Sabay kaming bumaba ni Bryan. Napakalawak ng ngiti niya sa labi. Samantalang ako ay nahihiya dahil nakaabang pa pala ang mga ibang estudyante.
Sa malayo ay nakita ko ang aking mga kaibigan. Pawang mga naghihintay rin.
Bigla akong inakbayan ni Bryan. At sumenyas ng okay sign. Naghiyawan ang mga naghihintay ng resulta ng pag-uusap namin.
Kunot-noong napatingin ako sa kanya.
Tagilid siyang ngumiti pabalik."Can we let them think what they want please, ayaw kong mapahiya."
Napabuga ako ng hangin. Eh ano pa ba magagawa ko.
"Sige na, puntahan ko lang mga kaibigan ko." Mabilis akong lumayo sa kanya bago pa siya muling magsalita.
Tinungo ko ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nakahalukipkip si Mahinhin na nakatingin sa akin habang palapit.
"Ano ang ibig sabihin 'non? Sinagot mo ba agad?" ataray niyang tanong.
" Hindi..."
"Hope you like it. Happy Valentines day."Namangha ako sa stall ng street foods na naroon pero mas namangha ako noong lingunin ko ang taong pumigil at humawak sa kamay ko."Paano mo nalaman..." Hindi ko natapos na itanong iyon dahil bigla na lang naglabasan ang mga tao sa gym. Pinagkaguluhan ang malaking sorpresang iyon sa akin."Wow ah, kasuwerte naman ni Diozza. Pinag-aksayahan talaga ng oras at pera." Narinig kong komento ng mga babaeng kalalabas lang. May inggit sa kani-kanilang tingin at pati sa tinig.Muli kong hinarap si Bryan na nakangiti sa akin. Yes it was Bryan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na paborito ko ang street food."Surprise! Do you like it?" Tanong niya.Hindi ako makasagot. Ngumiti ako pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko hindi talaga ako masaya."Hindi mo na sana...""I'm courting you... right?" Bulong niya s
Agad akong pumanhik sa kuwarto ko at 'di pinansin ang nag-uusisa kong ina. Ibinilin ko na lang sa mga katulong ang bulaklak na natanggap galing kay Bryan para ilagay sa vase at ang stuff teady bear ay initsa ko sa maliit na sofa sa kuwarto ko.Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Nakadapa ako ng ilang saglit. Nang hindi na makahinga ay gumulong ako na parang bola. Napatingin ako sa aking kaliwa.Nakaharap kasi ang isang malaking stuff toy na baboy. Ito yung napanalunan ni Adonis minsan na nag-date kami sa isang piyestahan.Parang malungkot na nakatitig din sa akin. Para akong tanga na nakipagtitigan din sa mata ng baboy kahit hindi naman ito gumagalaw. Hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko. Pinitik ko ang ilong nito habang humihikbi."Ano'ng tinitingin-tingin mo? Do I look pity to you na kung makatitig ka parang kawawa ako? Masaya kaya ako. Eh ikaw ba masaya?" Kinagat ko ang pang-ibabang
Awkward ang pakiramdam ko sa school kinabukasan. Adonis keep his distance to me.Ayun lang at nahuhuli ko ang panay na sulyap sa akin.Ako man ay pasulyap sulyap sa kanya.Hindi ko lamang nga maiwasan ang magselos dahil kasama na naman niya si Crystal.Our relationship became more complicated as it was before.No assurance at all. Do I need to wait?Mahal ko siya, mahal niya rin kaya ako? He said I just wait and he will court me, thus this means na mahal na niya ako?Ah! Nakakalito.I will wait or not, wait or not. I was thinking while slowly picking the raisins in my salad and eat.Pero agad kong ibinagsak ang tinidor na hawak ko as I stare at him. Matalim ang titig ko. Siguro patay na siya kung nakakasugat ang titig."Wait-wait ka dlriyan...ako nagwa-wait dito, eh ikaw nandiyan at lumalandi!" Bubulong-bulong kong sabi.
ALONE" Diozza."Napapiksi ako noong mapagtantong si Adonis ang humawak sa braso ko. Ayaw ko siyang tignan, ayaw ko ring makita niya akong umiiyak kaya nagpatuloy ako sa paglalakad para lamang pigilan niya ako ulit at hilain."Ano ba?" galit kong singhal. Ayaw ko pa rin siyang tignan.Buti na lang at walang tao sa corridor dahil nga nag-umpisa na ang klase. Isa pa medyo malayo ito sa unang classroom kaya walang tao."Are you crying?" may pag-aalala sa boses niyang tanong.Obvious ba? Common Adonis, stop this! Muli ko siyang tinalikuran. Para muli lang akong pigilan sa kamay.Sa galit ko, frustrations at heartache hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Malakas iyon dahil nangangapal ang kamay kong ginamit sa pagsampal. Ngunit halos hindi man lamang siya nasaktan sa sampal na iyon. Hin
Umabsent ako ng halos tatlong araw.Kaya naman hindi ako makahabol sa mga pinag-uusapan ng lahat noong pumasok na ako. With me is Eula and Mahinhin.Si Mart? umabsent din. Kung kailan malapit na kaming grumaduate tsaka kami nagkakaganito lahat."Ayos ka lang ba talaga?"tanong sa akin ni Mahinhin. Medyo nag-iba ang aura niya ngayon.Gaya ko at ni Mart, may napapansin din akong pinag-iba si Mahinhin at Eula.Tumango ako bilang sagot kay Mahinhin. Pero sa totoo lang ilang araw ng masama ang pakiramdam ko."Lets clubbing mamaya," masayang anyaya niya sa amin ni Eula. Eula was somewhat distant to us. Kahit pa nga nakikisama sa amin."Wala lang si Mart, kumakawala ka na naman!" puna ko kay Mahinhin. Umasim tuloy ang hilatsa ng mukha niya sa sinabi ko."Hindi kung hindi! Bakit kailangang isali rito ang payatot na iyon!" Inis na saad niya sa akin saka ako tin
Marami akong iniisip sa hapong iyon. Sa tatlong araw lang na nawala ako ay madami na ang pagbabago. At hindi pa doon natatapos ang mga surpresa sa akin. Kasi pagkapasok namin sa room may nakaabang na roon ang tatlong bouquet of red roses and Ferrero chocolate."Oh boy, Bryan asan ka na ba ng mabatukan kita. Sobra na itong ginagawa mo. I am not a fan of this!" I said in my mind as I took the card and read.Hope you have a wonderful day. See you later.Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. See you later talaga! Makakatikim ka ng batok sa akin!"So, inuumpisahan ka nang ligawan?" Tanong ni Eula na nahimigan ko ng bitterness sa boses. Napaharap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay."Wait nga Eul? Ano 'ng problema at ganyan ka ngayon? Supposed to be happy ka para sa akin, why the rude attitude towards me?" Medyo napalakas ang boses ko.Napalingon tuloy ang mga kaklas
I was like hypnotized for a second. Natauhan lang ako noong nakapasok na siya sa kotse at kasalukuyang inaabot ang seatbelt ko.Halos hindi ako huminga dahil halos magkadaiti na ang katawan namin.At ang hudyo, lalo yatang binagalan ang paglalagay, gusto rin yata akong mamatay dahil alam kong ramdam niya ang 'di ko paghinga.Lumingon siya sa akin nang nakangisi. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin dahil hindi pa naman siya umaalis."Breath Diozza," usal niya, ramdam ko ang hininga niya sa may pisngi ko.Natikom ko ang aking bibig at hindi pa rin humihinga. He chuckle when he finally sit and put his own seatbelt.Napabuga ako ng hangin. Alam kong narinig niya iyon kaya napatawa siya at napatingin sa akin. Those eyes has a thousand words, a thousand feelings. Napakagaan ng ngiti niya sa akin. Kaya kumalma ang sistema ko, ang puso ko na lamang ang hindi pa.Umalis kami sa school, hindi ako na
Maingat akong inilapag ni Adonis. Napagod ako sa kakapiglas at kakatili."Anong ginagawa mo Adonis?" namamaos kong tanong. My eyes are wet with tears na kanina pa rumaragasa.Wala na akong lakas para labanan siya. I just stand there, kung saan niya ako nilapag mula sa pagkakabuhat. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nakiramdam ako, pero nanatili rin siyang tahimik.Napapitlag ako noong may tumapik sa balikat ko. I know Adonis is still in front of me, kaya nagtaka ako dahil pakiramdam ko may kasama kami roon, hindi lang iisa ang naroon, marami sila. I still have the blind fold. Basa na rin ng luha."Baby?" Isang malamyos na tinig ang narinig ko. Nagmumula iyon sa isang matandang tinig. I burst into tears as I gradually taking out the blind fold from my eyes. In realization kung sino ang tumawag sa akin. Humarap ako kung saan banda iyon."Papa!" I was trembling into surprise and happ
It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon.Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, a
"I'm sorry, baby."Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita."Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso."I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was a
Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal.Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim an
On the job training is coming. From March to May ang training namin then ga-graduate na kami. Business Administration ang kurso namin dahil wala lang, trip lang naming mangbabarkada!Charotera! balak talaga naming magtayo ng restaurant na magca-cater ng healthy eating, healthy living. You know naman, sa side namin ni Mart na payatot at ako na Diozzang sexy fat mama!Sa loob ng restuarant ay may part naman na beauty products, peg naman iyon ni Mahinhin at sa taas naman ay Gym na peg ni Eula, kaya alam n'yo na kung bakit siya sexy!Sana lang talaga makagraduate kami, kasi naman panay absent ang inatupag namin sa nakaraang buwan.Katatapos lamang naming magfill-up ng mga forms for applying. Iniwan ako ng barkada dahil may mga lakad. As usual magkasama na naman si Mahinhin at Mart. Si Eula, kasama ni Bryan na mukhang may something din sa buhay.Inamin sa akin ni Bryan na ginamit niya lang ako
"Don't scare her!"Dumagundong ang boses ni Adonis habang pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May butil-butil na pawis ang namuo sa noo ko. Nararamdaman ko rin na namamawis ang aking kamay, kili-kili maging ang singit ko dahil sa tensiyon na namumuo sa aming apat.Tumahimik kasi bigla. Nakakabingi, na tanging ang malakas lang na kabog ng puso ko ang naririnig. Hindi ko na kaya, para akong matatae sa kaba. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito."A-"gusto kong magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas doon. Muli, naiiyak ako dahil kinakabahan. Suminghot pa ako para pigilan.Bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. Silang tatlo na ikinagulat ko at ikinakunot noo.Napalabi ako nang mapagtantong pinagti-tripan nila ako. Like! si Diozza ay kanilang biktima sa kadramahan!Padarag kong hinila ang kamay kong hawak ni Adonis habang namumula ako
Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.Naimagine ko tuloy, baka s
Naghintay ako sa sala. Hindi ako mapakali na parang may uod sa puwet, tatayo ako pagtapos ay muling uupo. Pabalik-balik din ang mata ko sa cellphone kasi baka magtext siya.Nang tumunog muli ang doorbell. Alumpihit akong buksan ang pinto dahil baka iba na naman ang bumungad sa akin. Kaya naman sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. Napakunot noo ako nang mapagmasdan ang isang makisig, matangkad at higit sa lahat guwapong nilalang na nakatayo sa harap ng pinto. Mukha nga lamang istrikto dahil salubong ang kilay nito habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell ng bahay.Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita niya ang magandang dilag na nagngangalang Diozza."Hi, sinong hanap nila?" Nakangiti kong bati at tanong. Napatingin ako sa likod ko nang hindi niya ako pansinin bagkus ang tingin ay lumagpas sa akin na para bang may hinahanap.
Nagising ako sa isang magandang umaga. Nag-inat ako habang nakapikit pa rin ang mga mata. Nang magmulat ako napangiti ako sa kwartong bumungad sa akin. Sky blue ang kulay ng dingding. Walang masyadong kagamit-gamit kundi isang side table nakapatong doon ang lampshade. Isang pandalawahang sofa. May mounted na TV sa dingding. At may masarap na Adonis sa tabi ko.Napahagikgik ako at pinagmasdan siyang natutulog sa tabi ko.Hmmm..huwag green minded, walang nangyari sa amin. Kahit balak niya akong rape-in, hindi ako pumayag. Kailangan magpakipot muna ng lola ninyo para hindi naman masyadong maibaba ang bandera ng pagkababae nating mga babae at binabae!Nagtitigan lang kami kagabi hanggang makatulugan ang isa't isa.Ooppss naniwala ba kayo? Muli akong napahagikgik nang maalala ang mga kaganapang kasabik-sabik kagabi.Paano ba naman kasi, napagod yata ako sa kakatawa sa pangingiliti niya sa akin.
Nasa isang lomihan at gotohan kami na bukas ng 24 oras. Lomihan iyon ni Aling Susan at suki kami roon. Malapit ito sa paradahan ng mga bus na papunta sa ibat ibang lugar.Kasama ko sina Adonis, Eula at siyempre ang maarteng si Bryan. Suwerte niya talaga at hindi ako naging girlfriend niya. Kung hindi araw araw kong makikita ang tila nandidiring mukha niya, dahil araw araw kong dadalhin sa isawan o lomihan.Wala siyang choice kundi sumama sa amin dahil ayaw pang umuwi ni Eula. Sina Mahinhin ay tuluyan na talaga kaming iniwanan.Napilit din namin kumain si Bryan ng Lomi ni aling Susan. Nasa dulo kaming parte ng maliit na pwestong iyon. May iilang upuan at mesa. Sa mga mesa ay may patis at toyo na nakalagay na. May mangilan ngilan ding taong nagkakainan.Pinasadahan ko ng tingin si Bryan at Eula na magkatabi. Napangisi ako dahil kita mo nga naman, mukhang may something sa kanila talaga.Sa totoo lang natutuwa ako. Parang nagbabago kasi itong si