Nagsimula na nang opisyal ang auction nang makumpleto na ang lahat ng mga bisita. Bilang kinatawan ng pamilya ng mga Olivarez, ang panganay na anak na si Gab ang umakyat sa stage upang ihatid ang opening speech. Hindi pangkaraniwan ang tindig nito sa suot na YSL haute couture suit. Bahagya namang
Muling nagdilim ang mukha ni Brandon, at ang maninipis niyang mga labi ay lalo niyang itinikom. Siyam na milyon ang nabayaran, at ang sampung milyon ay tiyak namang hindi magiging problema. Kanina'y pinigilan ni Avrielle na itaas ang kanyang kamay, hindi dahil sa hindi niya kayang maglabas ng gano
"Ang item sa auction na nasa ibaba ay may pambihirang kahalagahan.Ito ay isang personal na koleksyon ng isang hindi kilalang ginoo sa loob ng limampung taon. Ito ang nangungunang taga-gawa ng huanghuali sa Ming Dynasty!" Masigasig na ipinakilala ng auctioneer na ang huanghuali na upuan ay protektad
Sa isang iglap, biglang namutla si Samantha na tila tinamaan siya ng kidlat nang mga sandaling iyon, habang si Senyora Selina ay halos magyelo ang lahat ng daluyan ng kanyang dugo. "Anong nangyari, Mommy?!" Nagtagis nang mariin ang mga ngipin ni Samantha, habang sa kanyang noo ay naroon ang butil-b
Nang magsimula nabang palabas na siya mismo ang nag-ayos, ay nakadama ng kawalan ng interes si Avrielle kaya nilisan na niya nang maaga ang venue. Habang nasa loob ng washroom, ay masusi niyang tinitigan ang kanyang sarili at napabuntong-hininga. Noon, isang sopistikada at walang kamuwang-muwang s
Sa puntong iyon ay tila napugto ang paghinga ni Avrielle. Ang mga usapan at hiling sa kanya ni Lolo Simeon ay ganoin na lamang sinira ni Samantha. Dahil doon ay mabilis na umagos ang galit sa puso ni Avrielle. Gusto niyang bali-baliin sa pira-piraso ang mga buto ni Samantha na katulad ng ginawa ni
Sa puntong iyon ay may isang taong pasikretong nagrecord ng video gamit ang cellphone. Nang mapansin iyon ni Gab, ay agad siyang tumawag ng mga security upang paalisin ang mga nag uusyoso sa paligid. "Samantha, nandito si Brandon para protektahan ka kaya walang mangangahas na manakit sa'yo!" Si Se
Sa naging pag-amin ni Avrielle, ay nabigla si Brandon. Halos magwala tuloy ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Hindi makapaniwalang tinignan niya ang dating asawa na dating sobrang hinhin at hindi makabasag-pinggan. Nagtataka siya kung ano na ang nangyari rito at marunong nang manakit ito ng ta
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlatnsa kalangitan. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang g
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang
Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang
Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas
"Siguro nga po..." pabulong na sang-ayon naman ng mananayaw. Malamig ang mukha ni Avrielle nang tanguan niya si Wynona. "Kakastiguhin ko lang ang isang ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan n'yan." Halos bulungan lang naman ang usapan ng dalawang babae, ngunit bawat salita ng mga ito ay ma
Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya. Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya