Chapter 18.1
“Ah, kaya ka pumunta sa Orphanage no’n?” tanong nito. Agad naman akong tumango bilang sagot dito.
Naalala ko na naman ang pag kikita namin do’n at ang makukulit na mga bata. Pinagkukwentuhan namin ngayon ang araw kung saan kami unang nag kita.
“Ikaw anong ginagawa mo ro’n?” tanong ko sa kaniya. Kumuha naman siya ng pizza at kinagatan muna iyon bago muling lumingon sa akin at sumagot, “Hmm… dati lagi ako nando’n pag stress ako, those children takes my stress away. You know, pag kasama mo sila makakalimutan mo ‘ang problema mo at tatawa ka na lang ng tatawa.”
Sang-ayon ako sa sinabi niya. Marinig mo lang ang tawa ng mga batang &
Pag pasok ko naman ay ang galit na galit na si Isla ang sumalubong sa akin. Pagkita pa lang nito sa akin ay hinila na niya agad ang aking buhok papasok ng bahay. Si Beau naman ay nasa kaniyang likod lang at hindi kami pinapakielaman dahil abala pa siya sa pag kusot ng kaniyang mata at halata mo na kakagising lang. “Nag aalala ako sa iyo Aicelle! Pag punta namin dito ay walang tao. Hindi mo ba naalala na pupunta kami?” Sermon sa akin ni Isla. Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Hindi rin pala magandang galitin si Isla, baka mapalayas ako kahit na bahay ko ito. Habang nanenermon si Isla si Beau naman ay bumalik na ata ang kaluluwa niya sa kanyang katawan at ngayon ay tinitignan na ang aking mga pinamili. “May bagong upuan oh,” sabi p
Chapter 19.1 Hawak hawak ang aking telepono, masaya kong ibinalita kina Isla at Beau na makakapag aral na akong muli. “Sa Manila ka ba sissybells?” tanong ni Isla. Tumango naman ako bilang sagot dito. Naka facetime kaming tatlo nina Isla at Beau dahil pare-parehas namang mansanas ang aming mga telepono. “Hala! Sana ol!” aniya. Si Beau naman ay tahimik lang na nakatingin dahil kumakain ito. Dahil hapon na ay pauwi na silang dalawa galing sa kani-kanilang mga klase. Nakita ko sa background ni Beau ang mga waiter na dumaraan sa kaniyang likuran. Si Isla naman ay medyo natahimik dahil ito ay patakbong tumatawid. “Si Beau, yayamanin. Tamang kain lang sa Restaurant oh,” pang-aasar ko. Kunot noo naman itong tumingin sa ka
“How’s your day?” tanong nito nang makapasok na ako. Inayos ko muna ang aking mga gamit at ang mango shake na hawak ko bago ko sagutin ang tanong niya, “It’s so tiring!” pagod na pagod na sabi ko at nag unat unat pa ako.“Oh, my baby is tired,” malambing na sabi niya na ikinapula ng aking mukha. Sanggol na naman ako. “Shut up! Just drive, ok?” mahina naman itong tumawa. “Ok Ma’am,” bulong nito.Hindi naman na ako kumibo at pinabayaan na lang siya sa kaniyang ginagawa. “Do you want to eat?” tanong niya sa akin.Hindi naman na ako nag dalawang isip pa at tumango na ako sa kaniya. “Yes please, I’m already starving,” mahinang sagot ko. Narinig ko naman an
Chapter 20.1Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ang akala ko ay bibilhan niya ako ng Jollibee. Oo binilhan niya ako pero hindi ko naman ineexpect na isang branch ang bibilhin niya! Ang akala ko ay pagkain lang. Jusko may ari na ako ng Jollibee ngayon.“Diba? Para pag gusto mo ng Jobee ay hindi mo na kailangan pumila nang napaka haba, pwedeng pwede ka ng dumiretso sa kitchen at kumuha ng gusto mo!” sabi nito habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.Hindi naman ako kumibo at hinigpitan ang hawak sa supot na naglalaman ng isang bucket na chicken at iba pang binili sa akin ni Laurence.“Sa friday ang balik mo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.&nb
