Wala akong nagawa kun'di ipasok lahat nang upuan na hindi ko pa naipapasok. Mabuti naman at tumulong na rin siya ngayon. Masyadong matatagalan ako rito kung hindi s'ya tutulong. Nang matapos naming ilagay sa loob ang mga upuan ay naupo kami sa sahig para magpahinga. Saglit akong napatingin sa aking relo. Gano'n na lang ang panglulumo ko nang makitang 7:20 pm na.
Nagulat ako nang biglang sumarado ang pinto dahil sa lakas ng hangin. Alas syete na kaya malamig na sa labas. Aish.
Kinuha ko agad ang phone ko at binuhay ang flashlight nito. Madilim sa loob ng bodegang ito. Mukhang sira din ang ilaw dahil puro kalawang na.
Aryana's POVKinabukasan ayala singko pa lang ng umaga ay nasa school na ako. Pero bago ‘yon, ay dumaan muna ako sa bahay nina Dwayne.*Flashback*“Ang aga mo ngayon ah? Himala.” natatawang bungad nito sa akin pag kapasok ko pa lang sa kanilang bahay. Dumeretso ako sa couch at naupo. Sumunod din naman ito bago naupo sa harap ko.“Let's get straight to the point.” ani ko. “Ayokong maparusahan na naman dahil sa pagiging late” napatango lang ito.“Okay, okay. Btw sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon. Tumawag sa akin si daddy e. Okay ka lang naman siguro ano?” paliwanag nito kaya tumango ako bilang sagot.“So ano nga pala ang gusto mong sabihin?&rdqu
Aryana's POV‘Daddy, saan po tayo pupunta?’ tanong ng isang Bata.‘Sa America anak, doon natin ice-celebrate ang birthday ninyo ng mommy mo.’ nakangiting tumingin ang Bata sa ina nito.‘Talaga mommy?’ nakangiting tumango ang ina nito.'Paano po iyong paburito kong laruan na nasa bahay? I-iwan ko na lang po ba doon?’ nakangusong tanong ng Bata'Hala, oo nga Cronus, balikan natin.’ Sabi ng nanay no‘ng Bata.Hindi nakaimik ang daddy ng Bata kaya takang napatingin ang mommy nito sa kanyang Asawa.‘Hindi na tayo pwedeng bumalik, darling. May mga nag babantay sa atin doon.’ ani ng ama, napatango ang Bata kahit walang maintindihan.
Felix Simoun POVYesterday was a mess. I don't know why this is happening to our Adviser. Ito ang unang beses na nangyari ang ganitong engkwentro sa paaralan namin.I was on my way to Law firm nang may bumangga sa akin. Natumba ito at nahulog ang lahat ng kanyang dala. Tutulungan ko na sana ito nang makilala ko kung sino ito.Akhira?Iba ang itsura nito kumpara sa laging ayos nito kaya hindi ko agad ito nakilala.“What are you doing here?” I asked. She just smirked and stood up matapos niyang pulutin ang gamit n‘yang nahulog.“Do you know me?” balik tanong nito na ikinunot naman ng noo ko. Ano bang trip ng babaeng ito? Tsk. Nagpapanggap ba s‘ya na hindi ako kilala? Tsk.“Sir, If you don't have anything to say, can I go now?” napangisi ako.
Jofel's POVSabado ngayon at dahil walang pasok, napag -usapan naming tatlo na magkita-kita sa hideout. Tapos na kasi ang kaso ni Sir Gregor, kaya magpapatuloy na kami sa paghahanap kay Aryana.Susmaryosep naman, oh. Kailan ba namin makikita si Aryana? Tss.Napataas kaagad ang isang kilay ko nang makapasok sa loob. Hindi ko nakita ang dalawa kaya nagtaka ako.Inilibot ko rin ang aking paningin sa paligid baka sakaling makita ang mga ito pero tiningnan ko na lahat ang bawat sulok ay wala talaga. Lagi na lang silang late. Psh!Inayos ko muna ang mga nagkalat na papel sa sahig. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganitong dito, o sadyang nilipad lang ng hangin habang wala kami.Itatapon ko na sana ito sa basurahan nang may mapansin akong isang papel.Nakadikit lang ito noon ah? B
Aryana's POV‘Saan po tayo pupunta?’ tanong ng isang Bata.‘Sa America anak, doon natin ice-celebrate ang birthday ninyo ng mommy mo.’ nakangiting tumingin ang Bata sa ina nito.‘Talaga mommy?’ nakangiting tumango ito.‘Paano po iyong paburito kong laruan na nasa bahay? I-iwan ko na lang po ba doon?’ nakangusong tanong ng Bata‘Hala, oo nga Cronus balikan natin.’ Sabi ng nanay nung Bata.Hindi nakaimik ang daddy ng Bata kaya takang napatingin ang mommy nito sa kanyang Asawa.‘Hindi na tayo pwedeng bumalik darling. May mga nag babantay satin doon.’ ani
Continuation.Dumiretso na ako sa classroom matapos makisali sa gulo nina Kenshin. Halos lahat ng estudyanteng nadadaan ko ay nakatingin sa kanilang mga cellphone habang nanonood nang kung ano.Bahagya akong naglakad palapit sa mga iyon at nakinood. Napangisi ako nang makitang sina Kenshin ang kanilang pinapanood.So naka-live pala sina Kenshin kanina pa? Ibigsabihin ay nakita din ako sa video na yon? Tss.Bakit kasi hindi ka muna nag i-isip bago kumilos, Aryana!Nasa tapat na ako ng room namin nang may tumawag sa akin. Dahan-dahan ko naman itong nilingon.“Akhira, right?” tanong ni Sir Gregor. kaya tumango naman kaagad ako.“Yes po, why?” takang tanong ko. Tumikhim lang ito bago napatingin sa paligid. “Gusto
ContinuationAryana's POVDumiretso agad ako sa HQ namin pagkatapos kong kumain sa restaurant nina Aris. Naupo ako sa upuan ko bago pinaulanan ng masasamang tingin si Dwayne.Hindi ko ito inasahan na makikita sa lugar na iyon kanina. Sinadya ko talagang hindi ito pansinin para hindi mahalata ni Felix na magkakilala kami. Sigurado kasi ako na sa mga oras na ito ay nasa kamay na n‘ya ang ilang impormasyon tungkol sa akin. Natatakot ako na malaman n‘ya nang wala sa oras ang totoo.Napahilot ako sa aking sintido bago umayos ng upo. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa lugar na iyon, Dwayne?” may bahid na inis na tanong ko. Ngumiti lang ito bago ako inabutan ng Sprite. “Chill ka lang, Ayan. Hindi naman ako gumawa ng ikapapahamak mo, e.” napairap ako sa kawalan bago kin
Aryana's POVIsang linggo na ang nakaraan matapos malaman ko ang lahat tungkol sa nangyari 10 years ago.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nalaman. Hindi rin ako pumasok ng isang linggo dahil mas inuuna kong mag research. Sa mga dyaryo at sa internet.Lahat ng article na may kinalaman sa aksidente 10 years ago ay binasaba ko. Nagbabakasakaling may makukuha akong impormasyon ukol sa nangyari sa mga magulang ko. Pero sa lahat ng binasa ko, ay wala akong nakita.Nakakapanghina.Imposibleng walang naging balita noong naganap ang aksidente 10 years ago. Dahil kung mayroon ‘man, paniguradong Mr. Hermes na naman ang may kagagawan kung bakit nawala ito.Tumigil muna ako sa paghahanap at lumabas ng aking bahay para naman makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na kasi akong nagigi
MAAGA akong nagising dahil may naalala nga pala akong gagawin. Nang bumaba ako aming kusina ay naabutan ko doon si Kuya AX na nagtitimpla ng gatas niya. Bakit kaya ang aga niya?“Oh, ang aga mo yata ah?” takang tanong nito habang naglalagay ng gatas sa kanyang cereals. Kumuha din ako nang para sa akin at pinalagyan din dito. Tumayo ako pagkatapos at lumipat sa kabilang upuan bago ko ito sinagot. “May pupuntahan kasi ako, e. Ikaw ba? Bakit ang aga mo ngayon?”“May business meeting kasi later. At dahil ako ang CEO doon ay kinakailangan kong maging maaga para maayos ang mga dapat ayusin.” anito kaya napatango na lang ako. Sabagay, tama naman s‘ya.“Don‘t stressed yourself too much, Kuys. Sige ka, baka hindi ka na magkajowa.” natatawang biro ko.“Sus, ikaw talaga . Sa gwapo kong 'to? Grabe ka, ah."“Biro lang, Kuys. Syempre magkakaroon ka din ng jowa. Not now, but not sure. Hehe.” natatawang dagdag ko. Napailing-iling lang ito. “Kailan mo ba ipapakilala sa aminang nagugustuhan mo, Kuys?”
KINABUKASAN ay kaarawan ni Felix kaya maaga akong nagising para bumili ng susuotin. Balak ko sanang bumili ng gift para sa kanya pero hindi ko na itinuloy. May naisip kasi akong magandang regalo para sa kanya.Nang makauwi ako ay naligo akong muli at nagpaayos kay Mommy. Birthday ngayon ni Felix kaya dapat maging maayos ako sa paningin niya."Halika ka, anak. Aayusin ko ang buhok mo." hinayaan ko lang si Mom na ayusin ang buhok ko. Maging sa paglalagay ng make-up ay siya na din ang gumawa. Nang matapos ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Napanganga ako dahil sa ganda ng pagkakaayos sa akin ni Mommy. Hindi masyadong makapal ang make-up na inilagay n'ya kaya kumportable ako. Ang buhok ko naman ay ginawang kulot ni Mommy. Hindi ito ang unang beses na kinulot ang buhok pero para sa akin ay ito ang pinakamaganda.Tinulungan ako ni Mom na isuot ang kulay pula kong cocktail dress. Palagi na lang daw kasing kulay
(A/n; Enjoy reading.)---Aryana's POVMAKALIPAS ang dalawang taon ay nakagraduate na kami ng highschool. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon habang nag kukwentohan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din magbabago si Jofel, maingay pa din.Sa DLU na na rin pala nag transfer si Dwayne para sa college, nagsasawa na daw kasi siya sa mga chix doon sa Golden State. Tss Babaero talaga.Hanap ay chix, hindi naman nagkakajowa. Psh.Tsaka isa pa, simulan noong nagka issue si Mr. Hermes ay kakaunti nalang ang nagpatuloy ng pagpasok doon. Siguro ay dahil natrauma na sila sa nangyari noon.Basta kami ay masaya lang sa Dela Fuego University. Nakakamiss ang mga panahon na nagagawa ko pang magloko, ngayon kasi ay hindi na maaaring gawin iyon. Kumbaga bawal ang papetiks petiks sa college. Kailangan talaga ay maging matino na.Mag
Aryana's POVMAAGA akong nagising dahil may lakad kami ni Felix. Inaya n‘ya kasi akong lumabas. Syempre pumayag naman rin agad ako. I don't know why, but these past few days I feel comfortable with him.Maybe nararamdaman ko iyon dahil alam kong wala naman talaga siyang kinalaman sa aksidenteng nangyari noon. Tsaka alam ko din sa sarili ko na napatawad ko na siya.Sinuklay ko ang aking buhok bago tumingin sa salamin. Tipid na napangiti ako bago pinagmasdan ang aking suot. Kagaya ng aking nakasanayan ay nagsuot ako ng dress na itim na tinernohan ng puting sandals na wala pang two inches ang taas ng takong. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito kaya hindi ako makapagsuot nang mataas gaya ng sinusuot ng iba.Napatingin ako sa bintana nang marinig kong bumisina ang sasakyan ni Felix na nasa labas na ng aking bahay.Mabilis kong isinukbit ang aking shoulder bag bago mulin
Aryana's POVMAAGANG nagising ang mga tao sa bahay para paghandaan ang kaarawan ni Aristotle. Dito rin ako pinatulog ni Mom dahil espesyal ang araw na ito. At para masanay daw akong tumira sa isang bahay kasama sila.Btw, He's 21 now. I-isang taon lang pala ang pagitan namin ni Aristotle kaya hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ‘kuya’.Naghilamos muna ako bago bumaba ng kwarto, nadatnan ko namang nagluluto si mommy sa kusina.“Good morning, Mom.” nakangiting bati ko bago umapit dito. Nilingon ako ni mommy bago sinenyasan na maupo. “Pinagluto kita ng paburito mo. I hope you like it.” nakangiting ani ni Mom. Napangiti rin ako nang mahulaan ko kung anong niluto niya.“Woah, it's carbonara, my favorite. Thanks, Mom!” ngumiti lang ito bago naupo sa aking tabi. “How's your sleep, Darling?
Felix's POVMAAGA akong nagising dahil ito na araw na pinakahihintay ko. Makakalabas na din ako sa wakas. Masyado na kasi akong nababagot dito, e. Tsaka isa pa, nakakamiss ring gumala sa labas.Nagawi ang paningin ko sa bintana para sana silipin ang araw na bagong sikat lang, pero nagulat ako ng may nagsalita doon. Agad akong napairap at iniiwas ang paningin dito.“Felix, excited ka na bang umuwi?” nakangiting tanong ni Ate. Bakit ba nandito pa rin siya?Gusto ko ng umuwi pero makikita ko lang s‘ya sa bahay. What should I do? Do I need to stay here or not?Sa tagal naming hindi nagkita ay nabaguhan na ako. Parang ibang tao na ngayon ang kasama ko. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. Mula sa buhok nito na noon ay kulay itim na ngayon ay naging brown, halos hindi ko din agad ito nakilala dahil nag matured na ang mukha nito. Sabagay nasa 26 years old na rin naman s
Felix Simoun POVBUMUNGAD sa akin ang puting kisame ng magising ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid nang mapansin kong iba ang kisame ng kwartong ito. N-Nasaan ako?Hindi ito ang condo ni Jofel, ah?Napatingin ako sa gilid nang may nagsalita doon.“Oh? Bro! Gising ka na?!” nakangiting bungad na tanong sa akin ni Jofel na kasalukuyang nakahiga sa sofa. Umupo ito ng maayos bago kumuha ng mansanas sa table bago binalatan.“Okay lang ba?” mahinang tumango lang ako.Akmang tatayo na ako nang mapansin kong may nakatusok sa aking braso.
Aryana's POV“Saan ka na naman nagpunta, Aryana?”Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid pagkapasok ko. Napahawak ako sa aking dibdib bago nilingon ang taong iyon. Nakita kong nakasandal sa gilid ng pintuan si Kaito habang nakakunot ang noo. Ano na naman bang ginagawa nila dito?“Annyeong!” nakangiting bati nina Dwayne. Napailing-iling na lang ako bago dumiretso sa fridge. “Bakit pala kayo napadalaw?” tanong ko bago kumuha ng tubig at ilang chips.“Trip lang nami—”“We‘re just worried.” mabilis na nakatanggap ng batok si Dwayne mula kay Kenshin. May binulong-bulong pa ito pero hindi ko naintindihan.Nagsalin lang ako ng tubig sa isang baso bago uminom. Pinunasanan ko muna ang aking labi bago inalok ng chips ang mga ito.&
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa hindi maipaliwanag na kasiyahan. Habang nagluluto ng hotdog ay hindi ko mapigilang mapangiti. Kung nandito lang sana sina Dwayne ay baka isipin nila na nababaliw na ako.Pinatay ko agad ang kalan matapos akong magluto. Inilipat ko sa hapag ang niluto kong fried rice with sunny side up at hotdog. Mabilis ko lang tinapos ang pagkain bago dumiretso sa banyo para maligo.This time hindi ko na hahayaan na may maging haldang pa sa akin para mapuntahan ang mga magulang ko.Hindi ko din naman pwedeng sisihin si Felix, kasi una lahat ay hindi niya naman kasalanan ang aksidenteng nangyari sa kanya.Anyways, kamusta na kaya siya? Hindi pa kasi tumatawag or nagte-text ‘man lang si Jofel. Hindi pa kaya s‘ya nagigising? Sana naman maging ayos na s‘ya.Tanging plain na itim na blusa lang ang sinuot ko na tinernohan ko na