Abby's POV:
"Hello." Binati ko siya pero hindi ko na siya nilingon. Naramdaman kong hinawakan niya ang bewang at hinapit ako palapit sa kaniya. Lihim akong kinilig pero hindi ko na pinansin pa. Ayokong isipin niya na okay lang parati sa akin ang mga pa alis-alis niya na hindi nagsasabi.
"I'm sorry na late ako." Parehu naming pinanood sina Arc at Erika habang parehong umiiyak at nagyayakapan. Pumalakpak kaming lahat at pasimple akong kumawala sa pagkakahapit niya sa akin. Lumapit ako kay Erika. Niyakap ko siya at binati at bakas ang kasiyahan sa mukha niya.
"I hate you." Nagpupunas ng mata na saad niya sa akin.
"You're welcome." Sarcastic na sagot ko dito bago ito irapan at niyakap itong muli. "I thought walang ganito...as in hindi ko ito inexpect." Lumuluhang saad niya. Ipinalibot ni Arc ang kamay sa balikat niya at magaan siyang hinalikan sa pisngi. "Ay wow sana all." Taas kilay na tinitigan ko sila
Abby's POV:Nanginginig na napaupo ako habang yakap yakap ang mga tuhod. Pagkatapos kong sampalin si Cloud ay parang nanghina ako at hindi malaman ang gagawin."Iyon ba ang tinatago mo?" Tumayo ako at hinarap siya. Kahit nanghihina ay pinilit ko ang sarili ko."Baby.." Sabi niya at akmang hahawakan ako pero tinulak ko siya."SAGUTIN MO ANG TANONG KO!" sigaw ko na nagpatahimik sa tahimik na kanani pang paligid."Kaya ba hindi mo masabi sabi sa akin kung saan ka pumupunta? Kung bakit bigla ka nawawala? Kung bakit sa tuwing tatanungin kita hindi ka makatingin sa akin ng diretso?!" Mga tanong na gustong gusto ko itanong sa kaniya noon ay kusang lumabas sa bibig ko."It's not like that..." Hindi niya maituloy ang paliwanag niya at napabuntong hininga ito. "Hindi ko siya kilala okay? Trust me baby..." Nahihirapang saad niya at napahilamos ng mukha."Trust you?! Bakit?...ako ba pinagkatiwalaan mo?!"
Abby's POV:ILANG linggo na rin ang nakalipas matapos ang nangyari sa inihanda naming party para kay Arc at Erika. Simula nun, madalang na lamang kami magkausap dahil bukod sa marami akong inaasikaso ay iniiwasan ko rin kumausap ng kahit sino dahil ayoko na idamay pa sila sa mga problema ko.Bumaba na ako para makapag almusal at saktong nakababa ako ay siyang pagpasok naman ni Cloud sa front door. Sandali pa kaming nagtitigan bago ako umiwas ng tingin at dumiretso na ng kitchen."Manang?..sina mommy po?" Tanong ko ng hindi ko man lang nadatnan sila mommy sa kusina. "Maaga pa umalis ang mommy at daddy mo hija." Sagit nito habang kumukuha ng juice sa ref. Tumango na lang ako at umupo na para kumain."Oh Cloud! Ano pa ang ginagawa mi diyan? Mag agahan kana rin dito...sabayan mo na si Abby." Napatigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ang sinabi ni manang. Naramdaman kong lumapit si Cloud pero hindi ako lumingo
Cloud's POV:I COULDN'T blame Abby if she will treat me like that. Ilang linggo na niya akong dinadaan daanan at tinatrato na parang hangin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba hindi ko masabi sa kaniya ang rason ng mga araw na palagi akong nawawala...dahil alam ko na ikakalungkot niya ito ng lubusan. Pagkatapos ng araw na pinaamin namin noon ang taong nahuli na nagmamaneho ng sasakyan ay nabigla ako sa sinabi nito. Flashback:"Huwag na niyang hintayin na ako pa ang pumasok at magtanong sa kaniya at baka magsisi siya." Tumatawa pero bakas ang kaseryosohan sa boses ng Chief ng NBI. Paulit ulit na iniinterogate ng isang NBI ang taong bwisit kanina pero parang hayop lang itong nakangisi at nakatingin sa direksiyon namin ng mga nasa labas na animo alam nitong may nanonood sa kaniya. "Negative sir." Sabi maya maya ng taong naka assign sa telep
Abby's POV:MATAPOS ang meeting ko kay Mr. Aredo ay bumalik na ako ng opisina dahil 5 PM pa lang naman ng hapon. Kailangan ko pang tapusin ang mga nakatambak ko na trabaho at sinabihan ko na rin si Agnes na magpatawag ng emergency meeting dahil hindi ko nagustuhan ang performance ng Accounting department---what they did wasn't nice..ayoko sa kompanya ko ang mabagal lalo na kapag kinakailangan ko na ang report. Kapag ganoon na lamang palagi ay baka malugi na ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan ng ama ko."Agnes." Tawag ko sa babae sa intercom. "Yes Ms. Abby?" Mabilis na sagot nito. "Okay na ba ang lahat?" Kinuha ko ang cellphone at chineck kung may tawag o text mula sa asawa ko. Simula ng hindi ko siya pinansin dahil sa nangyari ay palagi na niya akong sinusuyo---pinapadalhan ng kung ano ano sa opisina, tinatawagan na hindi ko naman sinasagot at palaging nag iiwan ng message kahit hindi ko nerereplayan. Minsan napapaisip ako kung hindi ba siya nag sasawa
Cloud's POV:NAPAHILAMOS ng mukha akong napaupo at nilagok ang natitirang alak na laman ng baso ko."What have I done again this time..?" Mahinang bulong ko sa sarili.Sandali pa akong natulala bago tumingin ulit sa screen ng phone ko. Hindi na ulit tumawag si Abby kaya dinampot ko ito at sinubukang tawagan pero busy line lang ang naririnig ko.Napalingon ako sa orasan at napakunot noo ng makitang past 8 PM na at malapit ng mag alas nueve ng gabi. Nag alala ako ng maalala kung bakit tumawag si Abby at kung bakit hindi pa siya nakauwi."For sure umiiyak na yun ngayon...bwisit ka Cloud!." Mahinang mura ko sa sarili bago dinampot ang susi ng sasakyan sa mesa at mabibilis ang hakbang na lumabas ng bahay.Ilang ulit ko pa siyang sinubukang tawagan habang nagmamaneho ako papunta ng building nila pero walang sumasagot hanggang sa nakapatay na ang phone nito."Stu
Abby's POV:Napangiwi ako ng makitang nakalambitin ang kaibigan ko kay Arc habang nagluluto ito. Hindi man lang nahiya sa akin ang bwisit na to."Huy Erika. Nandito ako baka nakakalimutan mo?" Pagmamaktol ko dahil kulang na lang ay maglampungan sila sa harapan ko. Medyo nahihiya rin si Arc dahil panay ang saway nito sa kasintahan."Love..." Tawag pansin niya kay Erika ng hindi ito umaalis sa tabi niya at siya ay panay lingon sa akin na nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanilang dalawa."What?!" Asik nito kay Arc ng mainis sa ilang beses na pagsaway nito sa kaniya. Napabuntong hininga naman ang lalaki bago lumingon sa kaniya. "Samahan mo muna doon si Abby...alam no naman na may problema yung kaibigan mo diba?..go ahead tatapusin ko muna ito para makakain na tayo." Malambing na saad nito sa kasintahan bago hinalikan ang noo.Napanguso naman si Erika bago naglakad palapit sa akin. Ngumisi ako sa kaniya pero inirapan niya la
Abby's POV:Para akong mabibingi sa katahimikan ng paligid habang lulan ng sasakyan ni Cloud pauwi. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil hindi ko mabasa ang reaksiyon sa kaniyang mukha.Panay ang lingon ko sa kaniya pero nakapokus lamang ang buong atensiyon niya sa daan at pagmamaneho. Pinili ko na lang din manahimik at itutok ang paningin sa labas ng sasakyan.Kanina matapos niyang tumawag kay Arc ay hindi naman nagtagal at dumating siya. Hindi na siya pumasok dahil masyado nang gabi kaya umuwi na lamang kami. Mula kanina ay hindi niya ako kinakausap at konte na lang iisipin ko na nakalimutan na niyang nandito ako.Tumikhim ako at bahagyang lumingon sa kaniya. "Sana hindi mo na lang ako sinundo..pwede ko naman tawagan si daddy." Mahinang sabi ko pero parang wala lang naman itong narinig dahil hindi ito sumagot. Napabuntong hininga na lamang ako at sumandal sa upuan."You are my responsibility." Maya maya ay sa
Abby's POV:He was too close yet too far...I am not used to him being this cold to me. Hindi niya ako kinakausap at sa tuwing susubukan ko siyang kausapin ay iiwas siya.Is this what he feels nung ako ang lumalayo sa kaniya.?Napa diretso ako ng upo ng mag ring ang phone na hawak ko. Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba si Cloud pero sa tuwing gagawin ko na ay napapatigil ako dahil nahihirapan ako mag isip kung ano ba ang sasabihin ko dito?Napabalik ako sa realidad ng mag ring uli ang hawak ko na phone. Napataas ang kilay ko ng makita ang unregistered number na tumatawag.Alanganin ko itong sinagot. "Hello?" Ang kaninang nakataas kong kilay ay napalitan ng pagkakakunot ng noo ng wala akong marinig na nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Who's this?" Pag-uulit ko sa tanong ko pero wala pa rin akong narinig na response. Ibababa ko na sana ng may maagaw ang atensiyon ko.
3 years passedCloud's POV:"NINONG!! KAIN NA DAW PO TAYO!"kahit hindi ko lingunin ay kilalang kilala ko na ang boses na iyon ng inaanak ko."NINONG!" sigaw nito sa may tenga ko kaya natatawa ko itong hinatak at kinulong sa braso ko para pagkikilitiin."Stop it ninong..it tickles!" natatawang sigaw nito. Naaawa namang pinakawalan ko na ito kaya hapong hapo ito na gumapang palayo sa akin."Who are they ninong? Why are we always visiting them?" ginaya nito ang pag upo ko sa damuhan at parang malaking tao na naglagay ng bulaklak sa mga puntod na nasa harapan namin."They are my family." ngumiti ako matapos bigkasin iyon."Family niyo po? May family pa po kayo aside sa kanila nina mamita Cassie and Daddy pogi Marcus?" inosenteng lumingon ito sa akin kaya tumango ako ng marahan dito."She is my wife..and she is my dau
Cloud's POV:"Good job, Salazar..masyado yata kitang na underestimate at hindi ko akalain na magagawa mo iyon?" Tumawa ito ng malakas na parang baliw na.Nakatayo lamang ako sa harapan niya at titig na titig dito. Gustong gusto ko na itong sugurin at bugbugin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil buhay ng mag ina ko ang nakataya doon."Bobo ka nga lang dahil sa ginawa mo, may isang taong nawala sayo." umiling iling ito na tila dismayado.Alam ko na si Abby ang tinutukoy nito dahil hiniwalayan ko ang babae at ngayon ay iniwan ko ito.Napapikit ako ng mariin ng pumasok sa isipan ko ang mukha nito na luhaan at nag mamakaawa na huwag ko siyang iwan...ayoko mang gawin ay wala akong pagpipilian."Masaya naman ba ang makipag hiwalay sa maganda mong asawa?" tumawa ito ng sarkastiko kaya naman humakbang ako palapit dito para lamang pigilan ng mga tauhan nito."Hayo
Erika's POV:"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area..please try your call later." Inis na binaba ko ang cellphone at nanlulumong lumingon sa mga taong nakatingin sa akin."She's not answering, tita." nanghihinang sabi ko kay tita Diane na nakaupo katabi si tito Leandro."Ano na ba ang nangyayari kanila Abby doon? Diyos ko po gabayan mo sila." sambit ni manang at mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko."It's very unusual to Abby not to pick her phone up. Si Cloud lang naman kasi ang hindi nun sinasagot ang tawag kapag magka away sila pero kapag ako palaging sumasagot iyon." napahilamos ako ng mukha at sinubukan ulit itong tawagan pero wala pa rin."Honey calm down okay?"Napalingon ako kay tito Leandro ng aluin nito ang asawa na impit na umiiyak. Nag aalala na rin ako sobra pero wala kaming pwedeng matawagan doon dahil halos lahat ay na
Abby's POV:"Cloud sandali..." dali dali akong sumunod dito ng agad itong tumalikod. Para akong naglalakad na hindi nararamdaman ang bawat hakbang na ginagawa.Gusto kong sigawan si Lomer kung ano ang pumasok sa kukute niya at ginawa niya iyon pero gusto ko ring kutusan ang sarili ko dahil dapat sa una pa lang na lumapit ito sa akin ay umiwas na ako."Teka lang Cloud...magpapaliwanag ako." nahihirapan na akong maglakad ng mabilis para maabutan ito pero para lang itong walang narinig na nagpatuloy sa mabibilis na hakbang."Cloud...."Malapit na akong maubusan ng pasensiya at nararamdaman ko na ang pangangalay ng paa ko.Huminto ako at walang magawang tinitigan lang siya habang patuloy ito sa paglalakad. Naupo muna ako dahil mabigat na ang tiyan ko at nahihirapan na akong huminga."Shit shit shit!" inis na napapadyak ako at nalingunan ko si Lomer. "ANO SA TI
Abby's POV:Naglalakad ako mag isa papunta sa tabing dagat dahil inutusan ko muna si Agnes na ayusin na ang mga gamit nito at mga kailangang asikasuhin dahil uuwi na kami mamaya. Wala na rin namang rason para mag stay kami dito dahil tapos na ang pakay ko at aminin man o sa hindi ay hindi naging maganda ang kinalabasan nun."Abby." napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa taong tumawag sa pangalan ko.Nakita kong humahangos ng takbo si Lomer Aredo papunta sa akin kaya humarap ako dito."Yes, Mr. Aredo?" takang tanong ko dito pero umiling iling muna ito at sumagad ng hangin."Lomer na lang kasi, napakapormal mo masyado." Tumawa ito kaya hindi ko na rin napigilang hindi mapangiti."Ano ang kailangan mo Lomer?" Tanong ko ulit dito pero imbis sagutin ay naglakad ito kaya sumabay na rin ako."Can I have a moment with you?" tanong nito habang naglalakad kaya n
Abby's POV:"NAKAHANDA na po silang lahat sa baba Ms. Abby, kayo na lang po ang hinihintay."Tumango tango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Agnes. Kasalukuyan itong tumatawag sa akin habang nasa restaurant sa ibaba at naghahanda ng mga kakailanganin ko.Ngayon kasi gaganapin ang pagmemeeting ng lahat ng board ng hotel na ito kasama na kami ni Mr. Aredo at titignan kung tatanggapin ba nila ang iaalok naming proposal.Dahil nga wala daw si Mr. Romualdez ay si Mr. David Alcantara ang tatayo as representative nito.Binaba ko na ang tawag at sinuklay saglit ang buhok at naglagay ng konteng lip gloss bago nilingon ang asawa ko na nakasandal sa headboard ng kama at busy sa binabasa."Sigurado kang ayaw mong sumama?" Tanong ko dito. Tumayo na ako at dinampot ang bag ko bago humarap dito."No. I'm fine here." He said and put down the folder he was holding and look at me."Baka m
Abby's POV:Nakataas ang kamay sa ereng naglalakad ako na parang nasa isang paraiso lamang ako. Nakapaa akong naglalakad sa tabing dagat at panay ang langhap ng sariwang hangin. I never thought that Palawan si really beautiful more than what I've expected."baby...tumigin ka sa linalakaran mo!!" Pasigaw na saad ni Cloud dahil nasa hulihan ko siya habang kinukuhanan niya ako ng litrato."Hindi ako matutumba, ano kaba?" balik sigaw ko rin dito at tumalikod na ulit.Kanina pa siya nakasimangot dahil gusto niyang sabayan ako sa paglalakad pero pinilit ko siyang magpahuli dahil papakuha ako ng video at picture sa kaniya. Panay ang ikot at taas ng kamay sa ere na parang hindi lang ako buntis kaya hindi siya makapag focus sa pag take ng shot dahil baka daw matumba ako.Narinig kong may binubulong bulong ito kaya natatawa na lang ako sa kaniya. Lumapit ako sa may tubig at nilingon ko siyang nakasu
Abby's POV:PAGDAONG namin sa port ng Palawan ay malapad na napangiti ako. Hindi pa ako nakakapunta dito at mas dumagdag pa sa saya ko dahil kasama ko si Cloud na nagpunta dito.Nauna na akong bumaba kay Cloud dahil hindi ako makapaghintay na umapak sa puti at pinong pino na buhangin, at dahil malaki na ang tiyan ko ay medyo nahihirapan ako sa pagbaba kaya muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Manong na driver ng van na sasakyan namin."Hey! Careful." Mabilis na lumapit si Cloud sa akin at inalalayan ako sa pagbaba.Nang tuluyan na akong nakababa ay tumayo siya sa harap ko at sinuri ako."You okay?" He asked worried. Ngumiti lang ako sa kaniya at parang bata na tumango. He just sigh and kissed me on the forehead bago binalikan ang ibang gamit namin para ibaba."Ms. Abby, tumatawag po ang daddy niyo." Biglang lumapit sa akin si Agnes at inabot ang cellphone ko na nakalimutan ko pa lang
Cloud's POV:Dumapa ako at hinapit ang nasa tabi ko pero nagmulat ako ng mata ng wala akong makapa doon.where's Abby?Kahit antok pa ay pinilit ko ang sarili na bumangon at maghanda. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko doon ang asawa ko na abala sa paggawa ng mga sandwiches at napangiti ako ng makitang ginamit niya pa ang mga mayonaise na binili namin noong naglilihi pa ito."Good Morning." I kissed her nape that made her shock and I hugged her from behind. Lumingon ito sa akin at inirapan ako. "Makapang gulat ka diyan." asik nito kaya naman nagsorry na lang ako at niyakap ito ng mas mahigpit pa. Muntik ko ng makalimutan na buntis ito kaya pinalo niya ako ng bread knife na hawak niya."Maghanda ka na doon at aalis tayo." utos nito na tinulak pa ako ng bahagya."Saan tayo pupunta?" kumuha ako ng sandwich na ginagawa nito pero tinapik niya lang ang kamay ko. "Huwag kang makulit diyan, at bilisan m