Napahawak naman ito sa kaniyang balikat na kinagat ko nang humiwalay ako sa kaniya. Tumayo ako nang tuwid at inayos ang aking damit. Hindi pa rin nawawala ang aking ngisi sa labi habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa loob ng kaniyang damit para tignan kung nag kasugat ba ang kaniyang balikat. “Wag kang mag aalala, hindi ko naman masyadong binaon,” natatawang sabi ko. Nakanguso naman itong tumingin sa akin na kala mo ay ilang sandali na lang ay iiyak na. “Anong hindi!?” may tampo sa kaniyang tinig. Muli ko namang kinagat ang aking labi dahil baka mas lalong mag tampo kung makikita niya na tumatawa ako. “Eh ikaw nauna eh!” katwiran ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng ka
Chapter 21 Nakahiga ako ngayon at patuloy sa pag iisip do’n sa nangyari kanina. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko, kung si Laurence ba o si Ms. Rhaya. Marami ang nakakakita na madalas pumunta si Ms. Rhaya sa Opisina ni Laurence. Naalala kong sabi sa akin ni Crystal. Hindi imposible na may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, pabago bago ako nang nararamdaman. No’ng nakaraan lang ay nagpaubaya na ako at pinabayaan ko na na ang damdamin ko ang magpasya, ngunit ngayon… nag dadalawang isip na naman ako. Nahihiya naman akong maag tanong kay Laurence kung anong totoo dahil paano kung totoo ang sinasabi nila at baka mag mukha pa akong kahiya-hiya sa harapan ni Laurence.
CHAPTER 22 Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang condo unit, malaki ito kumpara sa natural na condo unit. Malaya kang makakagalaw rito. Sa pagpasok ay meron rin sa gilid na pinto para sa banyo at katapat naman ng pinto ay may isang malaking salamin. Pag diretso naman ng aking tingin ay merong isang mahabang sofa at katapat no’n ay ang flat screen tv. Pag liko naman ay may maliit na Island counter akong nakita at sa gilid naman nito ay mayroong maliit na kitchen at sa harap naman nito ay dalawang pinto kung saan naroon ang kwarto. “Gutom ka na?” tanong nito habang tinatanggal ang sapatos na kaniyang suot. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling. “Ikaw ba?” balik na tanong ko sa kaniya. Pinagmasdan ko naman siya habang dahan-dahan siyang napahawak sa kaniyang batok
CHAPTER 23 Maaga akong nagising ngayon kaya agad akong bumangon at nag ayos ng aking sarili pagkatapos ay agad akong dumiretso sa kusina para mag handa ng agahan. Kunot ang aking noo habang umiikot dito sa kaniyang kusina. Last na ba ‘yong niluto ko kagabi? Muli kong tinignan ang mga stock niya sa ref at wala na nga talaga, siguro nga ay last na ‘yong kagabi na niluto ko. Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang kaniyang cupboard at gano’n na lang ang aking pag ngisi nang makita ko ang stock niya ng coco crunch. Punong-puno ng cereal ang isang cabinet na ito, at tiyak na hindi siya mauubusan ng stock ng coco crunch. Dahil ‘yon lang ang nakita ko ay ‘yon na lang ang aking inihain. Kumuha ako ng dalawang cereal bowl at naglagay rin ako ng gatas bago ko inilagay ang cereal. Na
CHAPTER 39 Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at malalim na huminga. “Mamaya na natin hanapin ‘yong may gawa nito, gawan muna natin nang paraan yung isusuot ng last model ah,” mahinang sabi ni Laurence sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. “Hahanapin natin yung may gawa nito ah, wag kang mag alala tutulungan kita. Kalma ka muna ngayon ah,” malambing na bulong muli nito sa akin. Tumingin naman ako sa aking mga staff na nasa loob ng kwartong ito at halos lahat sila ay nangingilid na rin ang mga luha. “Ma’am, ano na pong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong ng aking sekretarya. Umiling naman ako dahil wala rin akong maisip na paraan para rito. Bigla naman tumingin sa akin ang aking sekretarya na para bang may naisip itong paraan. "Ma'am! Naalala niyo po ba 'yong unfinished gown na dapat ‘yong magiging main dress? ‘Yong hindi po natin natapos kasi tumutok tayo sa main dress na ‘to?” Bigla naman akong nabuhayan ng marinig ko
A/N: I’m back after almost a two months break! sorry na agad, nawriter’s block ang author. ‘Di kakacodm ko ‘to! Anyways, happy reading!CHAPTER 38~~~Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip no’ng napanood ko. Parang paulit-ulit kong naririnig ang pag iyak niya at pag sabi na mahal niya ako. “Hello?” malakas na sabi ng aking sekretarya. Nanlalaki naman ang aking mata na tumingin sa kaniya dahil sa pagkagulat.“Ay, hello po ulit?” nahihiyang sabi niya sa akin. Parehas naman kaming napakamot sa aming mga batok at nag ngitian sa isa’t isa. “Sorry, ano nga ulit ‘yon?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Nakakaloko naman itong ngumiti sa akin bago mag salita. “Mukhang may hindi nakatulog kagabi ah?” nang aasar na tanong nito. Pabiro naman akong umirap sa kaniya. “Eh, ‘bat ba?” parehas kaming tumawa bago niya ibinigay sa akin ang papel. “What is this?” tanong ko habang tinitignan ang mga ito. “That is the list of the people who are invited to the party this coming Saturday.” Napatango-tango
CHAPTER 37Nakangiwi ako ngayon habang hawak ng mahigpit ang unan dahil paulit-ulit na bumabalik ang tagpo namin ni Laurence. Sa hindi malamang dahilan ay ibinaon ko nang madiin ang aking mukha sa unan at tumili ro’n. “Nakakainis! Ayoko na, kakalimutan ko na siya. Umiiwas na ako!” pag kausap ko sa aking sarili. Bigla na naman akong natulala nang pumasok na naman ang eksena sa aking isipan. Naiiyak na ako! Bakit kasi ayaw niyang mawala sa isip ko? Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at maalis ang kahilingan na makain ng lupa sa pagkakataong ito. Simula nang makalipat kami nang sasakyan ay hindi na naalis ang kahihiyan at guilt sa katawan ko. Ilang araw na rin ang lumipas at iniiwasan ko na nga siya at laging ang sekretarya ko na lang ang kumakausap sa kaniya para sa mga inumin na aming kinakailangan. Nalalapit na ang okasyon ng aming kompanya o ang pinaghahandaan na Fashion event na aming hinanda kung saan itatampok ang mga ipinagmamalaki naming designs.Ni
Chapter 36Habang naglalakad ako ay nakatingin pa rin ako sa kaniya at gano’n din naman ito. Hindi namin inaalis ang tingin namin sa isa’t isa. Pauwi na kami ngayon ni Isla dahil pagabi na rin. Simula kanina ay nandito na siya at nakamasid sa akin, ang akala ko nga ay aalis din siya at titigilan na niya ang kakatingin sa akin pero hanggang ngayon ay naroroon pa rin siya sa pwesto niya kanina. “Sino ba ‘yang tinitignan mo?” tanong ni Isla. Nakakunot pa rin ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya kaya pati siya ay kumunot na rin ang noo bago tumingin sa tinitignan ko kanina. At gano’n na lang ang bilis nang pag babago ng emosyon nito nang makita ang taong kanina ko pa tinitignan na hanggang ngayon ay pinapanood pa rin kami. “Walangya! Anong ginagawa niyan dito?!” inis na tanong ni Isla.“Hindi ko rin alam. Hayaan mo na, baka may date sila ni Ms. Rhaya.” Pilit ko naman siyang hinatak patungo sa sasakyan na ginamit namin pero pilit naman itong kumakawala sa pagkakahawak ko at masama pa
Chapter 35Kaharap ngayon ang lalaking minsan kong hinangaan at minahal at siya ring lalaki na nagpagulo sa aking buhay. Habang nakatingin sa kaniyang mukha ay bumabalik ang ala-ala kung paano ako nagmamakaawa sa kaniya na kami na lang— na ako na lang ang piliin niya. Bumalik sa akin no'ng panahon na natulog ako sa isang matigas at maingay na kalsada habang sila ay mahimbing na natutulog sa malamig na kwarto at malambot na kwarto. Kung paano ako nahiwalay kay Mommy dahil sa kaniya.Magiging masama ba ako kung mas hihilingin ko na 'di ko na siya makita? Na sana maging masaya na lang siya sa desisyon niya? Masama ba ako kung hindi ko pa siya mapapatawad ngayon? At kung mapatawad ko man siya ay akin na lang 'yon. Sa puso ko na lang 'yon.Masama na ba akong anak dahil hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon?“I’m sorry,” sabi nito habang nakayuko ang ulo. Mag isa siya ngayon na nasa aking harapan. Sa tatlong taong nakalipas ay malaki rin ang pinagbago ni Dad. Mas dumami ang puti niya
CTL 34Sa tatlong taong lumipas sa buhay ko, aaminin ko hindi naging madali pero kahit papaano ay naging masaya ako. Gano’n naman talaga hindi ba? Kahit gaano pa kahirap ang buhay basta masaya ka— naging masaya ka pagtapos nang lahat ng sakit. Sa buhay natin meron at meron talagang worth it na igive up, magiging masakit man para sa atin pero darating ang panahon ay mapapasabi ka na lang sa sarili mo na ‘Tama ang naging desisyon ko’. It’s not all about who the people will leave behind because of that decision, it's all about what will be better for you and for those people. "Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. Hindi naman ito sumagot at ngumisi lang sa akin. Huminga naman ako ng malalim kasabay no'n ang pag pikit ng aking mga mata at bumilang ng ilang segundo bago muling dumilat at ngumiti sa kaniya. "How are you?" Tanong niya sa akin. "I'm fine… I am really fine. Anyways, can we already talk about business hmm?" Ngumiti naman ito sa akin bago dahan-dahang tumango. Awkw
CHAPTER 33 I'm walking in my former school's hallway, I was here to get some papers at the office that I'll be needing when I heard someone screaming. My forehead creased when I saw a group of people shouting at the woman who's shouting at them also. "Not everything on the internet is true! Wala alam 'yang pesteng internet na ‘yan ang meron ako o kung ano ang nangyayari sa amin!" she shouted. The girl who's making fun of her was about to say something again but I immediately grabbed the girl who's about to cry. A sweet scent. I feel addicted to her scent and I think I can'
Chapter 32Unti-unti kong minulat ang aking mata. Tulala akong nakatingin sa kinsame habang iniisip ang lahat nang nangyari ngayong araw.Did he just break me?Muling nagpatakan ang mga luha mula sa aking mga mata habang inaalala ang mga senaryo na aking nakita kanina. Hindi ko ang alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. I really feel disappointed in myself for giving him a second chance. It’s my fault why I'm suffering right now, I have a chance to confront him. I have a chance to avoid this situation but I still choose to be in this situation. I’m freaking disappointed in myself!“Gising ka na pala.” agad akong napatingin sa taong pinanggalingan ng boses na
CHAPTER 31 Pagod ako ngayong nag lalakad pauwi. Gabi na ngayon, hapon ng mag simula ang exam namin. Habang nag lalakad ay iniisip ko kung nakauwi na ba si Laurence dahil kating-kati na akong makausap siya. Habang nag iintay ng binook kong grab ay binuksan ko muna ang aking twitter account. Habang nag sscroll ay napakunot ang aking noo nang makakita ako ng article kung saan nakita ko Ang pangalan ni Laurence do’n. ‘Falkerath Company new owner, Micael Laurence Falkerath and Model Rhaya Cristaline Schwartz reported dating. Agad kong binuksan ito at binasa. Halos manghina ako habang binabasa ito. Kaya pala… kaya pala lagi siyang ginagabi at walang kibo sa akin. Sunod-sunod na nag patakan ang mga luha ko sa aking. Nasasaktan ako sa nakikita ko, masakit. Is this the reason why he avoiding me? I feel betray. Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha na muling gustong pumatak. Nakasakay na ako