NIKITA"Tita Marga?" Sambit ko sa pangalan ng tita ni Kent. Siya ang nakasalubong ko habang namimili kami ni Terrence ng pagkain dahil wala na raw siyang chichirya sa bahay. "It's nice to see you here, hija. How are you? It's been a long time since we last see each other." Bungad sa akin ni tita at lumapit para makipag-beso sa 'kin. "Hm, hindi na kayo bumibisita ni Kent sa bahay.""I'm fine, tita. Ikaw po, kumusta na po kayo? Si tito Michael po?" I asked when I don't see her husband with her. "I'm fine. Your tito's busy with his business pero susunod siya mamaya sa restaurant. Sumama ka ah, marami na 'kong hindi nalalaman tungkol sa inyo ni Kent. Oh by the way, who's this person with you?" Baling ni tita kay Terrence nang mapansin niya ito sa likod ko. Nagsimula akong maging hindi kumportable sa usapan namin ni tita Marga. Hindi naman ako naiilang dati sa kanila, in fact ay close ko sila dahil sila ang paboritong close relative ni Kent kaya naging close ko na rin, pero ewan ko ba ng
NIKITA"Siya ba ang ama ng bata?" Napalingon ako nang bigla akong tanungin ni Terrence pagpasok namin ng sasakyan niya.Napabuga ako ng hangin bago makapag-isip ng sasabihin. Aamin lang ako sa kaniya tungkol sa relasyon namin ni Kent pero hindi tungkol sa bata. Ayoko rin talaga siyang papag-isipin pa ng sobra dahil baka sa sobrang kuryusidad nito ay hanapin pa si Kent para sabihan. Ganoon pa naman ang madalas kong nababasa sa mga libro. Mahirap na!"Sina tita Marga at tito Michael ay mga kamag-anak ni Kent. Siya ang naging boyfriend ko pagtapos nating maghiwalay. Sila lang din ang napakilala sa akin ni Kent na kapamilya niya kaya sila lang din ang close ko. Pero ngayon ay hiwalay na kami ni Kent at tungkol sa tanong mo kung siya ba ang ama ng bata ay nagkakamali ka. Iba ang ama ng dinadala ko." Pagsisinungaling ko. It's better this way. Aalis na rin naman ako ng bansa kaya ayos lang kahit 'yan ang isipin ni Terrence sa akin."Does he know about you being pregnant with another man? Kay
KENT "Lauren," panggigising ko kay Lauren nang madatnan ko itong nakatulog sa table ko. Hindi ko na pala namalayang nakatulog ako sa table ko dahil sa sobrang pagod. Ginalaw lang nito ng bahagya ang mata niya kaya kailangan ko ulit siyang gisingin. Nang tuluyan na siyang magising ay napahawak ito sa kaniyang labi upang pahiran ang namumuo roon. Umayos ito ng upo bago tuluyang humarap sa akin. Bumisita pala siya sa bahay namin, hindi man lang nagpasabi. Sobrang babad ako ngayon sa trabaho kaya minsan ay hindi ko na nabibisita o nailalabas si Lauren. Ngayon na graduate na ako, binibigay ni daddy lahat ng mahihirap na trabaho sa akin. Alam kong ginagawa niya lang 'to as part of my training as I will be the next executive officer of our company. Kung saan-saang seminar niya ako pinapadala. Noong isang araw nga lang ay kagagaling ko lang sa Aklan para daluhan ang reopenning ng beach nila roon matapos itong ipasara para irenovate. Kulang nalang ay magtrabaho na ako bilang piloto sa dami
KENT"Please, Kent. Just let me help you this time." Pamimilit ni Lauren. Sinundan niya ako hanggang sa baba para lang pilitin akong gawin siyang investor sa pinapaggawa ni daddy sa 'kin. "I told you, I'll think about it first." Sabi ko sa kaniya."Love, bakit nagdadalawang isip ka pa? I'm sure our parents will agree to this. It's a major collaboration for our company, plus it will be a huge advantage for the both of us when we get married." Pagdadahilan niya. "Lauren, sinabi ko ng pag-iisipan ko 'di ba? Ate pwedeng pakikuha po ako ng kape." Baling ko kay ate Nanet na nagwawalis ngayon. Napahilot ako ng ulo ko, nagbabakasakaling maibsan ang sakit ng ulo ko. F*ck headache!"Sorry." Napalingon sa girlfriend ko nang magsalita ito. Kinagat niya ang labi niya na parang pinipigilan ang namumuong emosyon. Natauhan ako sa sinabi ko sa kaniya. She's very soft and sensitive kaya alam kong nasaktan ko siya sa naging reaksyon ko kanina. Sinabi kong pag-iisipan ko muna ang tungkol sa sinabi ni
NIKITA"Ano, handa ka na ba?" Tanong sa akin ni Hanz. Umakyat na rin pala siya sa kwarto ko. Binigyan ko lang siya ng isang tango at ibinalik na ang picture frame ko sa table. It's my graduation picture. I'll leave some of my photos here so my room will not be left empty. Gusto ko parang tinitirhan ko pa rin itong kwarto na 'to.Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago buksan ang aparador ko. Hindi ko na dinala ang lahat ng damit ko dahil limited lang din talaga ang pwedeng dalhin na bag sa eroplano. Iiiwan ko nalang din ang mga ibinigay sa akin ni Kent na magpapaalala sa kaniya sa akin. Gaya nga ng sabi, gusto ko na siyang kalimutan at pati na itong nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya. Aalis na ako at doon maninirahan sa States for good. Ito na ang oras para bigyan ko naman ng pagpapahalaga ang sarili ko. Ngayon na may anak na 'ko mas kinailangan kong ituon ang sarili ko sa kaniya at hindi na sa mga lalaki. Uunahin ko muna ang baby ko bago ang pagmamahal ko kay Kent o
NIKITA"Witch!" Agad akong bumaba nang marinig ko ang boses ni Hanz. I'm at Hanz place now. Pinilit niya akong tumira muna sa bahay niya para may magbantay din daw sa akin. May mga maids kasi siya kaya may kasama ako sa bahay. Kailangan ko raw munang pag-aralan ang klase ng pamumuhay na meron sila rito bago ako humiwalay. Hindi rin daw ako basta-bastang makapamuhay mag-isa rito lalo na't dayuhan palang ako at baguhan, baka raw may mangyaring masama sa akin.Hindi sana ako papayag dahil kahit bestfriend ko si Hanz, lalaki pa rin siya at babae ako. It's not nice to see a man and a woman living under the same roof. Hindi maniniwala ang mga tao na magkaibigan lang kami. Pero talagang mapilit siya at lagi niya 'kong pinaaalalahanan tungkol sa magiging kalagayan ng anak ko kapag napahamak ako. Bawal daw akong tumira nang mag-isa lalo na't isip bata pa ako. Sarap dagukan eh. 'Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin at tinatakot pa ako na ipapadeport sa Pilipinas kapag umalis ako. Isusumbong ni
KENT"Kilala ko siya matagal na at alam ko ang lahat ng sikreto niya pati na ang tungkol sa bunga ng ginawa mo sa kaniya." Napakurap ako sa lumabas sa bibig nitong lalaki na ito. 'Bunga ng ginawa ko sa kaniya? What does he mean?'"What do you mean?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. "Nothing. Sinasabi ko lang na alam ko ang ginawa mo at anong naging epekto no'n kay Nikita." Seryoso lamang nitong sabi bago sumimsim sa wine na nasa table namin."I.." I don't know what to say nor knows how to form a sentence. Parang natutop ang dila ko. Gusto kong may masabi pero alam ko namang wala rin talaga sa hulog ang ginawa ko kay Nikita. Ano namang idadahilan ko? Maski ako ay naguguluhan pa rin sa naging desisyon ko. "Kent, aaminin kong matagal na akong may gusto sa best friend ko. Ngayon na wala na kayo sinabi ko sa kaniyang liligawan ko siya at sisiguraduhin kong sasagutin niya ako. Hindi ako magpapasalamat sa 'yo sa pag-iwan mo sa kaniya pero nagpapasalamat ako sa 'yo dahil nagkaroon na
KENT"Hon, what are you doing?" Tanong ni Lauren at dahan-dahang lumapit. Her eyes widen as she saw what I'm holding with my hand. Dagli itong lumapit at kinuha ito sa mga kamay ko saka isinilid ulit sa maliit niyang pouch kung saan ko nakuha ang mga gamot. "What are those?" Tanong ko kahit may ideya naman na ako kung para saan ang mga 'yun. "Ha? Vitamins." She tried to lie. "Vitamins? Bakit ang dami?" "Ano.. kay Ichiel 'to. Magkikita kasi kami mamaya para isauli 'to sa kaniya kasi naiwan niya sa 'kin." Pagdadahilan niya. Matagal bago ko maisipang gumalaw. Tumango nalang ako kahit hindi pa rin ako kumbinsido. Kahit naman anong pilit ko sa kaniya, mas lalo lang siyang magsisinungaling kaya naisip kong kay Ichiel ko nalang itanong. Bumalik na ako sa pagkakaupo at hindi nalang siya kinulit para hindi na rin siya maghinala na alam ko kung para saan ang mga gamot na 'yun. Napaka-imposible kasi ng palusot niya. Bakit naman maiiwan ni Ichiel ang mga gamot niya kay Lauren? Kung ibang g