“Arwena, are you okay? Kanina ka pa tulala," tanong ni Archie sa kaibigan niya. Kararating lang nila rito sa mansyon ni Tandre, at kanina pa excited si Archie na pumasok. Ito nga kasi ang unang beses na aapak siya sa napakagandang mansyon ng kapatid, pero panira naman si Arwena. Ilang araw na mula nang malaman nila ang nangyari kay Jake, at ito na siya, tulala at laging hindi mapakali. Parang guilty; parang sinisisi ang sarili sa nangyari sa dating nobyo. “Arwena, gising!” Niyugyog-yugyog ni Archie ang kaibigan. "Naku naman, Wena! Alam kong nagulat ka, at hindi makapaniwala sa nangyari kay Jake. But, please, stop blaming yourself. Stop thinking about him. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya; sa kanila ni Farah.” Bukod kay Jake, alam ni Archie na iniisip din ni Arwena si Farah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Mabait nga kasi si Arwena, kaya kahit marami pang naging kasalanan si Farah sa kanya, nando’n pa rin ang pag-aalala niya. Lalo’t hindi nga maganda ang
“Anong klaseng tanong ‘yan, Archie?” Nagtatampong tanong Tandre. Napalingon pa siya sa mga kasambahay. Ang dating kasi ay parang napahiya siya. Ito ang unang beses na may nang-away sa kanya at sa pamamahay niya pa mismo. Hindi nga agad siya nakapagsalita. Humigpit din ang paghayapos niya kay Nathan. Bukod kasi sa pasigaw na tanong ng kapatid, kung duruin at tingnan siya nito ay parang bumalik na naman sila sa dati. Parang wala na naman itong respeto sa kanya. “Nag-usap na tayo, hindi ba; bati na tayo, Archie. Of course, gusto kong tumira ka rito; gusto kong makasama ka. Pamamahay mo na rin ‘to." “Talaga lang? Kaya ba may grand pa welcome ka sa kwarto namin ni Arwena?!” Kumunot ang noo ni Tandre, hindi niya maintindihan kung ano ang pa welcome na sinasabi nito. “Alam mo, Tandre, kung nakakalakad lang ako ngayon, baka tumakbo na ako palabas kasama sina Arwena at Nathan, at hinding-hindi na kami babalik rito." Sandaling sumulyap si Tandre kay Arwena na alam niya na naguguluha
“Nathan—” Sasawayin na sana ni Arwena si Nathan na tuwang-tuwa pa rin habang nakatingin sa alaga ng Papa niya na nasa loob na ng maliit na glass enclosure. Kaya lang, pinigil siya ni Archie. Umiling-iling at may kasabay na makahugang tingin. Nagtataka man si Arwena, pero sinunod naman ang gusto ng kaibigan. Hindi na lang siya nagsalita. Ang nasa isip kasi ni Archie, kapag sasawayin ni Arwena ang bata, siguradong sasagot ito at ipagpipilitan na totoo ang sinasabi niya at hindi siya nagsisinungaling. Gano’n si Nathan. Hindi siya magpapapigil magsalita kapag alam niya na tama siya at nagsasabi siya ng totoo. E-prove niya talaga ‘yon. At ‘yon ang iniiwasan ni Archie, alam nga ng bata na gay siya. Mas lalo lang silang mabubuking. Malalaman ni Tandre na nagsisinungaling at nagpapanggap lang sila Arwena. Kahit ba iyon na naman talaga ang gustong mangyari ni Archie. Gusto na niyang aminin kay Tandre, na hindi sila totoong couple ni Arwena, at gay nga siya. Pero dahil mabuti siyang
Kung si Arwena at Tandre ay nahihirapan na huminga dahil sa ayos nila, si Nathan naman ay nag-uumapaw ang saya. Hindi mawala-wala ang ngiti ng bata. Pigil na napabuga na lang ng hangin si Arwena. Alam naman niya na masaya si Nathan na kilalaning ama si Archie. Ni minsan ay hindi nga rin ito nagkulang; pinaramdam ni Archie kay Nathan ang pagmamahal ng isang ama, ngunit iba ang saya na nakikita ni Arwena sa Anak niya ngayon. Saya na hindi nila kayang ibigay kay Nathan—saya na si Tandre lang ang may kayang magparamdam sa bata. Parehong hindi maalis ang tingin ni Arwena at Tandre sa Anak nila. Kitang-kita nila na kahit nakapikit na ang mga mata ng bata ay nakangiti pa rin; masaya pa rin. At ang saya na nararamdaman at nakikita nila kay Nathan ay siyang nagpakalma sa mga puso nilang nagwawala. Napatitig pa nga sila sa isa’t-isa at napangiti kalaunan. Sa unang pagkakataon ay naging panatag ang damdamin nila. Nakalimutan ni Arwena ang hiya na nararamdaman niya sa nangyari sa kanila ni T
Pinahiran ni Tandre ang labi nitong hinalikan ni Janica. Hindi sa nandidiri siya sa halik ng dating nobya. He just didn't want to be kissed by a woman he no longer loved. “Damn!” Napamura na lang si Mr. Tan at napa-iling-iling habang nakatingin sa saradong pinto. “Hindi na siya nagbago!” Nasabi niya pa. Hindi nga niya inaasahan na ganito pa rin pala ka baliw si Janica. Ang lakas ng loob. Gagawin pa rin nito ang lahat makuha lang ang gusto. Parang si Farah din. Kahit katawan ay handang gamitin, maabot at makuha lang ang pangarap. Kalaunan ay pahapyaw na tumawa si Mr. Tan. Nang dahil sa ginawa ni Janica ay naalala niya ang nakaraan—nakaraan na matagal na sana niyang kinalimutan. At kasalanan iyon ni Janica na kung umasta ay parang si Mr. Tan lang ang may kasalanan sa kanya. Ang kinaiinisan niya pa ay nagmamalinis ito. Kung itinaboy niya man ito sa buhay niya noon ay dahil may ginawa ito na hindi masikmura ni Tandre. Hindi niya matanggap. Kung kaya nga lang niya na isumbat ang
Tarantang pumasok sa kotse si Arwena habang ang tingin ay nasa babae na papalapit sa kanila. Tingin niya kasi ay siya ang puntariya ng babae. At siguradong iyon din ang iniisip ng mga bodyguard niya, kaya agad-agad siyang pinapasok sa kotse ng mga ito at ngayon ay alerto na silang humarang sa kotse. “Miss, ano ka ba naman!” sigaw ng lalaki, sabay pigil sa babae. Pero ang tingin ay nasa mga bodyguard. “Uwi na po tayo, miss. Kanina ka pa namin hinahanap." Pinipilit ng lalaki na ilayo ang bayolenting babae sa kinaroroonan ng kotse nila Arwena. Kaya lang ayaw pahawak ng babae. Sa kada subok ng lalaki na hawakan siya ay hampas ang ganti nito. Pero hindi ininda ng lalaki ang mga hampas. “Miss, please!” Pakiusap niya. Halatang nagpipigil na ‘wag itong masaktan. Nakawala na naman kasi ito at tumakbo pabalik sana sa kotse ni Arwena. Mabuti na lang at na hawakan niya agad. Ang mga bodyguard naman ni Arwena ay hindi maalis ang tingin sa babae na ngayon ay nagsimula ng sumigaw. Walang tigil n
“Ms. Arwena," bulalas ng dalawang bodyguards. Kahit alam pa ng dalawa na siguradong walang malaking pinsala ang amo dahil may airbags naman ang kotse, inaalala pa rin nila ang kalagayan nito. “Are you okay, Ms. Arwena?" tanong ni Fuentez na hindi kaagad sinagot ni Arwena. Pumatak lang ang mga luha niya at maya maya ay pigil na umiyak. Tinakpan pa nito ang bibig niya hanggang sa hindi na nito mapigil ang iyak at humagulgol na. Luha niya rin ay parang baha na rumagasa sa pisngi niya. Hindi alam ng bodyguard kung ano ang gagawin? Yayakapin ba nila ang umiiyak na amo o hahayaan lang, pero talagang nag-alala sila sa kalagayan nito. At isa pa, utos nga ni Mr. Tan na gawin nila ang lahat maprotektahan lang nila si Arwena. Hindi man nila kagustuhan ang nangyari, at walang may gusto na mabangga sila, siguradong pagagalitan pa rin sila ni Mr. Tan. Maya maya ay paulit-ulit na umiling si Arwena. Nagawa na rin niyang tingnan ang mga bodyguard niya. At saka naman niya pinahid ang mga luha.
Parang lumipad ang kaluluwa ni Tandre at Arwena nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Parehong nanlamig ang mga katawan nila. Unti-unti namang umusog palayo si Arwena kay Tandre. Habang si Mr. Tan ay pa-slow motion na sumandal sa backrest. Napahimas na lang siya sa hita niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Mag-sosorry ba siya o magkunwaring hindi apektado. Si Arwena naman ay napahimas naman sa batok niya at napakagat ng labi. Hindi niya rin alam kung saan titingin, at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Duble kasi ang naramdaman niyang hiya. Bukod sa nakita sila ng mga bodyguard, panay nga ang tulak niya kay Mr. Tan, pero pagdumikit naman ito sa kanya ay parang namamagnet na lang siya. Lahat ng siniksik niya sa utak na gusto niyang mangyari ay nabubura. “Ted is here,” paos na sabi ni Mr. Tan. Wala naman siyang ubo, pero kumati ang lalamunan niya. Paulit-ulit nga kasi siyang tumikhim. Kulang na lang ay kamutin na niya ang ngalangala. Tumango-tango lan
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind