ANG nakakairitang tawa ni Jean ang umalingawngaw sa pandinig ni Katherine."Wow, tingnan mo nga naman. Magkasama pala ang dalawa."Naikuyom naman ni Katherine ang dalawang kamay.Kahit pa siguro hiwalay na sila ni Cain ay dapat pa rin itong mag-ingat. Dahil wala pang nakakaalam ng tunay na estado ng relasyon nilang dalawa."Bagay na bagay talaga sila, hindi tulad ng isa riyan," pagpaparinig pa ni Jean."Ulitin mo nga ang sinabi mo?""Hindi mo ba 'ko narinig? Ang sabi ko--" Natigilan si Jean nang mapagtanto na hindi iyon boses ni Katherine kung hindi ay mula kay Helen.Kabado siyang napalingon sa tiyahin. "W-Wala po akong sinabi--" Bigla siyang napapikit nang akmang sasampalin nito.Pero wala namang dumapo sa pisngi niya. Pagmulat ng mata ay nakataas lang ang kamay ni Helen na matalim ang tingin sa kanya."Pagsalitaan mo pa ng masama si Katherine ay hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka," babala pa nito."P-Pero wala naman po akong sinabing masama!" depensa pa ni Jean sa sarili."'
UMARTENG naiiyak si Margaret. Sinadya niya pang humikbi saka mabilis na niyakap si Cain saka tuluyang humagulgol sa bisig nito."W-Wala naman akong ginagawang masama," aniya. "Kung may hindi man kayo nagustuhan sa'kin, Tita. Then, I'm sorry."Napasinghap si Helen sa galing nitong umarte. Talagang pinaninindigan na mukha itong kaawa-awa at inaalipusta."Cain, bitawan mo ang babaeng 'yan! Hindi mo ba nakikitang may mga bisita tayo? Ano na lamang ang sasabihin nila sa oras na makitang may kayakap kang iba sa harap ng asawa mo?!"Si Katherine na walang nagawa kung hindi ang manuod ay napapatingin na rin sa paligid. Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang tao. Hindi magandang senyales kaya kumilos na siya at nilapitan si Helen."Tama na po," aniya saka hinawakan ang kamay nitong nanginginig sa galit.Pero tuluyan ng nagpalamon ng nararamdamang emosyon si Helen lalo na nang makita niyang ngumisi si Margaret habang nakayakap pa rin kay Cain.Binitawan niya ang kamay ni Katherine saka sinugod
NARINIG iyon nang malinaw ni Cain. Hindi ito ang unang beses na sinabi ni Katherine na gusto na nitong makipaghiwalay. Pero iba ang dating ng paghingi ng tulong nito sa kanyang Ina.Sa halip na magpatuloy palapit sa dalawa ay umatras siya at tuluyang lumayo.Nakita naman iyon ni Helen dahil nakaharap siya sa anak samantalang si Katherine ay walang kaalam-alam dahil nakatalikod ito.Gustuhin niya mang sambitin ang pangalan ng anak ay hindi na niya ginawa. Wala siyang masabi dahil maging siya ay hindi rin alam ang gagawin sa pakiusap ng manugang.Para siyang nabigo bilang isang Ina dahil mismong anak niya ang hinihindian nito. Tila, nagkamali siya ng pagpapalaki kay Cain."A-Alam kong nasasaktan ka na't nahihirapan pero pwede bang tiisin mo muna nang kaunti? Para na lamang sa kapakanan ni Papa Ramon. Pangako, kapag bumuti na ang kondisyon ng kalusugan nito ay ako pa mismo ang gagawa ng paraan para matuloy ang divorce niyo."Napatungo si Katherine saka tumango. "Naiintindihan ko po." Sak
UMATRAS si Katherine nang lumapit pa nang husto ang apat. "H-Hindi ako sasama sa inyo," aniyang kinakabahan."Sumama na lang po kayo, Ma'am."Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng tao na mahihingan ng tulong. Pero ni anino ay wala man lang dumadaan.Hanggang sa tuluyan na siyang hinawakan sa braso. Hindi naman siya makapalag dahil hawak niya ang strap ng damit. Hindi siya pwedeng mahubaran sa harap ng mga hindi kilalang tao.Kaya kahit anong pakiusap sa mga ito ay hindi siya pinakinggan. Tinakpan pa nga ang bibig niya upang hindi makasigaw. Mayamaya pa ay dinala siya sa isang bakanteng kwarto.At kahit papaano ay maayos naman siyang pinakawalan. Pagkatapos ay agad ring umalis ang mga ito.Hindi pa man niya nalilibot ang paningin sa lugar ay hinala na agad ang buhok niya dahilan kaya napaluhod siya."Kanina pa talaga kita gustong kalbuhin," boses ni Jean.Kung ganoon ay ito pala talaga ang nagpadukot sa kanya."Jean," boses ng isang matandang babae.Kaya nag-angat ng tingin s
BAHAGYANG nagmulat ng mata si Katherine nang mahimigan ang boses ng asawa.Kahit nanlalabo ang paningin ay naaaninag niyang kaharap si Cain at yakap-yakap siya."N-Nandito ka," anas niya saka bahagyang ngumiti.Sa wakas, dininig ng langit ang hiling niyang iligtas silang dalawa ng anak.Kahit nananakit ang likod dahil sa hampas ay gumalaw si Katherine, gusto niyang tumayo."'Wag kang gumalaw," ani Cain. "Sa'n ka pa nila sinaktan?"Mariing napapikit si Katherine. Sobrang hapdi ng likod niya, hindi siya makakilos nang maayos, kahit kaunti lang.Si Jean naman na katabi si Amalia ay naglakas-loob na magsalita bago pa maisumbong ni Katherine, "Cain, alam mo bang binasag niya ang mamahaling vase ni Lola. Saka... tingnan mo nga ang ayos ng damit niya. Paniguradong may ginawa siyang kababalaghan para masira ng ganyan ang suot niyang damit. Nakikipaglandian siguro siya sa ibang lalake."Ang malamlam at maamong ekspresyon ni Cain para sa asawa ay bigla na lang nagbago nang tingnan ang pinsan."
BINALIKAN ni Cain ang asawa saka ito pinasan sa likod. "'Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa ospital para magamot na ang sugat mo sa likod," aniya kay Katherine.Pagkatapos ay nilingon ang Ina para magpaalam na aalis sila patungo sa ospital.Paglabas ng kwarto ay inutusan niya ang isang staff na magdala ng tela na pwedeng ipangbalot sa buong katawan ni Katherine. Nabigay naman agad nito ang kailangan saka sila dumiretso sa kotse.Pagsakay sa backseat ay kinandong niya si Katherine na paharap ang upo sa kanya. Ganoon ang ayos ng dalawa dahil hindi ito makakasandal.Habang bumabiyahe ang sasakyan paalis sa lugar ay tinawagan niya ang kaibigan."Hi, baby! Miss me?" biro pa ni Levi mula sa kabilang linya."Sa'n ka ngayon?""Secret~""Hindi ako nakikipagbiruan," seryosong saad ni Cain."Nandito sa ospital namin. Bakit ba, may nangyaring masama sa'yo?""Good, papunta na kami riyan.""Sino?""Si Katherine, may sugat siya."Nagmulat ng mata si Katherine nang marinig ang pangalan. "Sinong kau
SABAY na nilingon ng dalawa ang hospital bed kung saan ay natutulog si Cain, na tila walang natamong pinsala sa katawan.Payapa at napakaamo ng mukha na animo ay hindi marunong magalit."Sige, maiwan na muna kita. Kung may kailangan ka o gustong kainin ay tumawag ka lang," ani Levi.Pag-alis nito ay lumapit si Katherine sa kama at pinagmasdan ang gwapong mukha ng asawa."Mabuti na lang at hindi ka napuruhan sa mukha," aniyang kinakausap ito kahit tulog. "Kung nagkataon, sayang. Pero kahit siguro puro sugat at pasa ang mukha mo'y gwapo ka pa rin sa paningin ko," aniyang malakas ang loob sabihin ang mga ganoong salita dahil wala itong malay.Dahil kung nagkataong gising ito? Nunca'ng magsasalita siya. Ilang sandali pa ay mas lalong lumakas ang loob niya at dahan-dahang nilapit ang kamay sa mukha nito. Marahang hinaplos ang pisngi lalo na ang matangos nitong ilong pababa hanggang sa labi at adam's apple na unang beses niyang nahawakan.Kahit noon pa man kasi ay hindi siya nangahas na haw
KUNG wala pa marahil iniindang sakit sa katawan ay baka nakagawa na sina Cain at Katherine ng milagro sa ospital. Mabuti na lamang at sa kondisyon ng katawan ng dalawa ay hindi na nila kayang gawin iyon.Makailang-beses na hinawakan ni Katherine ang pisngi upang maibsan ang pamumula. Hiyang-hiya siya matapos dahil nabalewala lang ang sinabi niya kaninang kondisyon.Kahit anong pilit ay hindi niya mahindian si Cain. Sobrang rupok niya pagdating sa asawa.Inayos niya ang suot na damit at baka may pumasok na Doctor o hindi kaya ay si Levi, na mahilig manukso.Si Cain naman, matapos ang kanilang pinagsaluhang halik ay gumanda ang mood. Sayang nga lang at hindi niya pa kayang igalaw ang tagiliran. Sa dami ng pwedeng mapuruhan ay iyong malapit pa sa pelvic. Gustuhin niya man gumalaw ay mahihirapan lang siya. Ayaw niya namang madismaya si Katherine kung magkataon dahil hindi lang mukha at katawan ang kaya niyang ipagmalaki.Maging ang nasa ibaba at ang skills niya pagdating sa romansa."Ayos
SA SINABING iyon ng asawa ay naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Cain.Pinakatitigan niya nang mabuti ang mukha ni Katherine. Hindi ito nabigla sa ibinalita niya at base na rin sa reaksyon ay walang dudang alam nito."Hindi ka nagulat? Matagal mo na bang alam na nagdadalang-tao ka?""Malamang, katawan ko 'to kaya alam ko kung anong nangyayari," sarkasmong tugon ni Katherine."At hindi mo man lang sinabi sa'kin sa dami ng mga nangyari? Ba't mo nagawang ilihim?!" Saka huminga nang malalim. "'Yung nangyaring masama sa'yo no'ng minsan mong tinulungan si Mommy mula ro'n sa nag-snatch ng bag niya. Do'n sa birthday celebration ni Lolo Max na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng sugat mo sa likod. Iyong nahimatay ka sa ospital nang magtalo tayo at dinala ka ni Luke sa kung sa'ng lugar at ngayon, 'tong araw na ito ay dahil buntis ka?! Hindi mo ba naisip ang anak natin sa ginagawa mo?" mahaba niyang litanya."Kaya kong sarili ko, Cain.""Talaga? Kung kaya mo naman pala ang sarili mo, ba't na
TILA pinipiga ang puso ni Cain sa inaakto ng asawa. Ni minsan ay hindi niya nakitang magalit ng ganito si Katherine."Tama na, 'wag mong gawin 'to," bulong niya pa habang mahigpit itong yakap mula sa likod.Lumuwag ang pagkakahawak ni Katherine sa leeg ni Jean kaya ito umubo-ubo. Kumilos naman agad ang mga tauhan na inilayo ang dalaga upang hindi na muling manganib ang buhay.Agad naman tinakbo ni Belinda ang anak saka ito niyakap. Matapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Walang hiya ka, pagbabayaran mong ginawa mo sa anak ko!""Bagay lang sa kanya 'yun. Kulang pa nga kung tutuusin."Sa sinabi ni Katherine ay napasinghap si Belinda. Pero nang humagulgol ang anak ay ito na ang binigyan niya ng pansin."Mommy! Akala ko mamamat*y na 'ko," iyak ni Jean.Nagngitngit ang bagang ni Belinda saka nanlilisik ang mga matang tiningnan si Katherine. "Humanda ka, hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!""Subukan niyo lang at ako ang makakaharap niyo," anas ni Cain saka ito tiningnan. "Sa
TATLONG ARAW ng napapansin ni Belinda na madalas ang pagkukulong sa kwarto ng anak na si Jean.Labis na siyang nababahala kaya sinadya niya ito. "Anak, pwede ba 'kong pumasok?" aniyang kinakatok ang pinto.Nang walang sumagot mula sa loob ay pinihit niya ang doorknob pero naka-lock naman. "Kung hindi mo 'to bubuksan ay mapipilitan akong pasukin ka sa loob," babala niya pa."'Wag!" hiyaw ni Jean mula sa kabilang dako ng pinto.Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto saka tiningnan ang Ina na naluluha."Anong nangyayari, ba't ka umiiyak?" kinakabahang tanong ni Belinda. "Magsabi ka para alam ko ang gagawin."Sinabi naman ni Jean ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas."A-Ano?! Bakit mo naman 'yun ginawa?" react ni Belinda sa inamin ng anak."Gusto ko lang naman--" Saka kinagat ang ibabang labi. Hindi niya pwedeng sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon ay upang malagl*g ang batang dinadala ni Katherine. Mas lalo siyang mapapahamak kapag nagkataon. "G-Gusto ko lang naman makag
MAGKASABAY na nagtungo sa emergency room sina Katherine at Yohan.Nang maiwan si Jean ay dali-dali naman itong naglakad palayo habang kagat-kagat ang sariling kuko. Kabado sa maaaring mangyari sa matanda."Bu*eset, ang simple-simple lang ng utos ko'y 'di pa nila magawa nang maayos. Ano nang gagawin ko?" Nababahala siyang baka mamatay ang Abuela ni Katherine.Hindi siya pwedeng malagay ulit sa alanganin at baka sa susunod ay hindi na siya tulungan ng sariling pamilya.Samantalang si Katherine at Yohan naman ay narating na ang emergency room ngunit sinalubong ng Nurse upang pigilan. "Pasensya na, Ma'am pero hindi kayo pwedeng lumapit.""P-Pero kailangan kong makita si Lola!" pakiusap ni Katherine."Hindi niyo po talaga pwedeng makita ang pasiyente, kritikal po ang kondisyon niya at pilit na nire-revive ng Doctor."Si Yohan naman na nakaalalay ay kinukumbinsi na itong huminahon, "'Wag mo na lang pilitin. Hayaan natin sila. Ang mas mabuti pa ay maghintay na lamang tayo rito."Sa huli ay h
PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H
NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo."K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit. "Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?""E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!""Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.S
PUMATAK ang luha ni Katherine sa medical record ng kanyang Abuela."Ang totoo ay hindi na umi-epekto ang gamot na binibigay namin sa kanya," saad pa ng Doctor. "Pini-prevent na lamang na mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.""K-Kung bigyan niyo po siya ng iba pang gamot? 'Yung epektibo. Pakiusap, Dok. Gawin niyo po ang lahat para sa Lola ko. Hindi ko po siya kayang mawala," humihikbing saad ni Katherine.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor. Bakas ang lungkot at pakikisimpatya para sa nag-iisang pamilya ng pasiyente pero hindi niya nais na paasahin ito."Ang gamot na binibigay namin ang pinaka-best option. Ilang buwan na kong naghahanap ng gamot na pwedeng ipalit sa binibigay namin pero--" Saka umiling. "Mahirap man para sa'king sabihin ito pero... mas mabuti siguro kung iuwi mo na siya. Sulitin ang nalalabing oras niya rito sa mundo."Ang pigil na hikbi ni Katherine ay tuluyan nang lumakas. Wala na siyang pakialam kung para na siyang batang ngumangawa. Maingay at nakakair
PAG-UWI ni Katherine sa mansion ay dire-diretso lang siya sa kwarto. Matapos ma-lock ang pinto ay saka niya tinawagan si Cain. Gusto niya itong makausap para maitanong kung bakit hindi sinabi na kasama nito si Margaret. Pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Dalawang oras lang naman ang gap sa Pilipinas at sa bansang pinuntahan ni Cain. Sa madaling salita ay hapon pa lang doon, pero bakit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag? Samo't saring ideya tuloy ang pumapasok sa utak ni Katherine, na kahit anong pigil at saway sa sarili ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip. Tuwing hapon pa naman umaatake ang antok niya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Pagtingin sa bintana ay madilim na ang kalangitan. Pagod niyang binuksan ang pinto para harapin ang kasambahay na gumambala sa kanyang tulog. "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan," anito. Tumango lang si Katherine habang kinukusot ang mata. "Si
NAGSISI si Lian nang ipaalam niya kay Katherine ang tungkol kay Margaret at Cain. Tuloy nawalan ito ng ganang kumain at nagpasiya na lamang na umuwi."Ihahatid na kita," alok niya bilang pampalubag loob sa nagawa."Hindi na kailangan, tapusin mo na lang ang pagkain. Ako na rin ang bahalang magbayad.""Pero sagot ko 'to." Mas lalo tuloy nakokonsensya si Lian pero hindi na ito nagpapigil pa.Sa huli ay wala na rin siyang nagawa at hinayaan si Katherine. Mag-isa niyang in-enjoy ang pagkain kahit medyo nagi-guilty.Paalis na sana si Lian nang makita si Jared na papasok sa restaurant. Bigla siyang pumihit patalikod dahil kung ang binata lang naman ay kaya niya itong harapin pero may kasama, si Sheena.Kahit nasisiguro naman niyang hindi siya nito makikilala ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.Nagpalinga-linga siya sa paligid, nag-iisip ng paraan kung paano lalabas. Sa huli ay napili na lamang niyang magtungo sa restroom at doon magpalipas ng ilang sandali.Naghugas siya ng kamay saka n