LIMANG ARAW matapos ang operasyon ay nagkamalay na si Katherine.Matapos masuri ng Doctor ay inilipat na ito sa private room kung saan ay ipagpapatuloy nito ang pagpapagaling.Nasa kompanya si Cain nang mga sandaling iyon nang makatanggap ng tawag mula sa ospital. Agad siyang nagpunta pero nang malapit na sa kwarto ay bigla siyang naduwag.Walang duda na kinamumuhian siya ngayon ng asawa at ayaw niyang mas kaayawan pa nito. Kaya hangga't maaari ay iiwasan niyang magpakita pero nakabantay naman siya sa labas ng kwarto.Umaasang makakalap ng kuwento mula sa caregiver na nagbabantay kay Katherine.Hanggang sa dumating si Levi. "Anong ginagawa mo rito, pumasok ka na ba sa loob?"Nilapat naman ni Cain ang daliri sa bibig, senyales na pinapatahimik ito. "'Wag kang maingay at baka marinig ka sa loob. Ayokong magpakita ngayon kay Katherine. Alam kong galit siya sa'kin."Hindi nagkomento si Levi pero tinapik niya ang balikat ng kaibigan bilang suporta sa kinakaharap nitong problema.Sakto nama
BAGSAK ang balikat ni Cain matapos marinig ang sinabi ng asawa. Bigla siyang pinanghinaan ng loob. "Gano'n mo ba talaga ako kinamumuhian para sabihin ang salitang 'yan?""Kinasusuklaman kita. Nang makidnap ako, sabi ko pa... Nandiyan si Cain, hindi ako pababayaan ng asawa ko. Pero nagkamali pala ako. Dahil kung hindi mo 'ko iniwan para sa babaeng 'yun, hindi ako makikidnap at malalagay sa ganitong sitwasyon," panunumbat pa ni Katherine."Ikaw na ang pipiliin ko sa susunod--""Hindi, Cain, dahil kung mauulit ang nangyari sa'kin? Nasisiguro kong si Margaret pa rin ang pipiliin mo.""Hindi sa gano'n, nagkataon lang na nasa alanganin siyang sitsawasyon," ani Cain."At ako ba, hindi? Ang sabihin mo kahit nag-aagaw buhay na 'ko, basta isang tawag lang ni Margaret agad mo siyang pupuntahan. Handa mong iwan ang lahat para sa kanya."Muling lumapit si Cain at akmang hahawakan ito nang mabilis na tinabig ang kamay niya. "Hindi 'yun gano'n, Katherine. 'Di ba nga, pinapaalis ko na siya ng bansa.
PALABAS na nang opisina si Joey nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang imbestigador na nakausap kanina."Hello, napatawag ka?""Sir, napag-alaman kong ang dumukot kay Miss Katherine ay buhay pa. Pinamukha lang nilang patay na upang hindi matunton ng mga awtoridad.""Inalam mo ba kung nasa'n na ang mga kidnaper?" Sabay lingon kay Cain."Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga tauhan ko. Babalitaan ko na lang kayo mamaya," anito saka binaba ang tawag.Matapos ay pinaalam naman ni Joey ang napag-usapan sa tawag.Napatiim-bagang si Cain, hindi malaman kung matutuwa ba o hindi? Dahil gusto niya talagang mawala na sa mundo ang mga taong nanakit kay Katherine.Ngunit napagtanto niya na mabuti na rin na buhay pa ang mga ito para siya na lamang ang magpaparusa, mas gusto niya ang ganoon.Makalipas ang halos apat na oras ay nakatanggap muli sila ng magandang balita na natunton na ang dumukot kay Katherine at kasalukuyang nasa kamay na ng mga tauhan ng imbestigador na h-in-ired ni Joey.H
