Bangkok Thailand ang second stopby namin.
Excited ako na magkasama kami ni Leandro sa pagmamasyal sa Thailand. Lalo ngayon at sigurado na kami sa mga nararamdaman namin. We just make love last night at hindi pa din nawawala sa pandama ko ang mga halik nya sa buo kong katawan.
"Ready?" yaya sa akin ni Leandro. Sabay na kaming bumaba ng barko. Hawak nya ang bag na dala namin habang nasa balikat ko ang bag ng DSLR. Nakalista na sa maliit kong journal ang mga tourist spots na pupuntahan namin, isa na dun ang Grand Palace, Wat Phra Kaew, Wat Pho, Burma Railway, at Siam Paragon then ilan temples na bibisitahin namin.
Kulang ang isang araw namin sa pamamasyal pero susubukan sulitin."Wow!" sigaw ko ng makarating kami ng Grand Palace. Sinasabing palasyo ng mga tumayong hari at reyna ng Thailand kaya ginawa itong museo.
"Reena!" rinig kong sigaw ni Lean at mabilis akong tumakbo sa harapan ng gate. Nag pose saka umilaw ang flash ng camera nya. Matapos pa ang ilan kuha, pumasok na kami sa loob para maglibot. Hindi ko namamalayan ang oras habang kasama si Lean, minsan para pang hihinto ang pintig ng orasan kapag masaya kami. Mga bagay na hindi ko noon nadanasan kay Joseph. Hindi ko alam na isa lang palang lalake mula sa cruise ship na ito ang tunay na magpapaligaya sa akin.
Tanghali kami ng marating namin ang templo ng Golden Buddha. Napakaraming turista ang nagdadasal at nag aalay sa tinuturing na santo ng mga tsino ganun din ang mga nakatira dito sa Thailand.
"Nasaan kaya yun?" Palingon lingon ako sa paligid. Nawala sa paningin ko si Lean at kanina lang panay sya kuha ng litrato sa paligid.
"Huh!" napansin ko sya sa harap ng isang malaking replika ni Buddha. Sa paligid nun may mga monghe at iilan nagdadasal. Nilapitan ko sya.
"Lean?" hindi sya sumagot at saka ko lang narealized na nakapikit sya at tahimik na nagdadasal. Tumahimik ako.. Pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko saka magkasamang pinagdikit ang mga palad nya at kanang kamay ko.
"Lean?" nakangiti syang humarap sa akin.
"What did you pray for?" tanong ko habang nakatingin sya sa akin.
"There's nothing I need to pray for. Nagdasal ako dahil nagpasalamat ako. Nagpasalamat ako dahil nakilala kita." halos mag init ang pakiramdam ko sa sinabi nya sabayan pa ng pagkislap animo ng mga mata nya. Dahil siguro sa kakaibang kulay nito o dahil muli nanaman itong tinatamaan ng liwanag.
"Ako din Lean.." pagkangiti ko niyakap ko sya. Saka humalik sa pisngi nya. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Pero naalala kong nasa sagradong templo kami at baka maviral pa ako pag ginawa ko yun.
Matapos namin magdasal sa templo. Sunod namin pinuntahan ang Bulma Railway at Siam Paragon na isa sa pinakamalaking mall sa Thailand. Hindi ako nagsawa sa kakapose dahil alam kong maganda ako sa camera ni Lean pero syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mapuno ang phone ko ng bagong memories at isa na dun ang kasama si Lean. Kumain kami sa Siam, then namili ng mga nagustuhan souvenirs. Gabi na kami nakabalik ng barko. Nananakit na din ang mga binti ko kaya't pinilit ko nalang maglakad. Ayoko din magpahalata kay Lean na sumasakit ang binti ko.
"Get rest.." utos nya pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko. Binaba ko ang paperbags na dala ko sa couch. Sandali muna syang pumasok sa loob bago umalis.
"Coffee?" alok ko habang nasa kusina ako. Bigla nalang may kumapit sa katawan ko. Then I felt Lean's breath into my neck. Nakakakiliti.
"I want to sleep here." bulong nya at lumingon ako sa kanya, halos magbanggaan ang mga ilong namin then panakaw nya akong hinalikan sa labi ko.
"What is that!" gulat ko saka sya tumawa.
"You're so cute." namula ang mga pisngi ko. Hindi sya bumitaw sa yakap nya sa akin at lalo pa nyang dinuldol ang mukha nya sa balikat ko. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos. Patapon tapon ang mainit na tubig na sinasalin ko sa tasa.
"Lean.. What will happen when we get off the ship? I mean, after this cruise?" naisipan kong itanong matapos kong magtimpla ng kape namin. Bumitaw sya sa yakap nya at lumipat kami sa may coffeetable.
"Ano bang gusto mong gawin natin? Just tell me." sagot nya saka kinuha ang isang tasa.
"I want you to meet my parents." sambit ko saka tumingin sa kanya. Ngumiti sya. I felt relief.
"I want to meet your parents. But.." natigilan sya sa pagsasalita. Nagtaka ako.
"I don't know if you'll want to meet mine." hindi ko sya maintindihan pero sa natatandaan ko, hindi sila maayos ng pamilya nya.
"Bakit naman?" nag aalala kong tanong.
"My father doesn't want me to get married unless, I'll marry a woman he wants me to be with."
"Sya ang pipili ng mapapangasawa mo?" malungkot syang tumango.
"Ayoko Reena.. Kaya ako lumayo. I dont want anyone nor my father manipulate me and my life. Gusto kong mabuhay ng malaya. Gusto ko ako pipili ng mamahalin ko." mabigat din ang pinagdadaanan nya. Kaya pala mag isa din sya.
Nilapitan ko si Lean sa kinauupuan nya at niyakap sya.
"I'll accept you for who you are Leandro. I like you. I- I love you." nagulat sya sa sinabi ko. Nagrespond sya sa yakap ko saka mariin akong hinalikan sa labi ko.
"Thanks Reena. I love you too." I decided na muling magmahal. At pakiramdam ko matapang ako para harapin ang kahit ano.. Pero ito nga ba ang nagpapalakas sa akin?
We ended up sleeping on the same bed but no make love tonight. Magkayakap lang kami habang natutulog. At sabay dinadama ang malamig na paligid. He keeps on kissing my cheeks at hindi nya ako pinakakawalan sa mga bisig nya. I felt so safe. I felt so secured..
Naalimpungatan ako ng kalagitnaan ng gabi. Dumilat ako at sya ang nakita ko. Mahimbing syang natutulog pero still, he never let me go out of his hug. Hinawakan ko ang pisngi nya at muli akong pumikit.
---
Ilan araw ang lumipas bago kami huminto sa Macau. Nagstopby kami sa Taiwan then tuloy sa Macau after a day. Sa gabi pa ang opening ng Exhibit ni Leandro. Kaya mas madami pa kaming oras para mamasyal.
"Lets go to Venetian Macao later night okay." bilin ni Lean habang pababa kami ng barko. Isa sa mga listahan ng dadayuhin namin ang ilan simbahan sa Macau including, Ruins of St. Paul, A-ma Temple, at Fortaleza do Monte isang 17th century fort na may rooftop park whick is amazing. Then Senado Square kung saan isa sa pinakamalaking dining and shopping mall sa Macau.
Pagbaba namin ng barko, tanaw na tanaw namin ang Macau Tower. Tulad sya sa Tokyo Tower at Eiffel Tower. Hindi ako pinakawalan ni Leandro sa mga kamay nya. Ngayon, sya naman ang panay hatak sa akin kung saan saan. At sa natatandaan ko that's my habit pero mukhang na adapt nya na.
"Tapos na ba yun mga preparations sa exhibit nyo?" I asked habang papasok kami ng St. Paul.
"Yeah. Tayo nalang ang hinihintay." Nagulat ako sa sagot nya.
"What should I wear tonight?" na curious kong tanong. Based on what I've seen sa invitation ng opening ng Exhibit. Parang formal attire dapat.
"You'll be beautiful anything you wear." namula ako sa sinabi nya. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Lalo tuloy akong mapapapraning sa pag iisip sa susuutin ko.
"10pm ang Exhibit Opening. Be on time ha." nakatawa nyang paalala. I shrugged ng sabihin nya yun then he just chuckled. Alam nya talaga paano ako aasarin.
Tinuloy namin ang pamamasyal sa Senado Square para kumain.
Huminto ako sa isang boutique ng makita ang dress na display nila. Nakita ko si Lean na pumasok sa katabing store kaya naisipan kong pumasok sa loob. I saw different dresses at kahit di obvious sa itsura ko I love dresses. Mas gusto ko mag dress kaysa mag jeans at shorts.
"This will look good on me." nasambit ko habang hawak ang dress na yun. Pakiramdam ko maattract lalo si Lean sa akin at kung susuutin ko ito mamaya sa Exhibit.
"Reena?" nabitawan ko ang hawak ko ng marinig ko si Lean. May binili pala sya sa kabilang store.
"May bibilhin ka?" he asked ng mapansin nya na pumasok pala ako sa boutique ng mga dresses. Mabilis akong umiling.
"Wala. Let's go!" sabay hatak ko sa kanya palabas.
Kumain kami after mamili. Then sandali pa kaming bumalik sa barko para iwan ang mga binili namin, may kinausap pa syang mga kasamahan sa Exhibit. Nagpalit lang ako ng susuutin ko papuntang Venetian. Saka dinala na ang jacket ko.
"Huh?" napansin ko ang kahon sa ibabaw ng kama ko. Wala naman iyun kanina. Nilapitan ko ang kahon saka binuksan. Halos mapatalon ako sa nakita. I saw the dress from the boutique! Did Leandro bought it for me?
Sa sobrang excited ko agad kong sinukat ang dress at voila! It perfectly fits! Parang glass shoes lang ni Cinderella.
Hindi ko maitago ang saya kaya matapos ko sukatin ang dress, hinanap ko agad si Lean. Nakita ko sya sa upper deck, dun kasi kami magkikita bago bumaba. Tumakbo ako ng makita sya saka niyakap. Nagulat sya at hinawakan akong mahigpit pagkasalo nya sa akin.
"Hey!" nakatawa nyang bati sa akin pagkahalik ko sa pisngi nya.
"Namiss agad kita." I said at natawa sya.
"Then lets go to Venetian."
Wala kaming sinayang na oras. Palubog na ang araw ng marating namin ang Venetian. As we expected, napakadaming turista along Venetian Macao Hotel and Cotai Arena. Then may mga nakasalubong pa kaming kasamahan namin sa cruise.
"I want to ride the boat!" sigaw ko ng makita ang mga boat na umiikot sa buong Venetian.
"Sige let's try out those Gondola." sagot ni Lean saka ako hinatak papasok sa loob ng indoor canal. Madaming tao sa paligid, mga namimili, namamasyal at karamihan ay naka check in sa Venetian Macao Resort and Hotel. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng mga gusali around the canal. Para ba akong nasa Italy. Sabayan pa ng pagkanta ng mga Gondoliere na syang nagsasagwan sa mga Gondola.
Umikot ang mga mata ko. Para bang nasa isa akong lugar na sandaling magpapalimot sa akin sa mga tunay na nangyayari sa realidad. May casino para sa mga mayayaman tao na gusto lang mag enjoy, kumita at sandaling tumakas sa trabaho. May resort at hotel na para sa mga pamilya na gustong magpakasaya at ang inner canal para sa mga magkakapareha na gustong maramdaman ang sinasabing romance na sanhi ng pagsakay sa Gondola.. Lahat ng tao around Venetian may kanya kanyang dahilan kung bakit narito. At ako, isa lang ang rason ko, be with Leandro.
"Reena!" Narinig ko si Lean at hinila ako. Nagulat nalang ako at nakatayo na ako sa isa sa mga Gondola. Nakapagpa reserve na agad sya ng masasakyan namin. Pinaupo nya ako. Then tinabihan nya ako, habang nasa harap namin ang isang Gondoliere na kumakanta ng Italyano.
It is romantic. Totoo nga ang mga sinasabi ng ma kaibigan ko. This place is full of romance. At pakiramdam ko humihinto ang oras sa twing lilingunin ko si Leandro.
"Did you like it?" Wika nya habang sabay kaming nakikinig sa pagkanta ng Gondoliere.
"Of course.. So I'm with you." ngumiti sya at hinagkan ako sa labi ko. Nagulat ako. Shocks! I just remember were on public at talagang okay lang na maghalikan kami dito? Migosh! This is so out of the plan!
Hindi ako makawala sa mga labi nya. Oo at nahihiya ako pero hindi ko talaga sya matanggihan. Tumigil lang sya ng ng hindi na ako makahinga.
"Are you okay?" nakatawa nyang tanong. He sound teasingly. Kinurot ko sya sa pisngi.
"Of course I'm okay!" pasigaw kong sagot. Binaba kami ng Gondoliere sa other side ng Inner Canal. Inalalayan ako ni Lean na maka akyat. Then nagpasalamat kami sa may ari ng boat.
Tumingin ako sa wrist watch ko and its almost 9PM. May exhibit si Lean ng 10PM and I can't afford na malate sya sa sarili nyang event.
Saka isa pa, matagal din ako mag ayos. Ayokong ma rush ako sa pagpapaganda ko lalo at mag papaimpress ako kay Lean. Tama..
Gusto ko, ako lang ang maganda at makikita nyang maganda sa paningin nya sa gabing ito.
---
A/N:
Thank for supporting and hope you keep on reading :) Expect some error guys ha!Reminder: This chapter is contained some depictions of sexual contact that may not suitable for young audience. Tumunog ang phone ni Leandro. Abala sya sa pagbibihis at pag aayos ng mga gamit nya para sa exhibit. Hindi nya napansin ang paulit ulit na pagriring ng phone nya."Lean! Let's go!" sigaw sa kanya ng kasamahan na dumaan para sunduin sya. Nagmadali syang hatakin ang bag nya at tuluyan naiwan ang phone nito. Hindi nya na nasagot pa ang tawag. ---Reena's POVAfter ko maligo, naupo ako para patuyuin ang buhok ko then I started to put light make up. Hindi na ako makapaghintay na masuot ang dress ko, her vibrant color makes her elegant.. Then there's the sexy slit from the upper thighs down to knee. Mas lalo pa syang naging seductive because of the plunging neckline. Its simple yet se
Nagising ako sa ugong ng barko. Dumaong na pala ito sa huling destinasyon at yun ang China. Idinilat ko ang mga mata ko."Lean?" tawag ko sa kanya. Pero walang sumasagot. Bumangon ako. Tanging ang suot ko lang ay ang long sleeve na suot pa ni Lean sa event last night. Bumaba ako ng kama."Leandro?" tawag kong muli sa kanya. Pero walang sumasagot. Nakita ko pa ang DSLR nya sa ibabaw ng couch pati ang ilan gamit nya. Lumakad pa ako pero walang talagang Leandro. Kinabahan na ako kaya't agad na akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng flippers bago tumakbo palabas ng kwarto. Agad kong hinanap ang kwarto nya sa C-Deck."Goodmorning Star Cruise! We've finally arrive in the country of China.Please everyone who will leave the ship please proceed to the upper deck for orientation and tour destinations." narinig ko sa buong hallway. Ang kapitan ang nagsasalita. Hindi ko na masyadong pinakinggan pa
Hinatid ako pauwi ni Jaica. Pero wala ako sa sarili ko. Iniisip ko ang mga sintomas sa katawan ko. Imposible naman na mabubuntis ako. We had only two nights making love. Wala sina Mama at Papa kaya naisipan kong dumaan sa drugstore para bumili ng PT."Reena!" nagulat ako sa tumawag sa akin. Agad kong binulsa ang binili ko."Nakauwi kana pala?" bati ng kababata ko na si Jaypee. Kapitbahay namin sya at isa sya sa dumalo sa kasal."Oo, nung nakaraan pa. Bakit nga pala hindi kita nakikita?" tanong ko."Sa Cebu ako nadestino kaya madalang na ako umuwi dyan. Mukhang okay kana? You seem happy." nagulat ako sa sinabi nya. Masaya? Kung alam lang nila."I guess." ngumiti ako. Tinapos ko na ang maikling kamustahan namin. Agad na akong bumalik sa amin. Pagkauwi ko, nagkulong ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang maliit na kahon na may laman directions paano gamitin ang PT.
Years later.."Happy Birthday To You!! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday To You!!" nagpalakpakan kami matapos kumanta ng happy birthday ang mga bata."Blow your candle Lenard!" masaya kong yaya sa anak ko para magblow na ng cake nya. Nagsilapitan ang mga bata na may kanya kanyang party hat sa ulo, then ang iba may dala dalang give aways na napalunan nila sa laro kanina.Excited na inihipan ni Lenard ang 2 layer cake nya. Pero bago yun nag wish muna sya."Ang wish ko, sana po dumating na si Daddy!" nagulat kami ni Jaica sa sinabi ng anak ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Matapos nyang magwish agad nyang inihipan ang cake at niyakap ako. Bumalik sya sa mga bisita nya para maglaro pa."Hindi mo pa din sinasabi?" asked Jaica sa akin. Umiling ako. Sa lumipas na limang taon, wala na akong balita kay Lea
"Kinakabahan ka nu?" asked Jaica matapos ng meeting. Nasa isang fastfood kami at kumakain."Kinabahan sa meeting? Hindi ah." natawa kong sagot."Gaga, bukas. Kinakabahan kang harapin si Leandro nu?" huminto ako sa pagkain."Halata ba?" Natawa si Jaica at sumimangot ako."Oo. Sasamahan naman kita. Ano bang kinakatakot mo?""What if may pamilya na sya? Kaya hindi nya na ako binalikan?""Sa tingin mo ba meron?" sandali akong napaisip sa tanong nya. Kung meron, paano na? Wala na ba talagang pag asa na maging masaya kami ng anak ko?"Bahala na bukas.. Kung ano man ang sasabihin nya tatanggapin ko.." ngumiti si Jaica."Tama yan. Relax ka lang. Okay.." hindi ko alam kung mananatili akong maging kalma. Kahit ba na matagal kong pinagdasal ang pagkikita namin. Heto, kung kailan ilan oras nalang ang hihintayin ko, para naman bini
Para akong binaril kanina sa narinig ko. Hagulgol ang ginawa ko habang yakap ako ni Jaica. Nakababa na kami at nasa lobby lang. Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig. Totoo ba talaga? Wala na si Leandro?"Besh.. Stay strong.. Kung totoo man wala na si Leandro at least alam mo na kung bakit nawala sya ng ganun katagal.." pagpapakalma sa akin ng kaibigan ko."Ayoko maniwala Jaica.. Buhay pa si Lean.." tumulo ang luha ko."Reena.." I felt Jaica rubbing my back habang wala akong tigil sa pag iyak. Hindi ko matatanggap na ganun nalang yun. Na wala na sya kung kailan natagpuan ko na sya.. Paano ko ito ipapaliwanag sa anak ko?Sinubukan akong alalayan ni Jaica hanggang makauwi. Wala ako sa sarili ko. Tulala, umiiyak at hindi makapagsalita. Hindi ko alam paano ko haharapin ang anak ko..Pagkauwi namin sa bahay.. Wala pa si Lenard kaya makakapagkulong ako sa kwarto. Pinau
Hapon na ako nakauwi galing sa puntod ni Leandro. Hinatid ako ni Anna pabalik sa bahay.. Nakapagkwentuhan pa kami sandali habang nasa loob kami ng kotse."Mama!!" Nagulat ako sa sumalubong sa amin sa gate. Nakauwi na ang anak ko."Is that my nephew?" Gulat na sinabi ni Anna. Ngumiti ako at pinayagan ko syang yakapin ang bata. Nagulat si Lenard."Mama? Who is she?" tanong ng bata paghagkan sa kanya ng Tita Anna nya."That's your Tita Anna.." halatang nagtaka pa ang bata sa sinabi ko."She's your father's cousin." nang marinig ni Lenard na tungkol sa ama nya, nagalak sya at muling niyakap si Anna."Wow! So pinsan po kayo ni Papa! I'm so happy po! To finally meet you po!" Natatawa si Anna habang nagsasalita ang pamangkin. Hindi ko maiwasan malungkot pag nakikita ko ang anak ko na ganun. Desidido na akong sabihin ang totoo.. Ayoko na syang paasahin pa.
"ANNA! ANNA! Where are you!!" Nagulat kaming mag ina sa pagpasok ni Liam sa opisina ni Anna. Sandali nya kaming iniwan para dalhan kami ng makakain. Natulala ako ng pumasok sya. Galit na galit sya."Papa!" tumayo ang anak ko saka sinalubong si Liam at niyakap ito."Lenard!" tawag ko sa anak ko para pigilan pero naiinis ako dahil nakikita ko syang masaya sa pagdating ni Liam."Stop it! You're not my son!" sigaw nya saka pilit hinatak ang anak ko palayo sa kanya. Halos magsalubong ang kilay ko sa nakita. He just grabbed my son. Bahagyang nasaktan ang bata sa paghila at paghawak nya dito."Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" sigaw ko sabay hawak sa kamay nya."You again! How dare you to touch me!!" hinatak nya ang kamay nya dahilan para mawala ako sa balanse at mapaupo. Sa laki nyang tao, madali lang para sa kanya ang hatakin at pabagsakin ako."Wala kang
7 years ago,"Jio! Sino ba tinitignan mo dyan?!" tawag ng isang binata kay Jio na nakatanaw sa kabilang classroom. Nanatili sya sa kinatatayuan nya habang pinagmamasdan ang bawat estudyante na lumalabas sa katapat nitong classroom. "Hoy! Halika na kaya!" tawag muli ng kasamahan nya at pilit sya nitong hinatak. Graduating student si Jio o mas kilala syang Jiovann Estrada sa university kung saan sya kumukuha ng Law. Wala syang gaanung kaibigan, maliban sa kasamahan nyang si Hector na kaklase nya. Pero kilala sya ng bawat estudyante, siguro dahil sa itsura nya , angking talento at madalas syang makakuha ng atensyon. Pero para sa kanya isang tao lang ang nakakuha ng atensyon nya, at yun ay ang babae sa College of Business and Accounting na palagi nyang sinusubaybayan.
"Here's the report na hinihingi mo." nagulat ako ng ilapag ni Jaica ang folder sa table ko. Nasa laptop ang atensyon ko."Salamat." kinuha ko yun at binuksan."So, anong balita sa inyo ni Mr. Imperial?" tanong ni Jaica pagkaupo nya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko."Balita? Wala." pagkakaila ko. Ayoko mag open up sa bestfriend ko, for sure aasarin lang ako nito."Magsabi kana. Kita mo yan mukha mo, yan na ang nagsasabi na inlove kana!" Nagblushed ako."No. I'm not." she laughed."You are. So ano na status? For real na ba?" natawa ako sa sinabi nya. Nagsisimula palang kami, for real na agad."He said he'll court me.""Really! Paano? I mean? Who knows how Mr. Imperial gonna court you?" Hinawakan ko ang pisngi ko. Oo nga, paano ba sya manligaw? Sabi nya he never been to a commitment so paano sya manliligaw?
MR. IMPERIAL!! MRS. IMPERIAL!!Dumilat ako sa narinig. I heard someone shouting. Nakaidlip ako habang buhat ako ni Liam at hindi pa din sya tumitigil sa paglalakad."Don't you wanna rest muna Liam? Kanina mo pa ako buhat." nag aalala kong tanong sa kanya. Hindi pa sya nagpapahinga mula kanina, at alam ko masakit ang katawan nya dahil sa pagbagsak namin. Ayaw lang nyang ipahalata."I'm fine. We need to move forward. Someone is looking for us." so hindi lang ako ang nakarinig ng tinig na yun."HELP!!" he shouted. Naiinis ako dahil wala along magawa para tulungan sya at ngayon pasanin pa ako.Nagpatuloy sya sa paglalakad. Dumidilim na muli at takipsilim na. Mas lalo kaming mahihirapan kung aabutan kami ng dilim."I hope Odille called Jio." nagtaka ako sa sinabi nya."Why Jio?""Jio can figure out where to find us. He's not just y
Nagising ako dahil sa dumapong tuyong dahon sa mukha ko. Dumilat ako ng bahagya. Medyo masakit ang likod ko at mga braso ko pero kakayanin kong makatayo.Nakita ko si Liam, tinapik ko ang pisngi nya. Nagising sya."Hey." he whispered at maluha luha ako sa nangyari sa amin."Why did you jumped?""You're clumsy.." Nagulat ako. Bumangon kaming dalawa. Napansin ko ang ilan gasgas sa braso nya at binti."Okay ka lang ba! Walang masakit sayo?" umiwas sya ng aakma ko syang hawakan."We need to walk forward. Kailangan makahanap tayo ng masisilungan, and we need water. Wala tayong kahit anong dala." naiinis sya the way he talked. Dahil sa pagkadulas ko, lalong lumala ang problema namin. Ngayon wala kaming kahit isang dala. Naiintindihan ko naman sya pero di lahat ng ito dapat idaan sa init ng ulo.Pinilit kong makalakad. Sinusundan ko sya habang sinus
Nasa tabi kami ng bonfire ni Odille habang kasama ni Lenard ang mga kaklase nya. Habang si Liam nasa ilalim ng isang puno at may kausap sa phone nya. He needs to monitor the office kahit nasaan man sya. Kaya kahit nasa camp kami kailangan magreport sa kanya ng secretary nya."Alam mo ba yan si Liam? He never been to relationships. Since highschool." nagulat ako sa sinabi ni Odille."Bakit daw? Hindi ba sya nainloved? Nagkacrush?""He had a crush but only crush. He never fell for it. Matigas yan. Gusto nya sya ang hinahabol." Natawa ako. Hindi na ako magtataka sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya."Pero hindi talaga yun ang dahilan nya.." bigla akong nacurious sa sinabi nya."What do you mean?""He's scared of losing someone that's why he choose to never fall inloved. Natatakot sya sa commitment, because he's scared to be a failure. Natatakot syang main
Natapos ang second part ng tug war at team ng Grade 4 ang nanalo. Afterwards, binigyan kami ng 30 minutes break bago magsimula ang sunod na laro which is the hunger games. Mga babae ang required na sumali kaya napilitan na akong lumahok. Nasa audience seat naman ang mag ama na nagpapahinga, habang ako naman ang sasabak at susubukin manalo sa sunod na activity. Kahit na di ako sure kung kakayanin ko ba. "Our next game will be Hunger Games, so mga Misis kayo muna ang maglalaro dahil tapos na po ang games nila Daddy." biro ng host at nagtawanan ang mga tatay na nakaupo at nagpapahinga. "So this is the mechanics, may 2 stages ang game na ito, at dahil ang name ng laro is "Hunger" so this is related to food. Nakikita nyo po ba ang isang malaking inflatable pool sa harapan nyo?" She asked at saka hinatak sa harap namin ang isang ma
Binitiwan ni Chris ang kamay ko ng makita nya si Liam. Sabay lumapit ito sa akin at dahan dahan kinuha ang pitchel sa akin para lagyan ang basong hawak nya."Hi po Mr. Imperial, dadalawin lang namin si Lenard." biglang pasok ni Jaica para mabasag ang awkwardness."Ah okay, welcome here." he just said bago lumabas ng kusina. Nakahinga ako ng malalim. Akala ko kagagalitan nya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Pero yun mga tingin nya kanina parang papatayin nya si Chris.Niyaya ko ang dalawa na kumain nalang sa kwarto ko. Tinawag ko din ang bata para makita ang ninong at ninang nya. ---Gabi na din nakauwi ang dalawa. Habang ako, sinimulan ayusin ang mga dadalhin ng anak ko bukas.Tok! Tok!Nagulat ako sa kumatok sa pintuan ko, nakabukas kasi yun. At akala ko si Manang Caring o Jio ang kumatok. Nakita ko si Liam.
Nakatulog ako sa kwarto ko hanggang dumating ang kinabukasan. Hindi na pala ako nagising para kumain at magbihis, kung anong suot ko kahapon sya pa din suot ko ngayon. Nang tumunog ang alarm sa phone ko saka lang ako naalimpungatan para magising. Biglang bangon ko nang marealize ko na umaga na."Grabe, napahimbing tulog ko." I said habang kinukoskos ko ng mga kamay ko ang mga mata kong hirap pa sa pagmulat. Bumangon ako at sandaling nagbihis bago lumabas. Aasikasuhin ko pa si Lenard. Bago ako pumasok.Lumabas ako ng kwarto na nakasuot lang malaking tshirt at maikling shorts. Dadaan muna ako ng kusina para maghilamos."MAMA!" nagulat ako sa bata sa sigaw nya sabay tumakbo papunta sa akin. Bigla syang yumakap sa bewang ko."Goodmorning Anak! Nagbreakfast kana?" tanong ko sa kanya sabay hinalikan sya sa pisngi."Opo. Si Lola Caring nagluto. Kumain na kami ni Papa." nagulat
Hindi kami nagpapansinan hanggang sa makauwi. Tahimik akong bumaba ng kotse nya at nauna ng pumasok. Ayoko sya tignan. Naiinis ako sa kanya. Hinanap ko kaagad si Lenard sa kwarto nya at nakita ko ang bata na naglalaro."Mama!" masaya nyang bati ng makita palang ako sa pintuan. Iniwan nya ang nilalaro nga at agad akong niyakap."Namiss ka ni Mama! How's Lolo at Lola?" tanong ko."Okay po sila. Namimiss kana din daw po nila." ngumiti ako. Naupo ako sa kama ng bata at sandaling humiga. Bumalik si Lenard sa nilalaro nya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Naalala ko yun sagutan namin ni Liam kanina. May mali ba akong sinabi? Naging insensitive na ba ako masyado at napasobra ang sinabi ko sa kanya? Umiling ako. Bakit ko ba naiisip pa yun? Sya ang may mali at hindi ako."Si Papa po?" nagulat ako sa tanong ng bata. Bumangon ako."Baka nasa kwarto nya." sagot ko nalang. Ayoko makit