Ang malambot na paglapat ng kanilang mga labi sa isa't isa ang nagpabalik sa kanila sa hwisyo. Mabilisang dampi lang iyon pero para na silan napaso ng mainit na tubig. Kaagad namang napalayo si Raphael. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na itong nangyari sa kanya— ang pagnanais na mahalikan s
Makikipaghiwalay? Hindi nga naramdaman ni Raphael na magkasintahan pala silang dalawa ni Sophia. Hindi sila ganoong nagsasama palagi at hindi niya pa ito kilala nang lubusan. Pero dahil pinangakuan niya ito ng kasal ay tumango na lamang siya. "Oo, ganoon nga ang gusto kong mangyari. Maghiwalay na t
Pagkatapos magsalita ni Raphael ay napatingin sa kanya si Don Raul nang makahulugan. "Wala ka na bang alam na ibang magandang sasabihin? Paano mo nasasabi iyan sa sarili mong asawa?" Nabigla naman si Raphael sa sinabing iyon ng kanyang abuelo. Napakurap-kurap pa siya habang nakatingin dito. "Wala n
Mount Kilala... Sa mga oras na ito ay magulo ang lahat ng hospital mapapribado man o publiko sa lugar ng Mount Kilala. Naghahanda ang lahat para pumunta sa mga lugar na nagkaroon ng landslide. Ang medical treatment activity na kinabibilangan ni Aleisha ay ginaganap sa proper town ng Mount Kilala a
Gulat na gulat ang reaksyon ni Michelle. "M-Mr. Arizcon..." Nauubos na ang pasensya ni Raphael sa kahihintay ng sagot mula kay Michelle. "Tinatanong kita, anong nangyari kay Aleisha at nasaan siya?" "Ganito kasi iyon," kaagad na singit ni Vincent dahil nakikita niyang mukhang kakaiba itong lalakin
Napatingin sila sa isa't isa at wala sa kanila ang nagsalita. Mga puso nila na kapwa walang kasing bilis sa pagtibok ay siyang tanging kanilang naririnig. "Nagustuhan mo ba" kagat-labing tanong ni Raphael kay Aleisha. "Gusto mo ba na hinahalikan kita?" Nagulat naman si Aleisha sa tanong na iyon ni
"Ah, eh..." nauutal na sabi ni Michelle. Nagtataka siya sa sunod-sunod na mga tanong ni Raphael. Ayaw niya mang sabihin ang tungkol sa pribadong buhay ng kaibigan pero may kung ano kay Raphael na nagtulak sa kanya para magsalita. Tumango si Michelle bago sumagot. "Nangyari na dati. May naging syota
Nang makarating na sila sa hospital ay kaagad nang binuksan ni Aleisha ang pinto at handa na sanang lumabas nang pigilan siya ni Raphael. "Aleisha..." tawag ni Raphael sa kanya habang halatang kinakabahan ito. "May sasabihin sana ako sa iyo." "Woy, Aleisha!" Naagaw naman ang atensyon ni Aleisha n
Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil
Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka
Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut
Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng
Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp