“Ah, Ma’am? Okay lang po ba kayo?” tanong sa kanya ni Mia. “Ah, o-oo. Ayos lang ako,” tugon naman ni Neri saka pinilit ang sarili na ngumiti. “Kumalma ka lang, Neriah. Baka naman marami lang talagang kapareho ang sing-sing na ‘yun,” aniya muli sa kanyang isip. “Sumunod ka na sa ‘kin, ma’am. Hinihintay ka na ni Sir Eon sa office niya,” may ngiting saad muli ni Mia, at nauna na itong maglakad. Huminga na lang nang malalim si Neri upang pakalmahin ang sarili saka sumunod na siya kay Mia. Malaki naman na ang tiwala ni Neri kay Elleon kaya ayaw niya itong pagdudahan. *** “Tok! Tok! Tok!” Si Mia habang kinakatok ang pinto ng office ni Elleon. “Come in,” response naman agad ni Eon, sabay bumukas ‘yung pinto. “Sir, nandito na po si Ma’am Neri,” may ngiting ani Mia, at kaagad namang pumasok si Neri nang may bit-bit na lunch box. “Love!” may ngiting tawag ni Eon at kaagad na tumayo sa kinauupuan para salubungin ang nobya sa may pintuan. Ngunit nagulat na lang bigla si Eon nang ag
Sa loob ng isang conference room, ay seryosong nagpupulong sina Elleon kasama ang mga member ng board, para sa ila-launched nilang bagong deseniyo ng mga alahas. Kaya maigi nila itong pinagpa-planuhan, dahil malaking milyones din ang budget na kanilang ilalaan. Ngunit habang nagpupulong sina Elleon ay wala silang kaalam alam na may nakikinig na pala sa kanila, at ‘yun ay si Carlota. May inutusan itong tao na maglagay ng tracking devices sa conference room na iyon, bago pa man naganap ang pagpupulong. Sa may book shelve nga kung saan nga nakalagay ang isang surveillance camera at maliwanag pa sa sikat ng araw ang kuha nito. Hagip na hagip nang malinaw na camera nito ang mga 3D designs ng mga bagong alahas na naka-flash sa screen sa wall ng conference room na iyon. Habang sa ilalim naman ng table ay naroon nakalagay ang listening device, kung saan rinig na rinig ni Carlota ang buong pagpupulong ng mga board. Ngumite lang nang masama si Carlota, saka kinuha ang kanyang telepon
Matiwasay naman at walang kaguluhang nangyari sa naganap na in-store launch ng Infinity Jewels. Ang event ay sa main store mismo ng Infinity ginanap, kung saan may malaking espasyo at roo’y p’wedeng mag-fashion show. Ang ilan sa mga dumalo ay mga high-end na mga tao. Ang iba ay mga sikat na celebrity, mga fashion blogger, mga influencer saka mga media at press. Ang lahat ay nasiyahan habang pinapanuod ang mga rumarampang models sa gitna. Suot-suot ang mga bagong nag-gagandahang jewelry designs ng Infinity Jewels. Sa mga oras na iyon ay magkatabing nakaupo sina Neri at Eon. Habang katabi rin nila ang Mom ni Eon na si Vivian. Bali pumagitnang nakaupo si Elleon sa dalawang babaeng espesiyal sa buhay niya. Lingid naman sa kaalaman nila na naroroon din pala si Kayla nang gabing ‘yon. Nasa may ‘di kalayuan lang ito at matalim na pinagmamasdan sina Neri at Elleon na noo’y masaya. “Sige lang, Neri at Elleon. Magpakasaya lang kayo ngayon. Dahil the next day, magsa-suffer naman kayo,
“Mindy, what happened to your neck? Ba’t sobrang pula niyan?” tanong ng ina nito habang si Mindy naman ay kinakamot ang kanyang leeg. Si Mindy ay isang fashion blogger. Kasama siya sa mga pumunta sa in-store launch ng Infinity Jewels, last night. At ang kwentas na suot nito na kulay gold at may diamond ay binili niya after ng event. “Hindi ko nga rin alam mom, eh. Ang kati-kati nga,” tugon ni Mindy, habang patuloy pa rin na kinakamot ang leeg nito. “O baka naman may nakain ka lang bawal sayo?” muling tanong ng kanyang ina. “Mom, wala. Hindi pa nga ako nagbe-breakfast, eh. Saka wala akong ma-remember na may kinain akong bawal sa ‘kin,” tugon ni Mindy. “Wait, hindi kaya dahil ‘yan diyan sa necklace na suot mo? Nagkaka-skin irritation ka rin If nakakapagsuot ka ng alahas na gawa sa low-cost metal o base metal?” “What? But mom that’s impossible. This necklace is 18-karat and worth 20 million? Saka Infinity Jewels ang brand nito, noh?” ani Mindy. “Well, I’m sorry, Mindy. But I hav
Naayos man nila Elleon ang problema sa mga nagre-reklamong costumers, ngunit ang tungkol sa isyu ng kanilang produkto ay hindi parin humuhupa. Hindi pa rin kase nabibigyang linaw ang nanyari. Ngunit patuloy pa rin niyang pinamaman-manan kay Diego ang mga taong pinaghihinalaan nila. Sa loob man ng kumpanya o sa mga ka-kumpetensya nila sa negosyo. At dahil nga sa isyu ay kumonti na lang ang nagtitiwala sa kanilang produkto. Nagsimula na ring humina ang kanilang sales at nagsisimula nang mabahala ang board lalo na ang mga investors nila. Maging ang mommy ni Elleon na si Vivian ay nababahala na rin. Nakaupo ito ngayon sa kanyang opisina. Malungkot ang mukha habang nakatingin sa talaan ng kanilang kita. Maya-maya ay may biglang kumatok, saka pumasok. “Madam chairwoman. May babae po na gustong makipag-usap sayo,” saad ng babaeng assistant niya. “Who?” problemadong tono ni Vivian. “Hindi po siya nagbigay ng pangalan madam. Pero ang sabi niya po, matagal niyo na raw po siyang kaibgan
Kinagabihan, ay nadatnan ni Neri si Elleon sa may garden. Nakaupo ito roon at tulala habang may hawak-hawak na canned beer. “Love?” tawag niya agad. “Love, nandiyan ka na pala,” may ngiting saad naman ni Elleon, saka nilapag nito ang hawak na alak sa mesa at tinapik ang sarili nitong hita. Naiis niyang paupuin sa kandungan niya ang nobya. Lumapit naman kaagad si Neri sa kanya at naupo ito sa lap niya nang patagilid. Saka yumakap siya nang mahigpit rito at ituon niya ang mukha sa dibdib ng dalaga. Amoy na amoy ni Neri ang alak sa hininga ni Elleon ngunit ang mas pinansin ng dalaga ay ang malalim na paghinga ng kanyang nobyo. “Okay ka lang ba, love? Mukang andami mo nang nainom ah?” may pag-aalalang tanong ni Neri, at mas lalong nagsumiksik ang binata sa dibdib niya. “Nope love. Until now, bothered pa rin ako sa mga nangyayari ngayon sa negosyo namin,” seryong tugon ni Elleon, at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa nobya. “P-pasensya ka na love kung wala akong naitutulong
Nais nila Neri at Elleon na makita rin ni Vivian ang lawaran ng ultrasound ng anak nila. Kaya kinabukasan ay isinama ng binata ang kanyang nobya sa opisina para sabay nilang surpresahin si Vivian. Nakangiti pa ang magkasintahan habang magkawahak ang mga kamay na noo’y papasok ng main corporate office. Hindi naman maiiwasan na may mga empleyadong nagtitinginan sa kanila habang nagbubulungan, ngunit hindi ito pinansin ng magkasintahan. Kumatok naman agad si Elleon nang makarating na sila sa tapat ng pinto ng office ni Vivian. Ngunit walang sumagot kaya deretsyo na silang pumasok. Doo’y bumungad sa kanila si Vivian na umiiyak pala. “Mom, what’s wrong?” nag-alalang tanong ni Elleon. “Son, may malaki tayong problema. Isa-isa nang nagsialisan ang malalaki nating investors. Ano nang gagawin natin, son?” ang problemadong tugon ng kanyang ina habang ito ay palakad-lakad. “Mom, calm down, okay? ‘Yong BP niyo. Don’t worry, kakausapin ko ang mga investors na ‘yun.” “But son, ilang beses ko
“Love, bakit?” tanong ni Elleon. “Love, parang nakita ko na ang tita ni Kayla. Hindi ako p’wedeng magkamali. Siya ‘yong nakita ko kanina do’n sa coffee shop. Kasama niya ‘yung isa sa mga cleaner dito sa company niyo,” tugon ni Neri na ikinalaki ng mga mata ni Elleon. “A-are you sure, love? Nakunan mo ba ng pictures?” “Hindi love eh. Hindi ko pa naman kasi nakita si Carlota dati,” tugon ni Neri. “Shit!” salubong na kilay na ani Elleon saka napakuyom ito sa kanyang mga kamay. “Bakit love? Naiisip mo rin ba ang naiisip ko?” tanong ni Neri. “Sa tingin ko, love. Ang lalaking cleaner na ‘yun, tauhan siya ni Carlota. At ‘yun ang inutusan niyang mag-spy rito sa loob ng kumpanya,” ang nakakunot noong tugon ni Elleon sabay dukot nito sa kanyang phone sa bulsa. “Anong gagawin mo, love? Tatawag ka ba agad ng police?” tanong ni Neri. “Hindi love. Wala pa tayong sapat na proof. Bilyonarya si Tita Carlota. Marami siyang connections kaya malulusutan niya rin ‘to. Tatawagan ko muna si Diego a
Nang makapasok na nga si Elleon sa loob ng bahay ni Diego, ay agad itong sinalubong nang malaking ngiti ni Neriah. Gano’n din naman ang lalake.“Lovey!” masayang ani Neri at kaagad silang nagyakapan ni Elleon.“Na-miss kita, love,” sabik na sabi ng lalake at kaagad nitong hinila sa batok si Neriah, tapos siniil nang halik sa labi. Agad namang napaalis nang tingin sina Mia at Diego sa kanila. Nagkatinginan lang ang dalawa habang nakangiti. At talagang pinatagal pa nina Neri at Elleon ang kanilang halikan na para bang walang tao sa paligid nila. Hanggang sa.“Ehem. Tama na ‘yan, love birds,” sabat na ni Diego. Nakaakbay ito kay Mia habang nakangiti.Bumitaw naman kaagad si Elleon sa mga labi ni Neriah at nagsi-ngisi lang silang dalawa.“Um, wait lang, love,” ani Elleon, tapos tumalikod ito kay Neri. Lumapit ito bigla sa may bintana at tila may sinisilip.“Bakit lovey? Sinong sinisilip mo?” nagtakang tanong naman ni Neri.“Si Kayla. Sinusundan niya ako kanina hanggang sa makarating k
Carlota’s mansionNang sumapit ang gabi. Habang nagsha-shower si Elleon sa banyo ng room ni Kayla, ay bigla siyang napahinto nang marinig nito ang boses ng babae habang kumakatok. Kaagad niya namang pinatay ang shower at itinapis ang isang twalya sa pang-ibaba niya.Nang buksan niya na ang pinto ng banyo ay bumungad agad sa kanya si Kayla sa labas. Nakangiti pa ito sa kanya at pulang-pula ang mga labi. Naka-suot rin ito nang seductive night dress at halos lumuwa na ang mga suso nito. ‘Yung tipong matitigasan ka talaga kung mahinang nilalang ka.“Wow! Hindi mo pa pala pinatanggal ang tattoo na ‘yan, babe?!” masaya pa nitong reaksiyon nang mapatingin ito sa tattoo niya. “Kayla My Only Love,” pa rin kasi ang nakasulat ro’n. Hindi naman nakasagot si Elleon at inalis agad ang mga tingin sa babae.“Why are you still awake?” malamig niya lang tanong dito, habang nagpupunas siya ng buhok gamit ang towel. “I can’t sleep babe, eh. I want cuddle,” malanding tugon ni Kayla, sabay niyakap siya n
Kahit anong gawing pikit ni Elleon sa mga mata niya ay hindi pa rin talaga siya makaramdam nang antok. Talagang hindi na siya sanay na hindi katabi si Neriah sa pagtulog. Kaya naman naisipan niyang lumabas muna ng guest room at tumungo sa kanyang kitchen. Kaagad niya namang binuksan ang ref at kumuha ng canned beer sa loob nito.At nang babalik na sana siya sa guest room ay saglit siyang napahinto nang mapansin niyang nakaawang nang konti ang pinto ng master’s bedroom. Sinilip niya agad si Kayla sa loob, pero hindi niya ito nakita. Kaagad niya naman itong tinawagan dahil baka may ginawa na naman itong kahibangan.“Kring! Kring!”“Hello, dude. Si Calvin ‘to.” Nanlaki naman agad ang mga mata niya nang kaibigan niya ang sumagot.“Calvin? Ba’t ikaw ang sumagot?” curious niyang tanong.“I’m with Kayla now, dude. Nakita ko siya sa bar kanina naglalasing. And sobrang taas ng lagnat niya, dude. Kaya dadalhin ko siya ngayon sa hospital,” tugon ni Calvin at ramdam ni Elleon sa boses nito an
Iksakto 11 pm na nang matapos si Elleon sa kanyang trabaho. Agad naman nitong sinara ang laptop niya at nagmadaling lumabas ng kanyang opisina. Nang makababa siya nang building ay agad siyang sumakay sa kanyang sports car at pinaharurot ito.Maya-maya’y nasa tapat na siya ng restaurant ni Neriah. Napangiti naman agad siya nang matanaw niya ito mula sa kanyang kotse. Naka-glass wall kase ang restaurant kaya nakikita niya itong nagma-mop, sa loob. Napaka-sexy pa nito dahil naka-skirt lang ito at naka-off shoulder, habang may suot ring apron.Pero saglit na sumeryoso ang mukha niya nang maalala niya ang sitwasyon nila ngayon ng kanyang nobya. Until now, nalulungkot pa rin siya na kailangan nilang magkita nang patago.Kinuha niya na lamang ang bouquet of flowers sa backseat at lumabas na sa kanyang kotse.“Good evening, sexy love!” masiglang aniya agad nang makapasok na siya sa loob ng restaurant.“Lovey!” Agad namang binitawan ni Neri ang mop at nakangiting tumakbo papunta sa kanya. M
Kinabukasan, mahimbing pa sana ang tulog Neri, nang bigla na lang siyang magising dahil sa mabangong amoy na kanyang nalanghap. May humahalik din sa balikat at leeg niya pero napangiti lang siya dahil alam niyang si Elleon ito. Kaagad niya naman itong nilingon at bumungad agad sa kanya ang g’wapong mukha ng kanyang nobyo na naka-top less lang. Bagong ligo pala ito at may tumutulo pang tubig mula sa buhok nito. “Good morning, baby ko,” may ngiting anito sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi. “Mmm, lovey ko. Wala pa akong sipilyo,” pag-ilag niya kaagad. “It’s okay, baby ko. Hindi naman masyadong mabaho,” pang-aasar pa ni Elleon, dahilan para mahampas niya ‘to sa braso. Pero kiniliti lang siya nito at agresibong hinalikan ang kanyang leeg. Dinakma pa nito ang kanyang mga śuśo at kinalikot pa ang kanyang biyak. “Elleon. Kota ka na, ha,” pigil niya agad sa lalake at inalis ang kamay nito. “Kaya nga bumangon ka na, baby ko. Bago pa ulit ako manggigil sayo,” may lambing na s
Hindi nga nagtagal ay ikinasal na sina Kayla at Elleon. Pero hindi lahat ng dumalo ay masaya. Isa na nga rito ay si Elleon, ang mom nitong si Vivian, ang pinsan nitong si Zia at ang mga kaibigan nitong sina Calvin, Dwayne at Lexter. Nakasimangot lang ang mga ito sa buong ceremony.“By the power vested in me. I now pronounce you, husband and wife. You may now, kiss your bride, Mr. Ignacio,” may ngiting saad ng pari, saka nagsipalakpakan ang ibang bisita na may kasamang hiyawan.“Hoo! Kiss!” sigaw pa ng iba. Wala namang nagawa si Elleon kundi hawakan ang mga pisngi ni Kayla, at dahan-dahan nang nilapit ang kanyang mukha sa babae. Nakangiti pa si Kayla at hindi na makapaghintay na mahalikan ni Elleon. Hanggang sa tuluyan na ngang nagkalapit ang kanilang mga labi. Pero hindi iyun nagkadampi dahil biglang hinarang ni Elleon ang isa niyang hinlalaki sa labi ng babae.Bahagya namang nakaramdam nang kirot si Kayla dahil do’n. Pero kahit gano’n ay sobrang saya pa rin ng babae, at nakangiti
Matapos ang araw na iyun ay wala pa ring paramdam si Neri kay Elleon. Halos mabaliw naman ang lalake sa kakaisip kung nasa’n na sa mga oras na ‘yun ang kanyang nobya. Hanggang sa dumating na lang ang araw ng engagement party nila Kayla. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng isang luxury hotel at nakaupo sa dulo nang mahabang mesa. Magkatabi silang nakaupo ni Kayla at nakapulupot ang mga kamay ng babae sa kanyang braso. Halos mga business partners lang nila ang kanilang inimbitahan at ang ilan pa sa mga ito ay mga banyaga. “Congratulations again, Kayla and Elleon!“ nakangiting bati sa kanila ng banyagang business partner nila at nakipag-cheers ito sa kanila. “Thank you so much, Mr. Smith!” response naman ni Kayla habang may hawak-hawak itong champagne. Si Elleon naman ay pangiti-ngiti lang nang sapilitan. Halos lutang lang ang binata sa kalagitnaan ng kanilang engagement party at pasimple itong sumusulyap sa kanyang cellphone. Hinihintay kasi nitong tumawag sa kanya si Diego, para m
Mataas na ang sikat ng araw ngunit tulog mantika pa rin si Elleon. Sa sofa na ito nakatulog matapos nilang mag-inuman kagabi ng mga kaibigan nito. Ni hindi pa nga ito nakapagbihis at suot-suot pa rin pang-opisina nito kahapon. “Hey, cous! Wake up!” pukaw ni Zia rito habang tinatapik nito ang braso ng pinsan. “Tsk, ba’t kasi hinayaan niyo na naman maglasing si cous nang sobra!” paninermon ni Zia sa dalawang kaibigan ni Elleon. “As if naman Z, na mapipigilan namin ‘yan,” pangangatuwiran pa ni Lexter. “Hey Dude! Wake up!” saad naman ni Dwayne, habang inaalog si Elleon. Pero nagulat na lang sila nang bigla itong sumigaw. “N-Neri!” anito habang nakapikit pa rin. Palingon-lngon pa ang ulo nito at naliligo na sa pawis ang mukha. “Naku, binangungot pa yata,” natawang reaksiyon agad ni Lexter. “Hey, cous! Wake up!” pukaw muli ni Zia, pero hindi pa rin magising-gising ang lalake. “N-no! Bitawan mo si Neri!” pagsisigaw muli ni Elleon at noo’y may kasama ng mga luha. Lumap
“Hey, cous! Wala ka bang balak sagutin ‘yang phone mo? Naka-thirty missed calls na sayo si Neri, oh?” ang nakapamewang na tanong ni Zia kay Elleon. Ngunit tahimik lang ang binata habang tinutungga nito ang hawak-hawak na canned beer. “Oo nga dude. Kawawa naman si Neri. Nawalan din naman siya ng anak. Dapat nagdadamayan kayo ngayon,” mahinahong sabat naman ni Calvin.“Wala ako sa mood para kausapin siya ngayon. I’m still disappointed on her. Baka kung ano lang ang masabi ko,” ang seryosong saad lang ni Elleon. “Hayst, akin na nga. Ako na ang sasagot,” sabat naman ni Lexter, sabay dampot nung phone sa mesa. Ngunit biglang nagalit si Elleon at padabog nitong nilapag ang hawak na canned beer sa mesa.“Don’t you dare answer that call Lexter! Kung ayaw mong tapusin ko ang friendship natin!” ang kunot noong banta ni Elleon, kaya napakamot na lamang sa batok si Lexter sabay lapag sa table nung phone ng kaibigan.Habang si Zia naman ay nakapamewang pa rin at napataas kilay na lang sa