Share

Chapter 149

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-02-01 22:53:12

NAG-IYAKAN ang dalawa sa banyo hanggang sa mag-aya si Katherine na kumain, “Baka malamig na ‘yung ulam kaya iinitin ko. Gusto mo bang maligo muna? Amoy alak ka kasi.”

Tumango naman si Lian. “Oo nga, ang baho ko.” Saka natawa kahit maga ang mga mata mula sa pag-iyak.

“Okay, ikukuha lang kita ng pamalit.” Matapos ay lumabas na siya ng banyo at nagtungo sa kwarto kung saan ay naroon si Cain, naghihintay. “Ano pang ginagawa mo rito?”

“Ano pa ba? Hindi pa tayo tapos—”

“May bisita ako, si Lian. Kapag nakita ka paniguradong magkakagulo kayo kaya umalis ka na.” Pagtataboy niya pa rito.

Tumayo lang si Cain saka lumabas ng kwarto. Kaya inakala ni Katherine na umalis na nga ito. Ngunit nang matapos silang kumain ni Lian at nagpasiya na itong matulog dahil nga nakainom ay napansin niya na may gumalaw sa balcony. Pagsilip ay nakita niyang nakasandal sa railings ang dating asawa habang naninigarilyo.

Bahagya siyang nabigla dahil iyon ang unang beses na nakita niya si Cain na manigarilyo. Binuksan n
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maritess Asmor
wow,............
goodnovel comment avatar
8514anysia
nako nkalimot hehehe
goodnovel comment avatar
Ofelia Navora
Sana magkatuluyan sina Lian at jared
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 150

    MATAPOS ang gabing iyon ay hindi na ginulo si Katherine ng dating asawa… isang linggo na ang nakakalipas.Kaya naging tahimik ang pang-araw-araw niyang buhay dahil walang gumugulo. Siyempre, masiya siya pero may parte sa kanyang naguguluhan, may agam-agam dahil baka bigla na lamang sumulpot si Cain at balik na naman sa dati.Hindi naman kasi siya naniniwalang dahil pinagbigyan niya itong makipagt*lik ay tutuparin na nito ang pangakong hindi na manggugulo.Magkaganoon man ay in-enjoy na lamang niya ang bawat araw at inabala ang sarili sa trabaho.“Pag-aralan mo ito at may exam sa susunod na linggo,” aniya kay Gab saka nilapag sa desk ang papel.Nang hindi siya nito pinansin ay napabuntong-hininga na lamang siya. Kahit isang linggo na niya itong tinuturuan ay ganoon pa rin ang trato ni Gab.Pero kahit papaano, kapag may inuutos naman siya ay ginagawa nito.“Naririnig mo ba ako?”“Hindi ako bingi,” ani Gab.“Naninigurado lang dahil kapag bumagsak ka, uulitin mo ang exam. Uulitin ko rin a

    Last Updated : 2025-02-02
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 151

    NAGULAT si Katherine sa ginawa nito at umiwas ng tingin habang si Lian ay hindi na maipinta ang mukha sa inis."The nerve!" react pa nito. “Tara, Sissy. Umalis na tayo rito bago pa ‘ko masuka.” Sabay hila sa kaibigan. Nang tuluyang makalayo ay binitawan na niya ang kamay nito saka pinagmasdan ang mukha. "Umuwi na lang kaya tayo at baka magkasalubong pa natin sila mamaya.”Tumango naman si Katherine saka sila umalis sa mall.Samantala, sa clothing store kung saan ay naroon pa ang dalawa ay pinagpatuloy ni Ashley ay pamimili ng damit.Naka-assist naman iyong saleslady kanina na mababanaag sa mukha ang tuwa dahil kapag nasiyahan sa kanya ang customer ay baka mabigyan pa siya ng tip.Si Cain naman ay nagtungo sa counter upang tanungin ang staff, “Pwede ko bang makausap ang manager niyo rito?”Tinanong naman nito kung anong kailangan sa manager at sinabi ni Cain na mayroon lang siyang gustong ireklamo.Mayamaya pa ay dumating ang taong hinahanap. "Magandang araw, Sir. Hanap niyo raw po ako

    Last Updated : 2025-02-03
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 152

    TINIGILAN na ni Luke ang panunukso saka tumayo, hinubad ang suot na damit pero tinakpan pa rin ang katawan upang hindi na ito masiyadong mailang. "Sige, maliligo ako."Tumango si Katherine ng hindi ito tinitingnan dahil nakakahiyang tumitig sa lalakeng nakahubad kahit kaibigan niya at walang malisya. Mayamaya pa matapos pumasok ni Luke sa banyo ay narinig niyang ang pagkatok sa pinto. Lumapit naman siya, sumilip sa peephole at nakita si Cain na nakatayo sa labas. Sinasabi na nga ba niya, tama siya ng hinala na darating ito ngunit nag-aalangan siya kung bubuksan niya ba ang pinto o hindi?Muling kumatok si Cain, hindi tumitigil hangga’t hindi binubuksan ang pinto.Nabahala si Katherine na baka maistorbo ang mga kapitbahay, kaya kahit labag sa loob ay binuksan na niya ang pinto.Agad nagtama ang tingin ng dalawa ngunit mas matalim ang kay Katherine. “Anong ginagawa mo rito?!”Napatiim-bagang si Cain. "’Yung nangyari kanina sa mall, hindi ko alam na gagawin ‘yun ni—”“Hinihingi ko ba an

    Last Updated : 2025-02-05
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 153

    NATIGILAN sa pagsubo ng pagkain si Katherine sa sinabi nito. Nagbaba siya ng tingin saka huminga nang malalim. “Luke… Sa ngayon kasi ay hindi ko muna iniisip ang ganyang bagay. Kahihiwalay ko pa lang saka… Ayokong magbago ang turingan natin sa isa’t isa. Kaibigan kita at gusto kong manatili tayong ganoon katagal, habangbuhay. Hindi ako nababagay sa’yo, may mas deserve ng pagmamahal mo at hindi ako ‘yun.”Napatiim-bagang si Luke pero hindi niya pinahalata at ngumiti na lamang. “’W-Wag mong maliitin ang sarili mo. Para sa’kin… you’re worth the wait.” Saka, hindi siya makakapayag na ganoon na lang ang mangyayari. Sa dami ng ginawa niya upang makuha ang loob nito ay ganoon na lamang ba kadali para ma-reject? “Give me a chance, okay?”Nag-iwas naman si Katherine ng tingin. Hindi niya akalaing sa kabila ng pambabasted ay hindi pa rin pala ito susuko. Kahit determinado siyang panatilihin ang pagkakaibigan nila ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan kapag ganito na ang sinasabi ni Luke.K

    Last Updated : 2025-02-05
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 154

    PABAGSAK na sinara ni Jared ang pinto ng sasakyan. Malamig ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon pero dahil sa nakainom na ay tila balewala na lamang sa kanya. Matapos ay tiningala ang gusali sa harap, nasa 10th floor ang kanyang condo at naghihintay na roon si Lian.Bago naglakad papasok ay tsinek niya muna ang phone, may message sa kanya si Lian pero hindi na muna niya binasa.“Magandang gabi, Sir,” saad pa ng Guard na tinanguan ni Jared.Sumakay siya sa elevator na may kakaibang excitement na hindi niya maipaliwanag. Paglabas ay naglakad siya sa unit at bubuksan na dapat ang pinto ng tumunog ang phone. May dalawang video siyang natanggap na ipinagtaka niya.Ang unang video clip ay hindi niya masiyadong maintindihan dahil pawang nakatalikod na dalawang babae lang naman ang makikita hanggang sa nagsalita ang isa, "Mahal mo pa ba si Jared?"Nanlaki ang mata niya dahil boses iyon ni Katherine."Hindi pa ‘ko nasisiraan ng bait. Pinakikisamahan ko lang siya dahil iyon lang ang kaya k

    Last Updated : 2025-02-06
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 155

    NASASAKTAN na si Lian sa ginagawa nito kaya nagpumiglas siya. Ngunit kahit anong gawin ay hindi niya kayang tapatan ang lakas ni Jared.“T-Tama na, please. Masakita na,” pakiusap pa niya pero tila ito bingi.“Tingin mo ba talaga ay kaya mo ‘kong bilugin? Paglaruan?” magaspang at nanggagalaiting saad ni Jared.Nahihirapan ng huminga si Lian ng mga sandaling iyon nang sa wakas ay pinakawalan nito. Halos mapaupo siya sa sahig nang marahas na hilahin ni Jared ang kanyang braso sabay tulak paupo sa mahabang sofa.Nang iangat ang tingin ay napapikit siya nang mag-akalang susuntukin nito pero ang sumunod na pangyayari ang nagpakaba sa kanya. Narinig niya ang boses ni Katherine kaya nagmulat siya ng mata, sa harap niya ang cellphone nitong nagpi-play ang isang video clip kung saan ay makikita silang dalawa ng kaibigan na nag-uusap.“S-Si-Sinong kumuha niyan?!” Akmang aagawin niya ang phone nang ilayo nito.Umismid si Jared ng makita ang takot sa mukha nito. Kung bukas lang marahil ang ilaw ay

    Last Updated : 2025-02-07
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 156

    NAKAKALADLAD na ni Jared ang dating nobya dahil sa galit na nararamdaman. Si Lian naman ay pilit na binabawi ang kamay na mahigpit nitong hawak."S-Sa'n mo ba ako dadalhin?!"Pero hindi sumagot si Jared na tuloy-tuloy lang pababa ng hagdan. Tumigil lang siya nang nasa tapat na ng kotse. "Sakay." Saka pabalya itong binitawan.Hinawakan naman ni Lian ang kamay na namumula saka ito tiningnan nang matalim. "Ano bang problema mo? Tingnan mong ginawa mo, naiwan ko sa loob ang isang pares ng sapatos ko!"Nagbaba ng tingin si Jared at napagtantong nakayapak na nga lang ang kanan nitong paa.Naglakad si Lian pabalik upang kunin ang naiwan na sapatos nang harangan ni Jared."Babalik ka ro'n?!""Malamang, naiwan ko 'yung sapatos ko" pamimilosopo niya pa."Sapatos mo lang ba talaga ang gusto mong balikan o may iba pa?" makahulugang tanong ni Jared.Napanganga si Lian. "Seriously?! Nasasabi mo pa talaga 'yan sa'kin, e, ikaw naman 'tong ginagawa akong pokp*k! O, ngayong ginagawa ko'y nagagalit ka!"

    Last Updated : 2025-02-09
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 157

    HABANG nakahiga si Lian sa ospital bed ay bigla na lamang humawi ang divider curtain at sumulpot si Jared. "Akala ko'y umalis ka na," aniya. "Kasasabi ko lang na magpupunta ako sa restroom, 'di ba?" "Pero ang sabi ng Nurse ay sa kabilang direksyon ang restroom hindi sa pinuntahan mo," ani Lian. Napakunot-noo si Jared. "Ba't ang dami mong tanong? Malay ko, naligaw nga ako kakahanap, e," pagsisinungaling niya pa. Matapos ay nagsukatan ng tingin ang dalawa pero siya ang unang nag-iwas. "Anong oras na ba? Baka pwede ka ng payagan na umalis?" Nagbaba ng tingin si Lian. "Hindi ko alam, ba't hindi mo tanungin do'n sa counter?" Napabuga ng hangin si Jared saka muling umalis. "Sandali lang, babalik--" Nagambala siya ng pagtunog ng phone. Nang tingnan kung sino ang caller ay bigla siyang napatingin kay Lian sabay sagot sa tawag, "Hello, Sheena?" Nakagat ni Lian ang ibabang labi sabay iwas tingin. Dumating na sa eksena ang tunay na nobya kaya walang duda na... "Sige, papunta na 'k

    Last Updated : 2025-02-10

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 172

    SUNOD-SUNOD at malalim ang ginawang paghinga ni Katherine. Salita lang ang sinabi ni Cain pero para na siyang maloloka sa kilig. Oo, inaamin na niya sa sariling lumukso ang puso niya sa sinabi nito.Sinubukan naman niyang pigilan ang emosyon pero ito na nga ata ang isa sa pinakapangit niyang katangian... ang pagiging marupok sa lalaking unang nagpatibok at nagwasak ng kanyang puso.Ramdam na niya ang pamumula ng mukha kaya pasimple siyang tumalikod, tinapik-tapik ang pisngi para magising at muntik pang mangiti.Pagkatapos ay tumikhim siya at muli itong hinarap. "Nasa'n ba mga kaibigan mo't ako ang pinupurwisyo mo?" Pagmamataray niya pa."Busy sa mga babae. Walang panahon ang dalawang 'yun na dalawin ako.""E, si Ashley o 'di kaya si Margaret? Siguradong isang tawag mo lang agad silang pupunta para samahan ka.""Ba't naman sila nasali sa usapan? Ikaw ang gusto kong makasama ngayon," ani Cain. Pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa sofa at naupo. "Mag-stay ka muna, please?"Umiw

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 171

    NANGINIG ang kamay ni Katherine sa inis. "Ang kapal naman talaga ng apog mong sabihin 'yan. Kahit kailan ay hinding-hindi kita sasagutin, manigas ka!"Humalakhak si Cain sa linya. "Kanina pa naninigas."Napasinghap si Katherine at biglang namula ang pisngi sa hiya. "Bastos!"Muling tumawa si Cain. "Anong bastos do'n? Wala naman akong sinabing nakakabastos, a? Ikaw lang 'yung nag-iisip diyan."Nanginig ang ibabang labi ni Katherine sa pagpipigil na sigawan ito sa linya. Sa huli ay pinili na lamang babaan ito ng tawag dahil mas lalo lang siyang mapo-frustrate.Pagkatapos ay tinulungan na lamang niya ang delivery man na ipasok sa apartment ang mga basket."Mukhang mahal na mahal po kayo ng sender nito, Ma'am," komento pa nito.Tipid na pagngiti ang tinugon ni Katherine dahil baka kung ano pang masabi niya at ma-offend lang ito. Ilang sandali pa ay natapos na rin ito sa paghatid ng mga bulaklak. Binigyan niya naman ng maiinom na tubig upang mapawi ang pagod at mainit pa naman sa labas, pi

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 170

    HINDI na napansin ni Lian ang oras, basta namalayan na lamang niya ang sariling nasa elevator at palabas sa hotel. Walang kabuhay-buhay siyang naglalakad sa may lobby.Para siyang zombie na naglalakad sa kalsada habang patungo sa lugar kung saan niya ipinarada ang kotse. Tuluyan lang siyang nagising nang makita na niya ang sasakyan.Matapos ay mabigat na napabuntong-hininga. "Kailan ba matatapos 'tong paghihirap ko? Ayoko na, pagod na--" Bigla siyang napalingon nang masilaw sa liwanag na nakatutok sa kanya.Nang mga sandaling iyon, sa halip na takot ang maramdaman ni Lian ay napangiti siya. "Sa wakas, dumating na ang katapusan ko," bulong niya sa hangin saka marahang pumikit, tanggap na ang kapalarang sasapitin.Sa isang iglap ay may biglang yumakap kay Lian. Nagpagulong-gulong sila hanggang sa matagpuan na lamang ng dalaga ang sarili sa bisig ni Jared. Takang-taka kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon."J-Jared?" nauutal niyang sambit.Bakit pa siya niligtas nito?"Ahh! Jared!" s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 169

    KANINA pa wala sa mood si Sheena. Simula kasi ng tumawag si Lian ay parang nasa ibang lugar na ang atensyon ni Jared sa halip na nakatuon sa kanya at sa party. "Puntahan mo na lang kaya ang babae mo!" inis niyang saad.Saka lang napalingon si Jared at asiwang ngumiti sa fiancee. "Ano ka ba, 'wag mo na nga siyang pansinin."Pero nawalan na ng gana si Sheena at nagpasiyang umakyat muna sandali sa suite para magpalamig. Ang naiwan na si Jared ay sinamantala naman ang pagkakataon na tawagan si Lian pero hindi na ito sumasagot. Inisip na lamang niyang umalis na ito at bumiyahe na pabalik.Mayamaya pa ay may lumapit na bodyguard. "Sir, in-inform kami ng nagbabantay sa labas na may babaeng naghahanap sa inyong dalawa ni Ma'am Sheena pero umalis din po agad sila ni Sir Arjo."Napakunot-noo si Jared dahil unang pumasok sa isip niya si Lian. "Magkasama silang umalis?" tanong niya.Tumango naman ito. "Iyon po ang sabi dahil nasa taas raw po kayo ni Ma'am Sheena, 'yun ang sabi ni Sir Arjo sa baba

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 168

    SANDALING katahimikan ang namayani sa linya hanggang sa muling nagsalita ang kausap ni Lian, "Sa akin lang po 'to, Ma'am pero sa tingin ko'y may sumasabutahe sa'tin. May gustong malugi tayo ng malaki.""P-Pero sino naman? Wala akong natatandaan na may nakaaway sila Daddy sa negosyo..." Saka siya natigilan ng sumagi sa isip si Jared. "Sige, salamat sa pag-inform. Ako nang bahala.""Pero pa'no po, Ma'am?""Mag-iisip ako, basta ikaw na muna ang bahala riyan habang gumagawa ako ng paraan para masolusyunan ang problema."Pagkatapos ng pag-uusap ay sunod naman na tinawagan ni Lian si Jared."Anong kailangan mo? Busy ako.""Nasa'n ka ngayon?"Matagal bago sumagot si Jared dahil maingay sa linya niya. "... Mamaya na lang," iyon lang ang sinabi niya saka binaba ang tawag."S-Sandali--Jared? Jared!" Pabagsak na binaba ni Lian ang phone saka nag-isip ng paraan upang makausap ito. Hanggang sa naisipan niyang tawagan ang assistant nito, "Hello? Mr. Ulysses kasama mo ba si Jared?""Opo, Miss Lian.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 167

    LUMIPAS ang dalawang araw at pinayagan na ng Doctor na ma-discharge si Katherine. Si Lian dapat ang susundo sa kanya pero sa hindi malaman na dahilan ay si Luke ang dumating. Ito na rin ang nagligpit ng mga gamit at naglagay ng damit sa bag. Naproseso na rin nito ang discharged papers kaya wala ng poproblemahin si Katherine."Tara na?" ani Luke sabay kuha sa bag.Tumango naman si Katherine saka sila magkasabay na naglakad palabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Cain na naka-wheelchair pa, tulak-tulak ni Joey."Sa'n ka pupunta?" tanong ni Cain sa dating asawa pero na kay Luke ang tingin."Na-discharged na 'ko, anong ginagawa niyo rito? Pinayagan ka ng lumabas?"Hindi sumagot si Cain pero umiling naman si Joey kaya napagtanto ni Katherine na tumakas ang mga ito."Bumalik na kayo bago pa kayo mapansin," aniya.Mataman naman tumingin si Cain kay Luke. "Iwan mo muna kami ni Katherine at may kailangan kaming pag-usapan.""Hindi ako aalis," matapang na sagot ni Luke."Joey, kal

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 166

    ASIWA si Katherine sa kinauupuan. Naiilang siya at nag-aalala na baka mabigatan ito. Kaya kahit nakayakap ang braso ni Cain sa kanyang bewang ay tumayo pa rin siya. "Ang mas mabuti pa ay maupo na lang ako sa tabi--"Mas hinigpitan ni Cain ang pagkakayakap sa bewang nito upang hindi makalayo. "Dito ka lang.""Hindi nga pwede," ani Katherine na pilit inaalis ang braso nito. Napatingin pa siya sa pinto at nakitang nakasilip si Helen kaya mas lalo siyang nagpumilit na tumayo.Hanggang sa tuluyan na ngang nakawala dahil kahit gaano pa kalakas si Cain ay manghihina at manghihina ito kapag galing sa operasyon. Lumayo siya ng bahagya, iyong hindi nito maaabot."Ba't ka lumalayo?""Dahil pasiyente ka at hiwalay na tayo. Hindi tamang umuupo ako sa kandungan mo."Napakunot-noo si Cain, halata ang kalituhan sa mga mata. "Akala ko ba'y napatawad mo na 'ko? Sinabi mo 'yun bago ako mawalan ng malay. 'Wag mo sabihing binabawi mo na?"Si Katherine naman ngayon ang naguguluhan. "Anong sinasabi mo? Oo,

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 165

    TUMAAS hanggang batok ang inis na nararamdaman ni Marcial sa anak. "Ikaw! Ikaw!" aniya habang dinuro-duro ito. "Wala kang karapatan para kuwestiyunin ang pagiging ama ko! Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"Siyempre, gumagawa na lamang ng dahilan si Marcial upang makuha ang gusto."Malaki na 'ko para malaman kung ano ang nakabubuti sa'kin o hindi. Kaya hindi ko siya pakakasalan," ani Cain. "Pagod pa 'ko, Dad. Gusto kong magpahinga kaya iwan mo muna ako."Namumula pa rin sa galit si Marcial pero wala rin naman siyang magagawa na dahil ayaw niyang mas lalo pang kaayawan ng anak ang gusto niyang mangyari. Hahayaan niya muna sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pagkakataon na makumbinsi ito."Babalik ulit ako at pag-uusapan 'tong muli."Napatiim-bagang si Cain. "'Wag niyo na ipilit ang gusto niyo."Kumuyom ang kamay ni Marcial. "Sa tingin mo ba'y ikabubuti mo ang pananatiling single? Ano na lamang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa'tin--""Hindi lahat alam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 164

    SAMANTALA, ng mga sandaling iyon ay makikitang naglalakad si Ashley kasama ng Ina sa hallway ng ospital. Nang mabalitaan ng pamilya niya ang nangyari kay Cain ay biglang gusto ng mga itong magtungo sila roon. Hindi naman siya makahindi dahil magagalit ang Ama kaya sinamahan siya ng Ina."Si Marcial ba 'yun?" ani Janette sa anak.Unang nakapansin si Ashley pero sa halip na sa ama ni Cain matuon ang tingin ay nakasunod ang mga mata niya sa papalayong si Katherine. Wala siyang nakuhang balita tungkol dito. Kahit hindi niya ito gusto ay hindi naman bato ang puso niya para hindi makaramdam ng kaunting concern."Sandali--" bago pa man siya makapagpaalam upang lapitan si Katherine ay nahila na siya ng Ina palapit kay Marcial. Kaya tanging pagtanaw na lamang ang nagawa niya.Nang mga sandali ring iyon ay nagising na si Cain. Napatitig siya ng ilang segundo sa kisame bago tuluyang rumagasa sa alaala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Katherine. Tinawag-tawag niya ang pangalan nito at nagtangka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status