binigay ang address ng Calle Real. Matagal na siyang hindi nakakabalik doon. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan, "Bagalan mo naman. Sa may pasukan lang ng eskinita pwedeng mag-park ng sasakyan." hindi niya maiwasang sabihin. Itinaas ni Davron ang kamay niya at hinaplos ang kanyang buhok. Mukhang mas masaya siya ngayon kaysa kagabi. "Hmm." lang ang sinagot nito. Hindi niya alam kung ano ang naalala, mahina siyang tumawa, bahagyang nakataas ang kanyang makitid at magagandang mga mata sa dulo. Ang kanyang taimtim na ngiti ay medyo nakakaakit, parang soro. "Sabi ni Tiara noon na sobrang nagpapalusog ang tubig at lupa sa Iloilo, at tama nga siya." sa
Biglang nawala ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Davron.Dahan-dahan siyang lumayo at lumabas.Nawala rin ang nakaka-suffocate na pakiramdam sa likod ni Selene. Sinabi niya ito nang walang ibang kahulugan, isang kalmadong pagpapahayag lang ng katotohanan.Sa transaksyong ito ay magkaiba na ang posisyon nila.Si Davron ang may nangingibabaw na posisyon. Siya ang nagsimula ng transaksyon, at siya rin ang gumawa ng lahat ng patakaran. Siya ang may huling salita sa lahat.Hindi mahalaga ang kanyang mga iniisip. Bakit dapat pa bang mag-alala si Davron tungkol sa pagbubuntis ni Selene? Hindi na, 'no. Tulad ng sinabi niya noong nakaraang pagkakataon, sa huli ay ang sarili nitong katawan ang inaabuso niya, at hindi siya lalaban sa kanyang sarili.Kumurap si Selene, "Davron, gusto mo pa bang ituloy?"Kung hindi ay matutulog na siya.Talagang inaantok na kasi siya.Matapos ang mahabang sandali, narinig niya ang boses ni Davron. Ang malamig at mahinahon na boses niti ay medyo walang