Chapter 14Lumipas ang isang linggo at maayos na ang likod ko. Sa wakas, makakaalis na ulit ako. Umuwi na rin sa Maynila sila Letizia. FLASHBACK"God! Anong klaseng bakasyon ito? Naging tagapag alaga mo lang kami, Vittoria! " Angil ni Letizia sa akin. Nandito kami ngayong apat sa kwarto ko at naglalaro ng card games."C'mon, it's an honor to take care of me." Maarteng sabi ko sa kanya. Pinitik naman niya ako sa noo dahil doon."Uuwi na kami sa isang araw. Hindi man lang tayo nakapag inom. " Sabi naman ni Dion."Huh? Akala ko ba one month kayo rito? " Kunot noong tanong ko."Nalaman ni daddy na ipinusta ko ang kotse ko. Kaya ayun, pinapauwi na kami." Nakangiwing sabi ni Blake at saka napakamot sa ulo."Simulan mo ng maghukay ng paglilibingan mo, Blake." Tawa ko sa kanya." Tsk, masyado kasing confident." Pang aasar naman ni Letizia kay Blake."Ikaw, Leti? Kasabay ka na rin nila? " Baling ko naman sa kanya."Yep. Alam mo naman si mommy." "Huwag ka na munang umuwi. Ipagpapaalam kita s
Chapter 15 "Hi po! Can I buy this po? And this one? " Matamis kong nginitian ang nagtitinda sa may tabi ng simbahan. "Aba, hija! Ikaw iyong pinsan ni Sir Ryker, ano? " Ngiti sa akin ng magtitinda habang inaasikaso ang binibili ko. "Yes po. " Tumatangong sabi ko. "Nag iisa ka ba ngayon? Mabuti at pinapayagan ka nila Sir na lumabas mag isa." "Oo naman po, medyo abala rin po sila ngayon." Sagot ko naman sa kanya. Nang makabili ako ay naupo na ako sa isang bakanteng upuan doon. Medyo marami rami ang tao ngayon, palibhasa ay bakasyon ng mga school. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkain at pagkuha ng mga litrato. Araw araw na yata akong may post sa social media accounts ko. Hindi ko napansin na may biglang lumapit sa akin. "Daciana! " Nakangiting bati sa akin ni Joseph. May kasama itong dalawa pang lalaki. Tiningnan ko lamang sila at hindi umimik. "Ah. Mga kaibigan ko nga pala! Si Jay at Luis." Nginitian naman ako ng mga kasama niya. "Nag iisa ka yata? Bakit wala si Kan
Chapter 16Nauna namang umalis sa amin si Kuya Ryker dahil may nakalimutan raw siyang asikasuhin sa Munisipyo. Inihatid muna siya saglit ni Kane. Pinayagan naman ako ni Kuya Ryker na magtagal kaya natuwa ako. Mabilis ring nakabalik si Kane at sa tabi na siya ni Katalina naupo."Kaya mo pa ba? " Tanong sa akin ni Kris. Siya ang halos kakwentuhan ko sa mesa namin habang wala si Kane."Oo naman. Hindi naman ako mabilis malasing." Ngiti ko na lang.Naging maingay ang mesa namin dahil sa napaparami na rin ang inom nila ng alak. Maya maya pa ay biglang tumugtog ang speaker doon at nagsipagtayuan ang mga bisita.Nagtaka naman ako dahil doon , nagsimula silang sumayaw. Natuwa naman ako dahil sa aking napapanood. Napapalakpak na rin ako kasabay ng musika.Nagsipagtayuan rin sila Kris, kita ko naman na inaya ni Katalina si Kane. Pinanood ko na lamang at bigla namang lumapit sa akin si Kris."Ms. Beautiful, tara! Sumayaw tayo, ikaw na lang ang nakaupo oh!" Umiling naman ako sa kanya at saka tuma
Chapter 17Lumipas ang mga araw at hindi muna ako pinayagan nila Kuya Ryker ng Hacienda. Bagay na ipinagtataka ko, sinubukan kong tanungin sila kuya ngunit hindi naman nila ako sinasagot. Mabuti na lang at palagi akong tinatawagan ng mga kaibigan ko, naikwento ko rin sa kanila ang binatang si Kane. Syempre hindi ko ikinuwento sa kanila ang ginawa naming kababalaghan ni Kane sa parking lot. Minsanan ay nirereplyan ko rin si Kris, palagi itong nagmemessage sa akin ngayon. Napag alaman ko rin na siya pala ay anak rin ng isang Haciendero sa kabilang bayan. "Daciana? Ipinapatawag ka ni Don Isidro." Malumanay na sabi sa akin ni Abby ng makapasok siya sa kwarto ko. Medyo nagiging close na rin kaming dalawa."Okay, thanks." Bumangon ako agad at nagtungo sa sala."Lolo! Ipinapatawag niyo raw po ako." Humalik ako sa pisngi ni Lolo pagkalapit ko sa kanya."Naiinip ka na ba, hija ?" Napairap naman ako sa hangin at saka umarte na sumasakit ang dibdib."I feel like dying because of boredom, Lo."
Chapter 18Pagkauwi ko ay napagalitan ako ni Kuya dahil daw iniwan ko si Kane. Hindi na ako nangatwiran dahil alam ko namang mali ako. "Sorry, Kuya. Hindi na mauulit." Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagtungo na ako agad sa kwarto ko.Nakasalubong ko pa si Kane pero hindi ko na lang siya pinansin.Hindi na ako sumabay kila Kuya kumain ng hapunan kaya naman pinadalhan na lang ako ni Lolo ng pagkain kay Abby."Thanks, Abby. " I cheerfully said."Pagpasensiyahan mo na ang kuya mo, Daciana. Hindi lang talaga niya gusto ang mga Sandoval. " Sabi sa akin ni Abby. Nakakakapagkwentuhan na naman kami kahit papaano kaya naman medyo nagiging open na rin ako sa kanya."Bakit ba badtrip siya sa mga iyon? ""Isa kasi noon sa mga kumwestiyon sa kakayahan niya para mamuno ang mga Sandoval, iyong tiyuhin ni Kris na taga rito sa atin. Masyadong masasakit ang mga salitang sinabi niya sa Kuya mo kaya naman ayaw niya sa kanila. Katwiran niya ay hindi naman siya kilalang lubos noon ni Ka Tinoy. Dinamay pa
Chapter 19"Kane, let's go! Mag eenroll ka pa din ba? " Nalate ako ng gising kaya naman nagmamadali ako ngayon. Pupunta kami ngayon sa University ni Kane para mag enroll.I wear my Chanel dress and I paired it with my Chanel heels. "Bakit ganyan ang suot mo? " "Why? Bawal ba sa University?" Takang tanong ko."Pwede namang pantalon na lang at tshirt. Mukha kang pupunta sa binyagan, Vittoria." Umiiling na sabi ni Kane sa akin."Tsk, I can wear what I want! As long as pwede naman sa school. Sa dati kong school pwede rin naman ang ganito." Irap ko sa kanya."Oo na nga. Halika na, tanghali ka na pagpapaenroll mo. Sigurado akong pila na ngayon sa Unibersidad." Buntong hiningang sabi ni Kane.Totoo nga ang sinabi ni Kane, pagkarating namin ay talagang napakahaba ng pila."Oh, gosh! Ang sakit na ng paa at binti ko. Sobrang init pa! Gosh, lusaw na ang make up ko." Maktol ko, wala man lang upuan para sa mga mag eenroll."Sabi ko kasi sayo agahan mo." Bulong sa akin ni Kane. Simula ng dumating
Chapter 20Hanggang sa mga sumunod na araw ay naging mailap sa akin si Kane, bagay na ikinainis ko. Hindi uusad ang plano ko kung palagi siyang umiiwas. Araw araw din akong kinukulit ng mga kaibigan ko kung may progress na ba ang ginagawa ko."Where's Kane? " Tanong ko sa inabutang kasambahay pagkababa ko ng hagdan."Nasa opisina po ni Don Isidro. Ipinatawag po siya doon." Malumanay na sabi ng kasambahay."Okay, thank you." Nagpunta ako sa office ni Lolo. Nakita kong medyo bukas ang pintuan, rinig ko mula sa loob ang pag uusap ni Lolo at ni Kane."Kane, sinabihan na kita na huwag ng makielam sa paghahanap sa kanila. Nangako ako sa Lolo mo na hindi kita hahayaang mapahamak. " Malumanay na sabi ni Lolo Isidro kay Kane, may pag aalala sa boses niya kaya naman napasilip pa ako." Pasensiya na, Don Isidro. Nais ko lang pong makatulong sa kaso ni Lolo. Iyon na lang po ang magagawa ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. " Seryosong sabi ni Kane. " Hijo, hindi kami tumitigil ni R
Chapter 21 "Mabuti na lang at walang tao ngayon." Masayang sambit ko. " Magdahan ka, madulas. " Mas lalo lamang akong natawa dahil kay Kane. " Para naman akong baby na binabantayan. "Sabi ko sa kanya. " Tsk, ayokong mapagalitan ni Don Isidro. Halika, dito ka maupo. Kumain ka muna bago ka magbasa. " " Daig mo pa si Daddy. " Naupo ako sa tabi ni Kane habang abala siya sa paghahanda ng pagkain namin. " Pasensiya ka na, ayoko lang na magkaproblema ako sa pamilya mo. " ssryosong sabi niya. " Kane... " Napatingin naman siya sa akin dahil sa pagtawag ko sa kanya. " Kumain na muna tayo, Vittoria. Mamaya mo na ako interview-hin. Alam kong narinig mo kanina ang usapan namin ni Don Isidro. " napakamot naman ako sa ulo dshil sa sinabi niya. " Sorry... " Naupo ako sa tabi ni Kane. "Ano ito, Kane? " tanong ko sa kanya habang nakaturo sa pagkain. "Menudo iyan, ano bang mga kinakain mo sa Maynila? " Parang napipikon na sabi niya. "Ah... Kung ano ano lang." Pag iwas ko sa usapan, nakara
EPILOGUE 3 years later... "Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw." Matiim akong tumitig sa pangalang nasa lapida. "I know he understands you, Vitto." Marahan akong hinawakan ni Letizia sa aking balikat. Inilapag din niya ang isang pumpon ng bulaklak na dala niya. "Yeah. " Muli akong napatingin sa puntod. Nangilid ang aking luha habang taimtim na nagdasal. "I hope you're happy na... " Sinserong sabi ko. "Vitto, anong sabi ng doctor? Don't stress yourself too much." Paalala sa akin ni Letizia. "I just miss him, Leti. Siya kaya lagi ang kakampi ko kapag inaaway ako ni Kuya Ryker." Natatawang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Duh! We all miss him, Vitto. Ikaw yata talaga ang favorite niyang apo at hindi si Kuya Ryker." Iling ni Letizia habang natatawa rin. Isidro Collazo. My loving and supportive Lolo... He died last year because of a heart attack. It hurts but wala naman na kaming magagawa. Sabi niya sa akin noon na he's ready naman na. Gusto na rin daw niyang makas
Chapter 93THIRD PERSON'S POV"Ano pa bang balak mo sa kanya babaeng iyon, Kane? Pwede bang ako na lang ang bahala sa kanya? " Malambing na sabi ni Katalina kay Kane habang papunta sila sa isang silid. "Huwag mo na munang isipin iyon, Katalina. Teka, nasaan na iyong mga tauhan mo? " Napataas naman ang kilay ng dalaga dahil doon. "Baka nasa sala sila. Bakit mo sila hinahanap? " May pagdududang sabi ni Katalina sa binata. Tumigil naman sa paglalakad si Kane kaya natigilan din ang dalaga. Magkaharap sila ngayon na nag uusap."I want to thank them, babe. It's a job well done. Pinadali ninyo ang mga plano ko. Syempre, I want to give them a reward. Ikaw? Ayaw mo ba ng reward? " Masuyong sabi ni Kane sa dalaga at saka sinakop ang bewang nito. " Ka...ne. " halos pa ungol na sabi ng dalaga. Napabuntong hininga na lamamg si Kane dahil doon. " Halika na, bigyan mo muna sila ng pang inom. Hindi ba at nasa iyo ang wallet ko? Hayaan mo na sa iyo iyan, tutal naman kapag mag asawa na tayo ay ib
Chapter 92"Sigurado ka bang hindi ka magsasampa ng kaso laban kay Katalina? " Tanong sa akin ni Kuya Ryker ng sumunod na umaga. "No, kuya. Mukha anmang hindi na siya hahayaan ng tatay niya na makapanakit ng ibang tao. " Malumanay na sabi ko. "May lakad ka ba ngayon? " "Yeah. May usapan kami ni Kane." Napailing naman sa akin si Kuya. "Okay. Isama mo pa rin si Reiner. Tawagan ninyo ako agad kapag nagkaproblema." Seryosong sabi ni Kuya. "Yes, kuya. Salamat po." Ngiti ko sa kanya."Good morning, Ma'am. Sana po tayo ngayon? " Magalang na tanong sa akin ni Reiner. " Ah, Reiner. May sundo ako ngayon, pwede bang sumunod ka na lang sa amin? "" Oo naman, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. Maya maya pa ay natanaw ko na rin ang sasakyan ni Kane. Dadalawin namin ngayon si Lolo Domeng at sila Mamà. Napag usapan namin kagabi ang pagbisita sa kanila. " Mukhang okay na po ulit kayo ni Kane, Ma'am. " Nakangiting sabi sa akin ni Reiner. " Yeah, nag usap kami kagabi. Sa tingin mo ba
Chapter 91Dinala ako nila Mariz sa guest room nila sa second floor. "My god, Kris! I told you not to invite her." Inis na sabi ni Mariz sa kanyang asawa. "I didn't invite her, Babe. Nagulat din ako ng makita ko siya kanina." Napabuntong hiningang sabi ni Kristoff. "Are you okay, Vitto? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? " Malumanay na tanong naman sa akin ni Kane. "I'm fine, Kane. Maliit na sugat lang ito." "Gosh, mabuti na lang at sumunod kami agad ng mapansin naming ang tagal mong wala." Nag aalalang sabi naman ni Oliver. "Nasaan si Reiner? " Bigla ko namang naitanong. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Kane na siyang ikinakunot ng noo ko. "Nasa labas siya, kumukuha ng first aid kit.." Seryoso lang na sagot niya. Napailing na lamang si Mariz. "Are you sure? Ayaw mong magpapadala sa ospital?" Tanong niya sa akin. "No. Okay lang ako." Iling ko. "Tsk, may mga kalmot ka pa. " Hinawakan ni Mariz ang braso ko. "Okay na ako dito. Sige na, baka hinahanap na kayo sa baba." Ma
Chapter 90Hindi na umalis ang batang si X sa tabi ko. He's name is Xarion, pamangkin siya ni Kristoff sa kanyang mother side. "X, bakit ba hindi ka na umalis sa tabi ng Tita Daciana mo? " Natatawang sabi ni Kris sa bata. Magkakasama kami ngayon sa table at kasama rin namin si Kane. Katabi niya si Kristoff ngayon. "She's my girlfriend, Tito." Proud na sabi ni X, apat na taon na ito. Wala raw ang parents nito kaya ang Tiyahin ni Kris ang nag aalaga sa bata. "Baby Xarion, you're too young to have a girlfriend. Paunahin na muna natin iyong mga malalaki na, baka tumandang binata. " Pabulong na sabi pa ni Mariz sa bata at saka nakangising tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Kane." Stop it, Marz. " Banta ko sa kanya. "Lagi ka na lang galit, Daciana. Epekto ba iyan ng patandang dalaga?" Mas lalo pa niya akong inasar. " Talaga ba, Marz? " Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman natigilan siya. " Oopsie, tatahimik na nga po." Kunwaring izinipper ni Mariz ang bibig niya. Tuwang tuwa na
Chapter 89Kinabukasan ay maaga rin akong umalis sa bahay ni Lolo Isidro para sa birthday party ni Timothea. "Alis na po ako." Paalam ko kila Lolo. "Oh! Mag iingat ka, apo. Nasa labas na si Reiner, siya raw ang makakasama mo, sabi ng Kuya Ryker mo. " Ngiti sa akin ni Lolo Isidro. " Okay po, Lolo. Salamat. " Malaki akong ngumiti sa kanya at yumakap. " Inom ka ng meds mo, Lolo. Don't forget, okay? " Paalala ko pa sa kanya na ikinatawa naman niya. " Don't worry, apo. Hindi ko nakakalimutan. " Ngiti niya sa akin. Matapos kong magpaalam ay umalis na rin ako. " Good morning, Ma'am. " Sabi ng isang baritong tinig. " Good morning, too. I'm Daciana. " I smiled. " Aalis na ba tayo? " Seryosong tanong niya. He reminds me of Kane. Tsk, erase! Erase! " Let's go. " Tahimik lamamg kaming nagbyaheng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone niya. " Tsk. " Napailing na lamang siya ng ilang beses pang tumunog ang cellphone niya. " Ah, you can answer it muna. Baka importante. " Malumanay na
Chapter 88 "Ryker, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Tawagan ninyo ako agad kapag may kailangan kayo. Lalo ka na, Vittoria. Tatawagan mo ako agad, ha? " Paaalala sa akin ni Daddy. " Yes po, tito. " " Yes, dad. Thank you po. " I smiled. " Mag iingat kayo, Hija. " Ngiti rin sa akin ni Johanna. Lumapit naman ako sa kanya at saka yumakap. Nagulat pa nga siya sa ginawa konh iyon. " Maraming salamat po. I sincerely apologized po sa mga nasabi ko at naisip kong hindi maganda tungkol sa inyo. Thank you for taking care of me while I am here. " Sinserong sabi ko. Kita ko naman ang pangingilid ng luha niya dahil sa sinabi ko. "Thank you so much, Daddy." Sabi ko rin kay Daddy. "Oh, my baby. Sobrang laki mo na talaga, Vittoria. " Niyakap ako ni Daddy na siyang ikinaiyak ko rin. "Aalis na rin po kami, Dad. " Paalam ko. "Babalik ka pa naman dito, hindi ba? " Tanong sa akin ni Daddy. "Opo, dad. Promise, babalik naman po ako." Tawa ko sa kanya. Nang makapagpaalam kam
Chapter 87"Hindi ka na ba sasama sa akin ? " Muling tanong ni Kuya Ryker. Maaga akong nagising ngayon dahil magkikita kami ni Janine. Si Kuya Ryker naman ay dito na sa bahay ni Daddy pinatulog. "No. I don't want to see her anymore." Malamig na sabi ko. "Okay. Aalis na ako, Vittoria. Sasabay ka ba ng uwi sa akin bukas?" Tanong pa niya sa akin. "Yes, kuya. Wala naman akong trabaho. Tsaka, invited ako sa birthday ng anak ni Mariz. " Seryosong sabi ko kay Kuya. " Wala ka pa bang balak na bumalik sa trabaho? " Napabuntong hiningang tanong ni Kuya. " Nah, saka na. Don't worry, Kuya. May ipon naman ako , mabubuhay pa naman ako ng ilang years kahit hindi ako magwork." Tawa ko sa kanya. "Silly. Hindi iyon ang ibig kong sabihin, I just want to tell you that na kahit anong gusto mong gawin ay susuportahan kita. Just don't hurt yourself, again. Nandito lang si Kuya para sayo, Vitto. " He smiled genuinely. " Thank you, kuya. Pahinga muna ako, Kuya. Sa totoo lang ay hindi ko kaya mentally
Chapter 86"Ka...ne." napaatras ako ng makita ko siya. "What? Scared, huh? " Pagak siyang napatawa sa akin. "No. Of course, not. Nagulat lang ako, hindi ba at may meeting kayo? " Kaswal na sabi ko. " We're done. Nauna lamang akong lumabas dahil hinanap kita. " Seryosong sabi niya sa akin. " Bakit mo namvn ako hahanapin? " Sarkastikong sabi ko sa kanya. " Sa darating na Sabado ang birthday ni Timothea. Mariz is expecting you, Vitto. Pinapasabi lamang iyon ni Kristoff dahil hindi ka raw nila macontact. " Napatikhim naman ako bago magsalita. " Ganun ba... Ah, thanks for reminding me. " Pilit akong ngumiti sa kanya. " Vittoria. " Thanks, God. Mabuti na lang at dumating na si Kuya Shan. " Hey, tapos na pala kayo. Tara na ba, kuya? " I smiled. Kinunotan niya lamang ako ng noo. "Yeah, bakit kasama mo iyan? " Striktong tanong niya sa akin. "Ah, remember Mariz? Iyong friend ko sa Province? Magbibirthday kasi ang anak niya, I'm invited. Sinabi lang sa akin ni Kane na next week na iy