Blair McBride
GAYA ng gusto ni Cloud ay inihatid niya ako sa bahay ko saka siya agad na umalis. Bagsak ang katawan ko sa kama at nang mapag-isa ako ay saka pa lamang lumabas ang luhang pinipigilan ko habang kasama ko si Cloud. Ayokong umiyak sa harapan niya dahil mag-aalala siya at baka hindi umalis. Ayoko na ring ipakita sa kaniya na mahina ako dahil nahihiya na rin ako.
Galit lang naman ang nagpapalakas ng loob ko. Kapag nagpapatong-patong ang galit ko kay Alicia ay saka lamang lumalabas ang tapang ko.
Sumilip ako sa labas ng bintana ng kwarto nang makarinig ako ng pagdating ng kotse. Gabi na at kadarating lamang ni Lukas. Nakasuot siya ng usual na attire niya kapag pumapasok sa trabaho. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang humanga dahil bawat angulo ay gwapo siya. Ngayong nakita ko na ang hitsura ng kambal ay nasisiguro kong lalaki ang mga ito na kamukhang-kamukha ng ama.<
Blair CastroHINDI ako makapagsalita hanggang sa dumating kami sa bahay. Hindi pa rin ako bumababa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lukas dahil sa nangyari. Dapat ko bang unahin ang sorry o salamat?“Kaya mo na bang pumasok mag-isa?” pagbasag niya sa katahimikan.Dahan-dahan ko siyang nilingon. “L-Lalabhan ko nalang 'yung damit mo.”Umiling siya at kinuha ang damit niyang hinubad. “No, it's ok—”Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay hinablot ko na ang damit sa kaniya saka ako dali-daling bumaba pero dahil nga lasing pa ako ay napaupo ako sa simento matapos mawalan ng balanse.“Blair!” nangibabaw ang boses ni Lukas sa kalagitnaan ng tahimik at madilim na gabi. Agad niya akong hinawakan sa braso at inakay na tumayo.Sumandal ako sa kotse niya at napapi
Blair CastroNAGCOMMUTE ako pabalik sa Quezon Province para makita ulit ang mga anak ko. Hindi ko na pinansin si Lukas kahit pa nga nakita niya akong sumakay sa taxi kanina papunta sa station ng bus pabiyaheng Quezon. Hangga't maaari ay gusto kong iwasan ang lalaking 'yon dahil masyado akong nababaliw kapag malapit siya. Ayokong makagawa na naman ako ng kasalanan at masaktan na naman ang bunso kong si Lira.Kahit pa nga labag sa kalooban ko ang ginawa kong pagbalewala sa kaniya ay mas pipiliin kong suwayin ang puso kong nagmumukmok at naghuhuromentado nang sandaling makita ko siya at talikuran.Agad akong nakarating sa lugar kung saan nakatira ang kambal. Pakababa ko ng bus ay tumambad sa akin ang mga tao na agad tumingin sa akin. Ang iba ay tiyak na namukhaan ako dahil tumigil sa kani-kanilang ginagawa. Maging ang mga batang naglalaro ay tumigil para makiusyoso sa pagdating ko—tulad
Blair Castro EKSAKTONG alas sais y media nang dumating si Cloud kasama ang isang lalaking natitiyak kong abogado. Agad akong hinila at nilapitan ni Cloud na may pag-aalala sa mukha. “Ayos ka lang? Ano bang nangyari?” Hindi ako umimik. Nilingon ko ang abogado na agad lumapit sa hepe ng pulisya at nakipag-usap. Ibinalik ko kay Cloud ang paningin ko at napansin ko ang pagkakakunot ng kaniyang noo. “Why won't you tell me? Anong nangyari, Blair?” Bumuka ang bibig ko para magsalita pero natigilan ako nang lumapit sa amin ang abogadong kasama ni Cloud. Kasunod nito ang pulis na kumausap sa akin kanina. “Mr. McBride, okay na ang lahat,” nakangiting balita sa amin ng abogado. Nilingon ko ang pulis na may bahid ng pagtataka sa mukha. Kanina lang ay ginigisa niya ako, paanong abswelto na ako ngayon nang hindi manlang ako nagpapaliwanag? Tumango
Blair Castro NATANAW ko si Lira sa lanai kinabukasan. Umiinom siya ng gatas habang kumakain ng cookies. Napangiti ako habang tinatanaw siya mula sa bintana ng kwarto. Namiss ko kaagad siya. Kung pwede ko lang siyang lapitan, yakapin at sabihing namiss ko siya ay ginawa ko na. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok sa kwarto si Cloud na unang tiningnan ang kama bago ako natagpuan sa may bintana. “Kain na tayo. Tapos na ako magluto,” pag-aaya niya. Tumango ako, “Sige, susunod na ako.” Imbes na lumabas ay lumapit siya sa kinatatayuan ko. “Ano bang tinitingnan mo?” Sumilip siya at nakita ko ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. Sinulyapan niya ako, “Akala ko naman walang nakuha sa 'yo si Lira.” Nangunot ang noo ko at nilingon ang anak ko. Wala naman talaga. Kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama. Ni walang
