Beranda / Romance / Chasing Storms / CHAPTER THREE - REVERSE PREDATION

Share

CHAPTER THREE - REVERSE PREDATION

Penulis: PanitikANNA
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-02 08:23:13

“Leighton Correa.”

Bumaba si Leighton sa sasakyan nito. His hair was neatly tied. He also wore a long white sleeve polo which he folded in ¾ and black baston pants. Lalapitan na sana niya si Ali pero agad itong pumasok sa driver’s seat ng Lexus.

“Alissa!” he approached the window of the driver’s seat giving loud knocks. “Alissa!” called her for the second time.

Napabuntung-hininga si Ali at binaba ang bintana. “What now? Sisirain mo ba ang bintana ng sasakyan ko?” pananaray nito. “Saka paano mo nalaman kung nasa’n ako?” she felt, they switched roles. The hunted became the hunter.

“I got my sources. Can we just f*cking talk?” he hissed. Hindi niya palalampasin na hindi siya pinakinggan ni Ali noong nasa ELYU sila.

“Ano pag-uusapan natin, Mr. Correa – oops, Mr. Buenaventura?”

He was triggered when Ali called him by his legal last name, but he shrugged it off. “Rodic’s?”

Her eyebrows furrowed. “Hmm?”

“Rodic’s. Let’s talk there.” Matapang niyang wika. “It’s on me.” Biglang atras sa huling pangungusap nito.

Naningkit ang mata ni Ali. Paano ding nalaman ni Leighton ang paborito niyang kainan noong nasa hayskul pa siya? “I’ll call Nancy.” Nilabas niya ang kanyang phone para tawagan si Nancy.

“Uy, buntit.” Bati ni Nancy sa kabilang linya. Buti na lang, hindi siya naka-loud speaker.

“Samahan mo ‘ko sa Rodic’s,” sagot ni Ali. Tumingin pa siya kay Leighton.

“R-Rodic’s? `Te, may cases pa ‘ko dito – “

“Doon mo na lang gawin.” Giit niya. “Please…”

“Hay…sige. Mukhang gusto ng baby kumain ng paboritong pagkain ni Mommy, ah?”

“Sira. Hintayin kita sa kotse.” Binaba niya ang tawag. “Happy?” pataray niyang anas kay Leighton.

His smile widened and even pinched her cheek. “Doon na lang kayo sa kotse ko. Hatid ko kayo dito pagkatapos.”

She removed his hand on her cheek. “No need. I can drive.”

Lumabas si Nancy dala ang malaking tote bag at maliit na pack bag. Ngumiti pa siya kay Leighton na nasa harap pa ng driver’s seat. Lingid sa kaalaman ni Ali, nag-uusap na sila. Si Leighton ang unang kumausap sa kanya matapos ang concert nila sa ELYU.

Ang tanging tanong ni Leighton sa kanya ay ano ang lagay ni Ali.

“Dr. Narcissa Melendrez?”

Gulantang si Nancy nang pumasok si Leighton sa clinic niya. Ang kanyang white coat ay nakasabit sa kanyang swivel chair. Katatapos lang ng outpatient duty niya sa clinic. “Oh, Mr. Leighton Correa, maling clinic yata napuntahan mo dahil mga babae lang ang pasyente ko. You should see a Urologist or a General Practitioner.” Pormal niyang tugon. “Maupo ka.”

Pinaunlakan naman siya at naupo sa silyang katapat ng mesa ni Nancy. It was a normal clinic with posters of human female reproductive system and charts of pregnancy – from zygote to fetus.

“Anong maitutulong ko sa batikang musician?” sumimsim pa siya ng kape galing Starbucks. “I still have 30 minutes bago pa ko pumunta ng ospital.”

He breathed heavily. “Alissa Mercado.” Nasamid pa si Nancy. Bakit sa kanya hinahanap si Ali? “I know you’re friends since highschool.”

“So?” tumikhim si Nancy. “Bakit mo siya tinatanong sa ‘kin?”

“I want to know more about her. How was she when she was in high school especially during college.”

Napalumbaba si Nancy at pinagmasdan si Leighton. Despite being normal, stress reeked on him. He had dark circles under his deep-set eyes and stubbles on his chin area. “Hindi ko inaasahan na nai-stress ka sa friendship ko. May nangyari ba?”

“I can’t find nor reach her,” tipid nitong sagot.

“Bakit? Kayo ba? Kung hindi, she decided to cut ties with you.” She hit the point. She wanted to make Leighton realize kung gaanong malaking kawalan si Ali sa kanya. She saw that Leighton grabbed a stick of cigars from his pocket. “Bawal po manigarilyo sa opisina ko.”

“I know, woman.” Hinagod niya ang yosi sa ilalim ng nostrils nito.

She felt insulted. “Dol. Isa akong doktora, Leighton. Paano kitang sasagutin niyan? Ininstulto mo ko dahil sa misogynist mong tawag sa ‘kin.”

“Sorry… I can’t think straight.” Tuloy pa rin ang paghagod ng yosi sa ilong nito. “After our concert in ELYU, I can’t stop thinking about her. At first, she was an annoyance. She even pretended as her twin sister.”

“Ah…si Melai ba? I know her.” her lips are pouted while nodding. “Sayang, mala-Romeo and Juliet ang nangyari sa kanya. Until the end, pinili niyang wakasan ang buhay niya kaysa makasal sa iba.”

“Yeah…” his voice was raspy. “…as time passed, Ali showed her real self to me. She removed from her shadow and realized that they were polar opposites. Due to that – “

“Gets ko na, Mr. Correa.” Nancy interrupted him. “You love her, right?” Leighton blushed and his eyes widened in surprise. “Sayang, late mo nang ma-realize. Minsan, hindi nating napapansin ang mga bagay na abot na natin kasi alam mo na nandiyan lang. Kapag nawala na ang mga bagay na binabalewala na natin, doon lang nating hahanapin.” Nilabas niya ang Vick’s Inhaler at nilagay sa ilong nito. “Hay,” she scoffed. “Nakakapagod din kasi na magbibigay todo ka sa taong hindi talaga interesado sa ‘yo. Naikwento sa ‘kin ni Ali ang nangyari pagkatapos ng concert niyo sa ELYU.” Inabot niya ang isang calling card sa kanya. “That’s my contact details. I can help you to know her whereabouts or happenings to her life, just info that she allowed.”

He grinned bitterly. Is this the end of the line for them? He kept the calling card in his wallet. “T-That’s enough for me. Besides, she doesn’t deserve a sh*t like me.” He left a PhP 1000 bill on her table. Akmang ibabalik ni Nancy ang pera pero mabilis na umalis si Leighton sa kanyang opisina.

“Beshie, hindi mo man lang sinabi na nandito si Leighton Correa,” ani Nancy at sumakay sa shotgun seat. Siya ang nagsabi kay Leighton na dadaan si Ali sa bahay niya. Balak niya sanang pagtagpuin ang dala pero siya ang nasupresa sa kanyang nalaman. Dahil sa hiling ni Ali, wala siyang balak ipaalam kay Leighton – kahit alam niya na ito ang nararapat.

Dumating sila sa Rodic’s Diner. Walang gaanong tao dahil kabubukas lang nang alas-8 ng umaga.

“Ako na o-order, ladies. It’s on me.” Naupo ang dalawa malapit sa ceiling fan. Kung ano ang kinalamig ng klima dahil magpapasko, ganoong kainit ang tensyong nararamdaman ng dalawa.

Luminga-linga si Nancy sa counter kung nakatingin si Leighton sa kanila. Iniabot ni Nancy ang reseta kay Ali. “Jusku, ang drama natin kanina,” pabulong nitong wika. “Nakalimutan ko ang reseta. Dahil low-lying si bibi, may pampakapit akong nilagay diyan saka vitamins na rin.” Tinuro niya ang mga gamot na sinulat niya at pinaliwanag kung kailan ito iinom at ilang beses sa isang araw. “Kapag may spotting, balik ka agad o tawag ka lang. Iwasan mo ang stress, ah?”

Tumango lang si Ali. Binasa niya ang mga nakasulat sa reseta. Maganda ang handwriting ni Nancy – madaling basahin. ‘Di kagaya ng ibang doktor na parang kinalahid ng manok ang sulat. Minsan, stenograph pa. ‘Yung tipong mapapaisip ka kung ano ang naisulat. Ending, lalapit ka pa sa pharmacist para sila ang magbasa sa ‘yo. May mga oras ding nagkakamali sila sa pag-intindi ng reseta kaya maling gamot din ang naibibigay sa pasyente. Dagdag sakit na naman ng ulo. Hindi ko makita ang logic kung bakit kailangang pahirapan ang pasyente sa sulat nila. Kaya nga sila lumalapit sa doktor dahil sa nararamdaman nila pero bibigyan pa sila ng problema sa pagbabasa ng reseta.

“Tago mo na agad.” Bulong ni Nancy sabay tapik sa kanya. Muli siyang lumingon kay Leighton, nakikipag-selfie pa sa mga staff. “Sikat na sikat talaga, pinuntahan ka pa. Saan ka pa?”

Umirap si Ali. “Paano niya nalaman na nandito ako sa Teacher’s Village?”

“Tagu-taguan lang?”

Her eyebrows furrowed. “Tagu-taguan?”

“`To naman. Parang hindi ka naglaro no’n.” Sabay hampas sa braso nito.

“Ikaw, ah. Nakakarami ka na. Pumapatol ako sa doktor.” Ali hissed with tiger eyes on her.

“From the name of the game. No’ng una, ikaw ang naghahanap at naghahabol kay Leighton. Tapos ngayon, siya na ang naghahanap at naghahabol sa ‘yo. Haba ng hair, ah? Anong gayuma ‘yan? Share mo naman. Magamit ko sa cursh ko sa Neuro Department.”

Tinaas ni Ali ang gitnang daliri nito. “Ginamit ko lang kalandian at tahong ko,” she smirked. “Tahong na bilasa.”

Nagtawanan silang dalawa.

“Saya niyong dalawa diyan.” Dumating si Leighton at nilatag ang tatlong order ng Tapsilog. Naglaway si Ali habang kinukuha ang kanyang portion. Ito kasi ang comfort food ni Ali. Mukhang nakikiayon pa ang little worm sa loob ng kanyang sinapupunan. Nakalimutan pa niyang magdasal bago kumain.

“Sorry, ah. I’ve been wanting this forever.” Agad sumubo ng kanin at ulam.

His lips arched. Kailan ba niya huling nakitang nagtakaw nang ganito si Ali? He’s now appreciating her small gesture. “As I was saying…” he breathed heavily. “…hindi mo ko pinagsalita noong nasa ELYU tayo.” Tuloy pa rin si Ali sa pagkain animo’y siya lang ang naroroon. “A-Ali-bog…I-I’m sorry…I-I’m sorry if I rejected you…”

Huminto si Ali sa pagkain. “Okay lang,” mahinang tugon nito. Halos maubos niya ang tapsing kinakain niya. “At least, natauhan na ko.”

His heart was torn into pieces when he heard it. Albeit rejecting her, he was still longing for her.

“Alam mo, ang dami kong sinayang na panahon.” Nasimot niya ang plato. “Wait lang, o-order pa ‘ko.”

“Ako na.” he volunteered. Tumayo siya para pumunta sa counter. “Isa pang order ng Tapsilog.” Sabi niya sa cashier na kinikilig pa. Baka Leighton Correa ‘yan.

“Sir, kung may o-order-in ka pa after, tawagin mo lang ako o mga staff namin,” sweet na reply ng cashier na halos maglandi na sa kanya. Tipid na ngiti lang ang ginawad ni Leighton. Para sa kanya, normal na pagkikita lang ‘to ng mga fans. “Serve na lang po namin ang order niyo.” Sabay kindat.

“Thank you.” Bumalik na si Leighton sa pwesto nila. “Ali…please, don’t say that. Because of your efforts, I met my son. I know Melissa didn’t cheat on me…” he held her hand, but she evaded it.

“Kasi deserve mo ‘yun. Kaya ko namang ginawa ‘yun dahil gusto kong alalahanin mo ang kakambal ko.” tumikhim siya. “Ang tanging pagkakamali ko, nahulog na rin ako sa ‘yo. That’s all in the past.”

Umiling si Leighton. “No, Ali. Please…” pagmamakaawa niya. Muli siyang humawak sa kamay ni Ali.

“No. Tama na. Tapusin na natin ang kahibangang ito. Magkanya-kanya na tayo. Minahal kita, oo. I gave my trump card, but I was defeated by your Joker.” She scoffed, “Oo nga pala, you are the Joker. The most powerful and conniving card.”

Wala nang nasabi si Leighton. Every word she said was true. He even declined her advances before. She was the storm in his nirvana. Right now, he is chasing that storm to rock his world again.

Dumating ang pangalawang order ng Tapsilog. “O-order pa ko ng isa.” Tumango ang server. “Thanks!” May kinuha si Ali sa pitaka nito. “Ito, PhP 500. Bayad ko ‘to sa order mo.” inabot niya kay Leighton ang dilaw na perang papel at iniwan siya sa table para pumunta sa counter dala ang bagong dating na order. Te-takeout na lang niya iyon at magdadagdag pa ng isa para kainin sa bahay.

Tinapik ni Nancy ang lugmok na Leighton. “Galit pa rin,” bulong nitong anas.

Bumuntung-hininga si Leighton. “Hindi ko na alam, Doc Melendrez. H-How can I tell her?”

“Mr. Correa, even storms can get tired easily. Lalo na kapag malakas ang defenses ng lugar na sinasalanta niya. Kaya liliit ang bagyo, maging low pressure area at lilipat sa iba.” Paliwanag ni Nancy. “Hindi ako meteorologist pero ginawa kong halimbawa ang bagyo. Let it pass for now. Kung talagang kayo hanggang dulo, let the fate do its work.”

He nodded. “Alis na ‘ko. Thanks again, Doc Melendrez.”

She raised and descended her brows. “You bet. Don’t worry, I’ll keep you posted.”

Except for your baby, dummy.

Kinakabahan si Ali habang pinaparada ang kanyang Lexus sa bahay nila. Alas-11 na ng umaga. Agad sumalubong si Marisol para kunin ang mga takeaways galing Rodic’s.

“Aba, late ng uwi Nag-OT ka ulit?” usisa ni Marisol sa kanya.

“Hindi po. May dinaanan lang.” pinindot niya ang lock button sa susi ng Lexus. “Sina mommy at daddy?”

“Nandiyan pa. As usual, nagbabasa ng plano.” Pumasok sila sa loob ng bahay.

Hindi ito ang totoong magulang ni Ali na nagtatrabaho bilang architects. Inampon siya nito dahil hindi sila biniyayaan ng anak. Maswerte si Ali dahil tinuring siyang totoong anak ng mag-asawa.

Datnan ni Ali na nagbubutingting ng iPad ang kanyang mommy na si Belen Mercado. Nagbabasa naman ng plano ang kanyang daddy na si Arnold Mercado. Si Ajax naman ay nakapasok sa eskwelahan. Siya ang anak ni Leighton at ang kakambal niya na si Melissa. Buhat nang nagpakamatay si Melissa, inampon din ito nina Belen at Arnold dahil tinuring siyang salot ng totoong magulang ni Alissa at Melissa.

Agad nagmano si Ali sa kanyang magulang.

“Kaawaan ka ng Diyos,” ani Belen. Ang mga mata nito ay nasa iPad pa. Naglalaro ng Candy Crush.

“Aba, daming in-order sa Rodic’s. Hulaan ko, Tapsilog ‘yan.” puna ni Arnold sa kanya at bumaling sa kanya.

Umupo si Ali sa tapat nila. Kasalukuyang nasa dining table sila, gumagawa ng kani-kanilang trabaho. Tumikhim muna si Ali at nagsilingunan ang mag-asawa sa kanya. “M-May sasabihin po ako.” utal niyang panimula.

Nagtinginan lang ang mag-asawa. Tila alam na ang sasabihin ni Ali.

Ngumisi si Belen sa kanya, “Alam mo na ba?”

Umarko ang kilay ni Ali, naguguluhan. “A-Ano pong alam ko?”

Suminghap si Belen, “Napapansin namin ang mood swings mo saka parang lumalapad ang balakang mo.”

Bumilog ang mata ni Ali. Paano nila alam?

“Hija, nagdaan kami sa ganyan. Malungkot nga lang dahil ilang beses na kaming nawalan ng anak,” lahad ni Belen. Bago pa nilang iampon si Ali, ilang beses na siyang nalaglagan ng anak.

“Ali, anak, totoo ba?” seryosong tanong ni Arnold na nakatingin sa kanya.

She pursed her lips biting her lower lip. “Y-Yes, D-Dad…” yumuko ito out of shame.

“Hallelujah!” Belen exclaimed. She stood up out of emotions while raising her both hands. “Magkakaapo na kami!”

Hindi inaasahan ni Ali ang reaksyon ni Belen sa kanya. Imbes na magalit na nagpabuntis ito, masayang-masaya pa dahil magkakaapo na sila.

“Belen, mahal, kailangang makasal muna sila ni Leighton.” Seryosong anas ni Arnold habang inaayos ang salamin sa mata.

Tila nabalutan ng hiya si Belen at umupo. “A-Alam ba ni Leighton ‘to? Saka kayo na ba?”

“`Yun nga po, eh…” pakiramdam niya ay napipipi siya na parang latang tinatapakan. “…hindi po ako mahal ni Leighton saka…wala po siyang alam.” Gumaralgal na ang boses niya.

Suminghap si Belen. “Anong plano mo? Sasabihin mo ba?”

Umiling si Ali. Naisip niya na ito ang makakabuti sa kanila tutal tapos na ang lahat sa kanila – kahit walang label.

“Hindi pwede ‘to. Tatawagan ko si Correa.” Nilabas ni Arnold ang selpon.

“`Wag po!” pigil ni Ali. Buti na lang hindi na nai-dial ang number ni Leighton sa cellphone ng daddy niya. “H-Hindi na niya po kailangang malaman. Mas lalong ayokong makasal sa kanya.”

Nagtiim bagang si Arnold. “Alissa, binuntis ka niya. Natural, kailangan niyang panagutan! Ano ‘yun, hahayaan mo siyang magsaya at magpakasasa sa ibang babae? Tapos ikaw, ikaw ang mahihirapang dalhin ‘yan ng siyam na buwan?”

“Hindi po gano’ng tao si Leighton!” tumaas na ang tono ng pananalita niya. “Alam ko po na may malasakit po kayo sa ‘kin pero hindi po siya nakikipagharot sa ibang babae.”

“Anong tawag sa ginagawa mo noong binigay mo ang sarili mo, huh?” uyam ni Arnold na napatayo na sa kinauupuan sa galit.

“Tama na ‘yan.” Pigil ni Belen sa mag-ama. “Alam ko may dahilan si Ali kung bakit ayaw niya. Paano nga kung ikasal sila pero hindi nila mahal ang isa’t-isa? Mahirap ‘yun!”

“Matutunan naman nila ‘yun,” saad ni Arnold. Mahinahon na siyang magsalita.

“Kahit na! Paano kung hindi mag-work? Mahihirapan ang anak at apo natin. Mahal ang annulment. Isa pa, anumang naipundar ni Alissa, kahati siya.”

Napakamot na lang sa batok ang asawa. “Bahala kayo!” Umalis siya sa dining para lumabas ng bahay.

Hinintay muna ni Belen na makalabas ng bahay si Arnold. “Anak, pupunta dito si Leighton next week.” Inaayos na ni Leighton ang adoption papers para sa custody ni Ajax. “Sigurado ka na ba sa balak mo?”

Tumango si Ali. Desidido na siyang hindi sabihin ang tungkol sa pinagbubuntis niya.

“Naiintindihan ko.” tumayo si Belen at may kinuha sa kwarto nilang mag-asawa. Nasa unang palapag lang ang kwarto nila ngayon na dating maid’s quarters. Dahil matatanda na at hindi na nakakaakyat ng hagdan nang maayos, nilipat nila ang kwarto doon. “Ito, hija.” Isang bundle ng susi ang binigay niya. “Susi ito ng condo ko sa Commonwealth. Pang-AirBnB business ko sana kaso papagamit ko na lang sa ‘yo. Fully furnished na ‘yan. Pwede mo na ring lipatan.”

Nag-alpasan ang luha ni Ali sa kanyang mata. “T-Thank you dito, Mommy.” Yumakap siya kay Belen mula sa likuran nito. “Sana po ‘wag po sabihin ni Daddy sa kanya,” anas niya.

“Subukan lang niya,” asik ni Belen. “Sabihan ko rin si Marisol. Daldal pa man din no’n.”

Lumakas na ang hikbi ni Ali na parang bata. Sa edad na 30 ay nagawa niyang umiyak na parang bata.

“Naku, Alissa. Ikaw pa rin ang baby namin.” Hinagod niya ang braso na nakayakap sa leeg niya. “Tawagan mo kami parati, ah? Saka dumalaw ka sa ‘min.” sumisibi na siya dahil ito ang unang pagkakataon na bubukod si Ali sa kanila.

Nakakatawang isipin na pinabubukod na si Ali sa kanila dahil matanda na ito. Hindi niya inaasahan na sobrang sakit pala kapag nasa sitwasyon ka na.

Bab terkait

  • Chasing Storms   CHAPTER FOUR - THE HIDING BEGINS

    Sa parehong araw, nakalipat na si Ali sa condong binigay sa kanya ni Belen. Limang maleta ang dala niya at nagpatulong pa siya sa staff ng condo para maingat lahat ng ‘yun. Bago ang nasabing condo pero kumpleto ‘yon sa gamit.I’m here na po sa condo. Thanks for everything. *heart emojiNagpadala pa siya ng text message kay Belen. Agad naman ito nag-reply sa kanya.Leighton was here. He’s looking for you. Her eyebrows furrowed. He was desperately looking for her.Let him be.Pagka-send ng nasabing text message, isang tawag ang nag-flash sa cellphone ni Ali. It was an unknown number. Lalong kumunot ang noo nito dahil wala naman siyang pinagbibigyan ng number niya sa ibang tao. “Hello, Lia speaking?” may neutral accent si Ali sa tuwing kumakausap siya ng outside sa circle niya.“Ali.”She gasped because she knew who the caller was. “How did you get my number?” pananaray nito.Bumuntung-hininga ang taong nasa kabilang linya. “Just checking on you. Sabi ni Tita Belen, hindi ka na nakatira

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-03
  • Chasing Storms   CHAPTER FIVE - BABY

    JUNE 27, 2018 –Maingat silang hindi ipaalam kay Leighton kung ano ang sitwasyon ni Ali hanggang sa araw ng kapanganakan niya. Alam din ito ng magulang ni Tenya kaya sa Meycauayan Doctors Hospital siya nanganak. On-call din ang kaibigan ni Ali na si Nancy, ang attendee OB-Gyn.“`Tangina mo, Leighton! AAAAAHHH!” Ali’s voice was lingering in the halls.Naghihintay naman sina Gigi at Shana sa labas ng Delivery Room.“Grabe naman ang sigaw ng buntit,” reklamo ni Gigi habang nagseselpon. “Iniisip ko kung gaanong kasakit ang mag-labor.” Thinking out loud.Suminghap si Shana. Nasa ikalawang trimester ito ng pagdadalangtao niya. Two weeks after their meetup, nalaman niyang buntis din siya. Ito rin ang araw nang kailangang magpunta ni Tenya sa Amerika para sa trabaho bilang nursing aide. “Bigla tuloy ako natakot, Gigi.” aniya.“AAAAAHHHHHH!!! TANGINA!!!”“Sigaw pa, sisterette! Nag-iiyak ka sa sarap habang ginagawa niyo ‘yan. Mag-iyak ka ngayon sa labor!” Gigi shouted back. “Hindi ko talaga get

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-04
  • Chasing Storms   CHAPTER SIX - ETHYL

    Dalawang araw lang na-admit si Ali. Nag-stable din ang BP niya matapos ng medication na binigay sa kanya. Hindi nga lang niya napa-breastfeed ang anak gaya ng plano niya. Hindi daw uubra dahil sa mga gamot na ini-intake niya.Pagkalabas ng ospital saka inasikaso ang birth certificate ng bata. “Anong papangalan mo sa junakis mo?” tanong ni Gigi sa kanya.“Ethyl…Ethyl Leighia Mercado.” Binigyang diin ang kanyang apelido.Umiling si Gigi habang napa-tsk. “Tataguan mo na talaga si Leighton niyan?”“OO.” Sagot niya with conviction. “Hindi na niya kailangang maghabol sa ‘min.” She bit her lower lip. She knew deep inside, she still had feelings. However, she had to suppress it. Ayaw na niyang maghabol ulit lalo na kung hindi naman siya pinili sa huli. Agad niyang f-in-ill up-an ang birth certificate mula sa ospital. Ang ospital ang magpapasa mismo sa Office of Civil Registry ng City Hall saka ito ipapasa sa Philsys.Naging mahirap ang unang buwan ni Ali sa pag-aalaga sa bata. Laging puyat at

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-05
  • Chasing Storms   CHAPTER SEVEN - SIOMAI RICE

    L.C – Naglabas ng bagong mini-album sa Spotify.Ito ang headline na nabasa ni Ali sa Entertainment segment ng GMA. Animo’y nakakita ng multo si Ali dahil alam niya na hindi palalabas sa TV si Leighton. Madalas itong lowkey at mas sikat ito bilang music producer. Buhat kasi nag-viral ang performance ng banda sa Baguio ay nagkaroon na siya ng mga singing projects. Hindi inaasahan ng madla na magaling kumanta si Leighton at nagustuhan ito ng mga netizens.“Siomai Rice – bakit Siomai Rice ang pangalan ng mini album mo sa Spotify?” tanong ng morning show host na si Lhar Polintan. Kasalukuyang iniinterview si Leighton live. Ito lang kasi ang bakanteng oras ni Leighton bago magturo.Napakagat-labi pa si Leighton at binasa pa ang ibabang labi. “I was inspired by my experience when I was in college,” pormal nitong sagot. “Malaking ambag ang siomai rice sa ‘kin dahil iyon ang nagbigay inspirasyon sa ‘king lumaban sa buhay.”Palakpakan at hiyawan ang mga fans. Kahit 35 anyos, lalong humulma ang

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-06
  • Chasing Storms   CHAPTER EIGHT - BLACKMAIL

    Pumunta ng pantry si Mars para kumuha ng kape. Aantukin na naman siya dahil wala pa siyang matinong tulog. Limang taon na rin siyang ganito. Limang taon na ginugulo ni Leighton tungkol kay Ali.Speaking of the devil, tumawag si Leighton sa kanya. L ang pangalang lumilitaw sa caller id nito. Wala siyang choice kundi sagutin ito. “Sir L!” malambing nitong sagot kahit na gusto na niyang konyatin si Leighton sa personal.“Mariano Solis,” seryosong tugon ni Leighton sa kabilang linya. “Ano ang ire-report mo sa ‘kin ngayon?” sa tono niya, inaalam niya kung ano ang reaksyon ni Ali sa interbyu niya kanina.“Hay, Sir L, defensive si ante kanina.” Pangisi nitong sagot.Naging obligasyon na ito ni Mars. Nahuli siya ni Leighton sa isang bar na nagtutulak ng “D” sa mga artista. Ito ang ginamit ni Leighton para mapaikot si Mars sa kanyang palad. Ginamit niya itong pang-blackmail kung sakaling tumanggi si Mars, isusuplong niya ito sa kapulisan.Kahit na laging nagsasabi si Mars sa kanya, nakukulanga

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-07
  • Chasing Storms   CHAPTER NINE - THREAD OF FATE

    “Be my GF.”Ali’s eyes widened with disgust. “Yuck! Randall, wala bang bago. Ako – ““Lia, this is for your own good. Para sa anak mo. This is the right time na pamukha sa kanya na wala na siyang babalikan sayo,” he persuaded.“Paano kung makarating ‘to kay Kiara?” asik niya. Alam niya na kasal na si Randall kay Kiara. Ayaw na niya ng gulo lalo na’t tali na si Randall.Tumikhim si Randall sa kabilang linya. “I’ll explain it to her. You’re now my little sister, Lia. Pumayag ka na.”“Little sister ka diyan!” Ali didn’t like his reason. She dropped the call quickly.She got a little momentum. Breathe in. Breathe out. She had to get out as soon as possible. When she got the strength, she needed to, she quickly aborted to the women’s comfort room. She still saw Leighton talking to someone over the phone.He wore a long black sleeve which were folded to his elbows. His physique became frailer compared to before.Did he get to eat three meals a day?Did he get enough sleep at night?Hindi ga

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-07
  • Chasing Storms   CHAPTER TEN - FATHER AND DAUGHTER

    “Watch where you’re running!” a man shouted at Ethyl.Ethyl jerked and her tears built up in her dolly eyes. “Sowwy…” She was scared at this man who had jet-black waist hair with red bandana on his forehead, wearing long black and white sleeves and jeans, and Converse shoes. His eyes were like a tiger seeking its prey.He felt guilty by Ethyl’s puppy eyes. She was like a doll lost in the woods. He lowered his guard and gave her a gentle look. Agad niyang tinayo si Ethyl na naluluha pa rin hanggang ngayon. Umupo siya sa harapan ni Ethyl na naka-squat para tapatan siya. “It’s okay, don’t cry. I make girls cry in bed though,” pagbibiro pa niya scratching his left cheek using his index finger.Hindi nakuha ni Ethyl ang sinabi nito sa kanya. “H-How did you make giws cwy in bed?” inosenteng tanong nito.He chuckled and patted her head. “You don’t need to know, kiddo. Where’s your mom?”Ethyl shrugged her shoulders. Luminga-linga pa siya. “M-Mom-dy said she wouwd answew a phone caww.”Kumuno

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-08
  • Chasing Storms   CHAPTER ELEVEN - INSURGENCE

    INSURGENCE – an act of revolution.Hindi papayag si Leighton sa gustong mangyari ni Ali. He came up with a plan just to know her welfare, kahit hindi na kung saan siya nakatira. He declared hiatus to his music career just to focus on his teaching and searching for Ali at the same time. Ginawa rin niyang intel si Mars sa mga nangyayari kay Ali sa opisina. Nalaman niya na naka-work-from-home setup si Ali nang hindi malamang dahilan. Hindi ring sinabi ni Mars kung bakit. Nagpatawag din siya ng mga private investigators pero tikom din ang bibig tungkol kay Ali. Lingid kay Leighton, pinaharang lahat ni Ali na ilabas ang impormasyon tungkol sa kanya dahil naging kliyente din siya ng mga iyon. May NDA sila kay Ali. Despite these loopholes, whatever information he obtained was vital for him.It was June 27th, 2018, 6 months after their last meet up. Doon niya napagtanto na may appointment siya sa nanay ni Tenya na si Dra. Sabrina Guzman.“Cancelled and appointment ko?” tanong niya, nagtatak

    Terakhir Diperbarui : 2023-11-30

Bab terbaru

  • Chasing Storms   CHAPTER TWENTY - SUICIDE LETTER

    Their eyes are clashing, as if there was an aura that intercepts with each other. As if no one could falter or else, it’s a loss. Alam ni Ali ang posibleng mangyari kung magkita sila. Hindi lang sabon ang gagawin ni Shana sa kanya, kusot at hagod sa kanya.Ang ulo ni Gigi ay palinga-linga sa kanilang dalawa. Si Ali na nakakrus ang parehong braso sa dibdib na parang ayaw magpatalo at si Shana na nakatingala sa kanya dahil hanggang balikat lang siya nito. Nararamdaman ni Gigi ang tensyon sa kanila. Minsan nang nagkainitan ang dalawa noong pinag-iinitan siya ni Ali noong malapit si Leighton kay Shana ngunit tila nagkapalitan sila ng pwesto. Si Shana na ang may lamang para gisahin si Ali sa anumang ikikilos nito. Muling napangiti si Gigi kahit ilang ang kanyang nararamdaman. “Nandito na si Shana, Ali.” Tinapik niya ang balikat nito at nilagpasan na parang siya na ang may-ari ng unit. Umiba ang tingin ni Shana at sumunod kay Gigi. Bago pa ito umupo sa sofa ay muling tiningnan niya sa A

  • Chasing Storms   CHAPTER NINETEEN - UNIT 2507

    Malalaking hakbang. Animo’y nagmamadali si Ali papalabas ng townhouse ni Leighton. Hindi na niya nadala ang mga basang damit niya. Tanging sling bag lang ang kanyang bitbit na nakasabit sa kanyang balikat.Kinapa pa niya ang kanyang sling bag para ilabas ang selpon nito. Ayaw na niyang maabutan pa si Leighton dahil sa kanilang mainit na halikan. She was still intoxicated. The things she did in the past years had been placed into waste. As such as possible, she had to book a ride back home. She uttered curses as she stomped her feet on the cemented road. “Ang rupok mo, Ali!” Her face cloistered as no driver would accept her request. Pakiramdam niya ay para siyang nagtatago na biktima mula sa isang mamamatay-tao na humahabol sa kanya. Mamamatay-lamig at nagpabubuhay ng kanyang nararamdaman. Ang kanyang katawan ay nagmistulang nasa tapat ng limelight nang pumwesto siya sa isang mataas na poste na may ilaw sa gilid ng daan. Pati ang itim na pigura dulot ng kanyang anino ay kanyang kinak

  • Chasing Storms   CHAPTER EIGHTEEN - KILL IT WITH FIRE

    “Nagkita na ba kayo ni Leighton?” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Paano nalaman ni Tita Belen ito? Nasabi ng amiga ko sa simbahan kanina na kumanta ka raw ng Responsorial Psalm kanina at si Leighton ang piyanista. Maganda daw.” kwento ni Tita Belen sa kanya. Hindi nakasagot si Ali sa tanong ng kinikilala niyang ina. “Alissa, malaki ka na. Nasa husto ka nang gulang. Kung may gusto ka sa ama na anak mo, go lang. Kailangan din ni Ethyl ng daddy na masasandalan at sana mahal ka talaga ni Leighton.” “Mom – “ sasagot pa sana siya nang naputol na ang tawag. Ito na yata ang sign na hinintay niya. Ngunit wala siyang balak na sabihin kay Leighton ang lahat. Hindi pa nga siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Leighton na tinago niya si Ethyl nang ilang taon. Lalo na, may pinagdadaanan si Leighton ngayon. ***** “P’re, sa next month na po ang resulta ng paternity test.” Suminghap si Leighton. Bakit aabutin pa ng buwan ang resulta kung pupwede namang makuha ‘yun nang mabil

  • Chasing Storms   CHAPTER SEVENTEEN - THE BROKEN CORREA

    Hindi namamalayan ni Ali na nasa harapan na siya ng townhouse na inuupahan ni Leighton. Walking distance lang ito mula sa chapel. Wala siyang choice dahil para silang basang sisiw.Naging mapaglaro ang tadhana dahil matapos sabihin ni Leighton ang nararamdaman nito sa kanya ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Sinabi naman ng Weather App na hindi uulan ngayong araw naging taliwas iyon kinagabihan. Madalas namang pumalya ang Weather App dahil sa climate change pero naging playful ang tadhana sa kanilang dalawa.Buti na lang hindi nabasa ang selpon ni Ali na nakalagay sa waterproof sling bag. Ngunit ang kanyang damit ay hindi waterproof, lumabas ang hubog ng kanyang katawan dahil naging hapit ang Sunday dress na suot niya. Dahil pa light color, bakat din ang itm na bra na panloob niya. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi niya pinares kulay ng bra sa damit niya. Nakakrus tuloy ang braso sa kanyang dibdib. Hindi niya alam na lumalabas din ang bilugang dibdib sa ginagawa niya.Pali

  • Chasing Storms   CHAPTER SIXTEEN - LAST SUNDAY NIGHT (2)

    “Ali,” Huminto siya sa paglalakad. Gumilid muna siya dahil naiilang nakakailang ang sitwasyon ngayon. Para siyang kandila na muling sinindihan sa matagal na panahon. Buong lakas siyang huminga para harapin ang lalaking tumawag sa kanya. “What?” lalong namula ang kanyang mapusyaw na mukha. Leighton gazed at her same as what she did. He was the zippo lighter that ignited her dormant wick. Umiwas siya ng tingin dahil sa kagandahang taglay ni Ali ngayon. “F-Food trip tayo? Bukas pa ‘yung nagtitinda ng turu-turo sa labas.” yaya niya. She pouted her lips. Akala niya kung ano. “Sige,” singhap niya. Kahit napipilitan ay hinawakan niya ang kanang braso nito. Huli na niyang napagtanto ang kanyang ginawa. Binalak niya sanang bumitiw pero nakalingkis na ang braso ni Leighton sa baywang niya. “Welcome back, Ali-bog.” He gave his sweet smile that he never did before. Madalas kasing nakabusangot si Leighton sa tuwing nakikita ang dalaga ngayon. Nag-iba ang ikot ng mundo na akala mo’y gulong lang

  • Chasing Storms   CHAPTER FIFTEEN - LAST SUNDAY NIGHT

    SUNDAY – 6PMIto ang last mass ng araw na ‘yun. Suot ni Ali ang floral Sunday dress na kulay krema. May disenyo ito na kulay pink na rosas na bumagay sa kanyang mapusyaw na balat. Nakatali na half-pony ang kanyang buhok na may pink ribbon bow sa likuran. Meron din siyang curtain bangs.Naglagay din siya ng light make-up. Ang kanyang labi ay may chocolate-flavored liptint na bumagay sa kanyang matambok na labi.Masakit man, hindi niya makakasama si Ethyl gaya ng nakasanayan tuwing linggo. Parang sinadya ng tadhana na huwag munang magtagpo ang mag-ama. Pabor ‘yun kay Ali pagkat mababawasan ang kanyang agam-agam.Dumating siya nang late sa chapel. Nag-uumpisa na ang panimulang kanta at isang masamang tingin ang ginawad sa kanya ng mga choirmates niya.She gave her awkward smile as she stood beside JC while singing professionally. Kinakanta nila ang “Purihin ang Panginoon”.“Late comer,” usal ni JC nang pabulong habang kumakanta. Wala na siya magawa. Nangyari na. Ayaw ni JC ng may nahuhul

  • Chasing Storms   CHAPTER FOURTEEN - THE SPEED OF LIGHT

    Palabas na sila ng chapel sa kabila ng mga kantyawan ng mga choir mates nila. Hanggang ngayon, naririnig pa rin ni Ali na kumakanta ng Biglang Liko sina JC. Malakas mambuyo ang nasabing choir leader; lalo na napansin nito na kakaiba ang kilos ni Ali mula nang nagkita sila ni Leighton.Ilang – ito ang nararamdaman niya. Ayaw niyang magsalita dahil kung ano pa ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya magawang tingnan si Leighton sa kabila ng distansya nila. Kahit na may isang tao ang pagitan ng layo nila, nararamdaman pa rin ni Ali ang kuryente at sensasyon dulot niya.Nakahalukipkip naman ang kamay ni Leighton sa kanyang bulsa. Hindi pa ring nagbabago ang tindig niyang mala-action star; kaya ang mga fans nila ay head over heels sa kanya noon…hanggang ngayon. Kahit sikat na siya, hindi niya inaalintana ang mga press. Katunayan, takot ang mga press na sundan ang personal nitong buhay. Walang tumatangkang bumuntot ang paparazzi sa kanya.“M-Mukhang sarado na ‘yung bilihan ng turu-turo.” S

  • Chasing Storms   CHAPTER THIRTEEN - PRACTICE

    “Leigh – “ napakagat-labi si Ali. “Leighton.” Leighton happily waved and gave her a smile. Nasa harapan siya ng organ habang tumitugtog ang salmo para sa misa bukas. Choir practice nila sa kapilya ng Don Jose. Maliit lang ang nasabing chapel pero naka-centralized ang AC units dito. Taking-taka naman ang choir leader na si JC, 36 years old at ka-batch ni Ali noon sa Grand Choir. “M-Magkakilala kayo, Lia?” Umiiling-iling si Ali. “Ahhhhmmm…hindi naman.” Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi pa ring makapaniwala. “Saka hindi siya Katoliko –“ “Ay, mukhang huli ka na sa balita!” ani JC habang natatawa sa reaksyon ni Ali. “Katoliko na siya, 5 years na.” Napakunot siya ng noo. Tandang-tanda pa ni Ali ang reaksyon ni Leighton sa tuwing nakakakita ng mga rebulto sa simbahan. Aakalain mo na parang nasa horror house si Leighton sa takot. “`D-Di nga?” alangan niyang tanong. Leighton laughed. “Hay, maraming nagbago, Ali-B – I mean, Alissa.” Sasabihin na niya sana ang tawag niya kay Ali pe

  • Chasing Storms   CHAPTER TWELVE - NEGLIGENCE

    Ali was agitated. Hanggang ngayon, hindi pa ring lumalabas si Ethyl sa Men’s CR kung saang inabot ng tawag ng kalikasan. Sinubukan niyang bumalik sa CR para silipin kung nasa’n ang anak. Nawala ang pride niya nang pumasok ito sa Men’s CR. Gulantang ang mga lalaking umiihi sa cubicle.“S-Sorry…” dispensa niya sa mga lalaki. Mukhang nagdulot siya ng komosyon. “Hinahanap ko ang anak kong babae na pumasok dito.” nilarawan pa niya kung ano ang itsura ng anak through gestures.“Naku, Ma’am. Wala akong napansin.” Sagot ng isang lalaki habang nag-aayos ng sinturon.Tumango si Ali at napayuko. “Salamat.” Patakbo siyang lumabas ng CR ng mga lalaki. “Nasa’n na kaya anak ko?” maluha-luha nitong wika habang tumatakbo palabas ng restroom area hanggang sa hallway.Hindi niya namamalayan na nadaanan niya ang Vanilla Café kung nasa’n si Ethyl.~o~“You’we wying, Tito Ew-C”Leighton was off-guard. Ethyl eavesdropped on their conversation. “Did your Ninang Gigi and Mom-dy tell you that do not meddle wit

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status