Ang malambot na paglapat ng kanilang mga labi sa isa't isa ang nagpabalik sa kanila sa hwisyo. Mabilisang dampi lang iyon pero para na silan napaso ng mainit na tubig.Kaagad namang napalayo si Raphael. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na itong nangyari sa kanya— ang pagnanais na mahalikan si Aleisha.Tumikim siya at naiilang na ngumiti. "H-Huwag ka nang tumanggi pa at matulog ka na roon sa sofa. Alam kong pagod na pagod ka at pagod na ring iyang dinadala mo sa tiyan mo.""Ah... o-oo nga," saad naman ni Aleisha at kaagad na napayuko. Umiiwas na magtama ang kanilang mga mata.Kaya naman ay tumayo na si alisha at kaagad naman siyang inalalayan ni Raphael papunta sa sofa. "Sige at matutulog muna ako."Pero napaisip din si Aleisha kung paano siya matutulog sa ganitong senaryo. Ito ang pangalawang beses na hinalikan siya ni Raphael.Noong unang beses ay lasing si Raphael pero ano naman sa pagkakataong ito? Nasa tamang hwisyo ito kaya anong rason nito para halikan siya? Lihim na napa
Makikipaghiwalay?Hindi nga naramdaman ni Raphael na magkasintahan pala silang dalawa ni Sophia. Hindi sila ganoong nagsasama palagi at hindi niya pa ito kilala nang lubusan. Pero dahil pinangakuan niya ito ng kasal ay tumango na lamang siya. "Oo, ganoon nga ang gusto kong mangyari. Maghiwalay na tayo."Nang marinig iyon ay tila nawalan ng kulay ang mukha ni Sophia. Biglaan naman yata ang lahat ng mga nangyayaring ito! Hindi siya makakapayag na mawala sa kanya si Raphael. "Hindi! Hindi ako makikipaghiwalay! Nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako, kaya tuparin mo iyon!""Huwag kang magmadali sa mga sinasabi mo. Pag-isipan mo munang mabuti dahil hindi biro ang maghintay sa taong hindi ka na paghihintayin," saad ni Raphael sa mababang tono. "Dahil ang totoo ay hindi natin alam kung gaano katagal kang maghihintay sa akin. Kaya mas mabuti pang huwag na lang."Ang paghihintay ng matagal ay parang wala na ring pag-asa. Maghintay sa wala ay mas masakit pa sa kahit anong pisikal na sakit.Tu
Pagkatapos magsalita ni Raphael ay napatingin sa kanya si Don Raul nang makahulugan. "Wala ka na bang alam na ibang magandang sasabihin? Paano mo nasasabi iyan sa sarili mong asawa?"Nabigla naman si Raphael sa sinabing iyon ng kanyang abuelo. Napakurap-kurap pa siya habang nakatingin dito. "Wala naman po akong sinabing masama. Nasaan po ba si Aleisha, lolo? Saan po ba siya pumunta?""Bakit ako ang tinatanong mo sa bagay na iyan?" balik na tanong ni Don Raul habang nakangisi. "Sarili mong asawa, ni hindi man lang nagsabi sa iyo kung saan siya pupunta. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Raphael?""Tanungin ang sarili ko?" nagtatakang tanong ni Raphael sa kanyang lolo. "Paanong hindi ko malalaman, masyado akong abala kanina at hindi ko na nasagot ang tawag niya."Seryosong tingin naman ang ibinigay ni Don Raul sa kanyang apo.Naiilang naman na umiwas ng tingin si Raphael. "B-Bakit ganyan ka naman makatingin, lolo?"Parang gustong manapak ni Don Raul. Hindi niya akalain na may ganito
Mount Kilala...Sa mga oras na ito ay magulo ang lahat ng hospital mapapribado man o publiko sa lugar ng Mount Kilala. Naghahanda ang lahat para pumunta sa mga lugar na nagkaroon ng landslide.Ang medical treatment activity na kinabibilangan ni Aleisha ay ginaganap sa proper town ng Mount Kilala at hindi mismo sa mga kabundukan. Kaya hindi kasali si Aleisha sa mga nahagip ng landslide.Pero kahit ganoon pa man ay isa si Aleisha sa mga naghahanda para pumunta at mag-rescue sa mga napuruhan ng landslide. kKasama niya ang kaibigang si Michelle at hindi niya rin inaasahan na makakasama rin nila si Vincent."Tara na sa sasakyan, Aleisha," sabi ni Michelle."Sige, tara na," sagot naman ni Aleisha habang may bitbit na kahon na may lamang mga medical supplies."Tulungan na kita riyan, bruha," sabi pa ni Michelle at kinuha ang bitbit na karton ni Aleisha. "Sumakay ka na roon at ako na ang maglalagay nito sa sasakyan."Ilang saglit lang ay narating na nila ang bukana ng isa sa mga na-landslide
Gulat na gulat ang reaksyon ni Michelle. "M-Mr. Arizcon..."Nauubos na ang pasensya ni Raphael sa kahihintay ng sagot mula kay Michelle. "Tinatanong kita, anong nangyari kay Aleisha at nasaan siya?""Ganito kasi iyon," kaagad na singit ni Vincent dahil nakikita niyang mukhang kakaiba itong lalaking lumapit sa kanila. Isinalaysay niya ang pangyayari mula noong umpisa hanggang sa huling oras na makita niya si Aleisha. "At hindi na namin siya makontak ngayon."Matapos marinig ang buong istorya ay mababakas na sa mukha ni Raphael ang labis galit habang ang mga mata niya ay parang kutsilyong nakakatusok. Sumatutal ay nakakatakot siyang tingnan ngayon.Kaagad niyang nilingon ang tatlo sina— Joaquin, Jacob, at Jerome. "Sumunod kayo sa akin."Mabilis namang sumunod ang tatlo. Tinahak nila ang daan papunta sa landslide area at gaya nga ng sinabi ni Vincent ay walang nakakita kay Aleisha roon.Hindi na binalak pang magsalita nina Joaquin at naghihintay na lamang ng utos mula kay Raphael. Narar
Napatingin sila sa isa't isa at wala sa kanila ang nagsalita. Mga puso nila na kapwa walang kasing bilis sa pagtibok ay siyang tanging kanilang naririnig."Nagustuhan mo ba" kagat-labing tanong ni Raphael kay Aleisha. "Gusto mo ba na hinahalikan kita?"Nagulat naman si Aleisha sa tanong na iyon ni Raphael at mas lalong napipi. Mas maingay pa yata ang kabog ng kanyang puso. Kailangan ba talagang itanong ang bagay na iyon?Hindi na siya nagsalita dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin. Pero nilapit pa muli ni Raphael ang sarili sa kanya at hinalikan siyang muli.Ngayon ay nagpasakop na si Aleisha sa mga halik ni Raphael. Nalalasahan niya na ang mouthwash na gamit nito— mabango at nakakaakit sa pang-amoy."Sir Raphael..."Kaagad na nabalik sa hwisyo si Aleisha habang napaatras naman si Raphael at umiwas ng tingin. Ilang saglit pa ay nilingon ni Raphael ang nagsalita at sinamaan ito ng tingin. "Bakit? Anong problema?""Ganito kasi iyon, sir," panimula ng lalaking sumama sa
"Ah, eh..." nauutal na sabi ni Michelle. Nagtataka siya sa sunod-sunod na mga tanong ni Raphael. Ayaw niya mang sabihin ang tungkol sa pribadong buhay ng kaibigan pero may kung ano kay Raphael na nagtulak sa kanya para magsalita. Tumango si Michelle bago sumagot. "Nangyari na dati. May naging syota siya na inakala naming makakatuluyan niya talaga."Nang marinig iyon ni Raphael ay para bang pinipiga ang kanyang puso at naisip niya na marahil ito ang ama ng dinadalang bata ni Aleisha. Pero kahit parang sinasaksak ng kutsilyo ang kanyang puso ay ngumiti pa rin siya. "Kilala mo ba? Anong pangalan niya?""Hindi ko alam kung kilala mo siya pero baka narinig mo na ang pangalan niya," sagot naman ni Michelle. "Siya si Daniel Montenegro. Kilala rin sa pagnenegosyo ang pamilya niya. Baka nga kilala mo siya."Daniel Montenegro...Nahigit ni Raphael ang hininga nang maalala ang pangalang iyon. Siya pala ang lalaking iyon?Lihim na naikuyom ni Raphael ang palad at mas lalong nadagdagan ang bigat n
Nang makarating na sila sa hospital ay kaagad nang binuksan ni Aleisha ang pinto at handa na sanang lumabas nang pigilan siya ni Raphael."Aleisha..." tawag ni Raphael sa kanya habang halatang kinakabahan ito. "May sasabihin sana ako sa iyo.""Woy, Aleisha!"Naagaw naman ang atensyon ni Aleisha nang may tumawag sa kanya mula sa harap ng hospital. Kaagad namang nilingon ni Aleisha si Raphael. "Kailangan ko munang pumasok at asikasuhin ang mga biktima. Pagkatapos ng trabaho ko ay saka ako makikinig sa iyo, sa kung ano mang sasabihin mo."Pero bago pa man siya tuluyang bumaba ay nagsalita siyang muli. "May gusto rin akong sabihin sa iyo."Ang kinakabahang mukha ni Raphael ay biglang naliwanagan. "Okay, sige. Mamaya na lang."Kaagad nang bumaba si Aleisha at tinulungan ang kanyang mga kasama sa mga pasyente na galing sa Mount Kilala.Habang nakatingin pa rin si Raphael kay Aleisha na ngayon ay abala na sa pag-aasikaso ng mga pasyente. Napangiti siya habang iniisip kung ano ba ang gustong
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa