Alas tres na ng hapon ay nakahilata pa rin si Betsy sa kanyang kama habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Devyn kagabi. Napabungisngis siya sa sarili habang nakatalukbong sa kumot na maglilimang buwan na niyang hindi pa nalalabhan. Sinisinghot niya ito nang bigla na lang nag-ring ang cellphone niya. Kinapa niya ito sa ilalim ng unan at saka binuksan. Tumatawag pala si Pam.
“Malapit na ako sa apartment mo,” bungad nito kaagad.
Nalito siya. Wala naman silang naging usapan na magkikita ngayong araw. Sinubukan niyang suriin sa memorya kung may nakaligtaan ba siya pero wala talaga.
Napakunot siya ng kanyang noo. “Ha? Bakit?”
Tumahimik ang linya ni Pam at bigla na lang siyang nakarinig ng sunud-sunod na katok sa may pintuan. Pinutol na nito ang tawag.
“Open up!” Boses ni Pam.
Mabilis siyang bumangon at nagtungo na sa may pintuan. Pinagbuksan niya na ang kaibigan at dere-deretso naman ang g
“Three hundred na lang kasi 'to. Ibalato mo na lang sa akin 'yong singkwenta pesos, Betsin.” Ito na yata ang pang-three hundred din na tawad ng katrabaho ni Betsy na si Sharon. “Ano ka ba? Three hundred twenty ang angkat ko niyan. Huwag mo naman akong babaratin,” tugon niya rito. Napaismid ito ngunit wala na ring nagawa kung hindi ang tanggapin ang naka-packaged na coconut oil. Matapos nitong maiabot sa kanya ang bayad na halatang hindi bukal sa loob ay umalis na rin kaagad ito ng locker area ng kompanya nila. Napabuntong-hininga na lang siya. Ang hirap naman talaga kasing kumita sa panahon ngayon. Ilang minuto pa ay dumating naman si Ashley na walang kaginaw-ginaw sa katawan sa suot na kulay itim na fitted backless dress. “Hindi mo pa nauubos 'yang coconut oil mo?” tanong nito habang binubuksan ang locker. Naupo naman siya sa bench at pagod na napasandal. Tiningala niya si Ashley. “Hindi pa. Baka gusto mong pakyawin?’ a
“Bakit mukhang hindi mo nagalaw iyang pinakbet mo?” tanong ng Tatang ni Betsy sa kanya. Nasa harapan sila ng hapagkainan at kasalukuyang naghahapunan. Kauuwi niya lang kaninang alas tres ng hapon dahil day off niya. Pinanghinaan na siya ng loob dahil wala pa rin siyang narinig na balita mula kay Devyn. Hindi pa rin ito nag-re-reply sa mga chat niya. Siguro nga ay isa na siya sa mga biktima ng ghosting. Walang gana niyang sinulyapan ang kanyang Tatang na nakamasid pa rin sa kanya. “Busog ho ako, Tang.” “May problem ba, Betsy? Parang may bumabagabag sa'yo.” May pag-aalala sa mga mata nito. “Wala, Tang. Okay lang po ako.” Pinilit ni Betsy na ngumiti upang maging panatag ang kanyang Tatang. Malalim na naglabas ng isang buntonghininga ang kanyang ama. “Alam kong namimiss mo si Lolo June mo. Ako rin naman. Lagi lang nating iisipan na nasa mas magandang lugar na siya ngayon.” Inilapag ng kanyang Tatang sa mesa ang tasa ng kape
Sa taranta at pagiging desperada na ay natapakan niya ang paa ni Manong Alimango at sa wakas ay nabitiwan na rin nito ang kanyang braso. Nakawala si Betsy mula sa kapit nito at walang pagdadalawang-isip na kumaripas paalis. Mabilisan siyang naglakad papalayo. Sa pangamba na baka nakasunod naman sa kanya sa likod si Devyn, luminga siya at nakitang nakasunod nga sa kanya ang dalawa. Hindi rin kasi nagpaawat si Manong Alimango. Nasa kahabaan na siya ng nakahelerang tahong nang matalisod pa sa suot niyang heels. Tumigil siya at sinuri ang kanyang takong. Anak ng putakte! Nasira pa ito gayong malapit na siya sa labasan ng palengke. Kaunting hakbang na lang sana at tiyak ay makakalabas na siya. “Ganda!” “Betsy!” Napatayo siya nang deretso dahil sa gulat sa naririnig na papalapit na boses ng dalawa. Binalot ng walang humpay na takot at kaba ang buong katawan niya. Sinubukan niyang magpatuloy sa paglalakad maski hirap na hirap para lang makalay
“Saan ka ba kasi nagpunta, Betsy? Nawala ka na lang bigla sa palengke kanina ah,” naguguluhang tanong ng kanyang Tatang. Kasalukuyan silang nasa kusina at naglilinis ang kanyang ama ng isda sa may lababo samantalang siya naman ay nakaupo sa silya at minamasahe ang sumasakit na paa. NaroonpakayasiDevyn sa palengke? Siguro naman umalis na rin ito. Tiningnan na niya ang ama. “May kinausap lang ho ako,” pagsisinungaling niya. “Akala namin ni Gloria, eh nasa bahay ka na. Kaya umuwi na lang kami.” Dumapo ang tingin ni Betsy sa nakakaawang hitsura ng isda na hawak ng kanyang Tatang. “Tang, baka naman ho buto na ang matira sa tilapia niyong 'yan. Kulang na lang, eh sepilyuhin niyo.” Nilingon siya nito na nakabusangot ang mukha. “Alam mo naman na ayaw ko ng malansa.” Umirap siya at hindi na nagbigay ng komento pa. Hinayaan na lamang niya si Mang Kulas sa walang habas na pagto-torture sa tilapia. Maya
“Okay ka lang ba talaga?” Ito na yata ang pangsampong beses na tanong ni Pam kay Betsy. Hindi pa ito naging kontento kanina at inilapit pa talaga nito ang kinauupuang swivel chair sa kanya. “Okay nga lang ako,” giit ni Betsy. Kumurba paitaas ang isang kilay ni Pam. Mapagduda ang tingin nito na ipinupukol sa kanya. “Sigurado ka ba? Puwede ka naman kasing lumiban na lang.” Nagtaas ng isang kilay si Betsy at seryosong binalingan ng tingin ang kaibigan. “At sa anong rason, aber? Dahil sa brokenhearted ako gano'n?” “Oo! Valid reason naman ang emotional baggage, ah,” sagot naman nito. Ngayon ay may kakaibang talim na ang tingin ni Pam. “Gusto mo itumba ko 'yang si Wills?” Mahinang nailing si Betsy. “Tumigil ka nga at baka makumbinsi mo pa ako. At saka nandito na rin kaya ako sa opisina. Nakakatamad ng umuwi.” Pagod na nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Pam. “Paano kung pati rito sa opisina, eh, guluhin ka niya?”
Natigil si Betsy sa pagpupumiglas. Binasa niya ang ekspresyon sa mukha ni Devyn. May bahid ito ng determinasyon. “Let me go, Devyn!” marahas niyang apila. “Just promise me you won't run away from me,” paninigurado naman nito. “Fine. I won't run.” Tinitigan siya ni Devyn ng ilang segundo. Siguro nakumbinsi niya rin ito kaya marahan ngbinitiwan ni Devyn ang palapulsuhan niya. “Are you sure that you're going to tell me everything?” paninigurado niya. May pagdududa pa rin siyang nararamdaman sa sinasabi nito. “Yes.” Tumikhim siya at pagkatapos ay ngumuso. “What if I'm not interested anymore?” Ginulo ni Devyn ang sariling buhok at saka huminga nang malalim.“I'm still going to tell you everything.” Nagkibit ng balikat si Betsy at umastang parang wala lang ito sa kanya na ang totoo naman ay magkahalong kuryusidad at kaba ang nararamdan niya. Paano na lang kung hindi niya magugus
“Pikit!” “Matagal pa ba?” nayayamot na tanong ni Pam kay Ashley. “Hindi ka gaganda 'pag yamot ka. Pakiabot nga 'yang pang-contour, Betsy.” Mabilis niyang iniabot ang pang-contour kay Ashley. “Thanks! Pakikuha na rin 'yong brush.” “Hanggang anong oras pa ba kayo rito?” tanong ni Betsy habang iniaabot ang brush kay Ashley. Kasalukuyan nitong mini-make up-an si Pam. “Dito kami matutulog,” pasimpleng sagot ni Pam. “Ano? Eh maaga ang flight namin ni De—Jack bukas,” angal niya. Muntik pang madulas ang dila. “Mauna ka na lang matulog,”ani Ashley na focus na focus sa ginagawa. “Paano naman ako makakatulog eh nandito kayo sa kuwarto ko nagmemake up session?” pangangatwiran niya. “Padespedida party namin ito sa'yo bago ang alis mo,” usal ni Pam na nagmumukha ng rebolto dahil sa makapal na contours. “Iba na talaga 'pag may pogi and mayamang boyfriend. Always ka na dapat talagang magpa-sexy sa
Hindi na si Betsy aalis sa bathtub na ito ni Devyn. Buo na ang pasya niya. Dito na siya titira. Paano ba naman kasi, ubod ng laki at lakas makasosyal. Ang sarap din sa pakiramdam ang maligamgam na tubig na bumabalot sa katawan niya. Napakabango rin ng mukhang mamahaling sabon. Habang naglalakbay ang isipan niya sa pagkamangha sa lugar ay napadilat siya nang may narinig na katok mula sa pinto ng banyo. “Betsy? Are you done there? Come out now. Let's have dinner.” Boses ni Devyn. “Yes! Give me five more minutes!” sigaw niya na gumagawa pa ng mumunting bubbles. Naaaliw siya sa kanina pang ginagawa “You said that about an hour ago.” Batid ni Betsy ang ngiti na bumalot sa boses ni Devyn. “Okay. Uh . . . two minutes?” pagbawi niya sabay ihip sa bubbles. Feel na feel niya talaga ang moment. Kailangan niyang lubos-lubusin ang pagkakataon ngayon dahil wala naman siyang bathtub sa Pilipinas. Dinig niya mula sa likod ng pinto ang m
Special Chapter “Basically, our market is expected to benefit from the increasing focus . . . to survive the constantly changing business dynamics. . .” Okay. Nasaan na nga ba sila at ano na ba ang dini-discuss? Tahimik na tanong ni Betsy sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niya sa loob ng conference room sa New York na tila ba nagdedebate na. Karamihan ng mga kasama niya ay mga lalaki.Napakaseryoso nito sa usapin patungkol sa kompanya. “So we can focus on core competencies, even generating avenues for market growth,” sabad ng isa pang miyembro ng board. Dumapo ang tingin ni Betsy sa malaking tiyan nito. “Well, I guess we can also focus on reducing the cost of business for global resources in order for us to meet the growing industry demand,” suhestiyon naman ng isa pa. Napakapit nang mahigpit si Betsy sa ilalim ng mesa nang balingan siya nito. “What's your opinon, Mrs. Wills?”
Masigabong palakpakan ang ibinigay nina Betsy, Ashley at Pam matapos mapanood ang palabas kung saan isa sa mga bida si Sue. Sa apartment ng magkapatid na Pam at Sue sila nanonood nito. Nakatingin pa rin sila sa flat screen tv habang pinagmamasdan ang pag-roll ng credits ng palabas. “Wow! Ang galing mo, Sue!” tili ni Ashley sabay tulak kay Sue na nakaupo sa tabi nito sa sofa. “ ‘Yong iyak mo ro’n, grabe! Parang sinabihan ka lang ng direktor niyo na magiging single na forever!” “Uh. . . Sakto lang naman,” nahihiyang tugon ni Sue at bumalik na sa pagkakaupo. “Dahil lang naman iyan sa acting workshops ko.” “Congratulations ulit, Sue,” bati naman ni Betsy. Masayang-masaya siya sa success ng nakababatang kapatid ni Pam. “Nakuha mo na talaga ang break mo sa showbiz.” Tiningnan siya ni Sue at ngumiti ito. “Thank you, Betsy. Congrats din sa engagement mo.” Uminit ang pisngi ni Betsy at ngayon ay sa kanya na nakabaling ang atensiyon ng ta
Magkasama nilang ipinagdiriwang ang pasko sa Calamba. Si Betsy, Devyn, Nanay G at Tatang. Nanay G na ang tawag niya sa balong si Aling Gloria dahil tuluyan na ngang naging official ang dalawa. Masaya naman si Betsy dahil may kasama na ang kanyang Tatang sa bahay at napapanatag din siya dahil alam niyang masayang-masaya ang kanyang ama. Nakita niya rin kung gaano kabuting tao si Aling Gloria at sobra naman talaga itong maalaga sa Tatang niya. Malaki ang ngiti ng bawat isa nang magbukas na ng regalo. Nangawit pa sila dahil ang dami naman kasing ipinamigay na regalo ni Devyn. Kahapon pa ito dumating mula sa New York at si Betsy na ang sumundo rito sa airport. Bumalik si Devyn sa New York upang asikasuhin ang naging krisis sa kompanya. Pinanatag din ni Devyn ang loob ni Betsy na magiging okay din ang lahat. Habang nagkukwentuhan ang tatlo sa may sala ay nagpunta muna si Betsy sa kuwarto ng kanyang Lolo June. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto nito
“Ano bang ginagawa natin dito sa salon?” nagtatakang tanong ni Pam. “Iinom ng beer,” sarkastikong tugon ni Ashley. “Ano pa ba, eh 'di magpapaayos! Magme-make over ka para sa revenge mo.” “A-Ayaw ko ng maghigante, Asin,” giit ni Pam. “Pwes kami gusto!” Hinawakan siya sa may braso ni Ashley at hinila na papasok ng hair salon. Tahimik namang nakasunod lang sa kanila si Betsy sa likod. Walang nagawa si Pam at nagpatianod na lamang. Umupo na ito at hindi nagtagal ay nilapitan din ng baklang hairstylist. Naupo naman sina Betsy at Ashley sa sofa. “Anong gusto mong hairstyle, sis?” anang bakla kay Pam. “'Yong babagay sa kanya at mas gaganda pa siya!” si Ashley ang sumagot. Tumango ang bakla at pinagtuonan na ng atensiyon si Pam. Hindi na nito ginupitan si Pam dahil mas bagay daw dito ang may mahabang buhok. Kinulot lang nito ang dulo ng buhok ni Pam at nilagyan ng highlights. Sa huli ay naging mat
Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. "Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. "Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam." Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s
Magkahawak ang kamay nina Betsy at Devyn habang papasok sila sa bahay nina Betsy sa Laguna. Naghihintay na sa kanila sa loob ang kanyang Tatang. Bago pa man buksan ni Betsy ang pinto ay binalingan niya ng tingin si Devyn. “Are you nervous?” “No. I’m cool,” tugon ni Devyn at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang saradong pinto. “He’s not . . . he isn’t mad at me, right?” Napangiwi si Betsy. Muli niyang naalala ang naging babala ng kanyang Tatang noong sinabihan niya ito sa plano ni Devyn na mag-live in sila. “I think . . . not.” Alam naman ni Betsy na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay gusto niya lang naman na hindi mag-alala si Devyn. At siguro naman nasa good mood ang kanyang Tatang dahil sa masayang love life nito. “Right.” Nagpakawala ng panatag na buntonghininga si Devyn at umayos na ng tayo. Binuksan na ni Betsy ang pinto at pumasok sila sa loob. Hindi nga siya nagkakamali at nakitang naghihintay
Bumagsak ang balikat niya dahil sa pagiging dismayado. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. “Oh. Do you know where he's going?” Nagkibit ng balikat si Rudy. May tingin ng simpatyang dumaan sa mga mata nito. “I don't have any idea. I can call him if you want.” “No thanks. Never mind.” Nasabi na lamang ni Betsy. Ayaw niya naman kasing ipaalam kay Devyn ang pagpunta niya sa New York. Baka kasi iwasan lang siya nito bago pa man siya makita o magkaroon ng pagkakataon upang makausap ito. Nagpaalam na si Betsy kay Rudy. Bigo siyang umalis at tinungo ang taxi na talaga namang hinihintay pa siya. Wala siyang imik na pumasok sa loob at naupo sa harapan. “Didn't go well then,” tahimik na puna ni Steve sabay lingon sa kanya. “So, where do we go next?” “To the Philippines,” wala sa sariling sagot ni Betsy. Mahinang natawa si Steve. “Well, that's really far away. How about somewhere much nearer?” Napapalakpak si Betsy at
Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton? “Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan. Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.” Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa. “What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya. Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob. “It's not what you can do for me. It's whatIcan do for you,” misteryoso nitong sinabi. N
“Don't wanna feel another touch! Don't wanna start another fire! Don't wanna know another kiss! I'll never love again. I'll never love agaiiiiiiiin! Ooohhhh. Okay! Next song! Helloooo from the other siiiiide! I wish I can say that I've tried. To tell you I'm sorry for breaking your heaaaaart. Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! 'Wag kang susuko. Wag kang susuko!” Hay. Nakakapagod naman talaga ang kumanta ng medley. Lalong-lalo na kapag acapela. Talo pa yata ni Betsy si Manang Adele sa pagkanta. Malat na malat na ang boses niya at kaboses niya na yata si Inday Garutay. Nagsalin siya ng beer sa baso at lumagok. Hindi niya na mabilang kung ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanila ni Devyn. Iinumin niya na sana ang beer mula sa baso pero nabitin sa ere ang pagkakahawak niya nito dahil sa naririnig niya na namang katok sa may pintuan. Marahil si Aling Petra na naman ito. Babal