HANGGANG sa mahagip ng mata ni Katherine ang wheelchair. Kahit nanghihina ay pilit niyang inaabot at nagtagumpay naman siya sabay hila.Sumalpok sa katawan ni Margaret ang wheelchair kaya natumba ito. Nagkaroon ng pagkakataon si Katherine na gumapang palayo ngunit agad nitong hinila ang kanyang buhok."At talagang tatakas ka pa, a!"Iwinasiwas ni Katherine ang kamay na tumama sa braso ni Margaret kaya muli siyang nabitawan. Upang hindi na muling mahabol ay tinadyakan niya ito sa tiyan saka siya tumayo.Hingal na hingal siya habang nakatingin dito. Ilang sandali pa ay dumating si Cain ngunit dahil nakatalikod si Katherine sa bukas na pinto kaya hindi niya ito napansin na nasa hamba ng pintuan.Si Margaret na nasa sahig pa rin ng mga sandaling iyon ay nakaisip ng pagkakataon na pagmukhain itong masama.Awtomatiko siyang umiyak kahit wala naman luha. "Ba't mo ba 'to ginagawa? Binibisita lang naman kita dahil nag-alala ako nang mabalitaan na nakunan ka."Kumuyom ang dalawang kamay ni Kath
KUMURAP si Margaret nang ilang beses bago magsalita, "Pinagbibintangan niya lang ako dahil sa pagkawala ng anak niya. Matagal na siyang may galit sa'kin kahit wala naman akong ginagawa kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi."Naningkit ang mga mata ni Cain, nangingilatis kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo o hindi?"Ba't ganyan ka makatingin, hindi ka naniniwala? Sa tingin mo ba ay magagawa ko 'yun sa kanya? Kilala mo 'ko, Cain, ni hindi ko nga kayang manakit ng insekto, tao pa kaya at isang batang hindi pa isinisilang sa mundo."Bumalik ang normal na ekspresyon ni Cain kaya inisip ni Margaret na naniniwala na ito sa kanya at sinamantala ang pagkakataon. "Takot na takot talaga ako kanina. Buong akala ko'y iyon na ang katapusan ko. Sa'ming dalawa, sino sa tingin mo ang higit na may kakayahang manakit?"Napabuntong-hininga na lamang si Cain. "Kung gano'n ay pasensya na. Masiyado lang akong maraming iniisip.""Ayos lang, Cain. Naiintindihan ko." Akmang lalapit siya at yayakapin ito nan
HABANG patungo si Lian sa kwarto ng kaibigan ay biglang humarang si Cain."Ano na naman? 'Wag mo sabihing pagsasabihan mo 'kong 'wag pagbabantaan ang babaeng 'yun?""Kung ano man ang nakita mo kanina, 'wag mo na lang sabihin kay Katherine at ayokong dagdagan ang sama ng loob niya."Nagtaas ng kilay si Lian. "Talaga? E, ba't mo ginawa? Kung ayaw mo naman palang sumama ang loob ng kaibigan ko dapat nagpaka-behave ka."Dumilim ang ekspersyon ni Cain. "Binabalaan kita, sa oras na may sabihin ka sa asawa ko'y hindi ako magdadalawang-isip na ipaalam 'to kay Jared."Si Lian naman ngayon ang hindi na maipinta ang ekspresyon. "Pinagbabantaan mo ba 'ko?""Hindi. Magiging banta lang 'yun kapag may sinabi ka.""Whatever. Magsalita man ako o hindi, wala pa ring magbabago. Paniguradong maghihiwalay kayo." Saka tuluyang umalis nang makitang papalapit si Margaret."Cain, ba't mo naman siya hinabol? Pina-delete mo ba ang record para sa'kin?" Alam niyang hindi siya pababayaan ni Cain. Kahit ano pang ka
MATAPOS iyong marinig ay bigla na lang kinabahan si Margaret. "P-Para kay Katherine, 'di ba? Kasi kailangan niyang magamot, tama?" aniyang naninigurado.Hindi pwedeng kaya nagpapahanap ito ng mental hospital ay para sa kanya. Hindi nito magagawa ang ganoong bagay.Isang matalim na tingin ang pinukol ni Cain. "Sa tingin ko'y ikaw ang mas higit na nangangailangan ng tulong at hindi ang asawa ko."Nahintakutan si Margaret at umiling-iling. "H-Hindi mo 'to magagawa sa'kin."In-denial ito sa nangyayari pero seryoso si Cain. Pinaghalong init dahil sa kaba at panlalamig ng katawan ang naramdaman ni Margaret ng mga sandaling iyon."Hindi ko alam kung magugustuhan ba ro'n ni Katherine kaya mas mabuting ipadala muna kita para may ideya naman siya kung anong magiging buhay ro'n," ani Cain.Tagaktak na ang pawis ni Margaret ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang maiyak, magmakaawa at kung ano-ano pa huwag lang nito ituloy ang binabalak. Ikababaliw niya talaga sa oras na mapunta sa ganoong kla
NANGINGINIG sa galit at hiya si Margaret. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Cain sa kanya.Para itong walang puso lalo na nang tingnan siya direkta sa mata habang papasara ang elevator.Paano pala kung may bala ang baril? Edi, bumulagta na siya sa harap ng mga taong naroon?Hiyang-hiya siya sa puntong gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa dahil pinagmukha siyang katatawanan at tanga.Nang hawakan siya muli ng dalawang security staff ay hinablot naman niya ang kamay ni Joey. "T-Tulungan mo 'ko, please," naluluha niya pang saad.Ang isang gaya nito ay paniguradong maaawa. At alam niyang marupok ang mga lalake pagdating sa kanya tulad ng nangyari kay Ben. Hindi magtatagal ay makokontrol niya ito at mapapaikot.Ilang sandali pa ay lumapit si Joey at tinapik ang isang security staff. "Pwede na kayong bumalik sa trabaho niyo't ako nang bahala sa kanya."Hindi na rin kumontra ang mga ito at tahimik na umalis.Nang maiwan ang dalawa ay agad na sumandal si Margaret sa katawan nito. "M-Ma
ANG NAKAMASID na si Jared sa malapit ay bigla na lang napatakbo patungo sa dalawang babae. Hinawi si Sheena saka dinaluhan si Lian na nakasalampak sa sahig. "Ayos ka lang?" Pagkatapos ay tiningnan nang masama si Sheena. "Anong ginawa mo sa kanya?"Hawak ng dalaga ang balikat na natamaan nito. Nasasaktan siya na mas matimbang si Lian kaysa sa kanya. "Wala akong ginawa sa kanya, sinabi ko lang ang totoo.""Ang alin?" naguguluhang tanong ni Jared hanggang sa maramdaman ang paghawak ni Lian sa kanyang braso.Nagtagpo ang tingin nilang dalawa pero ang dalaga ay maluha-luha na."S-Sabihin mo sa'kin ang totoo, anong nangyari kay Mommy?" ani Lian.Napatiim-bagang si Jared saka tiningnan nang masama si Sheena."O, ba't ganyan ka makatingin sa'kin? Tinatanong ka niya kaya sagutin mo," hamon ng dalaga. "O, baka gusto mong ako na ang magsalita?""Anong nangyari kay Mommy!" biglang sumigaw si Lian. Hindi na napigilan ang frustration. Bumabalik sa alaala niya ang scenario kung saan nasaksihan niya
PAGDATING sa ospital ay dumiretso ang mag-asawa sa opisina ni Levi, nag-usap ang magkaibigan habang si Katherine naman ay gusto ng puntahan si Lian."Hindi ko siya makontak," aniya na nasi-stress na rin sa paulit-ulit na pagtawag."Marahil ay nando'n siya sa morgue," ani Levi.Tumango naman si Katherine at naglakad na palabas. Akmang susunod si Cain nang pigilan ng kaibigan."May pag-uusapan pa tayo," ani Levi."Importante ba?" tanong ni Cain, tingin ay nasa asawa. Hindi niya gustong malayo at may sakit pa naman ito.Napapailing na lang si Levi saka tumayo sa kinauupuan. "Tara, sundan na natin."Naabutan ng dalawang lalake si Katherine na naghihintay ng elevator."Sabay-sabay na tayong pumunta ro'n," ani Levi.Saktong bumukas ang elevator at bumungad sa harap nilang tatlo si Jared.Sa halip na humakbang papasok ay natigilan si Katherine. "Umamin ka nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Tito?"Napatingin lang si Jared at hindi na nagkomento. "May importante akong sasabihin," aniya s
ILANG BUWAN itong hindi nakita ni Katherine, walang balita tapos bigla na lamang susulpot at malaki na ang tiyan?!Ang sabi ay nasa mental hospital ito, nagpapagaling pero ano itong nangyayari?Gulong-gulo siya pero si Margaret, mukhang natutuwa pa sa nakikitang reaksyon. Ang lakas ng loob na lumapit at makipag-beso."Kamusta ka na? Hindi ko alam na nandito ka pala."Hindi nakasagot si Katherine dahil ang mga mata ay nanatili sa tiyan nito. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong niya saka napatingin kay Cain na papalapit na sa kanila."Nandito ako para humingi sa'yo ng sorry," ani Margaret.'Sorry?!' sigaw ng isip ni Katherine. Gustong isumbat na hanggang sorry lang pala ang buhay ng anak?!Muling nabuhay ang galit na matagal na niyang kinikimkim at hindi na nga napigilan ang sariling saktan ito. Dumapo ang palad niya sa pisngi ni Margaret."Katherine!" react ni Cain sa ginawa ng asawa saka ito nilapitan, pinapalayo sa dalaga."Iyan lang ang sasabihin mo sa lahat ng kasalanang ginawa mo s
NATIGILAN si Jared matapos iyong marinig sa kabilang linya. "Hello, Tita? Naririnig niyo ba ako?" Ngunit wala ng sumasagot at masiyadong magulo, samo't saring boses ang kanyang naririnig. May sumisigaw at meron humihingi ng saklolo."Hello?!" sigaw niya pa hanggang sa binilisan na niya ang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating sa ospital, nagbabaka-sakaling nasa malapit lang si Marilyn.Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya."Hello, sino 'to?" boses ng isang babae."Hello, ako si Jared. Kakilala ko ang may-ari ng phone, anong nangyari sa kanya?""Gano'n ba? Ito kasing babae, nahulog sa hagdan dito sa overpass malapit sa Dominguez Hospital.""Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?" ani Jared."Oo, may tumawag na.""Okay, salamat." Pagkatapos ay iniliko na niya ang kotse patungo sa sinasabi nitong overpass bridge.Ilang minuto lang din ay nakarating na siya pero wala ng naabutan kaya dumiretso na siya sa ospital. Ngunit hindi siya pinayagan na puma
NAPABUGA NG HANGIN si Jared, hindi malaman kung paano pakakalmahin ang dalaga. "Wala rin kaming ideya, ispekulasyon lang 'tong pinag-uusapan namin," paliwanag niya saka humakbang palapit."'Wag kang..." Nakataas ang kamay ni Lian at malikot ang mga mata, halatang naguguluhan. Hanggang sa may mapagtanto. "Kung gano'n... Ikaw na naman ang dahilan kaya nangyayari 'to?"Bumukas-sara ang bibig ni Jared habang nag-iisip ng paliwanag pero naunahan siya ng kaibigan."Kumalma ka muna. Hindi pa naman natin alam ang totoo," ani Levi."Makinig ka, Lian," segunda pa ni Jared. "Gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang kahit na sinong--""Pa'no kung totoo nga? Na nagpakam*tay si Daddy dahil sa'yo?"Napatiim-bagang si Jared, pagkatapos ay inutusan ang assistant, "Alamin mo ang nangyayari. Kung posible, gusto ko ng kasagutan ngayong araw na mismo."Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Ulysses sa dalawa saka tumango. "Masusunod po, Sir." Saka naglakad palabas ng opisina.Ang naiwan na si Lian ay tiningn
NAKAAKAP ang dalaga sa bewang ni Jared habang hinahaplos niya ang likod nito. Masakit marinig ang hikbi ni Lian, hindi niya rin mapigilan na maapektuhan.Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ng sandaling iyon. Malulungkot ba siya?Pero hindi...Sa hindi malaman na dahilan ay napanatag siya at gumaan ang pakiramdam.Tila nakamit niya ang matagal ng inaasam. Ang makapaghiganti... Iyon nga lang ay hindi sa ganoong paraan niya gustong mawala si Fernando.Ang nais niya ay mahirapan pa ito pero kung--"Ba't ganyan ang ekspresyon mo?" tanong ni Lian matapos mag-angat ng tingin. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata nito. Parang natutuwa ito na patay na ang kanyang Ama?Napakurap si Jared, naging normal ang ekspresyon saka tiningnan ang dalaga. "Ano?"Sa isang iglap ay tinulak ito ni Lian. "Natutuwa kang namatay si Daddy?" akusa niya pa matapos mabasa ang ekspresyon nito.Umiling si Jared. "Hindi 'yun, gano'n. Nagkakamali--""Ako pa ngayon ang mali? E, kitang-kita ko na masaya ka!"An
MABUTI na lang at nakahawak si Fernando sa railings kaya hindi siya nahulog. Pero dahil sa nangyari ay hindi nakayanan ni Marilyn ang kaba at biglang nahimatay."Mommy!" sigaw ni Lian saka ito niyakap.Nang marinig iyon ni Fernando ay napalingon siya. "Marilyn!""'Wag kayong gumalaw, Sir! Baka mahulog kayo!" sigaw ng security personnel.Tuloy ang mga naroon ay nahati sa dalawang direksyon dahil kailangan nilang asikasuhin ang nahimatay. Binuhat naman ng lalakeng Nurse si Marilyn para madala sa emergency room.Habang si Lian ay hindi malaman ang gagawin. Kung mananatili ba o magpapaiwan para sa Ama."Kami na po ang bahala sa kanya, Ma'am. Kausapin niyo po ang pasiyente, delikado ang buhay niya kapag bumitaw siya sa railings," saad ng babaeng Nurse saka sinundan ang kasamahan na kumarga kay Marilyn.Umiiyak na tumango si Lian saka binalingan ng tingin ang Ama at dahan-dahan na humakbang palapit."Daddy, ano ba 'tong ginagawa niyo? Umalis na kayo riyan," aniya nang may pumigil sa kanyang
MAAGANG NAGISING si Lian, pagbangon sa kama ay pansamantala siyang tumulala sa kawalan. Matapos ay huminga nang malalim saka ngumiti.Iyong tunay dahil sa halip na malungkot at magmukmok sa araw ng kasal ni Jared ay mas mainam na abalahin na lamang niya ang sarili sa ibang bagay.Kaya nagluto siya at pagkatapos kumain ay naligo naman. Magtutungo siya sa kompanya at pagkatapos ay bibisitahin naman ang magulang sa ospital.Pagdating sa building ay pansin niya ang pananahimik ng mga empleyado. At sa halip na magtrabaho ay nagliligpit ang mga ito ng gamit.Ang bigat ng atmosphere sa lugar at naaapektuhan si Lian sa nakikita.Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at binigo ang mga ito.Bago umalis para magtungo sa ospital ay siniguro muna niyang naibigay na ang suweldo ng mga ito para kahit papaano ay maging maayos ang pag-alis ng mga ito sa trabaho."Natanggap na po nami, Ma'am."Nang marinig iyon ni Lian ay bahagyang humupa ang guilt na nararamdaman. "Pasensiya na kayo, hindi ko napanindi
TUMITIG lang si Jared sa halip na sagutin ang tanong. Humakbang pa siya papasok nang niliitan ni Lian ang pagkakabukas ng pinto, akma siyang iipitin.Nabigla siya sa ginawa nito saka iniharang ang isang kamay sa hamba ng pintuan. "Hindi ba kita pwedeng makita?"Tinulak ni Lian ang pinto para sumara. "Umalis ka na lang." Ngunit walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob. "Ano ba!"Para naman walang naririnig si Jared at tuloy-tuloy lang patungo sa kwarto. Mabilisang hinubad ang damit pang-itaas saka nahiga sa kama."Anong ginagawa mo, Jared?!" react ni Lian sabay hila sa braso nito. "Umalis ka sa kama ko!"Ngunit sa halip ay si Lian ang nahila at sumubsob sa hubad nitong katawan. Akmang tatayo pa nga lang nang yakapin siya nito nang mahigpit. "Ano ba, bitawan mo nga ako! Ano ba 'tong ginagawa mo? Ikakasal ka na!""Ganito lang muna tayo sandali," request ni Jared saka ito inamoy-amoy sa buhok."Tama na," saway pa ni Lian.Ngunit ayaw pa siyang pakawalan ng datin