Pagkatapos ng insedenteng iyon ay gabi-gabi nang bumibisita si Kaden kay Lara. Kahit na anong taboy ang gawin niya ay matigas talaga ang ulo nito. Hindi man lang ito natatakot kahit na nasa bahay ang tiyahin at mga pinsan niya. Ang ayaw pa ni Lara ay nagdadala ito ng mga mamahaling regalo sa kanya. At hindi nga iyon nakatakas sa mga pinsan na naabutan niya sa loob ng kwarto.
Binubutingting ni Stephanie ang kwintas na kabibigay lang ni Kaden kagabi habang si Ailene naman ay suot na ang isang limited edition na relo."Stephanie, Ailene!" Sinugod niya ang dalawa. Hindi pwedeng pati ang mga ito ay pakialaman ng magkapatid. Galing iyon kay Kaden. Wala siyang mukhang maihaharap dito kapag nawala ang mga regalo nito sa kanya. Nakuha niya ang kay Ailene pero nakaiwas si Stephanie."Aha, aha! Tingnan mo nga naman. Saan mo nakuha ang mga mamahalin na alahas na ito? Ninakaw mo 'no?""Hindi! Akin na iyan!"Malakas siyang itinulak ni Stephanie. "Ailene, tawagan mo si mama at papuntahin dito. Kailangan nating maghalungkat. Mukhang may itinatagong yaman si Lara sa kwarto niya."Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ni Lara nang pumanhik na rin sa taas ang tiyahin. Agad na nagsumbong si Stephanie sa ina."Ma, naglilihim na sa atin si Lara. Tingnan mo itong kwintas. May diamond! Tiyak na mamahalin ito!"Isang hampas ang iginawad ni Tesie kay Lara habang masama ang tingin. "Gaga ka! May grasya ka pala dito pero ipinagdadamot mo? Hala! Halungkatin ang buong kwarto!"Napaluha si Lara nang parang bagyo na nanalanta ang mga ito sa kwarto niya. Pati kama niya ay binaliktad at walang pinalagpas na mga butas at sulok."Oh wow! Para akong nanalo sa lotto sa mga alahas na ito!" si Tesie."Look! Ito yung bag na sinasabi ko sa iyo. Iyong 20 pieces lang ang inilabas sa market!"Halos magningning ang mga mata ng tatlo. Bigong-bigo si Lara at hindi na alam kung paano pa haharapin si Kaden pagkatapos nito. Umalis ang tatlo na nagdiriwang habang pakiramdam niya ay pinagsukluban siya ng langit at lupa. Mabuti na lang at ang perang iniwan noon ni Kaden ay nailagay na niya sa bangko."Impakta talaga iyang tiyahin mo at ng mga anak niya!" Umuusok ang ilong na turan ni Maymay."Kaya nga lagi naming sinasabi sa iyo na bumukod ka na. Masipag ka at kaya mo na ang humiwalay sa mga bruhang iyon. Sinasabi ko sa iyo, uubusin ka talaga nila hanggang walang matira sa iyo," pangaral din ni Janice.Matagal na niya iyong iniisip. Ngunit kung bubukod siya ay dapat malayo sa mga ito para hindi na mahabol pa.Maagang nag-out si Lara dahil masama ang pakiramdam niya. Alas dos pa lang ng hapon. Nagtaka pa siya nang makita ang sasakyan ni Gary na nakaparada sa tapat ng bahay. Bakit nandito ito? Hindi ba pumasok sa trabaho?Makalat na sala. Iyon agad ang bumungad sa kanya. Dideretso na sana sa kusina si Lara upang uminom ng gamot nang magimbal sa naabutang tagpo doon. Agad na nagtago si Lara at biglang nanikip ang dibdib niya. T-Tama ba ang nakita niya?"Ahh. Ahh. Yes. Ganyan nga, Garry," umalingawngaw ang malanding ungol ni Stephanie sa kusina."Ang sarap mo talaga, Steph. Hindi talaga ako nagsisisi sa relasyong meron tayo. Ahh. Ang boring ni Lara.""Hiwalayan mo na kasi siya.." naglalambing na tugon ni Stephanie at hinalikan ang leeg ni Garry."Huwag muna. Hindi ko pa siya nakukuha."Malanding tumawa ang babae. "Happy first anniversary, babe."Nagtatakbo si Lara palabas ng bahay. Gusto niyang saktan ang dalawa ngunit alam niyang matatalo siya. Hilam sa luha ang mga mata habang parang tukso na paulit-ulit na umalingawngaw ang usapan ng mga ito. First anniversary? Isang taon na siyang linoloko ni Garry at Stephanie?Muntik nang masagasaan ng sasakyan si Lara kung hindi lang sa taong mabilis na kumabig sa kanya."Are you trying to kill yourself?!"Lalong siyang humagulgol nang makita si Kaden.Kagyat naman na kumalma ang binata at nag-alala nang makitang umiiyak si Lara. Hindi niya ito naabutan sa shop. Pupuntahan niya sana ito at dito nga sila nagkasalubong."Bakit ka umiiyak? Sinong nanakit sa iyo?" May galit sa tono na tanong ni Kaden.Nagbuga siya ng hininga at pinapasok si Lara sa kanyang sasakyan. Gusto niyang malaman kung bakit ito umiiyak pero mukhang wala pa itong balak na magsalita.Sina Joseph at Carlo naman ay palihim na nagngingisihan sa harap. Ang dalawang tauhan ang laging kasa-kasama ni Kaden at ngayon nga ay naaaliw ang mga ito dahil ngayon lang nila nakita ang boss na umakto ng ganito.Napansin iyon ni Kaden at agad na umasim ang mukha. "You two, get out. Bumalik na kayo sa bahay."Nawala ang ngisi ng dalawa. "Boss?""I said get out.""Boss naman," ungot pa ng dalawa ngunit wala ring nagawa nang pinababa sila ng amo. Nagkamot na lang ang mga ito sa batok habang tinatanaw ang sasakyan na papalayo."May dala kang pera?""Wala eh.""Putragis. Eh paano tayo uuwi nito?"Nagkatinginan sina Joseph at Carlo saka malakas na naghagalpakan ng tawa. Malas talaga.Sa sasakyan..."Pwede mo na bang sabihin kung bakit ka umiiyak?" pangungulit ni Kaden. At dahil mapilit ito ay sinabi na ni Lara ang nangyari.May pumitik sa sintido ni Kaden pagkarinig sa kwento ng dalaga. Oo at natutuwa siya na maghihiwalay na ang mga ito pero ang makita ni Lara ang ganung tagpo, gusto niyang sakalin ang dalawang taksil na iyon."Don't worry. Ako na ang bahala sa kanila.""Anong ibig mong sabihin?" napapantastikuhan na tanong ni Lara.Mariin lang na tingin ang ipinukol ni Kaden na kanyang ikinabahala. • • • • •Sa club kung saan nagtatrabaho si Stephanie ay biglang nagkaroon ng sunog. Nagkagulo ang mga nasa loob habang si Stephanie ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng mga cellphone at gamit na naiwan ng mga customer dahil sa panic at kagustuhan na lumabas agad.Ang estranghero na nakasuot ng itim na hoodie ay napailing sa nakita, lumapit at walang anu-ano'y sinabuyan ng likido ang ulo ng dalaga.Napatili si Stephanie nang maramdaman na nabasa siya. "What the hell? Sinong bumasa sa akin—" Naputol ito sa kakatalak nang maamoy ang likido."G-Gasolina?!"At dahil sa siksikan at kaguluhan ay naitulak si Stephanie at sa malas ay sa may apoy pa. Wala pang isang segundo ay nagliyab ang buhok nito.Samantala..Habang pauwi si Garry galing trabaho ay biglang may tumambang dito na mga armado at nakamaskarang mga lalaki."H-Huwag niyo po akong papatayin!" nanginginig sa takot na usal ni Garry. Ngayon lang ito naka-experience ng ganito kaya napaihi ito sa pantalon.Nagtawanan ang mga kalalakihan at inakbayan pa ito. "Umihi pa ang loko! Mukhang mahilig kang mangdilig ng bulaklak ah!"Tawanan ulit ang grupo."K-Kunin niyo na po ang lahat ng mga pera at gamit ko pati na sasakyan huwag niyo lang akong sasaktan.""Huwag kang mag-alala. Wala kaming kukunin sa'yo, higit sa lahat ay hindi ka namin papatayin."Natigil sa pag-iyak si Garry. Anong pakay ng mga ito kung ganun?Naglabas ang mga ito ng syringe at hindi na nakahuma pa si Garry nang tinurukan ito ng mga kalalakihan ng hindi matukoy na gamot pagkatapos ay umalis din agad.Sa hospital ay hindi magkamayaw si Stephanie sa pagwawala. "Mama! Ang pangit ko na!" hagulgol nito at pinagbabasag ang mga bagay na mahawakan. Kagigising lang niya at salamin agad ang una niyang hinanap. At nang makita nga ang nangyari sa ulo ay hiniling niyang lamunin na lang siya ng lupa at ilibing ng buhay. Nasunog na lahat ng buhok niya na pati ang anit ay nadamay din! At ayon sa doctor na nakausap ay dalawa o tatlong taon ang gugugulin bago tumubo ulit ang mga buhok, depende kung gaano kabilis gumaling ang mga nasirang tissue.Naaawa naman na pinagmasdan ni Tesie ang anak. Higit doon ay galit siya sa hayop na nagsaboy ng gasolina sa ulo ni Stephanie! Ang nakaka-imbyerna pa ay walang kuhang footage ng CCTV sa oras na nangyari ang gulo kaya hindi matukoy kung sino ba ang salarin."Kalbo na ako, 'ma! Hindi ko na kayang mabuhay pa ng ganitong walang buhok!""Gagawa tayo ng paraan anak.. " ang tanging sinabi ni Tesie ngunit maging siya ay hindi alam kung ano ba ang solusyon sa proble
Imbes na magpahinga na ay bumiyahe pa si Albert papunta sa bahay ng anak. Naabutan niya ito sa study room at tutok sa trabaho katulad ng dati."I know why you're here, dad. Pinal na ang desisyon ko. Magsasayang ka lang ng laway at oras," ani Kaden na hindi man lang tinapunan ng tingin ang ama."Pero, anak. Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo tungkol dito? Tandaan mong pumayag ka—""Pumayag akong makipagrelasyon kay Katie pero wala akong natatandaan na sumang-ayon na maikasal sa kanya. Hindi pa ako ulyanin, dad."Nagbuga ng pagod na hininga si Albert. Kahit kailan, ni minsan ay hindi man lang nakinig ang anak sa kanya. Ganun na ba siya kawalang silbi dito?"Pumayag ka na lang. Kagustuhan din ito ng lolo mo. Tradisyon na ng pamilya natin ang maipagkasundo."Naputol ang hawak ni Kaden na ballpen sa matinding iritasyon at malamig na tumingin sa ama."Sumunod sa tradisyon? At ano? Mamuhay sa pagsisisi at kalungkutan katulad mo? This is my life, dad! Hindi mo ako pwedeng diktahan ng babae
Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang nagliliyab na katawan ni Lara pagkarinig ng boses ng dating nobyo. Bigla siyang humiwalay kay Kaden kahit na nanghihina pa ang mga tuhod niya. Mariin naman na kumuyom ang mga kamay ni Kaden. Ang dating mapupungay na mga mata ay biglang bumagsik habang nakatingin sa pintuan. Makakapatay ata siya ng tao ngayon."Lara! Alam kong nandiyan ka at may kasama! Harapin niyo ako!" si Garry na hindi tumigil sa kakakalampag sa pinto. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa na may kasamang lalaki si Lara sa kwarto at may ginagawang milagro. Hindi siya makakapayag!Sa mabibigat na mga hakbang ay tinungo ni Kaden ang pintuan na mabilis namang pinigilan ni Lara."H-Hayaan mo na. Aalis din siya.""No. Kailangan niyang malaman na wala na siyang lugar sa iyo. That bastard needs to learn his lesson.""Lara!" Buksan—"Nabitin sa ere ang salita ni Garry nang bumukas nga ang pintuan. Ngunit hindi iyon ang ikinagulat niya kundi ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ni
Kaden was just holding himself ngunit napigtas iyon nang makita niya ang kahubdan ni Lara. Mariin niyang minasahe ang mga dibdib nito habang pinaglalaruan ng dila ang mapupulang tuktok nun.Para namang nababaliw si Lara sa ginagawa ni Kaden sa kanya. Ramdam niyang lalong namasa ang kanyang pagkababae. Pinipigilan niya ang mga ungol nang magsalita si Kaden."You don't need to suppress it. Soundproof ang kwarto ko. Moan for me, Lara," he whispered in low and husky voice.Nagpatangay na nga si Lara sa nararamdaman at sunod-sunod ang ginawang pag-ungol. Lalo namang ginanahan si Kaden sa nakikita at ipinasok ang dalawang daliri sa naglalawa nitong hiyas. Malakas itong napahiyaw nang sa mabilis na galaw ay inilabas pasok niya ang mga daliri doon."Ahh! Hmm ... Kaden!" Sa tindi ng nararamdamang sensasyon ni Lara ay hindi na alam kung saan ibabaling ang ulo. Ang mga kuko niya ay kumakalmot na sa mamahaling kumot ng binata.Mahinang napamura si Kaden nang makita kung paano nababaliw ang dalag
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Virgil? Hindi mo talaga ipapamana ang negosyo at lahat ng mga ari-arian mo sa iyong apong si Katie?"Napatigil sa paglalakad si Marissa nang marinig ang pangalan ng anak. Sumilip siya sa nakaawang na pinto at nakita si Don Virgil at ang kaibigan nitong attorney."Wala akong tiwala na ipagkaloob sa mag-ina ang aking ari-arian lalong-lalo na ang kompanya. Ni wala man lang dedikasyon ang batang yun na matuto.""Pero apo mo pa rin siya," si Ismael. Pinatawag siya ng kaibigan dahil may ipadadagdag sa last will and testament."Ibibigay ko sa kanya ang rest house sa Batangas," pinal na wika ni Don Virgil.Nagngitngit ang mga ngipin ni Marissa sa naririnig na usapan ng dalawa. Kahit kailan talaga ay tinik sa lalamunan ang matandang ito! Mas pipiliin pa talaga nito na ibigay ang yaman sa mga taong hindi naman kilala kaysa sa kanila na parte ng pamilya?"How about the arranged marriage?""Well, that depends on Mr. Zafirti if he wants to marry a brat like
"Hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa flower shop. Pwede kitang ipasok sa kompanya ko at bigyan ng magandang pwesto."Paulit-ulit si Kaden sa linya nitong iyon habang nasa sasakyan sila. Madaming nagbago sa buhay ni Lara simula nang dumating ito at ayaw niyang mawala ang lahat ng mga pagkakakilanlan niya, ang mga dating nakasanayan."Masaya ako sa trabaho ko doon, Kaden. At isa pa, wala naman akong tinapos na kurso. Hindi ako pwede sa opisina."Bagot siyang binalingan ng binata. "Don't give me that damn excuse. Lahat ng bagay ay natututunan. Hindi nakabatay ang kaalaman ng isang tao sa kursong tinapos."Madaming hindi nakapag-aral ang binigyan ni Kaden ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kanyang kompanya. At ngayon nga ay nag-e-excel ang mga ito at malaking contributor sa trabaho. Hindi porke't hindi nakapag-aral ay bobo na. Isa iyon sa paniniwala niya."A-Alam ko. Pero masaya ako sa flower shop," pag-uulit ni Lara sa mahinang boses. Bukod pa doon ay hindi pa siya handa na pasukin
"Pasensya na po ma'am pero hindi kayo pwedeng pumasok."Tinaasan ng kilay ni Katie ang guard na nakabantay sa gate. "At bakit hindi pwede? Fiancee ako ni Kaden kaya may karapatan akong pumasok! Gusto mo bang ipatanggal kita sa trabaho mo?"Hindi umimik ang guard at diretso lang ang tingin. Aware silang lahat kung ano ang nangyayari. Kabilin-bilinan din ng amo na huwag magpapapasok ng estranghero lalong-lalo na kapag wala ito. Wala nang kapangyarihan ang babae upang utusan siya."Arrgh! Papasukin mo ako sabi!" Pagpupumilit ni Katie. Mahigit isang buwan na niyang hindi nakikita si Kaden at nami-miss na niya ito."Bruno," tawag ng guard at mula sa doghouse ay lumabas ang isang malaki at nakakatakot na aso na umaangil, masama ang tingin kay Katie at handang lumapa.Namutla maman at nangatog ang tuhod ng dalaga. Hindi siya takot sa kaharap na guard ngunit ibang usapan na ang aso."Umalis ka na po ma'am kung ayaw niyong pagpyestahan kayo ni Bruno. Hindi pa siya nakakakain."Hindi na kailang
Parehong isinugod sina Lara at Katie sa magkaibang hospital. Sina Joseph at Carlo ang nag-asikaso sa huli dahil walang pakialam si Kaden kahit na mamatay pa ito. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ng binata habang nag-aabang sa labas ng emergency room. Sa sobrang galit at kagustuhan na saktan si Katie kanina ay nawala na si Lara sa isip niya."Fvck.." mura niya at sinabunutan ang buhok. Kapag may mangyaring masama talaga kay Lara ay babalikan niya si Katie. Maya-maya ay lumabas si Timothy sa emergency room na agaran niyang sinalubong."Kamusta si Lara? Ang dinadala niya?"Malalim na napabuntong hininga si Timothy. "Kamuntikan nang malaglag ang inyong anak. But they're totally safe now. Sinabi ko naman sa iyo na maselan ang pagbubuntis niya ngunit bakit ganun ang hitsura at parang binugbog? Sinaktan mo?"Pinukol ni Kaden ng masamang tingin ang kaibigan. "Si Katie. It's my fault. I've lost my guard. Hindi ko naman inaasahan na malalaman niya na nag-stay kami sa hotel.""Baka pinapas
"Oh yeah. Move that ass, baby. Sige. Igiling mo."Napailing si Magnus sa mga pinagsasabi ni Owen sa babaeng nagsasayaw sa harap nito. They were in a club, VIP to be exact. They were enjoying their time before they part ways again."Hmmm.." napaungol ang babae nang malakas na pinalo ni Owen ang pang-upo nito. "Ang ganda ng pwet mo ah. Ang laki. Totoo ba ito? Hindi retoke?" Muling itong pinalo ni Owen na may kasama nang paghimas.Hindi na nakapagpigil si Logan at binatukan ang lalaki. "Tarantado ka talaga. Ang manyak mo talaga.""Aray! I'm just checking her out!" angil ni Owen at naglalambing na niyakap ang babae. Natigil tuloy ito sa pagsasayaw at napaupo sa kandungan ng binata."Did I hurt you, baby?" masuyo nitong tanong at hinalikan pa sa pisngi."H-Hindi naman," sagot naman ng babae na nahihiya.Magnus took the glass of liquor to his mouth as he checked her out. The girl was shy and timid, petite but she has great curves. The total type of Owen.He already know that she's new to t
"Mommy! Mommy! Mommy! Kailan lalabas si baby?"Kagigigising lang ni Lara ng mga sandaling iyon. Naging maselan ang pagbubuntis niya at nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap talaga siya. Kawawa talaga si Kaden sa kanya noong naglilihi siya. Laging mainitin ang ulo niya at laging ito ang pinag-iinitan niya. Sa madaling araw pa talaga siya nagpapabili ng mga pagkain na mahirap hanapin. Kaya kahit na inaantok ay bumibyahe talaga ang asawa niya kahit sa kabilang bayan pa. Kadalasan ay ayaw niya itong makita at ayaw katabi sa kama. Ang ending tuloy ay sa guest room ito natutulog. Though Kaden confess to her that he usually joins her to bed kapag tulog mantika na siya. Saka lang aalis kapag mag-uumaga na. Ngunit nitong last week nga ay naging sobrang clingy niya sa mister. Kailangang nasa tabi niya ito palagi at nakikita, if not, then iiyak talaga siya. Kaya hindi na pumapasok ng opisina si Kaden at sa kanilang bahay na lang ginagawa ang mga trabaho. Kapag may importanteng meeting na
Malawak ang pagkakangiti ni Katie habang binabaybay ang daan paalis sa kanilang hideout. Dala niya ang lahat ng mga pera na kinuha nila sa bangko. Ang balak niya sana ay kalahati lang ang kukunin ngunit nagbago agad ang isip at kinuha na lahat. Magpapakalayo na muna siya habang nag-iisip ng plano kung paano muling makakabalik sa buhay ni Kaden.Sinulyapan ni Katie ang limpak limpak na pera na nasa likod ng sasakyan at malakas na napahalakhak. Ahh. Iba talaga kapag mautak. Imagine, halos wala siyang ginawa ngunit napunta sa kanya ang lahat ng pera. Sigurado siyang naidispatsa na ng ina niya ang mga kambal. Hindi na rin niya poproblemahin si Lara dahil hawak na ito ni Garry. Wala siyang pakialam kung ano man ang gawin dito ng lalaki. Whatever happens to her, she deserves it!Natigil sa pagtawa si Katie nang mapansin ang sasakyan na nasa likod niya. Kanina pa iyon bumubuntot sa kanya. Lumiko na siya at iba pa, nakasunod pa rin ito. Madali niyang kinuha ang baril na naipuslit kanina at bi
"I-Ikaw?"... mahinang usal ni Lara pagkakita sa lalaking pumasok sa kwartong kinalalagyan nila. She gulped so hard. Of course, this wasn't Kaden. It was his twin brother, Magnus Zafirti.Sinubukan ni Lara na umusog sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil sa pagkakatali ng mga kamay niya. She was still laying on the bed while struggling to get free. He looks absolutely dark and domineering. Bahagya siyang natakot ngunit kung totoo talaga na may gusto ito sa kanya, he wouldn't hurt nor harm her. Inaasahan niyang si Kaden ang darating but of all people, ang kambal pa nito.Magnus on the other hand only had his eyes on Garry that was writhing in pain on the floor. Unti-unting nilapitan ng binata ang lalaki.Napasuka ng dugo si Garry sa tindi ng tumama sa sikmura niya. Hindi niya alam kung ano iyon, sipa ba o suntok. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mo—"Napatigil sa pagsasalita si Garry nang makita ang lalaking basta na lang pumasok ng kwarto at umistorbo sa ginagawa niya."K-Kaden..?" Aga
Kaden was torn between saving Lara and their twins. They identified their location. Two different locations to be exact. At hindi magkalapit kundi magkalayo ang distansya ng bawat lokasyon.He wants to save both of them at the same time. Ngunit iisa lang ang katawan niya. Kung pwede lang hatiin ay ginawa na niya. He was furious. Magbabayad talaga nang malaki ang nangahas na saktan ang pamilya niya. He was hoping that they were alive and safe. If it's the opposite, heaven and earth will collide with his rage.Kaden heard a static on his earpiece. Then Logan's voice echoed next.. "I'm not in the position to say this but I'll take care of the twins from here.. Just focus on saving Lara."Kaden gripped the steering wheel tightly. He wants to do the saving by himself but just like what he said, he can't do it at the same time. Wala siyang gaanong tauhan na isinama. Only the strong and trusted one. Logan and Timothy and more or less 10 men from his underground organization."I'll owe you t
"Gising!" Napasigaw si Lara at agad na naalimpungatan nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Her vision was blurry at first until a feet became clear in her eyes. Her gaze moved up until she saw... Katie Deogracia."Ano ha?" Marahas nitong sinabunutan ang buhok niya palikod. "Ilabas mo ngayon ang tapang mo, Lara! Wala kang kakampi dito ngayon. Naiintindihan mo? Walang magliligtas sa iyo dito!"Pinigilan ni Lara ang mapada ing sa sakit sa pagkakasabunot sa kanya ni Katie. She won't show any weakness to her. Hindi na siya nagtaka nang malaman na ito ang nasa likod ng pagka-ambush nila. "Nasaan ang mga anak ko?" matigas niyang tanong dito. She was soaked and cold as hell ngunit hindi niya hahayaan na manginig ang boses niya. Doon niya lang din namalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya sa isang silya. Ipinagpasalamat na lang niya na wala siyang piring sa mga mata."Ang mga anak mo?" Namewang ang babae sa harap niya at malakas na humalakhak. Pinagmasdan niya i
"Boss! Boss Kaden!" Halos liparin ni Joseph ang distansya mula sa kinatatayuan niya papunta kung nasaan ang amo. Nakakatakot ito ngayon na lapitan ngunit mas natatakot siya sa kung ano ang nangyayari ngayon kina Lara.Ambush? Paanong nangyari iyon? Lumabas ba ang mga ito?"Boss Kaden!—""What the fvck do you want, Joseph?!"Mainit ang ulo ni Kaden ng mga oras na iyon. Wala siya sa opisina. Wala siyang panahon sa mga business niya ngayon. Nagawa na nilang matunton kung nasaan nagtatago si Magnus. They've got into a bloody fight and the son of a bitch manage to escape again. Muling pinagmasdan ng binata ang nabasag na cellphone. Ayaw niya iyong itapon dahil sa mga importanteng larawan na nandoon. Mga larawan kung saan kasama niya sina Lara at ng kanilang mga anak.Mariin muna na lumunok si Joseph bago nagsalita."Boss.. Tumawag si Silver sa akin. Na.. Na-ambush daw sila!""What... did you say?" Pakiramdam ni Kaden ay nanlaki ang ulo niya sa narinig. "Paano iyon nangyari? Lumabas ba s
"Mommy, pwede ba kaming sumama sa clinic ni uncle Timothy?" Nag-aayos si Lara ng sarili at nandito nga ang dalawa at kinukulit siya na isama ang mga ito."Dito na lang kayo sa bahay. Wala naman kayong gagawin doon at saglit lang ang appointment ko.""Pero, mommy. We want to see the baby. Promise, magbe-behave kami doon at hindi magpapasaway," pakiusap ni Titus na magkandaong palad pa. Napabuntong hininga na lang si Lara. Ang hirap naman kasi na tanggihan ang dalawa lalo na at ganitong nagmamakaawa. Being a mother of twins, double trouble talaga. Mabuti na lang at laging nakaalalay si Kaden sa kanya kahit madaming ginagawa. Isang salita lang nito ay agad na titigil ang dalawa sa pagbabangayan. Sana naman ay hindi na ulit kambal itong pinagbubuntis niya. Apat agad ang anak nila kapag nagkataon."Oh sige na nga," pagsuko ni Lara. "Go back to your room and change. Bilisan niyo ha? Huwag niyong paghintayin ang mommy niyo."Singbilis ng kidlat na bumalik ang mga ito sa silid upang magbihi
"Congratulations, Lara! You're pregnant. Masusundan na naman ang dalawang chikiting mo!" puno ng galak na anunsyo ni Timothy."Totoo? Buntis ako?" pag-uulit ni Lara habang tutop ang bibig.Tumango ang binata na siyang ikinaluha ni Lara. Amidst of all the problems they are facing comes a blessing unexpectedly. Maagang umalis ng bahay kanina si Kaden. Trenta minutos pagkaalis nito saka siya nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo. Ayaw naman niyang istorbohin pa si Kaden kaya si Timothy na lang ang tinawagan niya. Papunta na sana siya sa clinic nito ngunit pinigilan na dahil nagda-drive na ito at dadaanan na lang daw siya sa kanilang bahay.Biglang pumasok ang mga kambal sa silid. Nag-unahan ang mga ito na magsalita. "How was it, uncle Tim? May sakit po ba si mommy?" nag-aalala na tanong ni Killian.Dinama naman ni Titus ang leeg at noo ng ina. "Your temperature is normal, mommy. Ano po ang masakit sa iyo?"Napailing si Lara at napangiti. Tiyak na magtatatalon ang mga ito sa tuwa kapag