Chapter 13Nagulat pa ako nang mukha ni Sir Dan ang bumungad sa akin pagkagising ko.Parang maamo siyang tupa na mahimbing na natutulog. Hindi ito ang unang beses na natitigan ko siya ng ganito kalapit, pero hindi naman nakakasawang titigan ang chinito niyang mukha.Hindi ko akalaing ang ganitong kagwapong lalaki ay may gusto pala sa isang nerd na tulad ko?Naalala ko ulit kung paano niya sinabi ang mga bagay na iyon. Kung paano niya ako hinalikan. Muntikan na din akong madala sa tuwing hinahalikan at niyayakap niya ako. Mabuti na lang at siya na din ang kusang tumigil. Iniisip ko tuloy kung ano bang tumatakbo sa isip niya. Baka akala niya na kami na dahil nga hinahayaan ko lang siya.Nataranta ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Balak ko sana magpanggap na tulog pero huli na. Mukhang nagtaka din siya kung bakit niya ako katabi pero maya-maya ay gumuhit ang ngiti sa labi. "Kanina ka pa gising?" aniya. Umiling ako. "Hindi naman. Anong oras na ba?"Sa halip na sumagot ay pumi
Chapter 14Parang ayaw ko nang lumabas ng banyo dahil sa suot kong 2 piece swim wear. Ito 'yong laman ng paper bag na inabot niya sa akin kanina. Nung napagtanto ko na ganito ito ay umalma na ako't lumabas dito."Wear it. O ako ang magsusuot sa iyo niyan." panakot niya sa akin kanina. Kaya no choice na ako kun'di ang isuot ito.May kasama naman itong sheer fabric dress. Kaso kita pa rin."Anong nangyari na sa iyo diyan?" tawag niya sa akin. Sunud-sunod din ang pagkatok niya."Hindi ko po kayang lumabas ng nakaganito." Hiyang hiya na sagot pabalik sa kaniya."Lumabas ka na dyan. You're wasting our time."Our time daw? angal ng isip ko."Lalabas ka d'yan o sisisirain ko itong pinto?" banta niya.Nakakita ako agad ng tuwalyang nakatiklop doon at mukhang hindi pa nagagamit. Kinuha ko iyon at mabilis na binalot sa katawan ko bago binuksan ang pinto.Masama ang tingin ko sa kaniya nang salubungin niya ako pagkalabas ko. Mukhang hindi niya inaasahan pagtapis ko ng tuwalya."Anong trip ito?"
Chapter 15Hindi ko mapaliwanag kung paano ko na-enjoy ang pagsama kay Sir Dan ng buong araw na iyon. Sa kabila ng pagiging seryoso niya sa opisina, ganito pala siya kapag nasa labas. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para hindi ako mailang sa kaniya. Basta ang alam ko lang nung araw ding iyon, doon lang ulit ako napatawa ng malaya. Para kaming mga batang naglaro sa tubig. Walang halong malisya. At natural lang na para ba kaming matagal nang magkaibigan. Nakalimutan ko na nga din ang mga agam agam ko sa ibang tao. Lalo na sa mga posibleng isipin nila kung sakaling makita nila kami ngayon.Nang makaramdam ako ng pagod ay hinayaan naman niya akong magpahinga muna. Siya pa mismo ang kumuha ng mga gamit ko sa loob para komportable akong mahiga sa bench na nandoon. Nahiga naman din siya sa isa. "Eunice." nakapikit na ako nang tawagin niya ako.Nagulat pa ako nang makita ang mukha ko sa screen ng cellphone niya. He's ready to take our selfie photo kahit walang consent ko. Epic tuloy ang k
Chapter 1Nang makita ko ang pagparada ng sasakyan ni Jake ay sobra na ang kirot sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng pintig ng puso ko habang pinapanood ko siyang pumasok sa bahay na para bang matagal na siyang nakatira doon. Dati pa man ay pansin ko na ang pagiging close nila ni Mama simula nung ipakilala ko siya 6 months ago sa birthday nito. Hindi ko na binigyan ng malisya ang tawanan at asaran nila na para bang matagal na silang magkabarkada.Broken family ang kinagisnan kong pamilya. Hindi ako lumaki sa kaniya nung bata pa ako, gano'n din kay Papa. Parang tuta nila ako na pinaalaga kina lolo't lola na wala na ngayon. High school ako nang kunin ulit ako ni Mama nung pumanaw ang lolo ko. Nagsama kami hanggang sa maka-graduate ng college. Nagkatrabaho ako agad sa unang apply ko palang sa company na pinapasukan ko hanggang ngayon na almost five years na din. Nagbukod na ako after a year nang maging stable na ako sa office at financially manage naman lahat sa akin dahi
Chapter 2 "Nand'yan pa ba, kuya guard?" tanong ko sa guard ng ng company. Sinipat naman niya ulit ang CCTV na nasa ibabaw ng desk niya. "Opo, ma'am, e." anito nang makita pa rin ang silver na sasakyan ni Jake doon na naka-park sa labas ng gate. Shocks! Anong oras ba balak umalis ng mga ito? Disappointed akong naupo sa upuang kahoy nandoon. Mga isang oras na din akong naghihintay na baka sakaling magsawa sa kakahintay kapag hindi nila ako makitang lumabas dito. Halos isang buwan na din ganito since nang huli ko silang makita sa Bulacan. Sabi ko kasi kay Trixie na hintayin ako. Nag-CR lang ako saglit, pagbalik ko, wala na sila.Ilang minuto pa ang lumipas nang natatarantang tinawag ako ni kuya guard, " Ma'am, lumabas po ang driver." Pagkasabi niya no'n ay nagmamadali akong lumakad para makapagtago sa likod ng guard house. Hindi na nila ako makikita doon dahil bawal silang pumasok sa loob. "Boss," si Jake. "Nag-overtime po ba si Ms. Eunice Mendez?" Magalang naman ang pagkakasabi n
Chapter 3 "What happened to both of you?" out of the blue ay nagtanong siyang bigla. Matagal kaming walang imikan habang naghihintay doon. Kahit na nakahiga na ako dito ay inaabot pa rin ng tanaw ko ang dalawang iyon na nandoon pa ring nakatayo. Nakakairita! Gigil na sigaw ng isip ko. Gusto ko sana silang sugurin para sawayin na doon sila sa park, huwag doon sa nakikita ko. Siguro titigilan na nila ako kapag ginawa ko iyon.Kaso mas pinili ko na lang na manatili doon. Ayaw kong pababain ang level ko sa kanila. Saka halos dalawang buwan na ding wala kami. Isang buwan din akong nanahimik at k-in-omfort ko talaga ang sarili ko dahil wala naman akong sinabihan sa nangyari sa akin. Ano pa bang sense na mag-usap kami? Bakit pa nila ako hina-hunting? "He... Cheated." "Hmmm?" Hindi ko nakikita ang expression ng mukha niya kasi nakatuon lang ang tingin ko sa harap"I saw them naked. Alam niyo na po siguro kung ano ginagawa nila kapag gano'n." "Hindi, e. Can you tell me?" anito na nasa i
Chapter 4 Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Kinuha ko iyon para sana patigilin ang alarm sa pag-aakalang maaga pa. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong quarter to 6 na ng umaga. Nakalipas na ang dalawang naka-set na alarm doon pero hindi ako nagising.Bumangon na ako sa higaan at dumiretso na sa banyo. Nagmamadali akong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi na rin ako nag-abalang mag-almusal nang matapos ako. Nang nasiguro ko nang naka-turn off na ang lahat ng ilaw at nakatanggal na ang mga saksakan ay lumabas na ako. Patakbo na akong umalis doon pagkatapos.Pasado na 6am. Maaga pa naman akong nakakarating sa office kaso siguradong madami nang tao sa daan. Hangga't maari sana ay iniiwasan ko ang mga tao para sana iwas siksikan.Tuluy-tuloy lang ang lakad ko nang makalabas na ako ng gate. Wala na akong pakialam sa mga nakakasabayan ko sa paglalakad. Ang tanging nasa isip ko lang ay makasakay agad ng jeep. Mahirap kasi makasakay dito
Chapter 5"Hindi pwedeng hindi, Ms. Eunice." sabi sa akin ng HR staff.Nandito siya sa pwesto ko para sana ipaalala sa akin ang mga guidelines para sa team building bukas. Kaso ngayon lang din ako nagsabi sa kaniya na hindi ako makakasama.Kailangan ko na kasing makahanap ng lilipatan dahil hindi pa rin ako tinatantanan nila Jake. Hindi ako makauwi ng maaga dahil alam ko na nandoon sila. Kapag Linggo naman, nasa labas sila. Wala lang sila doon tuwing umaga sa weekdays kasi may pasok siya. Parang wala na tuloy akong kalayaan.Wala na akong pakialam sa buhay nila, sana tigilan na nila ako.Kahit anong pilit din ni Sir Dan sa akin, hindi na ako pumapayag na ihatid o sunduin niya ako dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Minsan nga ay tinataguan ko siya o nag-a-out pa ako ng maaga. Ayoko din ng may utang na loob kahit kanino."Nagpaalam na ako na ako kay Ms. Adel, ma'am." sabi ko."Hindi naman siya pumayag , 'di ba? Sumama ka na Ms. Eunice. Mag-e-enjoy ka doon. Ngayon kasi, kapag hindi ka pu
Chapter 15Hindi ko mapaliwanag kung paano ko na-enjoy ang pagsama kay Sir Dan ng buong araw na iyon. Sa kabila ng pagiging seryoso niya sa opisina, ganito pala siya kapag nasa labas. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para hindi ako mailang sa kaniya. Basta ang alam ko lang nung araw ding iyon, doon lang ulit ako napatawa ng malaya. Para kaming mga batang naglaro sa tubig. Walang halong malisya. At natural lang na para ba kaming matagal nang magkaibigan. Nakalimutan ko na nga din ang mga agam agam ko sa ibang tao. Lalo na sa mga posibleng isipin nila kung sakaling makita nila kami ngayon.Nang makaramdam ako ng pagod ay hinayaan naman niya akong magpahinga muna. Siya pa mismo ang kumuha ng mga gamit ko sa loob para komportable akong mahiga sa bench na nandoon. Nahiga naman din siya sa isa. "Eunice." nakapikit na ako nang tawagin niya ako.Nagulat pa ako nang makita ang mukha ko sa screen ng cellphone niya. He's ready to take our selfie photo kahit walang consent ko. Epic tuloy ang k
Chapter 14Parang ayaw ko nang lumabas ng banyo dahil sa suot kong 2 piece swim wear. Ito 'yong laman ng paper bag na inabot niya sa akin kanina. Nung napagtanto ko na ganito ito ay umalma na ako't lumabas dito."Wear it. O ako ang magsusuot sa iyo niyan." panakot niya sa akin kanina. Kaya no choice na ako kun'di ang isuot ito.May kasama naman itong sheer fabric dress. Kaso kita pa rin."Anong nangyari na sa iyo diyan?" tawag niya sa akin. Sunud-sunod din ang pagkatok niya."Hindi ko po kayang lumabas ng nakaganito." Hiyang hiya na sagot pabalik sa kaniya."Lumabas ka na dyan. You're wasting our time."Our time daw? angal ng isip ko."Lalabas ka d'yan o sisisirain ko itong pinto?" banta niya.Nakakita ako agad ng tuwalyang nakatiklop doon at mukhang hindi pa nagagamit. Kinuha ko iyon at mabilis na binalot sa katawan ko bago binuksan ang pinto.Masama ang tingin ko sa kaniya nang salubungin niya ako pagkalabas ko. Mukhang hindi niya inaasahan pagtapis ko ng tuwalya."Anong trip ito?"
Chapter 13Nagulat pa ako nang mukha ni Sir Dan ang bumungad sa akin pagkagising ko.Parang maamo siyang tupa na mahimbing na natutulog. Hindi ito ang unang beses na natitigan ko siya ng ganito kalapit, pero hindi naman nakakasawang titigan ang chinito niyang mukha.Hindi ko akalaing ang ganitong kagwapong lalaki ay may gusto pala sa isang nerd na tulad ko?Naalala ko ulit kung paano niya sinabi ang mga bagay na iyon. Kung paano niya ako hinalikan. Muntikan na din akong madala sa tuwing hinahalikan at niyayakap niya ako. Mabuti na lang at siya na din ang kusang tumigil. Iniisip ko tuloy kung ano bang tumatakbo sa isip niya. Baka akala niya na kami na dahil nga hinahayaan ko lang siya.Nataranta ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Balak ko sana magpanggap na tulog pero huli na. Mukhang nagtaka din siya kung bakit niya ako katabi pero maya-maya ay gumuhit ang ngiti sa labi. "Kanina ka pa gising?" aniya. Umiling ako. "Hindi naman. Anong oras na ba?"Sa halip na sumagot ay pumi
Chapter 12Hawak niya pa rin ako sa wrist ko habang hinihintay namin ang pagbaba ng elevator. Hindi ko alam kung para aalalayan ako o huwag ako tumakas na umalis doon.Panay ang tingin ko sw paligid. Baka kasi may dumaang kasamahan namin sa office at makita kami. Buti na lang at wala. Kung hindi empleyado ng resort ang dumadaan ay ibang customer ng resort.Nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator ay hila pa rin niya ako pagpasok doon. Siya na ang pumindot sa button kung saang floor kami papunta.Kanina ko pa dinadasal na sana ihatid niya lang ako kaso sa ibang floor ang pinindot niya. Mukhang iba ang plano niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa habang pataas kami.Kami lang ang sakay ng elevator at parehas na nakatingin sa screen kung saan nagpapalit ang number sa bawat floors na dadaanan namin. Walang sumasakay kaya dire-diretso kami.Tumayo na naman ang balahibo ko nang bumaba ang kamay niya sa kamay ko. Pinagsalikop niya iyon at marahang pinisil.Hindi ako makaramdam ng
Chapter 11Parang ang tagal ng oras kapag kasabay ko siyang kumain. Madami siyang tinatanong at nasasagot ko naman. Sa bawat tanong niya, halatang iniiwas niya sa mga nangyari kanina. Siguro, hindi naman niya talaga balak gawin iyon."We should start dating..." Natigilan ako sa pagsubo ko sa piraso ng cheese cake na nasa kutsarita ko na."Po?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Date daw?"I'm serious to what I said awhile ago.. I love you." pahayag niya. Huminga siya ng malalim tapos ay ngumiti ng tipid sa akin. “You said, you’re not an easy-to-get person. I’ll do it step-by-step para mapatunayan ko sa iyo na mahal kita.”Napatingin agad ako sa paligid namin sa pag-aalalang may nakarinig sa kaniya. Mabuti na lang at wala. Malayo kasi sa amin ang ibang customer ng resort.Hindi din ako handa na i-o-open niya ito ngayon."Sir Daniel --""Daniel." putol niya sa akin."Baka nalilito ka lang. Una, 2 years ang gap natin.""So? Age doesn't matter." "Boss kita.""I don't care. Hindi ba p
Chapter 10"What?" kita sa reaksyon niya ang gulat sa sinabi ko.Bakit ba kasi lagi siyang lumilitaw kapag may mga ganitong sitwasyon? Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako o nagkataon lang na nandito siya kung saan ako.Imbes na sagutin siya ay tinalikuran ko na siya saka walang paalam na lumakad na paalis doon. Hindi ko inaasahan na hahabulin niya ako kahit na ilang hakbang palang ang nailalakad ko. Natigilan ako nang hinawakan niya ako sa braso't hindila para mapaharap sa kaniya."So what kung magsumbong siya kay Boss? Hindi ako natatakot sa kaniya, 'no?" dinig naming sabi ni Meiz sa loob ng rest room. Ako na ang humawak sa kaniya sa braso tapos hinila siya paalis doon. Hangga't maari sana, ayokong may napapahamak ng dahil sa akin, kahit pa kasalanan nila.Nang malayo na kami doon ay saka ko lang siya binitawan."Hindi mo kailangan matakot sa kanila. I can protect you." aniya."Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko, Boss." inis na sabi ko."Anong boss? Saka I won't allow a
Chapter 9Nagising ako sa magaang tapik sa balikat ko. Mukha agad ni Sir Dan ang bumungad sa akin pagkadilat ko. Akala ko nasa panaginip ako dahil medyo malabo pa ang paningin ko nang mamukhaan ko siya. I'm not into drama kasi minsan lang ako nakakapanood ng mga gano'n, pero parang gano'n ang nangyari sa akin.Pinapanood niya ako habang natutulog. Seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ako. Kulang na lang ang magkaroon ng glitter effects para mas maganda tingnan. Tipid siyang ngumiti sa akin."We're here." aniya.Napabangon akong bigla nang ma-realize ko na nakatulog pala ako!"Gusto sana kitang buhatin papasok sa loob kaso baka awayin mo ako." hindi niya matago ang ngiti niya sa biro niyan iyon."Sorry, Sir. Tinulugan kita." hiyang hiya sabi ko. Pangalawang beses na niya akong nakikitang natutulog.Huli kong naalala ay nagkukwentuhan pa kami tungkol sa buhay niya nung college. Wala sa plano kong tulugan siya kasi mahirap magmaneho ng ganito pa kalayo tapos wala man lang kausap.
Chapter 8Malakas ang ringtone ko nang magising ako. Hindi ko iyon pinansin nung una. Sino nga ba ang tatawag sa akin?Naka-block na si Jake at Elsa sa contacts ko. Hindi naman gawain ni Trixie na tumawag ng walang pasok. Siya lang naman ang nakakaalam ng number ko.Ay! Si Sir Dan nga pala. Naalala ko siyang bigla nung muling mag-ring iyon ng matapos na ang una.Nitong mga nagdaang buwan, napapadalas ang tawag niya. Minsan, naiisipan ko nang magpalit ng number ko kaso sayang kasi iyon na ang number ko since nung bumili ako ng cellphone. Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan naman. May sense naman. Minsan alangan akong sagutin kasi makakausap ko na naman siya, e, kakausap ko lang sa kaniya sa opisina.."Hello..." inaantok kong sabi sa kaniya. Hindi ko na tinangkang silipin ang screen ng phone ko kasi wala naman nang iba pang naka-save na number dito."Nasa'n ka na?!" galit na medyo nag-aalalang sabi niya sa kabilang liniya."Saturday po ngayon. Wala pong pasok, Sir." Gusto ko nang
Chapter 7Alangan ang mga hakbang ko habang sinundan ko si Sir Dan pagpasok sa unit niya Ang laki ng space. Walang wala ito sa laki ng apartment na tinitirhan ko. Kahit pa isama ang katabi kong unit."Wow, Sir... Mag-isa lang talaga kayo dito?" manghang sabi ko. Nililibot ko pa talaga ang tingin ko sa paligid.Pinghalong white at black ang motif. May nakikita akong limang room. May maliit na bar counter doon na may display na kilalang alak at babasaging baso. Meron ding dirty kitchen at dining area. "Uhm.." aniya. "Ang laki po nito. Kayo ang naglilinis?" tanong ko na abala pa rin sa pagmamasid."May cleaners sila dito. Nagpapalinis lang ako."Dinala niya ako sa receiving area. "Upo ka." aniya na ginawa ko naman.May kinuha siyang remote na sa center table at agad na binuhay ang malaking flat screen TV doon. Para akong nasa sinehan. Nakita kong nilapag na niya ang bag ko sa itim na sofa na nandoon. Nagmamadali kong lumapit doon para kunin. Para akong batang niyakap iyon para hindi