Blair CastroHINDI ako makatulog. Ang tanging laman ng isipan ko ay ang lakad namin ni Cloud bukas. Hindi kami tiyak kung papayag si Luisa Ibanez na ipa-DNA ang kambal. Lapitan at kausapin nga lang ang kambal at mahigpit niya ipinagbabawal sa akin, ipa-DNA pa kaya. Gayunpaman, kailangan kong sumubok dahil wala namang ibang paraan para mabawi ko ang mga anak ko kundi patunayan na ako ang ina ng mga ito.Kinabukasan ay agad akong nag-ayos. Matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay agad kaming umalis ni Cloud. Dumaan nalang kami sa isang fast foof para bumili ng almusal.“Are you nervous?”Napalingon ako kay Cloud nang itanong niya 'yon. Sa totoo lang, ngayon lang kami nag-usap. Simula pa kasi kaninang umaga ay tahimik kami at parehong abala sa sariling iniisip.Uminom ako ng kape saka bumuntong-hininga. “Kinakabahan ako. Alam kong hindi natin
Blair Castro“WHAT RESEMBLANCES? TALAGA BANG PANININDIGAN MONG MABUTING BABAE 'YANG KABIT MO, LUKE? HOW COULD YOU COMPARE MY DAUGHTER TO HER?!”Umawang ang labi ko dahil sa sagot ni Alicia. Suminghap ako at sarkastikong natawa. Talagang pinanindigan niya na anak niya si Lira! The nerve!Iritado akong pumasok sa loob ng bahay saka isinara ang pinto. Hindi ko na inintindi ang patuloy na pag-aaway nina Lukas at Alicia. Dumiretso nalang ako sa kusina at naiiling na nagtimpla ng kape.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at hindi na nakatulog pa ulit. Bandang alas kuwatro ng umaga nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan sa tapat. Agad akong sumilip sa bintana at nakita si Alicia na nagmamaneho ng kotse.Nagtaas ako ng noo. Wala si Lukas na palagi siyang inihahatid sa labas kapag umaalis siya.Gusto kong matawa sa nasaksihan ko. Nagsisimula na
Blair CastroHINDI pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Lukas. Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto pero tulala pa rin akong nakatingin sa kamay ko na hinawakan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagkakabuhol-buhol ang hininga ko at hindi ako makapag-isip ng matino.Ano nga kayang sinasabi ni Lukas kanina? Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? Naalala na ba niya ang nangyari sa amin five years ago?Marahas akong napailing saka sinapo ang mukha ko. Sabay-sabay ba talagang lalabas ang katotohanan? Grabeng pasabog naman 'yon kung sakali. Tiyak na wala nang kawala si Alicia pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga anak ko lalong-lalo na si Lira na siyang higit na apektado sa kasinungalingan ni Alicia. Kung pwede ko lang ipaliwanag sa kaniya ang lahat ngayon.Inubos ko ang oras ko sa pagtunganga sa kawalan. Nang bandang alas kuwatro ay nagtex
Blair CastroHINDI ko nakita si Cloud kinabukasan. Wala rin ang kotse niya sa labas at tanging note lang ang nakita ko na umuwi siya sa condo niya. Malinis na rin ang mga naiwan naming kalat sa kusina kagabi.Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi kasabay ng pagbalik ng alaala sa akin kung paano niya ako hinalikan kagabi.Marahas akong napailing. No! Ang baboy ko! Ano nalang iisipin ng parents ni Cloud? Ano nalang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang nararamdaman ni Cloud? Ayokong mawala ang naging pangalawang magulang ko. Natatakot na ulit akong mag-isa.Sinapo ko ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nafufrustrate ako dahil sa nangyari. Kagabi ay napanaginipan ko pa ang nangyari sa aming dalawa ni Cloud. Paulit-ulit sa isipan ko ang senaryong 'yon.Lumipas ang maghapon na halos wala akong nagawa. Ang tanging nasa isip ko ay
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami