Habang nag-uusap pa sila ay tumawag si Joaquin at kaagad naman iyong sinagot ni Raphael. "Sir, gising na po si Aleisha.""Sige," sagot naman ni Raphael habang napapatango-tango pa. "Naiintindihan ko."Pagkatapos maibaba ang telepono at tumingin si Raphael kay Sophia. "Gising na si Aleisha. Pupuntahan ko siya para malaman kung ano nang kalagayan niya."Akmang aalis si Raphael nang pigilan siya ni Sophia."Sandali lang..." Hinawakan niya ang braso ni Raphael at mahinhin na ngumiti. "Sasama ako sa iyo."Ayaw niyang mapag-isa sina Raphael at Aleisha kahit ilang segundo lang! Ngayon pa na nalaman niyang si Aleisha pala ang asawa nito.Kumunot ang noo ni Raphael nang marinig ang sinabing iyon ni Sophia. Hindi niya malaman kung para saan ang pagsama nito."Huwag kang mag-alala," dagdag pa ni Sophia nang makitang mukhang nag-aalinlangan itong pumayag sa gusto niyang mangyari. "Hindi ako makikipag-away sa kanya. Naniniwala akong baka may dinaramdam lang na paghihirap sa buhay niya si Doktora R
Pagkatapos niyang tulungang makatayo si Sophia ay susundan niya nasa ulit si Aleisha pero hindi niya ito mahanap.----Nakaupo si Aleisha sa bench na malapit main entrance ng venue. Kaagad naman niyang kinuha ang kanyang telepono para sana mag-book ng taxi.Pagkatapos ng lahat ng gulong nangyari sa araw na ito ay wala ng rason para manatili pa rito. Ganoon pa man, hindi humihinto ang hangin kapag gustong magpahinga ng puno.Dumating ang mag-inang Amanda at Sophia.Mabilis na nakalapit si Amanda kay Aleisha at sinigawan siya nito. "Hoy, babae ka! Ikaw pala ang putanginang nagpumilit kay Raphael na magpakasal! Wala ka na bang hiya? Alam mo namang kasintahan siya ni Sophia!"Bahagyang nagulat si Aleisha. Alam na rin nila ang tungkol sa bagay na iyon. Masyado naman yatang mabilis."Hay naku, Amanda," malumanay na saad ni Aleisha saka ngumiti. "May karapatan ang lahat na magsabi ng mga salitang walang hiya, pero ikaw, wala. Nakalimutan mo na ba na ikaw ang pinakawalang hiya sa lahat ng wal
"At mayroon pa, sir," dagdag na sabi ni Joaquin. "Sabi ni Jerome sa akin kanina na pumunta si Miss Sophia sa kwarto mo kanina. Saglit na umupo at umalis din kaagad bago pa kayo magkita."Malinaw na ang lahat ngayon para kay Raphael— marahil ay nakita ni Sophia ang damit. Iyon ang dahilan kaya hinila niya si Aleisha kaya nahulog silang dalawa sa pool.Tikom ang bibig ni Raphael, ang mga mata niya ay malamig pa sa nyebe at tahimik lang na naglakad palabas ng pinakasentro ng venue. Nakita niya naman si Sophia na papalapit sa kanya.Kaagad na hinawakan ni Sophia sa braso nito si Raphael. "Saan ka ba pumunta kanina, Raphael?"Bago pa man matapos sa pagsasalit si Sophia ay hinawakan na ni Raphael ang kanyang palapulusuhan. Napansin ni Sophia na hindi maganda ang ekspresyon na makikita sa mukha ni Raphael— para bang ibang tao ang tingin nito sa kanya ngayon. Bukod pa roon ay masakit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Raphael, anong nangyari sa iyo?"Hindi na kalmado ang pakiramdam ni R
Inangat ni Aleisha ang tingin kay Daniel at bahagyang ngumiti saka sinagot ang tanong nito kanina nito. "Kagaya ni Don Miguel ay naging pasyente ko rin si Raphael. Kaya kailangan ko ring magpakita ng pakikisama."Ang sinabing iyon ni Aleisha ay parang naging isang mababaw na rason lamang. Kahit siya ay nagtaka rin sa naging tono ng kanyang pananalita. "Hindi mo ba nabalitaan iyong nangyaring pananaksak kay Mr. Arizcon? Balita ko ay sa harap iyon ng Bad Haven nangyari. Ako ang doktor na nag-opera sa kanya," dagdag pa na sabi ni Aleisha para makumbinsi si Daniel na ganoon nga lang ang mayroon sila ni Raphael.Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ni Daniel dahil nabalitaan niya rin iyon. "Ganoon pala iyon."Pero ang mga lalake ay madaling maunawaan ang kapwa nito lalake.Napahigpit ang pagkakahawak ni Daniel sa manibela at mahinang nagsalita— tila may gustong malaman. "Pero sa tingin ko ay pinapahalagahan ka niyang ganoon na lang. Baka naman may gusto siya sa iyo."Nang marinig iyon ni A
"Anong problema, Alex?" Kaagad na dinaluhan ni Aleisha ang kanyang kapatid na padabog na nilapag ang telepono ni Daniel sa mesa.Pinulot naman ni Daniel ang kanyang telepono at kaagad na tiningnan iyon pagtakatapos ay pinakita iyon kay Aleisha. Ayon sa nakita nito ay nalinis muli ni Alexander ang level sa nilalarong nitong digital game.Wala namang maapuhap na sasabihin si Aleisha sa pagkamangha niya sa kanyang kapatid. Pero ang totoo ay hindi niya makalma ang sariling puso sa labis na kasiyahan para sa kapatid."Maraming autistic na mga tao ang may mga kakaibang talento at talino na wala sa mga normal na tao," saad pa ni Daniel. "At sa aking palagay ay kabilang si Alexander sa mga taong iyon.""Kung ganoon..." Hindi na napigilan ni Aleisha ang mapaluha at kaagad na natakip sa bibig ang kanyang kamay. Hindi niya nabigyan ng pansin iyon. Sa sobrang abala niya sa paghahanap ng pera ay hindi niya na napagtuonan ng atensyon ang kanyang kapatid.Kahit na nga may autism si Alexander ay tinu
Parang nasampal si Raphael sa mukha— nanunuot ang sakit mula sa mga sinabi ni Aleisha. Dahil doon ay mababanaag sa kanyang mga mata ang isang napakalamig na ekspresyon. Naparito siya para humingi ng tawad. Naghintay siya nang halos isang oras pero ganito ang isasalubong nito sa kanya?"Huwag ka nang mag-abala pa at damit lang naman iyon," sabi pa ni Raphael sa nakakunot nitong noo at isama pa ang boses niyang kasinglamig ng nyebe. "Ibibili ko na lang siya ng bago at mas maganda pa riyan.""Ikaw ang bahala," kibitbalikat na sagot ni Aleisha. "Papasok na ako sa loob." Kaagad siyang tumalikod. Ni hindi man lang nagpaalam nang maayos kay Raphael.Nakatingin lang si Raphael sa likuran ni Aleisha. Iniwan pa nito ang bag na may lamang damit. Nang makita iyon ni Raphael ay parang gusto niya itong itapon sa malayo. Pero kaagad din siyang natigilan at naisip kung ano ba itong ginagawa niya? Kung ayaw ni Aleisha sa damit na iyon, eh di huwag! Bakit ba siya nagagalit?Nagdesisyon siyang umalis na
Kaagad na sinagot ni Raphael ang tawag. "Hello.""Raphael..." mahinhin na sabi ni Sophia sa kabilang linya. "Wala na akong gagawin o shooting ngayong gabi. Sabi ni mama pumunta ka raw sa bahay at doon maghapunan. Anong oras mo ba ako susunduin?"Ang tono ni Sofia ay parang siguradong-sigurado siya na papayag si Raphael. Kung sa ibang pagkakataon lamang ito ay talagang papayag siya.Pero hindi sa mga oras na ito."May aasikasuhin ako ngayong gabi kaya hindi ako makakapunta o masundo ka man lang," saad ni Raphael sa mababang tono.Pero ang totoo ay nag-aalala siya sa kanyang abuelo.Kaagad niyang pinatay ang tawag pagkatapos niyang tumanggi sa imbitasyon ni Sophia.Sa kabilang banda naman ay hindi makapaniwala si Sophia na pinatayan siya ng tawag ni Raphael. Ni minsan ay hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat."Aleisha!" galit nasambit ni Sophia sa mahinang tinig. Para sa kanya ay baka si Aleisha ang dahilan. Ayaw niya mang isipin pero si Aleisha ang asawa ni R
Nang makumpleto ni Raphael ang mga kailangan para makalabas na ang kanyang lolo sa hospital, nang gabing ding iyon ay sabay na silang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon.Nang mai-park na ni Raphael ang kanyang sasakyan ay kaagad na siyang pumasok sa living room ng kanilang bahay. Dahil nanghihina pa si Don Raul ay kaagad na itong nagpahinga sa kwarto nito.Sa kabilang dulo ng living room ay kinakausap naman ni Aleisha ang housekeeper nila na si Manang Nelya. "Ang pinakamahalaga rito ay ang diet sa pagkain at ang pag-inom ng gamot sa tamang oras. Add mo na lang po ako sa FriendyApp para maipadala ko sa iyo ang listahan ng mga dapat at hindi dapat kainin, pati na rin ang mga gamot na dapat inumin ni lolo. Hindi ko iyon saulo kaya pwede mo iyong tingnan sa listahan.""Sige, hija. Mabuti nga kung ganoon na lang," nangiting sagot ni Manang Nelya at tumatango-tango pa siya. Pagkatapos ay tinuro niya ang kusina. "Nagluluto si Rosa ng sopas. Baka kako may bawal siyang nailagay sa pagkain na hind
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa