I was smiling widely when I entered the building. Sumakay ako sa elevator upang magtungo sa president's office. Primo is the president of this company. The Galvez Group of Companies is owned by Leonardo Galvez, Klirk's father. Klirk is the sole heir of GGC, but according to Primo, Klirk hates handling their business. Hindi man halata pero Abogago ito, I mean abodadong siraulo. Basta abogado ito, hindi lang halata dahil mukha itong barumbado kung minsan. Kung hindi mo kasi kilala-kilala ang lalaking iyon, hindi mo talaga iisipin na abogado ito dahil puro pambabae at kalokohan ang alam nito. Madalang magseryoso si Klirk, madalas mapag-asar ito habang may ngising aso nakapaskil lagi sa labi nito kapag nakikita ko na talaga namang kinaasar ko.
Malalaki ang mga ngiting lumabas ako ng elevator. May dala akong dalawang paper bag na may tatak ng isang sikat na restaurant. Mga paboritong pagkain ni Primo ang dala ko. Kaya siguradong magugustuhan niya ito.
Wala na akong oras magluto dahil sumaglit lang ako buhat sa trabaho ko, kaya nagtake out na lang ako. Isa pa hindi rin naman ako kagalingan pagdating sa kusina, kaya kahit kailan hindi ko pa talaga siya naipagluto ng pagkain. Ayaw ko namang ma turn off siya sa akin kapag nalasahan niya ang patsambang luto ko.
"Excuse me, ma'am. Bawal po kayong pumasok," pigil sa akin ng isang babae nang bubuksan ko na sana ang pinto na may nakapaskil na President's office.
Humarang ito sa pinto, habang nakadipa ang mga kamay.
"I am just here to bring him food."
Ipinakita ko pa dito ang dala ko, habang hindi pa rin nawawala ng ngiti sa mga labi ko. Maganda ang araw ko kaya ayokong masira ito.
"Ma'am, pasensya na po, pero may appointment po ba kayo? Mr. President is busy, he can't entertain someone right now," magalang na saad nito.
Tiningnan ko ito. Hindi ito ang dating secretary ni Primo. May edad na ang dating secretary ni Primo samantalang ito ay bata pa, siguro mga early twenties. Maliit ito, pero kitang-kita ang hubog ng katawan sa suot office attire. She doesn't have the face of a beauty queen, pero masyadong maamo at inosente ang mukha nito.
Naiintindihan ko naman kung bakit ako pinipigilan nito. Hindi ako nito kilala at ginagawa lang nito ang trabaho.
"Are you new? What's your name?"
"Yes, ma'am. I am Mayumi Alvarez, the temporary secretary of Mr. Gomez while Mrs. Jimenez is on leave. I am sorry, but you can't enter, Mr. President is not accepting any visitors right now."
Madalang akong magtungo dito sa opisina ni Primo, kaya hindi ko alam. Siguro more than a month ago pa ng huling punta ko dito kaya hindi ko alam na may bago itong secretary dahil on leave si Lora, his old secretary. Hindi ko naman ugaling puntahan si Primo dahil alam kung busy siya at ayaw kong makaabala. Hindi ako clingy, I trust him, and that's enough.
I smiled. "Don't worry. I am not a visitor, I am his fiancée," pagpapakilala ko bago tuluyang binuksan ang pinto.
Wala na itong nagawa nang makapasok na ako.
Malaki ang ngiti ko nang pumasok ako sa opisina ni Primo. Inilibot ko ang tingin ko sa buong opisina. Nakita ko si Primo na nakaupo sa swivel chair, habang abala ito sa mga papel na nasa lamesa nito. Tila tambak ang gawain nito dahil hindi manlang ito nag-abalang tingnan kung sino ang dumating. Nanatiling nakatutok ang tingin nito sa mga binabasang papel.
"Make me a coffee," utos ni hindi tumitingin sa akin.
Akala siguro niya ay ang sekretaya niya ang pumasok.
"With or without cream?" nakangiting sakay ko sa sinabi niya. Saka pa lang ito nagtaas ng tingin upang tingnan ako. "Hi, I brought you lunch."
Itinaas ko ang hawak ko upang ipakita sa kanya.
"Hindi kana sana nag-abala pa," balewalang sagot nito.
Muli nitong ibinaling ang tingin sa mga papel na hawak. Napalabi ako, pero muli akong ngumiti.
"It's almost one. Alam kong busy ka pero hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom," saad ko at inilabas ang mga pagkaing dala ko. "Aanhin mo ang maraming pera kung magkakasakit ka naman. Kaya kumain ka muna, kahit saglit lang. Huwag puro kape lang ang iniinom mo."
Masyado siyang workaholic at minsan talagang nakakaligtaan na niyang kumain dahil sa sobrang busy. Palagi ko na siyang pinapaalalahanan na kumain sa tamang oras, pero hindi naman siya nakikinig sa akin.
"Ewan mo na lang diyan. Kakainin ko na lang mamaya," sagot nito na sa papel pa rin ang tingin.
"Hindi ba pwedeng kumain ka muna? Tita said lagi ka na lang daw nagpapalipas ng gutom sa sobrang busy mo. Kaya nga pumarito ako ngayon para dalhan ka ng pagkain."
Pati ang ina nito ay nagrereklamo na sa akin sa pagiging workaholic ng anak niya.
"You are too noisy. Just leave. I can't entertain you now, I am too busy."
Mapait akong napatawa sa sinabi niya. Tila nainis pa ito gayong concern lang naman ako.
"Wow, sorry, ha. Nagkaka-istorbo pala ako, pero nag-aalala lang naman ako."
Hindi ko na mapigilang maging sarcastic. Siya na nga ang inaalala siya pa ang galit.
"I never ask you to worry about me, and you should call me first before you go here," medyo tumataas na ang boses nito, halata na rin ang iritasyon sa mukha nito.
Galit na ba ito? Bakit tila kasalanan ko pa?
"What is wrong with you? Ikaw na nga ang inaalala at pinagdalhan ng tanghalian pero galit ka pa. Saka ano naman kung pumnta ako ng walang pasabi sayo rito? May masama ba? May tinatago ka ba na bawal kong Makita?" naasar na tanong ko pero blangkong tumingin lang ito sa akin na lalong nagpa-init ng ulo ko.
"Hindi ko sinabing mag-abala ka. Busy ako. I don't have time about your tantrums. Just go," pagtataboy nito sa'kin na tuluyan na ring ikina-init ng ulo ko.
Padabog na muli kong tinakpan ang mga pagkaing dala ko bago isinilid sa paper bag.
"Busy ka 'di ba? Kaya iuuwi ko na lang ito. Sayang naman kung hindi mo rin kakainin," saad ko at padabog na naglakad patungo sa pinto.
Ayaw naman niyang kumain, kaya dadalhin ko na lang ulit ang dala kong pagkain. Baka masayang lang kapag iniwan ko. Sayang na nga ang effort ko, sasayangin n'ya pa ang dala kong pagkain. Kung ayaw niyanv kumain 'di h'wag. Matanda na siya.
Nakita ko pa ang sekretarya niya sa labas na tila nag-aaabang sa paglabas ko. Bahagya pa iting napatalon ng malakas kong binagsak ang pinto.
"Sabihin mo sa boss mo, mamatay sana siya sa gutom," naasar na saad ko dito bago nagtungo sa elevator.
Busy rin naman ako, pero tumawag ang mama niya at nagsusumbong sa akin na lagi na lang daw subsob sa trabaho ang anak niya. Nakiusap ito sa akin Kaya ako naman bilang mabait na fiancée pinuntahan siya at pinagdalhan pa ng pagkain dahil alam kong kapag busy siya minsan nakakalimutan na niyang kumain, pero tila ako pa ang napasama. Sana hindi na lang ako nag-alala. Sana hindi na lang ako nag-abala.
Biglang bumukas ang elevator at may pumasok na isa pang asungot.
"What's with the long face?" may ngiti sa mga labing tanong nito.
Tumingin ako sa kanya. Malalaki ang mga ngiti niya na lalong nagpa-asar sa akin. He looks formal dahil sa suit na suot niya, pero dahil sa ngisi nawala ang formality na meron siya.
"Nothing."
"Nag-away kayo? Lq?" pangungulit nito.
"Tsismoso ka rin 'no?" mataray na sagot ko.
Tumawa ito. "Ikaw, pikon pa rin."
"Tantanan mo ako, Klirk. Kung ayaw mong sa iyo ko ibunton ang asar ko."
"Lagi naman talagang ako ang sumasalo ng asar mo sa kanya."
Bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero iba ang dating ng tono niya sa akin. Parang nasasaktan ito, ipinilig ko ang ulo ko. Imposible.
"Cleopatra," sambit nito sa pangalan ko ng hindi ako nagsalita.
"Hmm?" Tumingin akong muli sa kanya.
"What if I fell in love with you again?"
Napalunok ako sa tanong niya.
Seryoso ang mga matang nakatingin siya sa akin. Nawala ang nakakaloko niyang mga ngiti.
Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Gusto n'ya ba pa rin ba ako? Minsan na kasi niyang inamin na nagkagusto siya sa akin, pero matagal na iyon at naka-move on na siya. Hindi na nga namin iyon napag-uusapan. Pareho na namin iyong binaon sa limot. Bakit nabanggit na naman niya? Siya pa naman nagyayabang sa akin matagal na siyang naka-moved on. Maganda pa naman ako, kaya may posibilidad na mahulog na naman siya sa akin. Mahilig pa naman siya sa maganda. Sabi ko na nga, makamandag ang alindog ko. Pero kahit gusto niya ako, fiancé ko ang best friend niya. Saka kahit single pa rin ako hindi ko siya gusto. Masyado siyang siraulo, kaya ekis siya sa akin. O baka naman niloloko lang niya ako, may pagkabaliw pa naman ito madalas.
Buti na lang biglang bumukas ang elevator. Nasa ground floor na kami, kaya mabilis akong lumabas upang makatakas sa tanong niya.
Mabilis akong naglakad palayo, pero napatigil ako at muling lumingon sa kanya. Malaki ang mga ngiti nitong nakatingin sa akin. Bumalik ako at lumapit sa kanya.
"Eat this," saad ko at isiniksik sa dibdib niya ang mga hawak kong paper bag. Wala naman itong nagawa kundi tanggapin iyon habang nagatatakang nakatingin sa akin. "Kumain ka. H'wag kang magpapalipas ng gutom para hindi ka mabaliw," wika ko bago muling tumalikod. Narinig ko pa ang malakas na halakhak nito tila walang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga empleyado.
Napasimagot ako. Sabi ko na nga ba pinagti-tripan niya ako. Bwesit siya.
Matapos kong manggaling sa Galvez Company ay dumiretso ako sa opisina ko. I own a small company named ‘The Weddings’. Actually, this is a partnership. I am a wedding planner, while my partner Charlie is a wedding designer. Business ang major ko, pero mas pinili kong maging isang wedding planner. Planning a wedding and meeting the client's demands are not easy, but it is a very challenging job. Lalo na kapag pabago-bago ang gusto ng ikakasal. And soon I am hoping that I will plan for my own wedding. My dream wedding. Pangarap kong ako mismo ang magpaplano ng bawat detalye ng magiging kasal ko. Ng magiging kasal namin ni Primo. “What happened? Bakit nakasimangot ang beauty mo?” maarteng tanong ni Charlie nang makita niya ako bago pa ako makapasok sa opisina ko. Lumingon ako sa kanya. May hawak itong folder habang nakasandal sa pader. Charlie is gay, but he still dresses like a man. Siguro kung hindi ito magsasalita hindi mahahalata na malambot ito. Minsan nga binibiro ko, itong magpak
Tinanggap ko ang bulaklak na inabot niya. Tila biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtataboy sa akin kanina. I tried to erase the smile on my face bago seryosong tumingin sa kanya. “You are sorry for?” nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi naman porke’t binigyan niya ako ng bulaklak ay okay na kami. Pinagtabuyan niya ako kanina, sumama talaga ang loob ko kaya hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya. Hindi ako marupok gaya ng inaasahan niya. Hindi niya ako madadala sa pabulaklak niya. “About what happened earlier, I should not have treated you that way,” mahinahong saad nito. Tila nag-aalangan pa ito habang nakatingin sa akin. Kung kaninang tanghali ay halos sigawan na ako nito ngayon naman ay napahinahon nito. “Dapat lang. Ako na nag-effort ako tapos galit mo pa akong papaalisin. Huwag kang mag-aalala hinding-hindi na kita aabalahin ulit,” nagtatampong saad ko bago tumalikod sa kanya, sumunod naman siya sa akin papasok. Hindi ako pa
In the coffee shop, I was sitting alone. Many individuals were walking in a hurry, as I could see. Some people are even attempting to cross the street while the light is still green. I can also observe the dirty air coming from several vehicles. That was a city scene, and everyone was bustling. I sip my coffee while listening to the pleasant music emanating from the cafe where I am. I'm trying to relax because I'm unhappy with my customer, who wants to alter the venue of her wedding reception at the last minute and has a long list of demands that I need to meet.Kaya kailangan kong humanap ng panibagong lugar na aangkop sa tema ng kasal na gusto nito. Noong una beach wedding ang gusto nito pero ngayon garden wedding na lang daw. Minsan may mga kliyente talaga na pabago-bago ang isip at maraming demands. Hindi ko naman sila masisi, it's their big day and everyone wants it to be perfect. Kaya dumaan muna ako sa isang coffee shop para uminom ng kape at magpalamig ng ulo. I need more ca
“Primo.” Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot. “It’s not what you think. I just asked her help me and to pretend as my girlfriend,” mabilis na paliwanag ni Klirk. Pero lalong dumilim ang anyo ni Primo dahil sa sinabi ni Klirk. Tumigas ang mga panga nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan. Marahas akong hinila ni Primo palapit sa kanya. “Next time, huwag mong idamay si Cleo sa mga kalokohan mo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pasimple koi tong tinanggal ngunit sinamaan ako nito ng tingin at lalong humigpit ang hawak sa pulso ko kaya nanahimik na lang ako kahit masakit na ang pagkakahawak niya. “Kalokohan?” sarcastic na tumawa si Klirk bago naghahamong tumingin kay Primo. “Ako ba talaga ang may ginagawang kalokohan?” Ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin sila sa isa’t isa na tila ba may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. “Gu
“Hello, may I know who is this?” tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Primo is a very private person. Hindi siya iyong tipo ng tao na hinahayaang may makahawak ng selpon niya. Kahit ako nga hindi ko pa nahahawakan ang selpon niya dahil ayaw niyang may ibang nakikialam nito. Kaya nakapagtataka na iba ang sumagot sa tawag ko ang Malala pa, babae ang sumagot nito. Is he cheating on me? May ibang babae ba siya? Sa isipang iyon ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang libong beses. Hindi ko yata kakayanin kapag totoo ang mga baga na tumatakbo sa isip ko ngayon. “I am his-” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil naputol na ang linya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa selpon na hawak ko. Hindi ko alam pero may kabang namumuo sa dibdib ko. But I know Primo, hindi niya magagawa ang lokohin ako. Tama, I just need to trust him. Tiwala lang, iyon naman ang mahalaga. “Anong sabi?” puno ng kuyusidad na tanong ni Charlie habang matamang nakatingin sa akin. Nanlalambot na ini
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila gustong kumawala ng puso ko sa dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi ko inaasan ang mga bibitawan niyang salita pero nagdulot iyon sa puso ko ng sobrang tuwa. Kung hindi nga ako magmumukhang tanga gusto kung tumalon sa tuwa. Exaggerated na kung exaggerated pero masaya ako. Kung kanina puro lang inis ang nararamdaman ko ngayon naman ay tila nagdiriwang na ako. Muntik ko nang tapusin ang engagement namin dahil akala ko napipilitan lang siya. Iyon pala nagseselos lang siya. Sana sinabi niya agad, hinayaan pa niya akong magalit at magsalita ng kung ano-ano. Kulang na lang mapilas ang mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko. Bigla namang namula ang buong mukha nito, maging ang tenga neto ay namumula rin. Mabilis siyang tumalikod sa akin upang itago ang mukha niya. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na pinapapaharap muli sa akin pero nagmamatigas siya. Kahit anong pilit ko ayaw niya talagang humarap kaya hinayaan ko na lang. Masaya na a
It’s Sunday. Nakagawian ko nang umuwi sa bahay kung nasaan ang mga magulang ko upang dalawin sila. Kapag hindi ko kasi sila binisita hindi ako titigilan ni mama. Kaya inilalaan ko talaga ang Linggo bilang family day namin. Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umibis sa aking sasakyan. Nakita ko na rin ang kotse nina ate Claire na nakaparada sa garahe. “Hello, everyone!” masayang bati ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Sabay na lumingon sa akin sina mama at ate Claire na buhat-buhat ang kanyang magdadalawang taong gulang na anak. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi ni mama bago ako bumaling sa anak ni ate. “Hello, baby girl.” Hinawakan ko ang kamay nito at nilaro-laro.Humagikhik naman ito bago ibinukas ang mga kamay upang yakapin ako. “Tata,” anito. Kinuha ko kay ate ang anak niya at ako ang kumarga rito. Saka ako naupo sa sofa katapat ni mama. “Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal ni Primo nang magka-anak ka na rin,” komento ni mama habang pinapanood a
Pagkagaling sa bahay ng mga magulang ko ay dumaan muna ako sa grocery. Kailangan ko nang mamili dahil wala na akong stocks. Once a week lang ako kung mamili pero kapag sobrang busy ko kahit pamimili ng grocery ay hindi ko na nagagawa. Madalang lang naman ako magluto dahil nga hindi ako eksperto pagdating sa kusina kaya matagal maubos ang stocks ko. Kalimutan mga ready to eat or can goods lang ang pinamimili ko. Kaya kapag dumadalaw si mama sa condo ko pinapagalitan niya ako dahil hindi daw masusustansya ang kinakain ko.Kumuha ako ng push cart at nagsimula nang mamili ng mga bagay na kailangan ko. Una akong pumunta sa toiletries. Matapos kong makuha ang mga kailangan ko ay sa condements section naman ako pupunta.Liliko na sana ako nang muntik na akong may mabungo. Buti na lang nakahinto agad ako."I am sorry," paumanhin ko.Sandali pa itong natigilan ng makilala ako. Kaya naman nginitian ko siya."Okay lang," sagot nito at ngumiti."Dito ka rin namimili?" nakangiting tanong ko.I am
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b