Kasalukuyang nasa kusina ng hotel si Daniel. "Ito na lahat ng mga ingredients na ni-request ninyo, sir," sabi ng isa sa mga kitchen staff. "May kailangan pa ba kayo, sir, o may maitutulong ba ako?" Kalmado namang nagsalita si Daniel. "Pakitulungan naman akong hiwain lahat ng sangkap at pati na rin
"Magbabayad ako ng limang libo para sa isang mangkok ng lomi," sabi pa ni Raphael— nagmamadali na talaga siya. Nagulantang naman ang staff. Hindi lang sila basta maswerte sa gabing ito pero napansin niya ang pinagkaiba ng dalawang lalake. Arogante ang nasa harapan niya ngayon samantalang iyong isa
Nakatayo lang si Raphael sa gitna ng lobby habang hawak niya ang kanyang telepono. Ilang saglit pa ay tinawagan niya si Aleisha. Natigil naman sa pagsubo ng lomi si Aleisha nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya lang iyon at nagpatuloy sa pagkain ng lomi. "Ayaw mo bang sagutin m
Naiilang na tuloy si Aleisha at hindi alam kung saan ipipirme ang mga mata. Ngumiti naman si Daniel. "Galing sa girlfriend ko iyan." Napaisip naman si Aleisha na hindi pala iyon para sa girlfriend dahil para naman pala iyon kay Daniel. Bagong-bago pa ang kumot at hinanda talaga iyon ng girlfriend
May shooting sa malapit si Sophia at dumaan naman si Raphael para bisitahin siya. Kaya naman nang magkaoras ay niyaya ni Sophia si Raphael sa shop na ito. "Matagal na akong hindi nakapag-shopping kaya hindi ko rin alam kung may mga bago bang trending ngayon," sabi ni Sophia habang nililibot na ng t
Pero mukhang nauna naman si Aleisha kaya walang nagawa si Sophia— talo siya sa pagkakataon na ito. Ayaw niya namang makipagtalo pa rito dahil kasama niya si Raphael. Hindi iyon lingid sa kaalaman ni Raphael. Ngayon niya lang din napagtanto na parehas ang disenyo ng paldang suot nina Aleisha at Soph
Nang gabing iyon ay pumunta ng Bad Haven si Raphael— ito ang lugar kung saan sila minsang tumatambay ng mga kaibigan niya na mga bigatin din. Naroon na sina Marco Rumualdez at Apollo Cinco. Kasama rin nila si Rayver John 'RJ' Soriano na hindi nila mahagilap ng ilang buwan. Nakaupo silang nakapalib
Matapos nilang maglaro ay kaagad ding umalis si Raphael. Plano niyang bisitahin ang kanyang lolo ngayong gabi at doon na rin matulog. Dahil gabi na ay napakatahimik ng mga pasilyo lalo na sa mga palapag kung saan naroroon ang mga VIP room. Nasa harapan na siya ng pinto ng hospital room ng kanyang l
Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil
Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka
Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut
Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng
Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp