CLAIRENagising ako ng umiiyak at agad na hinawakan ang aking tiyan. “Anak ko! Anak ko!”“Claire! Shh... Claire tahan na ayos na ang kambal! Ayos na sila!”Napatingin ako kay Bea dahil sa sinabi niya at napahawak sa braso nito.“Bea ang mga anak ko! Ang mga anak ko!”Niyakap ako ni Bea dahil doon at pinakalma ako. “Shh ayos na ang kambal Claire wag kanang mag-alala pa,”Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako dito at naninigurado.“Yes they are fine now, yan ang sabi ng doctor mo. Sabi niya matapang ang mga anak mo at lumaban sila,” muli akong napaiyak dahil sa sinabi niya at hinawakan ang malaki kong tyan.“Patawarin niyo si Mommy sa ginawa ko mga anak, hindi na mauulit! Hindi na ulit tayo magpapakita sa ama niyo muntik na niya kayong patay!n!”“What? Anong patay!n?”Napatingin ako kay Bea dahil sa tanong niya, kitang kita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.“S-si Zekiel Bea, si Zekiel ang may gawa saakin nito. Itinulak niya saakin ang isang babae kaya ako napatama sa sahig at nat
“BAKIT kaba kasi nasa Gray Company Claire? At sa dami-dami pa nang hihintuan mo eh sa harapan pa ni Kiel ako na nagsasabi sayo mainitin talaga ang ulo ng isang yun mas lumala nga ngayon eh,” Hindi ako nakaimik dahil sa tanong ni Dylan saakin, andito na sila mama at nanay. Nag-alala daw sila ng sobra saakin at kaya wala sila ng magising ako dahil kumuha sila ng mga damit ko sa bahay. Napatingin ako kay Bea at nabahala din ito sa tanong ni Dylan. Nag isip ako ng dahilan upang makalusot ako kay Dylan, maaaring mag hinala ito saakin dahil kung anong ginagawa ko doon. “Ahh ano kasi kikitain ko sana yung friend namin ni Bea, doon siya nagtatrabaho sa kumpanya nila Zekiel kaso biglang sumakit ng kaunti yung tyan ko kaya napatigil ako sa harapan ni Zekiel tapos ayun nangyari na nga yun,” Napatango naman si Dylan dahil sa sinabi ko, pero I doubt na naniniwala to. Alam kong nakita niya ang CCTV and I'm not look like in pain that time. Ibang pain ang nararamdaman ko. “Sabi nga pala ni Kiel
-THREE MONTHS LATER- “Sige pa hija i-ire mo pa!” Feeling ko hindi ko na kakayanin ang sakit na nararamdaman ko, parang hindi ko na kaya pang umire. “Ahhh!!!” Sinubukan ko pa hanggang sa tuluyan ng lumabas ang unang anak ko. Pumalibot sa loob nang kwarto ang iyak ng aking unang anak. Samantalang ako naman ay pabagsak na napahiga sa higaan ko at hingal na hingal. “It's a boy! Lalaki ang una mong anak Claire!” Masayang sabi saakin ni Dr.Anderson siya ang mama ni Dylan. Noong araw na muntik ng mapahamak ang kambal ay nalaman ko na dinala ako ni Dylan sa doctor ko which is ang mama niya pala. Nagulat kami nung una dahil pagkakataon nga naman, hindi ko kasi kilala ang mama niya. “Claire! Claire hey wake up! May isa pang bata sa sinapupunan mo,” Parang nag-eeco yan sa aking pandinig ngunit hindi ko pa kayang idilat ang aking mga mata. “Claire you have to wake up! Kung hindi ang anak mo ang mamamatavy!” muli kong narinig. Sinusubukan kong dumilat, gusto kong iligtas ang anak ko n
Hindi mapigilan ni Claire na mapaiyak sa oras na makita niya ang baby boy na unang ibinigay sa kaniya at sumunod naman ay ang babae. Sa magkabilaang braso niya inilagay ang mga ito at sa oras na makalong niya ito ay bigla silang tumahimik. “T-twins, ako ang mommy niyo,” Pagkasalita ni Claire ay agad na dumilat ang mata ng dalawa at nakita niya ang dalawang pares na kulay gray na mga mata na mas lalong ngpaiyak sa kaniya. “Nakuha niyo ang mga mata ko!” masayang sabi niya at agad na lumapit ang mga ito sa kaniya. “Kay ganda at pogi naman ng mga apo namin! Kaso mata lang nakuha sayo anak siguro ay ang ama nila ang kamuka,” sabi ni Lucing “Malamang na gwapo rin iyon dahil ang ganda at gwapo nila!” masayang sabi ni Erin dito na ikinatingin ni Claire sa kaniya na umiiyak. “Ma, ang saya ko po,” pinunasan naman nito ang luha niya. Samantalang napahinto si Dylan sa pag-alalay kay Bea papunta sa kambal nang malayo palang ay kita na niya ito. Agad na kinabahan si Bea at napatingin s
CLAIRE MAKALIPAS ang ilang araw ay bumalik sa ayos ang aming buhay ngunit ngayon ay mas masaya na dahil mayroon na kaming Zayne at Zoey. Noong manganak ako ay tuwang-tuwa sila mama at nanay at hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin sila sa pag-aalaga sa dalawa. Kung minsan nga ay nakakatulog na sila sa higaan ko kaya hinahayaan ko na lamang ang mga ito at sa coach ako natutulog. Ako naman ay hindi mapagsiglan ang saya na nararamdaman ko simula ng makita ko ang kambal. Naalala ko na muntik nang malagay sa panganib ang buhay namin ni Zoey, hindi ko naman alam na mayroon akong sakit sa puso. Sa pagkakaalam ko ay namamana ang ganoong uri ng sakit ngunit paano? Meron ba noon sa lahi namin? Maaaring kay papa dahil hindi ko pa naman siya nakikita eh. Mabuti nalang at naagapan ako agad dahil kung hindi ay 'di ko kakayanin na mawala ang isa sa kambal. Dalawa sila at hanggat maaari ay gusto ko na magkasama sila parati. Si Bea ay sa pagkakaalam ko one of these days ay manganganak na siya
"Sabihin mo saakin nurse ayos lang si mama hindi ba?! Hindi ba ayos lang si mama?!" alog kong sabi sa kaniya na ikinabuntong hininga naman nito. "I'm sorry miss wala na ang mama mo, dead on arrival po siya kanina at nasa morgue na po siya ngayon,"Napaatras ako dahil sa sinabi nung babae at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Napakapit ako sa aking bibig at agad na tumakbo papunta sa morgue na sinasabi nito."Miss! Miss, sandali!"Patuloy lang ang luhang tumutulo sa aking mga mata habang tumatakbo, hindi ko matanggap ang katotohanan, hindi ko kaya!Nang makarating ako sa morgue ay agad akong sumilip sa pintuan at nakita ko mula sa labas ang nag-iisang nakahiga doon at mayroong takip na kumot sa buong katawan. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob at itoy binuksan. Nang makapasok ako ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Humarap ako doon sa katawan at nananalangin na sana ay hindi ito si mama.Dahan-dahang kong tinanggal ang pagkakatakip ng puting kumot dito at tuluyang nanghin
"NAK, sigurado ka ba na sa ganito tayo titira?" Napatingin ako kay nanay dahil sa sabi nito. Hawak hawak niya si Zoey habang ako ay si Zayne naman ang hawak ko. Napatingin ako sa paligid nitong bagong nilipatan namin. Maliit siya kumpara sa bahay namin dati ngunit meron siyang kusina at isang kwarto. Maliit lang ang kwarto kakasya lamang ang higaan at konting space. Ang kusina naman ay maliit lamang din. “Wag mong masamain ang sinasabi ko anak ah? Ang ibig kong sabihin ay ayos ba sayo? Hindi ka lumaki sa ganito,” Pagkasabi ni nanay niyon ay napatingin ako sa labas ng bahay dahil doon. Squatter area. Oo hindi ako lumaki sa ganito at hindi ako sanay pero may magagawa pa ba ako? Pinaalis kami kanina sa bahay ng sapilitan. Wala akong magagawa baon na pala kami sa utang, hindi ko inaasahan iyon. Napabuntong hininga ako at napatingin sa hawak kong sanggol at sa hawak din ni nanay. “Sigurado ako nay, kaya ko ‘to at kakayanin natin. Kakayanin,” hindi rin ako sigurado sa huli kong s
NGAYON ang unang araw ng trabaho ko at excited na akong pumasok. Maaga akong umalis sa bahay para hindi ako ma-late, tulog pa ang kambal ng umalis ako, iniwanan ko nalamang nang pera si nanay para sa panggastos nila sa maghapon kasi seven ng gabi pa ang out ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta sa aking trabaho dahil iisang sakay lamang ng jeep at konting lakad ay andoon na ako sa restaurant. Nakasoot ako ng fitted na palda at fitted na blouse na pinatungan ko nang blazer na black para magmuka akong pormal since I'm a manager. Pagkarating ko sa restaurant ay wala pang tao since one hour before magbukas ako pumunta maganda ng maaga kesa ma-late. Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa aking nakita, ang laki niya at ang ganda ng pagkaka design, maraming tables ang may mga flowers pa sa gitna niyon. Color white ang table cover niya at mayroong mga menu sa ibabaw ng mesa, sa tingin ko ay para makita agad ng mga customer ang list ng menu. Wala pang gaanong tao dito na nagtatrabaho
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka