KENT"Hon, what are you doing?" Tanong ni Lauren at dahan-dahang lumapit. Her eyes widen as she saw what I'm holding with my hand. Dagli itong lumapit at kinuha ito sa mga kamay ko saka isinilid ulit sa maliit niyang pouch kung saan ko nakuha ang mga gamot. "What are those?" Tanong ko kahit may ideya naman na ako kung para saan ang mga 'yun. "Ha? Vitamins." She tried to lie. "Vitamins? Bakit ang dami?" "Ano.. kay Ichiel 'to. Magkikita kasi kami mamaya para isauli 'to sa kaniya kasi naiwan niya sa 'kin." Pagdadahilan niya. Matagal bago ko maisipang gumalaw. Tumango nalang ako kahit hindi pa rin ako kumbinsido. Kahit naman anong pilit ko sa kaniya, mas lalo lang siyang magsisinungaling kaya naisip kong kay Ichiel ko nalang itanong. Bumalik na ako sa pagkakaupo at hindi nalang siya kinulit para hindi na rin siya maghinala na alam ko kung para saan ang mga gamot na 'yun. Napaka-imposible kasi ng palusot niya. Bakit naman maiiwan ni Ichiel ang mga gamot niya kay Lauren? Kung ibang g
KENT"Is everything okay?" Tanong ko kay Lauren. Magkasama kaming nagpunta sa shop kung saan kami susukatan ng sizes namin para sa wedding gown and tuxedo. Nakapili na ng disenyo si Lauren at siya na rin ang pinapapili ko ng sa akin. Ang motif namin sa kasal since mahilig sa Lauren sa gold ay Greek na parang sa Greek Gods and Godesses. May mga columns sa reception at sa simbahan kung saan kami dadaan ni Lauren which is inspired from the Acropolis of Athens. Even her gown has a touch of gold. Pinaaga na nila Mommy at kagustuhan din talaga ni Lauren dahil gusto niya sakto sa Valentines ang anniversary namin, kung kaya't imbes na 10 months ang sana ay preparation namin, naging 9 months nalang halos. "Yes, babe." Nakangiting saad nito at lumapit sa akin upang yakapin ako. Niyakap ko nalang din ito pabalik. "I love you, Kent." She whispered which made smile. Niyakap ko nalang siya bilang tugon.Noong malaman ko ang tungkol sa pinagdadaanan ni Lauren, doon ko nabuo ang desisyon kong ito
NIKITA['Sir*ulo beh, inimbeta ako akala mo walang atraso sa 'kin.'] Naiinis na kwento ni Mara habang kavideo-call ko ngayon. Nagkukuwento siya tungkol sa pang-iimbeta ni Kent sa kaniya sa kasal kahit buong batch naman yata pinadalhan ng invitation nila kaya natural papadalhan din siya.Pagtapos tumawag ni mama, si Mara naman ang tumawag. "Meron ba?" Sinamaan ako nito ng tingin. ['Galit ako sa kalandian niya. Pagdadasal ko nalang talaga na mukha lang mamana ng anak niyo sa kaniya at hindi ang ugali. Kapag namana din niya ugali no'ng t*nga niyang tatay, napakamalas niya na talagang bata.'] "Mara," Saway ko rito dahil dinadamay niya na ang anak ko. "Ako rin eh, inimbeta niya." Tumigil muna ito sa pagsusulat saka lumingon sa akin. "Nagpunta sa bahay namin kanina sabi ni mama."['Grabe sobrang kapal talaga ng mukha niya. Hindi marunong makiramdam. Ano 'yun, gagawin kang photographer? G*go 'yun ah!'] Naiinis nitong turan at bahagya pang sumandal sa kinauupuan niya."Hindi ko rin maintind
KENTNapabuga ako ng hangin matapos kong pindutin ang save sa laptop ko. Mahirap na at baka hindi pala naka-autosave, masasayang lang pagod ko gayong ibanv software ang gamit ko. Sumandal ako saglit at napatingala sa kisame, pagod na pagod sa ginawa ko. Kasalukuyan akong nag-aanalisa ng mga data patungkol sa bagong laro na dinedevelop ko. Ito 'yung trabaho na binigay sa akin ng tatay ko. Dahil pinirmahan nga ni Mr. Tsing ang documents ay wala na ring naggawa ang tatay ko kung 'di ang pumayag sa mga plano ko. In fact, he, as well as the board members, are so impressed with the news na nakuha ko ang loob ni Mr. Tsing para sa proyekto kong ito. Now he's part of our business. The most successful entrepreneur na minsan ng na-feature sa magazine ay naging investor na rin namin. I stand up to take a quick shower. Masyadong naubos brain cells ko sa mga inalisa ko. I'm doing this alone dahil iyun ang gusto ni dad. But they're still monitoring everything that I'm doing dahil hindi biro ang na
NIKITA"Na-delay raw kasi ang flight due to typhoon." Sagot ko kay Hanz nang magtanong ito kung bakit hindi makakapunta sila mama sa inaasahan naming schedule. "Pero bukas din ay makakaalis na raw sila. Natatakot nga 'ko dahil baka hindi pa tuluyang nakakaalis ang bagyo tapos aalis na agad sila bukas.""Oh huwag ka ng mag-overthink. Alam ng mga Piloto ang gagawin nila. Tiwala lang." Pangungumbinsi niya sa akin.Supposedly ay nandito na sana sila mama at papa sa America para samahan o bisitahin ako sa panganganak ko. Pero dahil sa supertyphoon ay napatigil ang flights at inusog ng isang araw. Ang kinakatakot ko nga ay baka masyado pang malakas ang hangin para lumipad sila papunta rito kaya sinabi kong sa 14 nalang sana sila mismo umalis. Pero dahil gustong-gusto na ni mama pumunta rito ay hindi na siya nagpalipat pa ng schedule. Maging si Mara ay pupunta rin sana kasabay sila mama kaso ganoon din, kaya baka si Hanz nalang ang makakasama ko bukas. Hiyang-hiya na talaga ako sa kaibigan
NIKITA"Aray ko, Hanz!" Daing ko dahil nagsisimula ng sumakit ang tiyan ko. Hindi tuloy ako makapaglakad ng maayos dahil sa sobrang sakit. Kanina pa pala pumutok ang palubigan ko habang natutulog ako, hindi ko man lang naramdaman, kaya ito ako ngayon paika-ika sa sakit. Parang may tumutusok sa pwetan ko, matatae pa yata ako. Normal lang daw ang contraction kapag malapit na ang labor, hindi naman ako aware na ganito pala 'yun kasakit. Nilapitan na rin ako sa wakas ni Hanz. "Wait Niks..." Sabi niya pa bago lumayo sa akin at kinuha ang bag ng mga gamit na hinanda namin noon. "Okay let's go." Sabi niya at sinukbit sa balikat niya ang bag na dadalhin namin papuntang hospital. "Aray!" Daing ko pa habang napapapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko. I know I'm having a contraction now. Nabasa ko ito sa google noong inaral ko kung ano ang signs na manganganak na 'ko at ang process nito. Tama nga ang sinabi ng doctor. Ngayon palang natatakot na akong hiwain ang ibaba ng vagina ko papunta
KENT"I do." Sagot ko sa tanong ng pari. Nilingon ng pari si Lauren na ngayo'y hawak ko ang kanang kamay. Seryoso lamang itong tumingin sa harap. Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya, ni hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. She's supposed to be smiling dahil kasal namin ngayon. Bakit parang hindi yata siya masaya?"Bride, will you take this man as your husband whom you will spend the rest of your life? Do you promise to love him, comfort him, protect him, honor him, be with him in sickness or in health, in richer or for poorer? If so, say 'I do'." Baling ng pari kay Lauren. Nilingon ko si Lauren. Hinihintay kong gumalaw ang mga labi niya upang may sabihin. Ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin ito sumasagot. Nakatulala lang siya kaya pinisil ko ang kanang kamay niya. Nabalik naman ito sa kaniyang katinuan at tumingin sa akin nang ilang segundo saka tumingin ulit sa pari. Hindi ko na talaga siya maintindihan ngayon. "Lauren," tawag ko sa pangalan niya upang su
NIKITANagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Doon ko lang naalala na nanganak na pala ako at biglang nakatulog kung kaya't hindi ko na nakita pa ang anak ko nang maigi. Akmang tatayo na sana ako nang may kamay na pumigil sa akin kung kaya't napalingon ako rito. "Wait lang, Witch, kapapanganak mo palang. Huwag ka munang masyadong magagagalaw at baka mabinat ka pa." Saway ni Hanz sa akin. "Nasaan ang anak ko?" Tanong ko agad sa kaniya dahil gusto ko ng makita ang anak ko. Dapat hindi ko iniiwan ang anak ko roon. Paano nalang kapag napagpalit ng doktor ang anak ko sa ibang bata katulad ng napapanood ko sa teleserye? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-overthink. "Nasa nursery room, pinagpapahinga pa si baby para makapag-adapt na sa paligid niya. Saka doon daw muna siya habang pinapainitan pa nang maigi" Sabi ni Hanz. Ngunit hindi talaga mapalagay ang puso ko. Gusto ko na siyang makita at mahawakan. Pinilit kong buhatin ang sarili ko paupo ngunit bumagsak din nang maramda
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas