Natigilan si Kian. Sandali lang para maintindihan ko kung ano ang nangyayari. Hindi alam ni lolo ang tungkol sa divorce at hindi iyon ang pinakamasamang bahagi. Ito ay ang katotohanan na nagsinungaling si Kian sa kanya. Ito ang paraan ni Kian para ayusin ang mga bagay-bagay? Syempre, ganito si Kian.Muli akong nilingon ni lolo, "Anak, kararating mo lang ba?" Nanlilisik na nakatingin sa direksyon ni Kian, ibinuka ko ang aking bibig para sagutin si lolo ngunit inunahan ako ni Kian. “Kung hindi ka lang tumakbo na parang bata, sasabihin ko sayo na tumawag si Leslie kanina para sabihin sa akin na kakalapag lang ng flight niya. Kailangan niyang pumunta muna sa opisina. Hindi ba, Leslie?" Bumukas at sumara ng ilang beses ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala kay Kian ngayon. Nakatingin siya sa akin na ay matang nagmamakaawa na makisakay ako. Hindi ko magawa na magsinungaling na tulad ni Kian, ngunit si lolo ay nakatingin sa akin ng naghihintay, ang mga mata niya ay puno ng pag asa na
LESLIE’S POV Bago pa man ako makaramdam ng konsensya sa pagkansela kay Travis buong hapon, isinara niya ang pinto ng kotse ng malakas at yumanig sa sasakyan, pagkatapos ay umabante siya na parang pusa. Isang malaking galit na pusa. Habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata, lumapit na siya sa akin ng ilang segundo. “Travis, ito ay—” Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, ngunit siningitan ako ng sarili kong pagkagulat nang yakapin niya ako sa dibdib niya, niyakap niya ako at hinawakan ako ng mahigpit doon. Ang biglaang sitwasyon ay rason kaya hindi ako nakaimik sa kanyang mga bisig. "Diyos ko, Leslie. Nababaliw na ako dahil sayo.” Bulong niya malapit sa gilid ng ulo ko. Ang kanyang puso ay pumipintig ng malakas at kahit na ang kanyang paraan ng pagpapakita nito ay hindi karaniwan, masasabi kong nag-aalala siya sa akin. Hinayaan niya akong umalis saglit at pagkatapos ay sinimulan niyang suriin ang aking katawan nang nagmamadali, ang aking mga braso, ang aking mukha,
POV ni TRAVISHimbing pa rin ang tulog ni Leslie pagdating namin sa bahay niya. Tinulak ko pahiga ang car seat sa oras na narinig ko ang mahinang hilik niya habang nagmamaneho pa rin ako. Dumating kami sa bahay niya ilang minuto ang nakalipas pero hindi ko magawang gisingin siya. Kitang-kita ang pagod niya sa mga kunot sa kanyang noo at sa paraan ng pagsalubong ng kilay niya sa kanyang pagtulog ngunit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako nagdadalawang-isip na gisingin siya. Pinagmamasdan ko siyang natutulog na parang stalker, hinahangaan ang katangian ng kanyang mukha mula sa kanyang noo hanggang sa nakalantad na bahagi ng kanyang leeg. Bahagyang nakabukas ang kanyang mga labi, nakakaakit. Hindi ako makaget over sa ganda niya. Ang aking kamay ay umaabot sa kanya; hinawi ng mga daliri ang mga hibla ng buhok sa kanyang mukha at huminga siya ng malalim sa kanyang pagtulog. Malapit ko nang hawakan ang kanyang balat, ang kanyang mga labi...ngunit huminto ang aking mga daliri sa
BEVERLY'S POV Ang maganda lang sa pagiging buntis ay makukuha ko ang kahit anong gusto ko mula sa kahit sino, lalo na kay Kian. Ngunit hindi tulad ng isang magandang bagay na iyon, napakaraming masasamang bagay na mabibilang. Ang morning sickness, yung acid na laging tumataas sa lalamunan ko pag may nakikita akong pagkain, yung mood swings, tapos yung pinaka nakakainis, yung paglaki ng tiyan ko ko. Buong araw akong nakatayong hubad sa harap ng salamin, sinusubukang suriin ang antas ng pinsalang nagawa ng pagbubuntis na ito sa aking katawan. Ang bawat hindi kanais-nais na pagbabago na nakikita ko ay parang isang saksak sa puso at isang pangungutya noong ang aking katawan ay dating pinaka-pinagmamalaki kong asset. Gumastos ako ng malaking halaga na pinapanatili ang aking sarili na maganda ang hugis upang maging perpekto. Ngayon, ang nakikita ko lang ay mga imperfections na nagpapabaliw sa akin, ngunit wala akong magagawa dahil mahalaga na panatilihin ko ang sanggol na ito. At least
LESLIE'S POVInaatake ako ng mga alaala ng huling pagkakataon na nasa bahay ako ni Kian. Sariwa pa rin ang sakit, sakit at luha na parang kahapon lang. Nakikita ko pa rin ang aking sarili na kinakaladkad ang aking mabigat na kahon sa ulan, isang sirang babae na walang kahit ano kundi ang kumawala sa realidad ng kanyang buhay bago siya mawala sa sarili–ang tanging natitira sa kanya. Kinailangan ito ng napakaraming lakas ng loob...napakaraming lakas...para mag-impake, umalis at mangako sa aking sarili na hindi na kailanman lilingon pabalik. Kaya bakit ako bumalik dito? Bakit ako nag-alinlangan? Hindi ako makakabalik ngayon, si lolo ay nakikipag usap sa akin ng sabik habang ang driver ay sinusubukan ipark ang kotse sa loob ng garahe ni Kian. "Alam mo, tatlong araw sa bahay na ito at handa akong magdagdag ng depresyon sa listahan ng aking mga sakit ngunit pipigilan ko iyon dahil nandito ka na." Sabi ni lolo, halata sa boses niya ang pananabik. Pinilit ko na ngumiti, napagtanto na wa
Umuubo si Kian sa mga sinabi, tila nabulunan sa sariling laway niya nang sinubukan niyang lumunok. Nanlaki ang mga mata ni Beverly habang ang sarili kong reaksyon ay katahimikan na nag pahinto sa akin sa lugar. Lumipat sa kwarto ni Kian? Hindi iyon parte ng plano. Hindi man lang kami magkasama ni Kian sa kwarto noong kasal kami kahit iyon lang ang gusto ko noon. Mas gusto ko pa kaysa sa ilang gabing magkasama kami sa kama para lang matugunan ang kanyang mga pangangailangang sekswal. Hinangad ko ang pagiging malapit na higit sa pagtatalik namin. Nais ko lamang na mahawakan sa kaligtasan ng kanyang mga bisig upang maramdaman na gusto niya ako hindi lamang sa kanyang pagnanasa. Hindi ko nga alam kung bakit ko iniisip ang lahat ng iyon ngayon pero natatakot ako na si lolo ay nagti-trigger lang ng mga alaala na kinukutya ang ideya na naka-move on na ako kay Kian. “Bakit wala kang sinasabi? Napakalaking bagay ba na makipag hati sa isang kwarto ng iyong asawa?" Binasag ni lolo ang katah
LESLIE’S POVDahil dumating ako sa trabaho noong lunch break, ginamit ko ang oras para humabol sa mga naiwan kong trabaho mula kahapon. Inalis ko ang mga pag-iisip tungkol sa bagong development sa pagitan namin ni Kian at sa halip ay nagpokus sa pagbawi sa mga nawawalang oras ng trabaho. Ang mga miyembro ng aking design team ay lumabas na para sa tanghalian kaya naiwan akong mag-isa sa meeting room. Ang unang pares ng aking mga disenyo na malapit nang mabuhay ay iniharap sa aking harapan ng isang projector at habang nag-ii-scroll ako sa mga ito, ang aking puso ay lumakas sa pagmamalaki at pananabik. Bumukas ang pinto ng meeting room habang nakatalikod ako dito at iniisip ko na ito ay si Dianne. "Bumalik ka agad mula sa tanghalian?" Tanong ko, nakatutok pa rin ang mga mata ko sa mga projected designs. Wala akong naririnig na yabag. Sa halip, isang pamilyar na mekanikal na tunog ang umabot sa aking tenga at alam ko na kung sino iyon bago ako lumingon. Ito ay ang aking ama sa kany
KIAN’S POVSa unang pagkakataon simula ng divorce, gumaan ang dibdib ko. Nagsimula ito sa pagkakataong natanggap ko ang tawag na iyon mula kay Leslie kaninang umaga at ngayon ay napataas ang aking kalooban sa pag-iisip na makasama siya muli sa mga susunod na araw. Aaminin ko, hindi ko inaasahan na magiging maayos ang mga bagay pagkatapos sigawan ni Beverly ang lolo ko sa katotohanan, ngunit ginulat niya rin ako sa parehong paraan na ginulat ako ni Leslie. Hanggang sa kinuha ko ang mga bag niya sa labas ng bahay ay napagtanto ko kung bakit kaagad siyang pumayag na umalis nang mag-isa. “Hindi ako papayag na magsama kayo sa isang kwarto, yun lang ang tanging rason kung bakit aalis ako ng tahimik, at magpapatuloy akong manatiling tahimik basta’t bisitahin mo ako araw-araw at sundan ang appointment natin. Kapag hindi ka pumunta ng kahit isang araw, malalaman ng lolo mo ang totoo." Iyon ang eksaktong mga salita niya bago siya sumakay sa kotse at nagtungo sa hotel na nireserve ko pa
Sinabi ni Kian na si Andre ay isang dating kaibigan, tiyak na sinabi ni kay Andre ang tungkol sa aming relasyon habang nagse-set up ng meeting na ito. Ngunit sa paraan ng pagtingin sa akin ni Andre ng may interes, hindi ko malaman kung alam niya o hindi, kaya sumagot na lang ako sa pinakamabuting paraan. "Malapit kami dati." As in kasal kami dati hanggang sa pinagtaksilan niya ako. Sumiklab ang hapdi sa dibdib ko gaya ng lagi nitong ginagawa kapag naiisip ko ang ginawa ni Kian. Siguro kailangan ko rin ng isang cup ng wine. Kinuha ko ang bote at nagbuhos para sa sarili ko habang nakatingin sa akin si Andre na naiintriga. “Gaano kalapit?” Tanong niya pa. Ngayon na pinag isipan ko ito, malamang na parang baliw pakinggan kapag sabihin sa kanya o sa sinuman na kami ay divorced ngunit tinutulungan niya akong mag-set up ng mga meeting at sumakay ng private jet niya ng maraming milya. Ngunit inalis ko ang ideya. Wala itong ibig sabihin. Malamang ay may mapapala si Kian sa pagtulong s
LESLIE’S POVNapakadali mag-relax sa paligid ni Andre.Ang aking mga nerves ay kumalma at ang hindi mapakali na pakiramdam ay matagal na nawala. Nakatulong ang sayaw pero karamihan ay ang palitan namin ng usapan habang sumasayaw. Parang naramdaman niya na ito ang aking unang tunay na meeting bilang isang designer at sinubukan akong patahimikin sa pamamagitan ng pagbibiro tungkol sa kung paano ko patuloy na tinatapakan ang kanyang paa at kung paano ito nagpapaalala sa kanya ng isang meme. Inilarawan niya ang meme, mas magandang sabihin na nagpakita siya ng mukha at hindi ko napigilan, tumawa ako ng malakas. Habang sumasayaw kami ay tahimik kong pinahahalagahan ang kanyang hindi kinaugalian na paraan ng pagnenegosyo. Ito ay kasing interesante dahil ito ay nakakatulong para sa akin. Dahil ginawa niyang madali na maging relaxed sa paligid niya, agad akong pumayag nang bumulong siya sa tenga ko na umalis na kami para mapirmahan na namin ang kasunduan. Ito ay ang buong punto ng pag
KIAN’S POVMuntik na niya akong makita. Sigurado ako na nakita niya ako at nag-iisip na ako kung paano eksaktong ipaliwanag kung bakit at paano ako naririto. Ngunit nakuha ni Andre—ang bastardo—ang atensyon ni Leslie at ako ay nakahinga. Bagaman, hindi ganap. Nag relax ako dahil hindi niya ako nakita, ngunit tense pa rin ako, pinapanood na maganap ang lahat ng nasa harap ko simula nang dumating ako dito. Nananatili akong nakatago sa likod ng banner, nakasimangot sa paraan ng pag-akit niya kay Leslie sa isang sayaw. Ang paraan na nahihiya na hinahayaan ni Leslie si Andre na manguna at gabayan siya nang dahan-dahan. Ang isang braso ni Andre ay nakapatong sa hubad na likod ni Leslie habang ang isa naman niyang kamay ay nag-link sa kanilang mga daliri at magkadikit.Pagkatapos ay nagsimula siyang sumayaw at gumalaw sa musika kasama si Leslie. Clumy si Leslie noong una, pero tinatawanan nila ito. Ang kanilang mga tawa ay tumalbog sa buong silid upang makarating sa akin at nagpapadal
"Andre Sanders," pagpapakilala niya.Buong buo akong humarap sa kanya, tinipon ang aking sarili at itinulak ang aking pinakamabuting ngiti habang hawak ko ang kanyang mainit na nakalahad na kamay. "Leslie Jackson." Napansin ko kung paano tumaas ang kilay niya sa pangalan ko, pero hindi ko masyadong maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya dito. "Isang karangalan na makilala ka na, Miss Jackson," sabi niya at kung paano niya diniin ang 'Miss' na aking napansin. "Hindi nakuha ng tama ng driver ko ang iyong description." Nakatingin siya sa katawan ko na nakasuot ng damit na pinili niya at napapailing siya. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko, nagtataka kung ano ang tinutukoy niya. Ang dress ay perpekto talaga at kakaiba na nakuha niya ito para sa akin base lang sa mga salita mula sa driver niya.“Bakit? Tamang-tama naman ito.”Lalong lumalim ang kanyang pagsimangot, "Inilarawan niya sa akin ang isang simpleng babae, pero ikaw ay literal na isang diyosa." "Ah." Bulong ko,
LESLIE'S POVAng kaba at excitement ay sabay na bumabalot sa aking kaloob-looban. Nagsimula ang hindi mapakali na pakiramdam nang sumakay ako sa kotse at umalis ito sa hotel. Bigla akong hindi nakaramdam ng kumpiyansa gaya ng naramdaman ko noong pinapagalitan ko si Kian, at hindi rin ako nakatitiyak na kakayanin ko ang isang one-on-one na meeting kay Andre Sanders. Dalawang buwan pa lang ako sa negosyong ito, mula sa sekretarya at napunta sa head designer sa isang kisap-mata. Hindi pa ako nagkaroon ng tunay na meeting sa labas ng kumpanya at talagang hindi na kailangan ng isa. Ibig sabihin wala akong kahit isang clue kung ano ang ginagawa ko. Napagtanto ko ngayon kung gaano ako naging lihim at kung paano ang pagkikitang ito kay Andre ay parang isang hakbang patungo sa totoong mundo. Walang sinuman sa paligid upang harapin ito kasama ko. Hindi ang aking ama. Hindi si Travis. At siguradong hindi si Kian. At saka, huli na para bumalik ngayon. Pinapasok na ako sa isang building nan
Suminghal ako, pinipigilan ang sarili ko na sumigaw sa mukha niya na mas malaking bastardo si Andre kaysa sa inaakala niya at kusa niyang ginagawa ito. "Hindi mo gets, ginagawa niya ito para guluhin ako!" May sumabog sa loob niya. Hindi ko ito naririnig ngunit naroon ito sa kanyang mga mata, sa paraan ng paglaki ng kanyang mga mata at pagkalat ng mga batik na ginto sa kanila. "Kailangan mo lang gawin tungkol sa iyo ang lahat, no?" Sabi niya sa mahinang boses. "Leslie, hindi iyon-"“Tumigil ka na sa paliwanag. Hindi ako bulag sa naging reaksyon mo simula nang i-welcome tayo ng driver niya sa airport. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa o kung magkaibigan pa nga kayo tulad ng sinasabi mo, pero sa ngayon, wala akong pakialam. Mas mahalaga ang career ko kaysa sa ego mo." Sinabi niya ang mga salitang ito na para bang ito na ang huling sasabihin niya bago niya kinuha ang mga bag at naglakad palayo mula sa akin. Ibinagsak ko ang ulo ko sa mga palad ko, naiinis sa
KIAN’S POVMas madaling umatras si Leslie kaysa sa inaasahan ko, ngunit nagpapasalamat ako na hindi siya nakikipagtalo o nakikita ang aking kasinungalingan. Siya ay naghihinala, ngunit ang pakiramdam na iyon ay higit pa sa pananabik na makilala si Andre. Kaya walang reklamo, pumasok siya sa kwarto namin kasama ako. Ang 'aming' kwarto ay hindi halos isang kwarto. Ito ay higit pa sa isang suite na may makintab na mga dingding at sahig, mga purong leather na sofa, mga vintage na kurtina at rug, mga klasikong painting at isang King sized na kama na mukhang kasya sa isang pamilyang may limang miyembro. Pinipigilan ko ang isang singhal nang makita ang maluho na hotel suite. Nagsasabi ito ng 'show-off' ngunit mukhang hindi ito napapansin ni Leslie habang naniniwala siya sa buong Andre-hospitality nang hindi alam kung bakit ito ginawa ni Andre. Naiinis ako, pinagmamasdan si Leslie habang namamangha sa kadakilaan ng lahat ng bagay sa silid. Ang hitsura ng pagkamangha sa kanyang mga mata
LESLIE’S POVNagising ako sa pinakamalambot na kama na tinulugan ko sa buong buhay ko. Sa mga unang segundo ng paggising ko, sinusubukan kong alalahanin kung kailan ako nakatulog at kung paano ako napadpad sa kama, ngunit ang aking alaala ay walang iba kundi isang blangko lamang. Ang araw ay unti-unting napupunta sa gabi at ang eroplano ay napakataas pa rin sa ulap. Naglalakad ako sa aisle ng eroplano para bumalik sa upuan ko. Nasa parehong lugar pa rin si Kian kung saan ko siya huling nakita bago ako matulog. Nagbabasa siya ng isang papel, at ngayon ay tumingala siya nang mapansin niya ang presensya ko. “Sakto lang sa landing. Nakakuha ka ba ng sapat na pahinga?" Sabi niya, hindi ko pinansin ang tanong niya at tumutok sa mga unang salita niya. Hindi ako makapaniwala na nakatulog ako sa buong biyahe. "Malapit na tayong mag landing?" tanong ko."Malapit na." Sagot ni Kian, tinabi ang kanyang papel. Bumalik ako sa upuan ko sa harap niya at naghanda para sa landing. Hindi ko
"May negosyo din ba ang asawa mo?" Tanong niya. “Oo.”“Anong trabaho niya?” "Siya ay isang CEO." Matipid kong sagot at napanganga siya. Lumitaw ang isang nurse at tinawag siya. Nakahinga ako ng maluwag na sa wakas ay naiwan akong mag-isa sa aking mga iniisip. Dahan-dahang nauubos ang waiting area, pero wala pa ring senyales ni Kian. Maya-maya, ako na lang ang natitira sa buong waiting area. Lumapit sa akin ang nurse na tila may awa sa mga mata niya. Bakit ganyan siya makatingin sa akin?“Ma’am, ang tagal niyo na. Gusto niyo bang pumasok at magpatingin sa doktor nang wala ang asawa niyo?" Napagtanto ko na hindi lang sa late si Kian, hindi siya magpapakita. "Hindi na iyon kailangan." Sabi ko, tumayo at padabog na lumabas ng ospital para hanapin si Kian. Pumara ako ng taxi diretso sa kumpanya niya. Nakakakuha ako ng kakaiba at nagtatanong na mga sulyap mula sa kanyang mga empleyado sa lobby ngunit hindi ko sila pinansin. Pwede nilang isipin ang kahit anong gusto nila,