“Primo.” Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot. “It’s not what you think. I just asked her help me and to pretend as my girlfriend,” mabilis na paliwanag ni Klirk. Pero lalong dumilim ang anyo ni Primo dahil sa sinabi ni Klirk. Tumigas ang mga panga nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan. Marahas akong hinila ni Primo palapit sa kanya. “Next time, huwag mong idamay si Cleo sa mga kalokohan mo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pasimple koi tong tinanggal ngunit sinamaan ako nito ng tingin at lalong humigpit ang hawak sa pulso ko kaya nanahimik na lang ako kahit masakit na ang pagkakahawak niya. “Kalokohan?” sarcastic na tumawa si Klirk bago naghahamong tumingin kay Primo. “Ako ba talaga ang may ginagawang kalokohan?” Ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin sila sa isa’t isa na tila ba may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. “Gu
“Hello, may I know who is this?” tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Primo is a very private person. Hindi siya iyong tipo ng tao na hinahayaang may makahawak ng selpon niya. Kahit ako nga hindi ko pa nahahawakan ang selpon niya dahil ayaw niyang may ibang nakikialam nito. Kaya nakapagtataka na iba ang sumagot sa tawag ko ang Malala pa, babae ang sumagot nito. Is he cheating on me? May ibang babae ba siya? Sa isipang iyon ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang libong beses. Hindi ko yata kakayanin kapag totoo ang mga baga na tumatakbo sa isip ko ngayon. “I am his-” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil naputol na ang linya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa selpon na hawak ko. Hindi ko alam pero may kabang namumuo sa dibdib ko. But I know Primo, hindi niya magagawa ang lokohin ako. Tama, I just need to trust him. Tiwala lang, iyon naman ang mahalaga. “Anong sabi?” puno ng kuyusidad na tanong ni Charlie habang matamang nakatingin sa akin. Nanlalambot na ini
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila gustong kumawala ng puso ko sa dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi ko inaasan ang mga bibitawan niyang salita pero nagdulot iyon sa puso ko ng sobrang tuwa. Kung hindi nga ako magmumukhang tanga gusto kung tumalon sa tuwa. Exaggerated na kung exaggerated pero masaya ako. Kung kanina puro lang inis ang nararamdaman ko ngayon naman ay tila nagdiriwang na ako. Muntik ko nang tapusin ang engagement namin dahil akala ko napipilitan lang siya. Iyon pala nagseselos lang siya. Sana sinabi niya agad, hinayaan pa niya akong magalit at magsalita ng kung ano-ano. Kulang na lang mapilas ang mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko. Bigla namang namula ang buong mukha nito, maging ang tenga neto ay namumula rin. Mabilis siyang tumalikod sa akin upang itago ang mukha niya. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na pinapapaharap muli sa akin pero nagmamatigas siya. Kahit anong pilit ko ayaw niya talagang humarap kaya hinayaan ko na lang. Masaya na a
It’s Sunday. Nakagawian ko nang umuwi sa bahay kung nasaan ang mga magulang ko upang dalawin sila. Kapag hindi ko kasi sila binisita hindi ako titigilan ni mama. Kaya inilalaan ko talaga ang Linggo bilang family day namin. Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umibis sa aking sasakyan. Nakita ko na rin ang kotse nina ate Claire na nakaparada sa garahe. “Hello, everyone!” masayang bati ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Sabay na lumingon sa akin sina mama at ate Claire na buhat-buhat ang kanyang magdadalawang taong gulang na anak. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi ni mama bago ako bumaling sa anak ni ate. “Hello, baby girl.” Hinawakan ko ang kamay nito at nilaro-laro.Humagikhik naman ito bago ibinukas ang mga kamay upang yakapin ako. “Tata,” anito. Kinuha ko kay ate ang anak niya at ako ang kumarga rito. Saka ako naupo sa sofa katapat ni mama. “Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal ni Primo nang magka-anak ka na rin,” komento ni mama habang pinapanood a
Pagkagaling sa bahay ng mga magulang ko ay dumaan muna ako sa grocery. Kailangan ko nang mamili dahil wala na akong stocks. Once a week lang ako kung mamili pero kapag sobrang busy ko kahit pamimili ng grocery ay hindi ko na nagagawa. Madalang lang naman ako magluto dahil nga hindi ako eksperto pagdating sa kusina kaya matagal maubos ang stocks ko. Kalimutan mga ready to eat or can goods lang ang pinamimili ko. Kaya kapag dumadalaw si mama sa condo ko pinapagalitan niya ako dahil hindi daw masusustansya ang kinakain ko.Kumuha ako ng push cart at nagsimula nang mamili ng mga bagay na kailangan ko. Una akong pumunta sa toiletries. Matapos kong makuha ang mga kailangan ko ay sa condements section naman ako pupunta.Liliko na sana ako nang muntik na akong may mabungo. Buti na lang nakahinto agad ako."I am sorry," paumanhin ko.Sandali pa itong natigilan ng makilala ako. Kaya naman nginitian ko siya."Okay lang," sagot nito at ngumiti."Dito ka rin namimili?" nakangiting tanong ko.I am
Naging maaayos ang mga nakalipas na araw. Walang masyadong stress. Maliban sa abala ako sa trabaho ay wala namang ganap sa buhay ko. Busy rin kasi si Primo, kaya hindi kami nagkikita. Kaya iginugugol ko na lang ang lahat ng oras ko sa trabaho.Abala ako sa pagre-review ng mga detalye tungkol sa kasal ng kliyente ko. Masyado pa naman itong pihikan, kaya dino-double check ko talagang mabuti ang lahat. Nakahanap na rin ako ng venue para sa gusto nitong garden wedding.Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang kasal. I was checking the venue habang kausap naman ni Charlie ang magiging bride. This is like an eternal place, perfect for a garden wedding. Napapalibutan ang paligid ng mga luntian. Napaka-refreshing ng lugar.I was busy talking to the staffs who will do the decoration when Charlie suddenly came. He looks very anxious, he's face shows how worried he is."May problema," bungad agad ni Charlie. "'Yong bride, umiiyak."Mabilis din itong tumaliko kaya napasunod ako sa kan
"Naloka ako sa nangyari. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na manloloko ang fiance ni Ms. Martinez, sayang ang hot pa naman niya," bungad ni Charlie nang makapasok siya sa opisina ko. Kahit ako, hindi ko rin inaasahan ang nangyari pero minsan ganoon talaga. Kaya we should not expect too much para hindi tayo ma-disappoint. We should not trust so much, para hindi tayo masaktan. Because too much is bad. Ilang oras na ang nakakalipas mula ng ikansel ni Ms. Martinez ang kasal dahil nga tumakbo na ang groom-to-be sana nito kasama ang ibang babae. Naiwan naman sa venue si Charlie kanina upang magpaligpit nang lugar na sana ay pagdadausan sana ng kasal. I also called everyine I need to talk about the cancellation of yhe wedding. Nauna na lang akong bumalik sa opisina dahil may iba pa akong project na dapat ayusin. I am still busy at hindi porke't may kasal na hindi natuloy ay makakahinga na ako sa trabaho. Ito ang unang beses na may nagkansela ng kasal na plinano namin pero hindi kami dapa
He smiled with us. Bahagya pa nitong itinaas ang basong hawak sa amin. I forcely smiled back at him. Nanlulumong napaupong muli si Charlie sa stool. Nawala ang excitement sa mukha nito. Samantalang ako parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon. "He is a perfect ten pero hindi siya para sa akin. Akala ko magkaka-love life na ako," pagmamaktol nito. "Ang galing mong umi-spot. Kaso baka hindi langit abutin ko kundi ospital kapag siya ang nilandi ko." Natatawa ako sa reaksyon niya. Mukha kasi itong negosyanteng nalugi sa malaking investment scam. Hindi ko naman alam na si Klirk pala iyon. I never regretted the points I gave to him, but I didn't expect that it was him. Nakatalikod kasi ito kanina at medyo madilim sa pwesto nito kaya hindi ko agad nakilala. Iba na rin kasi ang hairstyle nito ngayon. Noong nakaraan kasi medyo mahaba na ang buhok niya pero ngayon neat na ulit tingnan. "I am sorry. Malay ko bang si Klirk pala iyon." Pinuri ko pa ng todo tapos pagharap niya parang g
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b