"You may now kiss the bride," the priest announced.Lahat ay tumayo at pumalakpak nang maglapat na ang mga labi ng bride at groom.I am smiling widely. Finally, after four years kinasal din sila. Hindi ko alam kung bakit umabot pa ng apat na taon bago sila nagpakasal. Siguro dahil kay Primo, masyado kasing mabagal ang isang ito."Ikaw sana ang bride kung hindi ka nagpakampante," bulong sa akin ni Charlie sa kalapit ko pero nakangiti itong nakaharal sa unahan."Hindi ka pa rin nakakamove on? Nakamove on na ang lahat." Nakataas ang kilay na tumingin ako sa kanya.Matagal na iyon pero binabalikan pa rin niya at tuwing naalala nito tila naiinis pa rin. Daig pa ang siya ang nasaktan.Umirap ito. "Ang tagal mong hinintay na maikasal sa kanya tapos wedding planner ka lang pala ng kasal niya," may halong pang-aasar na wika nito."Tantanan mo ako. Saka sayang naman kung hindi ko tatanggapin ang laki ng ibinayad nila.""Napapansin ko mukhang pera ka na." Nginisihan ko lang siya at iniwan sa kin
KLIRK The moment I saw her, she had already caught my attention. I saw her cheering from the crowd. She jumps every time our team shoots the ball. The whole game, I was distracted by her presence. I want to show off with her. I want to show her that I am good, and I noted in my mind that I will get her name no matter what after the game. But my friend, Primo, introduced her to me as his girl. That's the first time I felt lost. She is smiling with me when she extends her hands for a handshake, and no one knows how I tried to control myself just to look calm in front of her. She is Cleopatra, the name of a queen, but she will never be my queen. The first girl who caught my attention is already sold out. Naisip ko na kung siguro iba ang boyfried niya baka naisip ko pa siyang agawin. Baka hindi pa rin ako magdadalawang isip na pormahan siya, pero si Primo iyon. Primo is one of my closest buddies. He is a nice guy, and that made me choose to just keep my admiration for her. Maybe what
Nasanay na akong palaging sumusulpot sa paligid ko si Klirk. Madalas siya ang nakakasama ko kapag abala si Primo. Primo is always busy at naiintindihan ko naman iyon. Priority niya ang pag-aaral niya kaya wala akong magagawa kung palagi siyang busy.Hindi gaya ng lalaking nasa tabi ko ngayon na parang walang pakialam sa pag-aaral niya. Hindi ko nga alam kung bakit sumama ito sa akin nang malamang pupunta ako sa library. Nakaharap ito sa laptop nito at tutok na tuok ang mata nito sa shooting game na nilalaro.Minsan ay napapamura pa ito sa hangin kapag tila natatalo. Mabuti na lang at nasa may dulo kami kaya hindi siya masyadong kita."Dumayo ka lang ba dito para maglaro?" puna ko sa kaniya nang hindi na ako makatiis.Abala ako sa pag-rereview pero siya ay puro laro lang sa tabi ko. "No," mabilis na sagot nito at itiniklop ang laptop kahit in-game pa ito at tumingin sa akin.Mabilis na kinuha nito ang mga librong nasa harapan niya na kinuha niya kanina pero hindi pa naman nagagalaw.Ka
Sabado ngayon kaya naisipan kong pumunta sa bahay nina Primo. Maaga pa lamang ay nag-bake na ako ng cookies na dadalahin ko"Lalala..." pakanta-kanta pa ako habang nagbe-bake ako. Good mood ako ngayon.Nakangiti ako habang hinahango mula sa oven ang gawa ko. Ang swerte talaga ni Primo sa akin. MAganda na ako, magaling pa mag-bake. Wala na siyang mahahanap na tulad ko."Wow, cookies, pingi ako," saad ni ate Claire at kukuha sana pero agad kong tinabig ang kamay niya at kinuha ang cookies para ilayo sa kaniya."This is not for you," saad ko."Huhulaan ko kay Primo? Sino ba kapatid mo, si Primo o ako?" pagdadrama pa nito pero hindi ko siya pinansin.Sanay na ako sa pagdadrama niya palagi kaya wala na iyong epekto sa akin."Mag-bake ka na lang ng sayo," wika ko sa kaniya."Hindi ka sana sagutin niyang nililigawan mo," anito na ikinasama ko ng tingin sa kaniya."Hindi ko siya nililigawan kasi alam ko naman na kapag nasa tamang edad na kami. Ako pa rin ang pakakasalan niya," pagyayabang ko
Napasubsob ako sa likod ni Klirk nang bigla itong tumigil. Inis na hinampas ko siya sa likod pero narinig ko lang siyang natawa. Kulang na lang mapisa ang ilong ko sa ginawa niya, mabuti na lang hindi ito retokada kundi tumabingi na sana. Itinigil nito ang motor sa gilid nang kalsada. Kaya nagtataka ako sa kaniya. "Why did you stop?" "You want?" Napatingin ako sa tuhog tuhog na mga pagkaing nasa harapan namin. Nasa tapat kami ng isang food court. "Libre mo?" nakangising tanong ko. "Oo ba,"sagot nito. Mabilis na bumaba ako sa sa motorbike at inalis ang helmet ko bago pumasok sa food court. Ito naman ay inayos pa ang park nang sasakyan bago sumunod sa akin. Never ako tumanggi sa libre. Mas masarap kumain kapag libre lalo na kung galante nanlilibre. Saka kapag si Klirk, kumakapal talaga mukha ko dahil nahahawa na yata ako sa kaniya. Maraming stalls sa loob nang court na nagtitinda ng kung ano-anong pagkain. Agad na lumapit ako sa isang stall na nagtitinda ng mga tuhog-tuhog at
Pagkatapos ng klase namin ay nagmamadaling lumabas ako ng classroom. "Cleo, let's go to the library," tawag pa sa akin ni Kiana habang nasa may pintuan na ako."Susunod ako," sagot ko sa kaniya bago nagmamadaling lumabas.Final is almost near kaya mas lalo pang mas naging busy si Primo habang ako naman ay ganoon din kaya mas lalo kaming hindi na nagkikitang dalawa. Marami rin kasi akong tinatapos na requirements kaya subsob na rin ako sa mga gawain. Pero kung busy ako alam kong doble noon si Primo kaya nagtungo muna ako sa cafeteria para bumili nang pagkain para sa kaniya. Madalas kasi ay nakakalimutan na niyang kumain dahil sa sobrang abala niya.Bumili ako nang isang salad sandwich at iced coffee para sa kaniya bago ako nakangiting nagtungo sa library. Bago nagtungo sa room kung nasaan siya ngayon.Sumilip ako sa pintuan upang tingnan kung nasaan siya pero hindi ko inaasahang mapapatingin sa akin ang lahat. Everyone knows that I am his girlfriend, well we don't have a label, but w
KLIRK'S POVI went to the bar, where I usually go. I often hang out here when I want to drink and get drunk. I immediately ordered alcohol the moment I sat on the high stool. The bartenders here already know me. They always saw me here.There were already a lot of people having fun around, but I didn't care about my surroundings. Some girls tried to approach me, but I kept ignoring them. I have no time to entertain anyone right now. Before, I used to flirt with everyone. I never let any girls slip on my hand; that's the image I created in front of her. I only pretend to love women when Cleopatra is around, but I don't really like what I'm doing. I just need to show her so she will not suspect my true feelings. It's her that I want, but I can't tell her. I need to pretend as long as I can so that my form me not to ruin my friendship with Primo and hers.I want to be beside her, even though she does not see me as a man.Why is it that there are so many women in the world that the woman
Katatatapos lang ng exam namin sa isang subject. Magkasama kami ni Dahlia na nagtungo sa cafeteria para kumain dahil maya-maya ay may exam ulit kami. Sumama na rin ako nang yayarin niya akong kumain dahil hindi ako nakapag-almusal ng maayos sa pagmamadali ko. Na-late kasi ako ng gising kaninang umaga.Napangiti ako nang makita ko si Klirk na kagagaling lang sa counter. Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang tukmol na ito. Siguro dahil finals na namin kaya abala na rin siya palagi. Si Primo nga hindi ko na rin nasisilayan, nagte-text na lang ito sa akin na busy ito at dahil nga ayaw ko siyang maabala sa pag-aaral niya ay hinahayaan ko na lang. Pag-aaral lang naman ang kinakaadikan ni Primo kaya wala akong problema doon.Inihanda ko na ang ngiti ko malayo pa para batiin si Klirk pero bigla itong lumiko at tuluyang lumabas ng cafeteria mula sa kabilang pintuan.Bigla akong napasimangot sa ginawa niya. Hindi ba niya ako nakita? Dati naman kahit malayo pa ako nakikita niya ako pero ngayo
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b