"Bitiwan mo sabi ako!" Sa wakas ay nakawala si Sophia mula sa pagkakahawak ni Aleisha sa kanya. Bigla siyang tumayo na para bang walang nangyaro at dinuro ito nang may pang-uuyam. "Syempre alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang letter of notice na iyon! At dahil alam ko kaya ko iyon pinunit!" "Ano!
Pumasok ang mga gwardiya at kaagad na pinalibutan si Aleisha. Dalawa sa kanila ang lumapit sa kanya at para bang handang makipaglaban. "Huwag ninyo akong hahawakan!" Pinatigil sila ni Aleisha at sinusuportahan ang kanyang brasong duguan habang dahan-dahang tumayo nang nanginginig. "Huwag mong subu
Natigilan saglit si Daniel nang mabasa ang pangalan ni Daniel at nanlaki ang kanyang mga mata. Naniningkit ang mga matang nakatingin sa mga sulat. Dahil sa bugso ng damdamin ay binuksan niya pa lalo ang bag at hinalungkat iyon. Nang maisa-isa iyon lahat ay puro pangalan ni Daniel at Aleisha ang nab
"Ah!" Biglang napahawak si Aleisha sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. Namumutla na ang kanyang mukha at namumuo na rin ang mga butil-butil ng pawis mula sa kanyang noo at sentido. "Aleisha!" Nagulat at nataranta na si Raphael dahil sa nakikitang kalagayan ni Aleisha. Kaagad niya itong binuhat. "P
Napahimbing ang tulog ni Aleisha kaya naman ay nanaginip siya nang matagal. O mas tamang sabihin na isa iyong panaginip pagkatapos ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa naging bangungot iyon. Parang pinipigilan siyang huminga. "Ah!" Nagising si Aleisha habang napasigaw. Pawis na pawis ang kanyang ul
"Raphael..." "B-Bakit?" mabilis na sagot ni Raphael na may halong pagkataranta pa sa boses niya. Para bang naghihintay lang siya na magsalita si Aleisha. "Pwede na ba natin ipawalang-bisa ang kasal natin?" mahina pero seryosong tanong ni Aleisha . Bigla niya na lang naramdaman ang matinding pagod
Kinabukasan ng tanghali ay inaya ni Aleisha si Michelle na maghapunan sa labas. Naikwento niya sa kaibigan ang mga nangyari sa kanya sa nagdaang araw. Galit na galit si Michelle at namumula na ang mukha nito. Muntik pang butasin ng chopsticks nito ang mga pagkain sa mesa. "Napakasama! Kung hindi l
Naglakad nang magkatabi sina Aleisha at Daniel sa gilid ng kalsada. Sa likuran nila ay may isang middle-aged na babaeng bihis na bihis ang biglang napahinto at tinanggal ang kanyang suot sunglasses. "Daniel?" Napanganga si Lorna na halos hindi makapaniwala sa nakikita. Inisip niya namamalikmata l
Naikuyom ni Raphael ang mga palad. Talaga bang hindi mapili si Aleisha? Ganoong klaseng babae ba siya? Ang Romulo Sandoval na iyon ay kasing edad lang ng tatay niya! Habang lalo siyang nagagalit ay lalong nagiging kalmado ang hitsura niya. Pagak siyang napatawa at mahinahong nagsalita. "Magmaneho k
Sinubukan ni Raphael na makipag-usap nang maayos kay Sophia, ngunit hindi ito nakikinig at pinipilit pa rin ang sarili nito sa kanya. Wala nang nagawa si Raphael kung hindi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod at itinaas ang kanyang mga braso kaya naman ay
"O-Oo..." Wala sa sariling tumango si Raphael habang niluluwagan pa ang kanyang suot na polo. "Kung ganoon ay alisin mo na lang ang coat mo," malumanay na saad naman ni Sophia. Tumayo siya at lumapit kay Raphael saka inilagay ang mga kamay sa kwelyo nito— handa nang hubarin iyon. Ngunit biglang hi
Maagang dumating si Raphael sa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sophia. "Raphael..." Mahinahon ang boses ni Sophia na aakalain mong hindi makabasag pinggan. "Gusto kang imbitahin ng mama ko sa bahay para maghapunan mamaya. Pwede ka bang pumunta?" Natakot si Sophia na baka tumanggi s
Kaunti na lang ang natitirang klase ngayong buwan bilang pagiging intern ni Aleisha. Naisip niya na isaayos ang operasyon ni Don Raul habang naroroon pa siya. Binigyan din ni Doktor Rivera ng sapat na pagpapahalaga si Don Raul at hinayaan si Aleisha na pumili ng petsa kung kailan ito ooperahan. "
Pagkababa ni Aleisha ng kanyang telepono ay hindi niya namalayang may isang taong nakatayo na sa harapan niya— isang pamilyar na suit na pati ang pigura ng tindig nito ay kilalang-kilala niya. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay tama nga siya ng hula— si Raphael na magkasalubong ang kilay ang nak
Isang araw ng sana ay pahinga, ngunit abala pa rin si Aleisha. Tinapos niya kasi ang mga manuscript na tinanggap niya noong isang araw at ngayon ay makikipagkita siya sa editor-in-chief. Dahil gusto niya itong makausap sa persona. Magpapaalam na at magre-resign na rin sa trabaho niyang ito. Sa kad
Ayon sa nais ni Raphael ay balak na niyang umalis sa mansyon at ayaw na niyang manatili sa parehong silid kasama si Aleisha kahit isang segundo pa! Gayunpaman ay gabi na at patuloy pa rin ang ulan sa labas. Isa pa, bukas ng umaga ay kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo. Irita
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Aleisha habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya. Matigas at malamig ang ekspresyon sa mukha ni Raphael at sa malalim na tinig ay nagsalita siya. "Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba at binigyan kita ng card? Wala ka na bang perang magam