Nang gabing iyon ay pumunta ng Bad Haven si Raphael— ito ang lugar kung saan sila minsang tumatambay ng mga kaibigan niya na mga bigatin din. Naroon na sina Marco Rumualdez at Apollo Cinco. Kasama rin nila si Rayver John 'RJ' Soriano na hindi nila mahagilap ng ilang buwan. Nakaupo silang nakapalib
Matapos nilang maglaro ay kaagad ding umalis si Raphael. Plano niyang bisitahin ang kanyang lolo ngayong gabi at doon na rin matulog. Dahil gabi na ay napakatahimik ng mga pasilyo lalo na sa mga palapag kung saan naroroon ang mga VIP room. Nasa harapan na siya ng pinto ng hospital room ng kanyang l
Kinabukasan ay sabay na nagtanghalian sina Aleisha at Michelle. Pagkaupong-pagkaupo ni Aleisha ay kaagad siyang napahikab. Napatitig naman sa kanya si Michelle— partikular na sa kanyang mga mata na nangingitim na ang bandang ibaba niyon. "Anong nangyari?" hindi na napigilan ni Michelle ang magtanon
"Oh?" bungad na saad ni Doktor Tuazon kay Aleisha habang nakataas ang isang kilay nito at nakaturo pa sa kanya. "Nandito na ang pinakamagaling sa lahat ng estudyante ni Doktor Rivera." Puno ng sarkastiko at inggit ang tonong iyon ni Doktor Tuazon. "Tama lang ang dating mo, Dok Redobles," panimulan
Nakalayo na ang sasakyan ni Raphael at tanging usok na lang niyon ang naiwan. Napatulala na lang si Aleisha sa bilis ng mga nangyari. Nang mapagtanto niya ang ginawa ni Raphael ay mapakla siyang napatawa. "Ang lalakeng iyon talaga! Ang kitid ng utak!" Napatingin siya bigla sa suot niyang damit. Muk
"Pasensya ka na, Mr. Arizcon kung nadistorbo ka namin. May kaunting problema lang rito at matatapos din ito," paliwanag ni Mr. Diaz saka binalik ang atensyon kay Aleisha at nakitang hindi pa nito iniinom ang wine. "Oh? Ang tagal mo namang mainom iyan?" "Ahm..." mahinang nasambit ni Aleisha at nagin
Nasa ganoong posisyon pa rin sina Raphael at Aleisha pero walang pagdadalawang-isip na inangat ni Raphael ang kanyang mga tingin kay Mr. Diaz— sa nanlalamig nitong mga tingin. Kanina pa kinakabahan si Mr. Diaz pero mas dumoble iyon nang makita ang nakakatusok na mga tingin sa kanya ni Raphael. Pina
Lalo pa at nalalapit na ang paglabas ng Lolo ni Raphael sa hospital kaya oras na para pag-usapan nila ni Aleisha ang tungkol sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Kaya nasisi ni Raphael ang sarili sa ginawang paghalik na iyon. Kung kailan nalalapit nang maghiwalay ang kanilang mga landas ay saka
"Raphael..." "B-Bakit?" mabilis na sagot ni Raphael na may halong pagkataranta pa sa boses niya. Para bang naghihintay lang siya na magsalita si Aleisha. "Pwede na ba natin ipawalang-bisa ang kasal natin?" mahina pero seryosong tanong ni Aleisha . Bigla niya na lang naramdaman ang matinding pagod
Napahimbing ang tulog ni Aleisha kaya naman ay nanaginip siya nang matagal. O mas tamang sabihin na isa iyong panaginip pagkatapos ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa naging bangungot iyon. Parang pinipigilan siyang huminga. "Ah!" Nagising si Aleisha habang napasigaw. Pawis na pawis ang kanyang ul
"Ah!" Biglang napahawak si Aleisha sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. Namumutla na ang kanyang mukha at namumuo na rin ang mga butil-butil ng pawis mula sa kanyang noo at sentido. "Aleisha!" Nagulat at nataranta na si Raphael dahil sa nakikitang kalagayan ni Aleisha. Kaagad niya itong binuhat. "P
Natigilan saglit si Daniel nang mabasa ang pangalan ni Daniel at nanlaki ang kanyang mga mata. Naniningkit ang mga matang nakatingin sa mga sulat. Dahil sa bugso ng damdamin ay binuksan niya pa lalo ang bag at hinalungkat iyon. Nang maisa-isa iyon lahat ay puro pangalan ni Daniel at Aleisha ang nab
Pumasok ang mga gwardiya at kaagad na pinalibutan si Aleisha. Dalawa sa kanila ang lumapit sa kanya at para bang handang makipaglaban. "Huwag ninyo akong hahawakan!" Pinatigil sila ni Aleisha at sinusuportahan ang kanyang brasong duguan habang dahan-dahang tumayo nang nanginginig. "Huwag mong subu
"Bitiwan mo sabi ako!" Sa wakas ay nakawala si Sophia mula sa pagkakahawak ni Aleisha sa kanya. Bigla siyang tumayo na para bang walang nangyaro at dinuro ito nang may pang-uuyam. "Syempre alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang letter of notice na iyon! At dahil alam ko kaya ko iyon pinunit!" "Ano!
"Anong nangyayari?" Dumadagundong na boses ni Arnold ang pumuno sa kabuuan ng kwarto ni Sophia. Nakita niya ang kalat sa loob ng kwarto ni Sophia at kaagad namang umiyak ito. "Papa!" sigaw ni Sophia. "Tingnan mo kung anong ginawa ng magaling mong anak! Tumawag ka ng pulis, papa!" Sa pagkakataon iy
Kulang na lang ay umusok ang tainga ni Michelle dahil sa galit na nararamdaman para kay Sophia. "Sumusobra na ang babaeng iyon, Aleisha!" Sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Aleisha sa nangyari. Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganoon ang kasamaan ni Sophia. Inakala niya talag
Naguguluhan namang napatingin sa isa't isa sina Jacob at Jerome. Hindi sila makapaniwala na umalis nang ganoon na lang si Raphael. Hindi man lang hinintay ang pagdating ni Aleisha para ipanglandakan dito ang ginawa niyang pagligtas sa kapatid nito. Peor bago pa man tuluyang makalayo si Raphael ay n