Chapter 9Kinagabihan ay iyong binili nga namin ang inulam ko. Hindi nga ako nagkamali dahil napakasarap nga noon. "Hija, hinay hinay sa pagkain." Natatawang sabi sa akin ni Lolo Isidro kaya naman napangiti na lamang ako."It's delicious, Lo." Natutuwang sabi ko sa kanya. Nailing na lamang si Kuya Ryker dahil doon.Wala namang imik na kumakain si Kane. "Papadalhan na kita mamaya kay Manang Lucinda ng pwede mong miryendahin mamaya, para hindi ka na bababa dito sa kusina." Malumanay na sabi ni Kuya Ryker sa akin. "Oo nga. Bukas ay magpapabili ako sa bayan ng personal ref para sa kwarto mo. Nawala sa isip ko kanina dahil naging abala ako sa palayan." Dagdag pa ni Lolo Isidro."Thanks, 'Lo. Pwede po bang magrequest ng alak? " Ngisi ko kay Lolo. Napailing na lamang si Lolo sa akin."May wine sa pantry, ang alam ko may mga beer din doon. Magpakuha ka na lang kapag gusto mo." Sabi naman niya kaya napangiti na lang ako ng pagkatamis tamis."Lolo, stop spoiling this kid! Kaya natigas ang ul
Chapter 10"Daciana! Hi, couz! " Maarteng bati sa akin ni Letizia ng makita niya akong bumaba sa hagdan."Hey." Sabi ko lang sa kanya, tinanguan ko lang din si Blake at Dion."Kumusta ka, Daciana? " Bati lang sa akin ni Blake. "I'm fine. Kayo ba? " "Okay lang din. Nabalitaan namin na dito ka na mag aaral, a? " Natatawang sabi sa akin ni Dion. Sa kanilang tatlo ay si Dion lamang ang mesyo kaaundo ko."Yeah. " Irap ko sa hangin."Woah, malapit na bang mabankrupt ang company ng daddy mo, kaya dito ka na mag aaral? " Nang aasar na sabi sa akin ni Letizia."Duh. You think that's the reason, Leti? Baka mauna pang gumunaw ang mundo kesa mabankrupt ang company ni dad. He knows how to run a bussiness, unlike your father." Ngisi ko sa kanya. Akala yata niya ay hindi makakarating sa akin na muntik na silang mawalan ng negosyo. Pasalamat sila dahil tinulungan pa sila ni daddy. This bitch.Kita ko naman ang pagtalim ng mata niya sa akin."Kids, huwag kayong mag away rito." Bigla namang dumating
Chapter 11Hindi na ako lumabas ng kwarto ko pagkatapos naming mag usap ni Lolo Isidro. Naiinis ako kay Letizia dahil sa ugali niya. FLASHBACK"Hija, hindi naman ako galit sayo. Nag alala lamang ako dahil hindi ka namain macontact ng Kuya Ryker mo. " Malumanay na sabi sa akin ni Lolo Isidro."Sorry po talaga, 'Lo. May nakilala kasi akong grupo kanina sa falls, hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pakikibonding ko sa kanila kanina." Seryosong sabi ko at saka napatungo."Nag inuman ba kayo? Kaya ka nagtagal? " Taas kilay na tanong niya."Of course not, Lo. Nagkwentuhan lang talaga kami and nalaman ko na doon sila nag aaral sa papasukan kong eskwelahan. ""Nag enjoy ka ba? " Tanong muli niya."Oo naman, 'Lo. Hindi naman ako magtatagal kung hindi ako nag enjoy. Sorry po talaga, wala naman po akong balak na basta basta na lang umalis ng hindi nagpapaalam. Sorry po, hindi ko rin sinabi kung nasaan ako. ""Ayos lang iyon , hija. Basta sa susunod ay huwag mo ng uulitin. Bukod sa nag aalal
Chapter 12"Argh! What the hell! Inaantok pa ako! " Nagkakamot sa ulo akong bumangon dahil sa biglang pagliwanag ng kwarto ko. Nakita kong nakatayo si Kuya sa pintuan papunta sa balkonahe. Siya ang nagbukas ng mga kurtina ko doon."Kuya! " Angil ko pa sa kanya."Mag aalas dos na ng hapon, Daciana Vittoria." Tila nawawalan ng pasensiyang sabi ni Kuya sa akin."Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya na pinayagan ka ni Lolo na mag inom. Galing dito kanina si Abby at inimis niya ang mga bote ng alak na pinag inuman mo." Napabuntong hiningang sabi sa akin ni Kuya Ryker."Kuya, matutulog pa ako. Mamaya na lang po, please." "Bumangon ka na at kumain. Pupunta tayo sa rancho, Vitto." Pinal na sabi ni Kuya."Ayoko, kuya. Bukas na lang ako." Nagkukusot na matang sabi ko."Pupunta doon sila Letizia. Magkakarera sila at may pustahan." Bigla namang nagising ang diwa ko dahil sa narinig."How much? " Tanong ko kaagad kay Kuya."Tinitingnan ni Blake ang isa sa mga kotse mo." Si Blake pa naman
Chapter 13Ow, fuck! Ang sakit ng likod at ulo ko. Marahan akong bumangon habang hawak ang ulo ko."Hey, careful! " Bigla namang lumapit sa akin ni Letizia. "Damn! My body's aching, Leti. " Mangiyak ngiyak na sabi ko."Gusto mo bang magpadala sa ospital? Tatawagin ko sila Lolo." Nag aalalang sabi niya sa akin."No! Okay na ako sa pain reliever. I think..." Isa sa mga ayoko ay ang ospital. I just can't go there."Vitto..." Nag aalalang sabi sa akin ni Leti. Yes, palagi kaming nagtatarayang dalawa ngunit hindi ibig sabihin nun ay wala na kaming pakielam sa isa't isa."It's okay, Leti. Si Alistair? Is he okay? " Naalala ko bigla ang anak ni Dark."He's fine. Ibinalik agad siya ni Kane kanina sa kwadra ng mapakalma niya ito. " Buntong hiningang sabi ni Leti at saka naupo sa gilid ng kama."You're really a daredevil, you witch." "I can't lose my baby Silver. Duh! Isa pa, Blake needs to learn his lesson. Hindi ako ang tipo ng tao na magpapadaya sa kanya." Irap ko sa hangin. Napatawa naman
Chapter 14Lumipas ang isang linggo at maayos na ang likod ko. Sa wakas, makakaalis na ulit ako. Umuwi na rin sa Maynila sila Letizia. FLASHBACK"God! Anong klaseng bakasyon ito? Naging tagapag alaga mo lang kami, Vittoria! " Angil ni Letizia sa akin. Nandito kami ngayong apat sa kwarto ko at naglalaro ng card games."C'mon, it's an honor to take care of me." Maarteng sabi ko sa kanya. Pinitik naman niya ako sa noo dahil doon."Uuwi na kami sa isang araw. Hindi man lang tayo nakapag inom. " Sabi naman ni Dion."Huh? Akala ko ba one month kayo rito? " Kunot noong tanong ko."Nalaman ni daddy na ipinusta ko ang kotse ko. Kaya ayun, pinapauwi na kami." Nakangiwing sabi ni Blake at saka napakamot sa ulo."Simulan mo ng maghukay ng paglilibingan mo, Blake." Tawa ko sa kanya." Tsk, masyado kasing confident." Pang aasar naman ni Letizia kay Blake."Ikaw, Leti? Kasabay ka na rin nila? " Baling ko naman sa kanya."Yep. Alam mo naman si mommy." "Huwag ka na munang umuwi. Ipagpapaalam kita s
Chapter 15 "Hi po! Can I buy this po? And this one? " Matamis kong nginitian ang nagtitinda sa may tabi ng simbahan. "Aba, hija! Ikaw iyong pinsan ni Sir Ryker, ano? " Ngiti sa akin ng magtitinda habang inaasikaso ang binibili ko. "Yes po. " Tumatangong sabi ko. "Nag iisa ka ba ngayon? Mabuti at pinapayagan ka nila Sir na lumabas mag isa." "Oo naman po, medyo abala rin po sila ngayon." Sagot ko naman sa kanya. Nang makabili ako ay naupo na ako sa isang bakanteng upuan doon. Medyo marami rami ang tao ngayon, palibhasa ay bakasyon ng mga school. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkain at pagkuha ng mga litrato. Araw araw na yata akong may post sa social media accounts ko. Hindi ko napansin na may biglang lumapit sa akin. "Daciana! " Nakangiting bati sa akin ni Joseph. May kasama itong dalawa pang lalaki. Tiningnan ko lamang sila at hindi umimik. "Ah. Mga kaibigan ko nga pala! Si Jay at Luis." Nginitian naman ako ng mga kasama niya. "Nag iisa ka yata? Bakit wala si Kan
Chapter 16Nauna namang umalis sa amin si Kuya Ryker dahil may nakalimutan raw siyang asikasuhin sa Munisipyo. Inihatid muna siya saglit ni Kane. Pinayagan naman ako ni Kuya Ryker na magtagal kaya natuwa ako. Mabilis ring nakabalik si Kane at sa tabi na siya ni Katalina naupo."Kaya mo pa ba? " Tanong sa akin ni Kris. Siya ang halos kakwentuhan ko sa mesa namin habang wala si Kane."Oo naman. Hindi naman ako mabilis malasing." Ngiti ko na lang.Naging maingay ang mesa namin dahil sa napaparami na rin ang inom nila ng alak. Maya maya pa ay biglang tumugtog ang speaker doon at nagsipagtayuan ang mga bisita.Nagtaka naman ako dahil doon , nagsimula silang sumayaw. Natuwa naman ako dahil sa aking napapanood. Napapalakpak na rin ako kasabay ng musika.Nagsipagtayuan rin sila Kris, kita ko naman na inaya ni Katalina si Kane. Pinanood ko na lamang at bigla namang lumapit sa akin si Kris."Ms. Beautiful, tara! Sumayaw tayo, ikaw na lang ang nakaupo oh!" Umiling naman ako sa kanya at saka tuma
EPILOGUE 3 years later... "Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw." Matiim akong tumitig sa pangalang nasa lapida. "I know he understands you, Vitto." Marahan akong hinawakan ni Letizia sa aking balikat. Inilapag din niya ang isang pumpon ng bulaklak na dala niya. "Yeah. " Muli akong napatingin sa puntod. Nangilid ang aking luha habang taimtim na nagdasal. "I hope you're happy na... " Sinserong sabi ko. "Vitto, anong sabi ng doctor? Don't stress yourself too much." Paalala sa akin ni Letizia. "I just miss him, Leti. Siya kaya lagi ang kakampi ko kapag inaaway ako ni Kuya Ryker." Natatawang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Duh! We all miss him, Vitto. Ikaw yata talaga ang favorite niyang apo at hindi si Kuya Ryker." Iling ni Letizia habang natatawa rin. Isidro Collazo. My loving and supportive Lolo... He died last year because of a heart attack. It hurts but wala naman na kaming magagawa. Sabi niya sa akin noon na he's ready naman na. Gusto na rin daw niyang makas
Chapter 93THIRD PERSON'S POV"Ano pa bang balak mo sa kanya babaeng iyon, Kane? Pwede bang ako na lang ang bahala sa kanya? " Malambing na sabi ni Katalina kay Kane habang papunta sila sa isang silid. "Huwag mo na munang isipin iyon, Katalina. Teka, nasaan na iyong mga tauhan mo? " Napataas naman ang kilay ng dalaga dahil doon. "Baka nasa sala sila. Bakit mo sila hinahanap? " May pagdududang sabi ni Katalina sa binata. Tumigil naman sa paglalakad si Kane kaya natigilan din ang dalaga. Magkaharap sila ngayon na nag uusap."I want to thank them, babe. It's a job well done. Pinadali ninyo ang mga plano ko. Syempre, I want to give them a reward. Ikaw? Ayaw mo ba ng reward? " Masuyong sabi ni Kane sa dalaga at saka sinakop ang bewang nito. " Ka...ne. " halos pa ungol na sabi ng dalaga. Napabuntong hininga na lamamg si Kane dahil doon. " Halika na, bigyan mo muna sila ng pang inom. Hindi ba at nasa iyo ang wallet ko? Hayaan mo na sa iyo iyan, tutal naman kapag mag asawa na tayo ay ib
Chapter 92"Sigurado ka bang hindi ka magsasampa ng kaso laban kay Katalina? " Tanong sa akin ni Kuya Ryker ng sumunod na umaga. "No, kuya. Mukha anmang hindi na siya hahayaan ng tatay niya na makapanakit ng ibang tao. " Malumanay na sabi ko. "May lakad ka ba ngayon? " "Yeah. May usapan kami ni Kane." Napailing naman sa akin si Kuya. "Okay. Isama mo pa rin si Reiner. Tawagan ninyo ako agad kapag nagkaproblema." Seryosong sabi ni Kuya. "Yes, kuya. Salamat po." Ngiti ko sa kanya."Good morning, Ma'am. Sana po tayo ngayon? " Magalang na tanong sa akin ni Reiner. " Ah, Reiner. May sundo ako ngayon, pwede bang sumunod ka na lang sa amin? "" Oo naman, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. Maya maya pa ay natanaw ko na rin ang sasakyan ni Kane. Dadalawin namin ngayon si Lolo Domeng at sila Mamà. Napag usapan namin kagabi ang pagbisita sa kanila. " Mukhang okay na po ulit kayo ni Kane, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. " Yeah, nag usap kami kagabi. Sa tingin mo ba
Chapter 91Dinala ako nila Mariz sa guest room nila sa second floor. "My god, Kris! I told you not to invite her." Inis na sabi ni Mariz sa kanyang asawa. "I didn't invite her, Babe. Nagulat din ako ng makita ko siya kanina." Napabuntong hiningang sabi ni Kristoff. "Are you okay, Vitto? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? " Malumanay na tanong naman sa akin ni Kane. "I'm fine, Kane. Maliit na sugat lang ito." "Gosh, mabuti na lang at sumunod kami agad ng mapansin naming ang tagal mong wala." Nag aalalang sabi naman ni Oliver. "Nasaan si Reiner? " Bigla ko namang naitanong. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Kane na siyang ikinakunot ng noo ko. "Nasa labas siya, kumukuha ng first aid kit.." Seryoso lang na sagot niya. Napailing na lamang si Mariz. "Are you sure? Ayaw mong magpapadala sa ospital?" Tanong niya sa akin. "No. Okay lang ako." Iling ko. "Tsk, may mga kalmot ka pa. " Hinawakan ni Mariz ang braso ko. "Okay na ako dito. Sige na, baka hinahanap na kayo sa baba." Ma
Chapter 90Hindi na umalis ang batang si X sa tabi ko. He's name is Xarion, pamangkin siya ni Kristoff sa kanyang mother side. "X, bakit ba hindi ka na umalis sa tabi ng Tita Daciana mo? " Natatawang sabi ni Kris sa bata. Magkakasama kami ngayon sa table at kasama rin namin si Kane. Katabi niya si Kristoff ngayon. "She's my girlfriend, Tito." Proud na sabi ni X, apat na taon na ito. Wala raw ang parents nito kaya ang Tiyahin ni Kris ang nag aalaga sa bata. "Baby Xarion, you're too young to have a girlfriend. Paunahin na muna natin iyong mga malalaki na, baka tumandang binata. " Pabulong na sabi pa ni Mariz sa bata at saka nakangising tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Kane." Stop it, Marz. " Banta ko sa kanya. "Lagi ka na lang galit, Daciana. Epekto ba iyan ng patandang dalaga?" Mas lalo pa niya akong inasar. " Talaga ba, Marz? " Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman natigilan siya. " Oopsie, tatahimik na nga po." Kunwaring izinipper ni Mariz ang bibig niya. Tuwang tuwa na
Chapter 89Kinabukasan ay maaga rin akong umalis sa bahay ni Lolo Isidro para sa birthday party ni Timothea. "Alis na po ako." Paalam ko kila Lolo. "Oh! Mag iingat ka, apo. Nasa labas na si Reiner, siya raw ang makakasama mo, sabi ng Kuya Ryker mo. " Ngiti sa akin ni Lolo Isidro. " Okay po, Lolo. Salamat. " Malaki akong ngumiti sa kanya at yumakap. " Inom ka ng meds mo, Lolo. Don't forget, okay? " Paalala ko pa sa kanya na ikinatawa naman niya. " Don't worry, apo. Hindi ko nakakalimutan. " Ngiti niya sa akin. Matapos kong magpaalam ay umalis na rin ako. " Good morning, Ma'am. " Sabi ng isang baritong tinig. " Good morning, too. I'm Daciana. " I smiled. " Aalis na ba tayo? " Seryosong tanong niya. He reminds me of Kane. Tsk, erase! Erase! " Let's go. " Tahimik lamamg kaming nagbyaheng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone niya. " Tsk. " Napailing na lamang siya ng ilang beses pang tumunog ang cellphone niya. " Ah, you can answer it muna. Baka importante. " Malumanay na
Chapter 88 "Ryker, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Tawagan ninyo ako agad kapag may kailangan kayo. Lalo ka na, Vittoria. Tatawagan mo ako agad, ha? " Paaalala sa akin ni Daddy. " Yes po, tito. " " Yes, dad. Thank you po. " I smiled. " Mag iingat kayo, Hija. " Ngiti rin sa akin ni Johanna. Lumapit naman ako sa kanya at saka yumakap. Nagulat pa nga siya sa ginawa konh iyon. " Maraming salamat po. I sincerely apologized po sa mga nasabi ko at naisip kong hindi maganda tungkol sa inyo. Thank you for taking care of me while I am here. " Sinserong sabi ko. Kita ko naman ang pangingilid ng luha niya dahil sa sinabi ko. "Thank you so much, Daddy." Sabi ko rin kay Daddy. "Oh, my baby. Sobrang laki mo na talaga, Vittoria. " Niyakap ako ni Daddy na siyang ikinaiyak ko rin. "Aalis na rin po kami, Dad. " Paalam ko. "Babalik ka pa naman dito, hindi ba? " Tanong sa akin ni Daddy. "Opo, dad. Promise, babalik naman po ako." Tawa ko sa kanya. Nang makapagpaalam kam
Chapter 87"Hindi ka na ba sasama sa akin ? " Muling tanong ni Kuya Ryker. Maaga akong nagising ngayon dahil magkikita kami ni Janine. Si Kuya Ryker naman ay dito na sa bahay ni Daddy pinatulog. "No. I don't want to see her anymore." Malamig na sabi ko. "Okay. Aalis na ako, Vittoria. Sasabay ka ba ng uwi sa akin bukas?" Tanong pa niya sa akin. "Yes, kuya. Wala naman akong trabaho. Tsaka, invited ako sa birthday ng anak ni Mariz. " Seryosong sabi ko kay Kuya. " Wala ka pa bang balak na bumalik sa trabaho? " Napabuntong hiningang tanong ni Kuya. " Nah, saka na. Don't worry, Kuya. May ipon naman ako , mabubuhay pa naman ako ng ilang years kahit hindi ako magwork." Tawa ko sa kanya. "Silly. Hindi iyon ang ibig kong sabihin, I just want to tell you that na kahit anong gusto mong gawin ay susuportahan kita. Just don't hurt yourself, again. Nandito lang si Kuya para sayo, Vitto. " He smiled genuinely. " Thank you, kuya. Pahinga muna ako, Kuya. Sa totoo lang ay hindi ko kaya mentally
Chapter 86"Ka...ne." napaatras ako ng makita ko siya. "What? Scared, huh? " Pagak siyang napatawa sa akin. "No. Of course, not. Nagulat lang ako, hindi ba at may meeting kayo? " Kaswal na sabi ko. " We're done. Nauna lamang akong lumabas dahil hinanap kita. " Seryosong sabi niya sa akin. " Bakit mo namvn ako hahanapin? " Sarkastikong sabi ko sa kanya. " Sa darating na Sabado ang birthday ni Timothea. Mariz is expecting you, Vitto. Pinapasabi lamang iyon ni Kristoff dahil hindi ka raw nila macontact. " Napatikhim naman ako bago magsalita. " Ganun ba... Ah, thanks for reminding me. " Pilit akong ngumiti sa kanya. " Vittoria. " Thanks, God. Mabuti na lang at dumating na si Kuya Shan. " Hey, tapos na pala kayo. Tara na ba, kuya? " I smiled. Kinunotan niya lamang ako ng noo. "Yeah, bakit kasama mo iyan? " Striktong tanong niya sa akin. "Ah, remember Mariz? Iyong friend ko sa Province? Magbibirthday kasi ang anak niya, I'm invited. Sinabi lang sa akin ni Kane na next week na iy